Moving Closer 19
Nasa loob na naman ako ng panaginip ng ibang tao.
Napabuntong-hininga na lang ako at tahimik na nagmasid sa buong paligid, ako lang ang tao dito sa kinaroroonan kong classroom. Pero may naririnig akong ingay mula sa labas.
Tumayo ako sa kinauupuan ko't humakbang patungo sa tabing bintana. Nakita ko ang isang pamilyar na mukha, kung hindi ako nagkakamali ay si Ate Tia yung babaeng kinakaladkad ng isang madre patungo sa gitna ng field.
Halos sumubsob na sa damuhan si Ate Tia nang patulak siyang bitawan ng Madre. Gusto siyang tulungan ng mga babaeng sa tingin ko ay kaklase nya't kaibigan pero hindi nila magawa dahil mukang takot sila sa malupit na madre. Lalo na ng ilabas nito ang latigo niya at inambahan na lalatiguhin ang mga mangangailam.
"Sister, tama na po. Wala pong kasalanan si Tia," pagmamakaawa ng isang babae.
"Walang kasalanan? May pruweba ba kayo na wala talaga siyang kasalanan? Hindi ba't wala naman?" Galit nitong hinagupit ng latigo si Ate Tia nang paulit-ulit. "Ito ang dapat ginagawa sa mga taong pakialamera."
"Ate Tia!" Napahiyaw na lang din ako at napaiyak tulad ng mga babaeng nasa isang gilid pero yung mismong nasasaktan na si Ate Tia ay balewala lang sa kaniya ang ginagawa nitong paghagupit. Mukang hindi ito nasasaktan sa ginagawa nya at nakapako lang ang mga galit niyang mata sa isang babaeng nag-iisang nakatayo sa tapat ng isang angel fountain. Agad akong nandumilat nang makilala ko ito. "L-lucila..."
Pagkabigkas ko no'n sa pangalan niya ay bigla itong lumingon sa kinaroroonan ko na siyang ikinaatras ko sa sobrang gulat.
Napadilat ako at bumangon kaagad para pakalmahin ang sarili at ang bilis ng tibok ng puso ko. Kahit nanginginig ang aking mga kamay, sinikap kong kuhanin ang cellphone ko't ivinideo call kaagad si Julian.
"Hello, Trisha," sambit agad nito nang sagutin niya ang tawag ko.
"M-magkasama ba kayo ni Ate Tia?"
"Oo, natutulog na siya. Bakit?"
"Puwede bang pakipuntahan mo siya? Puntahan mo siya. Please. P-paki-check."
"Ayos ka lang ba, Trisha?"
Tumango-tango ako. "O-o, please, paki-check si Ate Tia."
"Okay. Okay. Heto na.."
Nagmamadali itong lumabas ng kuwarto niya at nagtungo sa isang puting pinto na katabi lang mismo ng kuwarto niya. Kumatok-katok siya dito pero nang walang response ay binuksan niya na lang ito.
Bumungad sa amin si Ate Tia na mukang kagigising lang.
"Ate Tia, ayos ka lang ba?" tanong ko agad dito.
"Oo naman. Bakit? Anong problema niyong dalawa?" natatawang tanong ni Ate Tia sa amin ni Julian.
"Napaginipan kita, Ate Tia." Natigil ito sa pagtawa dahil sa sinabi ko. "Nandoon ako sa panaginip mo nung sinasaktan ka ng madre. Nakita ko kung paano ka niya latiguhin. Nakita ko doon--- si Lucila."
Agad namang inangat ni Julian ang manggas ng pantulog nito at tumambad sa aming paningin ang mga latay nito. Hindi lang sa braso, sa iba ring parte ng katawan niya.
"Ate Tia..." nag-aalalang sambit ni Julian habang chine-check kung saan pa siya may latay.
"Ayos lang ako, Julian." Awat nito sa kaniya. "Wala akong nararamdaman na sakit. Mawawala din ang mga latay na iyan mamaya sa pagligo ko," mahinahong anito kay Julian. Binaling nito sa akin ang tingin niya. "Trisha, nakita ka ba ni Lucila?"
"H-hindi ako sigurado kung nakita niya ako pero tumingin siya sa kinaroroonan ko. B-bakit ka niya hinayaang masaktan? Bakit, Ate Tia?"
Napabuntong-hininga ito. "May hindi ako sinasadyang nalaman tungkol sa tunay niyang pagkatao kaya niya ako inatake sa panaginip. Nalaman ko na---"
Bigla na lang nag-loading ang video call at siya ring biglang bangon ng katabi kong nahihimbing na si Jodie. Dumilat ito at dahan-dahan na ibinaling ang ulo sa akin.
"Akala ko tunay kitang kaibigan, Trisha," malungkot na sambit nito. Alam kong siya si Lucila. Ginagamit niya lang ang katawan ni Jodie. "Akala ko iba ka sa kanila."
"Lucila, kung ano man ang ipinakita ko sa'yo, totoo iyon. Sobra akong natutuwa at nakilala kita. I mean it, Lucila."
Unti-unting tumulo ang mga luha nito. "I hate you, Trisha. Alam mo bang gusto kitang saktan ngayon pero hindi ko kayang gawin."
"Marunong naman ako makinig, Lucila. Marunong din naman akong umintindi. Pero bakit kailangan mo pang magsinungaling? Ganoon ba kaliit ang tingin mo sa akin? Paano kita huhusgahan kung hindi ko alam ang tunay na kuwento mo? Paano ako magtitiwala sa'yo kung ikaw mismo-- walang tiwala sa akin-- sa amin."
"Trisha..."
"Tapos ngayon, sinaktan mo pa si Ate Tia. Bakit, Lucila? Ano ba ang sikreto mo na nalaman niya para hayaan mo siyang masaktan ng ganoon? Lucila, mas matagal mo silang naging kaibigan kesa sa akin."
"Hindi kaibigan ang turing nila sa akin. Kinaibigan lang nila ako para pag-aralan ang kilos ko at gumanti sa akin. Wala silang alam, wala silang alam sa tunay na nangyari kina Trinity at Phoebe. Wala akong alam sa ginawa ni Daddy-- ang gusto ko lang naman magkaroon ng mga kaibigan at mamuhay ng normal tulad niyo. Gusto ko lang din maging masaya."
"Ginawa ng Daddy mo? S-sino?"
"Si Epiales, ama ko si Epiales." Halos mahulog ang panga ko sa ipinagtapat nito. "Kung kaya ko lang ibalik ang nakaraan, dadalhin ko kayo doon para ipakita sa inyo ang tunay na nangyari kina Phoebe at Trinity. Pero habang sinusubukan ko makipaglapit sa inyo para mapatunayan na wala akong kasalanan. Mas napapahamak kayo. Nang dahil sa katigasan ng ulo ko, natunton ka ni Daddy. Dapat noon pa lang, lumayo na ako at hinayaan na lang ang nangyari sa nakaraan."
"Lucila-- handa akong makinig..."
"Ayoko na, Trisha, gusto ko na lang magpahinga. Nakakasawa na ang kalungkutan. Nakakapagod na maging malungkot."
"Huwag ka magsalita ng ganyan, Lucila. Kung gusto mo talaga makabawi sa amin, ipagtapat mo lahat." Karapatan ni Elise malaman ang tunay na nangyari sa mga nakakatandang kapatid niya.
"Kung gagawin ko iyan, maniniwala pa kaya sila sa akin? Ikaw, Trisha, maniniwala ka pa ba sa akin?"
"Oo," sagot ko agad dito kahit na hindi ako sigurado sa sagot ko.
"Hanapin niyo mommy ko. Professor Theresa Arnaiz, banggitin niyo lang na kaibigan ko kayo pero huwag niyo sasabihin kung nasaan ako. Matatagpuan niyo siya sa St. Peregrine College."
----
Moving Closer 19
(June 12, 2024)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro