Moving Closer 20
*St. Peregrine College (Engineering building)
Tiningala ko muna ang arko na may nakasulat na 'Welcome to Engineering' bago ako dire-diretsong pumasok ng gate nito.
"Good Morning, Ma'am," nakangiting bati sa akin ng dalawang guwardya.
"Bago ka lang dito sa St. Peregrine College? Mukang naliligaw ka 'ata, Ma'am. Pinakaunang building ang Tourism."
Gusto ko sanang sabihin na marunong akong magbasa at alam ko na doon ang building namin dahil doon ako nanggaling bago ako mapunta dito pero mas pinili ko na lang hindi kumibo at tignan sila ng blangko ang ekspresyon.
"Joke lang, Ma'am ganda. Sige pasok na kayo. Mag-iingat kayo sa mga pilyong estudyante dyan."
"Salamat po," tipid kong sambit dito.
Nagdire-diretso na ako sa paghakbang papasok ng engineering building. Mas malawak ito kesa sa building namin na may lima lang na palapag.
Dito sa Engineering department ay mayroong doseng palapag para sa civil, mechanical, software, electrical, chemical and aerospace engineering.
At ayon sa aking nakalap na impormasyon, mabibilang lang sa daliri sa kamay at paa ang mga babae dito. Sa madaling salita ay puros lalaki ang estudyante dito kaya tinatawag itong 'building ng mga adonis' or hindi naman kaya 'building ng mga guwapo'.
"Woah!" Nandudumilat na bulalas ng lalaking muntikan na akong makabangga dahil sa bigla niyang pagsulpot. Kalalabas lang niya ng CR. "W-woah! Nandito ang school beauty," dinig kong sambit pa nito, agad din itong pumihit patalikod sa akin at nagtatakbo habang sumisigaw ng, "Nandito ang school beauty! Nandito ang school beauty!"
Seryoso ba talaga siya mula first floor hanggang sa 12th floor ng engineering department ia-announce niya iyon?
Dahil sa ginawa nitong pagsigaw ay nagsilabasan at nagsilipan sa kani-kanilang kinaroroonan ang mga future engineer.
Napailing na lang ako at nagpatuloy na sa paglalakad. Hindi ko na lang pinansin ang mga tingin na mapanuri, humahanga, naiinggit at nagtatanong kung ano ang ginagawa ko sa building nila. Kung sino ang pupuntahan ko rito? At kung saan ako pupunta?
Gusto ko sanang puntahan si Indigo sa room niya para magpasama sa faculty lounge para naman mapadali ang paghahanap ko sa pakay ko rito sa building nila. Pero huwag na lang at baka magkaroon pa ng issue. Gumulo pa ang college life ko kahit na medyo magulo na dahil sa 'school beauty' kuno na iyan.
Madaming mas maganda kesa sa akin dito sa buong St. Peregrine College kaya hindi ko matatanggap ang tawag nila sa aking 'school beauty'.
Medyo nakahinga na ako nang maluwag nang marating ko ang hagdan paakyat ng second floor. Wala ng mga mapanuring tingin at wala na ring tao dito.
"Bakit siya nandito?" dinig kong tanong ng isang pamilyar na boses na nagmula sa likuran ko.
Sa sobra kong gulat dito ay pumihit agad ako patalikod para tignan siya. Muntikan na akong ma-out- balance, buti na lang ay nahawakan agad nito ang magkabila kong balikat at ang cellphone nito ang nagdire-diretso na nahulog ng hagdan.
Nandudumilat kong inilipat ang aking tingin sa ka-face to face kong lalaki. Nakasuot ito ng black facemask kaya tanging mga brown na mata lang niyang nakatingin sa akin ang nakita ko. Halata din ang gulat sa mga mata nito pero unti-unti itong naningkit na para bang--- katulad ng mata ni Moises 'pag tumatawa siya.
"M-m-moi--"
"Hey, Sixto! Sopas!" Bigla ako nitong inayos ng tayo sa kinatatayuan kong baitang at nagtatakbo na ito paakyat. "Aba anong scene-" Hindi na nito pinatapos ang sasabihin ng lalaking dumating at binitbit na niya ito paakyat.
Napatingin ako sa cellphone nitong tumutunog. Maingat akong bumaba ng hagdan at pinulot ang cellphone nito.
Number lang ang tumatawag dito pero sinagot ko pa rin para ipagbigay alam dito na nasa akin ang cellphone ng may-ari.
"Sixto, nasaan ka na ba? Ikaw na ang susunod na magpe-perform. Bilisan mo nandito na kami sa auditorium."
"Hel--"
Pinatay na nito ang tawag. So, ganoon na nga ang mangyayari. Imbis na hanapin ko ang faculty lounge, pupunta pa ako ngayon sa auditorium nitong engineering building para isoli ang cellphone nitong si Sixto? Sixto nga siguro pangalan at iyon ang tinawag sa kaniya.
Kung hindi lang niya ako niligtas, hindi ko isosoli cellphone niya. Hahayaan ko na lang ito sa ibaba at siya na ang bahalang pumulot or kung may makakapulot man. E'di sila na magsoli.
----
Napaupo na lang ako sa bakanteng bench sa sobrang panlulumo nang makita ko ang mga nagsilabasan sa elevator na mga babaeng mukang fan girl from different departments dahil sa mga dala nitong balloons at tarpaulin.
May elevator naman pala papuntang 12th floor nagkandahirap pa akong umakyat ng hagdan. Tsk!
"Uy, Trisha!" Kumakaway na bati sa akin ni Michie, siya ang kahuli-hulihang lumabas ng elevator. Mapait ko itong nginitian dahil masakit ang mga paa ko, nagpaltos pa 'ata. "Akala ko fake news lang yung sinasabi ng walking announcer. Totoo pala talaga na nandito ka. Ano-- I mean sino ang hanap mo?"
"Professor Theresa Arnaiz, nandiyan ba siya?"
"Ay, naku, wala si Prof Arnaiz, naka-leave sya ng one month. Bakit? Ano kailangan mo sa kaniya? Para masabi ko agad sa kaniya in case na magkasalubong kami."
"Hindi na. Thank you na lang."
"Ayy, confidential din parang yung mga nagpunta ditong gwapo."
"May naghahanap din sa kaniya?"
"Oo, actually, meron din kaninang naghahanap kay Prof Arnaiz, 2 or 3 minutes lang siguro ang pagitan niyo. At katulad mo, hindi rin niya sinabi ang pakay niya. Na-curious tuloy ako, may utang bang milyones sa inyo si Prof Arnaiz?"
"Wala, pero puwede ba, Michie. I-secret lang natin na hinahanap ko si Prof Arnaiz? Ayoko lang ng issue."
"Yes naman. Ayoko maputulan ng dila--" Natakpan nito ang bibig niya at saka humagikgik at bigla na lang nanlaki ang mga mata nito nang makita niya ang hawak kong cellphone na biglang umilaw. "Oops!" Bigla nitong hinablot ang hawak kong cellphone. "Bakit na sa iyo cellphone ni Sixto? Ako na lang magsosoli sa kaniya, ha. Sige na, bumalik ka na sa building niyo. Gusto mo, ihatid pa kita?
"No, thanks, magpapahinga lang muna ako, saka ako babalik sa building namin." Hinilot-hilot ko ang binti at paa ko. "May ano pala diyan sa auditorium niyo?"
"Theater play tapos special performance pero huwag ka na manood, ha, baka kasi may klase na kayo."
"Pinapaalis mo ba ako?" seryoso kong tanong dito.
"Ay, naku, hindi, Trisha. Hindi sa ganoon. Ayoko lang maialay sa kulto 'pag nakita ka niya este ano. Ayokong-"
"Okay, wala ka nang dapat ipaliwanag. Nagbibiro lang ako," sapaw ko sa sinasabi niya. "Hindi rin naman ako magtatagal dito sa building niyo. Pagkapahinga ko aalis din ako."
"Sige, sasabihan na lang kita 'pag nandito na si Professor Arnaiz. Icha-chat na lang kita. Friend naman na tayo sa Facebook, eh."
"Okay."
"Umalis ka na pagkapahinga mo, ha. Ayoko talaga maialay sa kulto, eh. Pasensya ka na. Sige, una na ako sa iyo."
Tinanguan ko na lang siya at hinatid ng tanaw hanggang sa makapasok siya ng auditorium.
Ang weird talaga niya pero cute siya.
-----
Moving Closer 20
(June 12, 2024)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro