Moving Closer 18
"Iyon lang ba talaga ang alam mo tungkol sa kaniya?" nakapalumbaba kong tanong kay Julian-- ka-video call ko ulit sya. Nabitin kasi ako sa usapan namin kagabi at tinulugan niya ako.
"Oo, eh, iyon lang talaga ang alam ko. Pasensya na." Kumakamot-kamot pa ito sa ulo niya habang sinisilip-silip ang background ko. "Nasaan ka, Trisha? Bakit parang ang daming tao? May event ba?"
Nilingon ko naman agad ang tinutukoy niyang mga babae sa hindi kalayuan. Isa na roon ang pinsan kong si Jodie na matyagang nakapila sa counter dahil katapat ng pila nila ang mga heartthrob ng St. Peregrine College. Sigurado akong naroon din si Indigo.
Binalik ko na ulit ang aking tingin sa ka-videocall kong si Julian. "Nasa school cafeteria ako."
"Ah. Akala ko may event, akala ko may mga artista kayong bisita kung magkagulo mga nasa likod mo."
"Ganiyan talaga sila 'pag nakakakita ng mga guwapo kuno."
Natawa lang si Julian. At biglang nawala ang cellphone ko mula sa kinasasandalan nitong triangular tissue holder dahil nasunggo ng kung sino ang table na kinaroroonan ko.
Agad namang pinulot ng isang lalaking may sukbit na gitara ang cellphone ko. Napansin ko agad na hindi ito naka-uniform, mukang dayo lang ito sa school namin.
Ibinalik nito sa tamang puwesto ang triangular tissue holder pati na rin sa pagkakasandal dito sa cellphone ko. Wala naman iyong gasgas, buo pa naman, namatay lang ang video call.
"I'm sorry," hingi nito ng paumanhin, at umalis na.
Hindi ko alam kung bakit ako kinilabutan nang marinig ko ang napakapamilyar na boses nito.
Namimilog ang mga mata kong nag-angat ng tingin pero hindi ko na sya nakita dahil natabunan na siya ng mga tao.
"Ikaw ba iyan, Moises?" wala sa sariling aniko habang pilit kong hinahagilap ng tingin ang lalaking may sukbit na gitara pero mas lalong kumapal ang tao sa bandang counter nitong cafeteria. Ipinilig ko ang ulo ko para iwaksi ang nasa isip ko. "Kahapon ka pa puro Moises, Trisha, tsk!" sermon ko pa sa sarili ko. Umayos na ako ng upo.
"Hi, Trisha!" anang babaeng nakasalamin na basta-basta na lang umupo sa bakanteng upuan na nasa harapan ko, which is pwesto ni Jodie. Base sa ID lace niya from engineering department siya. "Mikaela San Jose pala but just call me Michie." Abot tenga ang ngiti nitong pakilala sa akin, inabot nito ang kanang kamay niya.
"O-okay." Tinanggap ko sandali ang pakikipagkamay nito. "Bakit mo pala ako kilala?" Hindi ko naman sya kaklase pero pamilyar sya, parang nakita ko na siya na kasama ni Indigo sa iisang picture. Baka kaklase siya ni Indigo?
"Sino ba namang hindi makakakilala kay Trisha Myliejoy Zamora the Top 1 school beauty of St. Peregrine College," humahagikgik pang sambit nito.
Napangiwi na lang ako dahil sa sinabi at sobrang lakas ng boses niya. Nahihiya akong tumingin sa kalapit naming mga table na puros lalaki ang nakapwesto na mukang mga kakilala niya. Nginitian at kinawayan ako ng mga ito nang sa gawi nila nabaling ang paningin ko.
"Hey, thank me later, treat nyo ko, ha! Nagawa ko ang gusto niyo. Napatingin ko sa inyo ang nonchalant na school beauty," proud na sambit ni Michie sa mga ito.
"Kahit isang taon pa, Michie, basta--" Iminuwestra na lang iyon ng lalaking kausap nito ang kasunod na sasabihin niya.
Nilingon ko ang kinaroroonan ni Jodie. Malayo-layo pa siya. Anong oras na kaya kami makakapag-meryenda sa sobrang tagal niya. Kung ako ang masusunod, mas mabuting umuwi na lang kami tutal wala naman ng klase kesa magsayang ng oras dito. Tsk! Bakit ba kasi nauso ang crush crush na iyan, eh!
Automatikong nalipat ang tingin ko sa kaakbay ni Indigo na lalaking may sukbit na gitara na nakasuot ng white cap, black facemask at naka-school uniform din ito. Akala ko siya yung nakahulog ng cellphone ko, magkamuka kasi sila ng sukbit na gitara.
Mukang close na close silang dalawa ni Indigo. Hindi kaya...boyfriend siya ng kaibigan ko? Tsk! Ang dumi ng utak mo, Trisha. Prince Indigo na nga siya, not Princess Indigo.
"Uy, Trisha." Mahinang sundot ni Michie sa kanang pisngi ko dahilan para sa kaniya ulit ako mapatingin. "May ibibigay pala ako sa'yo. Actually nung nakaraan ko pa ito gusto iabot sa'yo, kaso ang busy mo, eh, at saka lagi kang nagmamadali. Tapos, hindi pa kita matiyempuhan tuwing uwian niyo. Kaya kung ano man ang laman ng ibibigay ko sa'yo, hindi ko na kasalanan kung panis or bulok na, ha. Basta, ang mahalaga, nakita ng nagpapabigay sa'yo na inabot ko sa'yo ito mismo."
Mula sa bag niya ay inilabas nito ang isang puting box na sa tingin ko ay pabango ang laman. Ipinatong niya iyon sa lamesa at dahan-dahang inuusog patungo sa akin.
Nagtataka kong tinignan si Michie. "Kanino galing? Sino nagpapabigay?" At paanong mapapanis at mabubulok ang isang pabango? Kung pabango nga ito. Gusto ko pa sana itanong pero huwag na lang.
"Sabihin na lang nating--- isa sa naiinis sa sobrang nonchalant mo."
"Bakit naman niya ako bibigyan ng ganito kung naiinis siya sa akin?" kunot-noong tanong ko.
"Ewan ko sa kaniya. Magulo talaga kausap iyon, eh. Basta, ang sabi lang niya, ibigay ko sa'yo. Kung siya daw kasi ang magbibigay niyan mismo sa'yo. Baka isipin mo na type ka niya. Ayaw ka raw niyang umasa sa kaniya at baka masaktan ka lang."
"Wow, ha!" Kinuha ko ang box at dahan-dahan itong binuksan. Mas lalong kumunot ang noo ko nang makita ko ang laman nito. "Holy water? Ano naman gagawin ko dito?"
"Blessed holy water daw iyan. Lagi mo daw iyan dadalhin in case na may lumapit sa'yong masamang espiritu, wisikan mo lang niyan at siguradong flylalou siya."
"Sino nagpapabigay nito?" seryosong tanong ko kay Michie. Bakit ang dami niya 'atang alam tungkol sa akin. Bakit alam niya na kailangan ko ng ganitong pangontra laban kay Epiales?
"Hindi ko puwede sabihin, eh, kahit pa ipa-torture mo ako sa mga pulis ngayon. Hinding-hindi ko talaga sasabihin kung sino siya. Mas gugustuhin ko na ang ma-torture kesa maialay sa kulto. At saka nga pala, ang sabi pa pala niya kung kumusta na ba ang--" Tumayo ito sa kinauupuan niya at dumukwang sa akin. Hinawakan nito ang baba ko at sinilip niya ang leeg ko. "Mukang okay ka naman na. Mag-iingat ka lang daw lagi at maging alerto. At saka huwag masyadong magtitiwala sa mga good to be true na tao. You know baka nagpapanggap lang na tao at demon pala siya."
Bakit parang alam niya ang tungkol sa nangyaring pagsakal sa akin ni Epiales kahapon? At bakit parang may ibig siyang ipahiwatig sa dapat pagkatiwalaan-- tinutukoy ba niya doon ay si Lucila? Kilala kaya siya nila Julian? Kinausap kaya sya ng mga kaibigan kong Lucid Dreamers para bantayan ako? O isa rin siyang Lucid Dreamer pero low-key na katulad ni Moises?
"Tsaka ang sabi pa pala niya, hinding-hindi daw siya makikipagkilala sa'yo dahil ayaw niyang mailang ka sa kaniya o mas worst--- ma-fall at ma-inlove ka pa."
"Tsk! Pakisabi sa kaniya, ang hangin niya."
"Ay, oo, mahangin talaga siya, saka--" Natigilan ito sa pagsasalita nang tumunog ang cellphone niya. Sinipat nito kung sino ang tumatawag sa kaniya. "Excuse, Trisha, see you around na lang." Tumayo na ito sa kinauupuan niya at humakbang palayo sa akin para sagutin ang tumatawag sa cellphone niya. Palabas na sya ng school cafeteria.
Nabaling ang atensyon ko sa cellphone ko. Nag-pop up doon ang text message ni Indigo. In-open ko agad iyon.
"Sorry daw, hindi niya sinasadyang maistorbo kayo sa pagvi-videocall ng boyfriend mo. May boyfriend ka na pala, ha, hindi ka nagsasabi sa akin."
"Eh?" Hinagilap ko agad ng tingin si Indigo. Nakita ko agad ito sa table na nasa bandang likuran ko. Nakangisi ito habang hawak ang cellphone niya't nakatingin sa akin.
Pinandilatan ko lang siya at ibinalik na ulit ang tingin sa cellphone ko. "Excuse me, hindi ko siya boyfriend. Kaibigan ko kausap ko. Pakisabi diyan sa nagsabi sa'yo, hihingi na nga lang sya ng pasensya gumagawa pa sya ng issue..."
Hindi ko pa man naise-send ang reply ko, nag-message na naman ito.
"Magkano daw ba ngiti mo at babayaran niya. Haha!"
Nakasimangot kong nilingon si Indigo sa kinaroroonan niya pero wala na sya doon. Palabas na siya ng school cafeteria kasama ang mga kaibigan niyang heartthrob kuno.
----
Moving Closer 18
(June 12, 2024)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro