Moving Closer 16
"Magpunta ka, ha! Magtatampo talaga ako sa'yo 'pag hindi ka um-attend ng pajama birthday party ko."
"Pupunta ko, promise," reply ko na lang sa text message na iyon ni Indigo.
In-off ko na ang cellphone ko at inilapag ito sa bathtub side table. Ipinlay kong muli ang nakapatong ditong mini speaker, saka ako bumalik sa pagkakasandal sa bathtub na hanggang dibdib ko ang tubig. Muli ko ring inihilig ang aking ulo sa gilid ng bathtub at pumikit para damhin ang nakaka-relax na maligamgam na tubig at ang kasalukuyang kantang nag-play na Million reasons by Lady Gaga.
Hanggang sa unti-unting naglaho ang boses ng babaeng singer at nangibabaw ang napakapamilyar na boses ng isang lalaking kumakanta ng hindi pamilyar na kanta.
"Hindi pinapansin ang ingay sa tabi. Magulong kapaligiran, sa'yo lang ang tingin. Hindi pinapansin--"
"Puwede ba, Moises, manahimik ka muna kahit sandali lang. Please," inis na saway ko rito.
Sandali itong natigilan at animo itong naipitan ng daliri na sumigaw mismo sa tapat ng tenga ko.
"Moises!" Iritable akong dumilat at bumangon para harapin ito. "Ano ba? Hindi ka ba--" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang makita ko itong walang saplot mula pang itaas hanggang sa pang ibaba. Pero super thankful ako at censored talaga ang pribadong bahagi na iyon-- na kung tawagin niya ay 'Tore ni Moises'.
Animo itong natuklaw ng ahas na nandudumilat habang nakatingin sa bandang dibdib ko kaya tinignan ko ang dibdib ko. Halos takasan ako ng bait nang makita ko ang censored kong hinaharap maski na ang aking pagkababae.
Tinakpan ko agad ang maselan parte ng katawan ko. "Ahhh!" sigaw ko dahilan para magsisigaw ulit si Moises habang nakapako pa rin ang mga nandudumilat niyang mata sa censored kong hinaharap. "Bastos!" Ubos lakas ko itong binigwasan sa mukha dahilan para mapahiga ito sa damuhan.
Nagpalinga-linga ako sa paligid para alamin kung saan kami naroroon. Damuhan lang ang ang naririto at ang nag-iisang malaking puno ng Bayabas na nakatayo sa pinakagitna nitong kinaroroonan namin.
Mula sa pagkakaupo ay tumayo ako at halos liparin ko na ang pagpunta sa napakalaking puno ng Bayabas habang takip ko ng aking mga kamay ang maselan kong bahagi ng katawan kahit na censored naman ito.
"Aray ko! Bakit mo naman ako sinuntok?!" dinig ko pang daing ni Moises na umalingawngaw sa buong paligid.
Nang makalapit ako sa puno ng Bayabas ay tinago ko agad ang nakahubad kong katawan dito.
"Haist! Hindi ka nag-iingat, Trisha! Bakit naman kasi natulog ka sa bathtub!" sermon ko sa aking sarili, at saka ko sinilip ang kinaroroonan ni Moises. Sapo-sapo nito ang mukha niya habang bumabangon sa pagkakahiga. "Kailangan ko na magising! Jodie, puntahan mo ko sa comfort room ko, gisingin mo ko. Please. Please. Please."
"Ate..." Halos mapatalon ako sa gulat dahil sa maliit na boses na nagmumula sa itaas ng puno ng Bayabas.
Tiningala ko iyon, nakita ko roon ang isang batang babae blurred ang mukha pero malinaw ko siyang nakikita na kumakain ng bunga ng Bayabas. Pumitas siya ng isang bunga at hinagis sa akin na agad ko namang nasapo.
"Kainin mo po para hindi ka na niya makitang hubad. Para po maging katulad po kita. Para po maging princess ka na rin tulad ko."
Pinasadahan ko sandali ang suot nitong costume na Snow White pero napansin kong wala siyang paa. Nahagip ng paningin ko ang isang buntot na maihahalintulad sa isang ahas.
Mahigpit kong nahawakan ang bigay nitong bunga ng Bayabas. "Ate Trinity, nasaan ka?" bulong ko.
"Narito lang ako. Huwag ka matakot. Nasa loob ka lang ng isang panaginip ng isang pilyang batang babae."
"Hindi po ako natatakot. Ang gusto ko lang po malaman kung bakit po siya may buntot ng ahas? Taong-ahas siya?"
Natawa si Ate Trinity. "Hindi siya taong ahas sa realidad, Trisha. Mahiwaga talaga ang panaginip. Hindi ka pa ba sanay sa mga nae-encounter mong ibang nilalang dito sa Dreamland? Aminin mo, nung bata ka nakapanaginip na ikaw ay naging sirena."
May punto siya. Ibig sabihin ang batang ito ay nanaginip na siya ay isang taong-ahas na naka-costume ng paborito niyang Disney princess.
"Bakit mo naman ako sinuntok? Grabe ka na talaga, ha," reklamo ni Moises.
Sa takot na makita ulit ako nitong hubo't hubad, kumagat agad ako sa Bayabas. Narinig ko pang humagikgik ang batang babaeng nasa itaas ng puno bago ako nagliwanag at sa isang iglap ay nakadamit na ako ng costume ni Merida ng Disney Movie na Brave. Hindi na rin masama.
"Woah! Brave po pala kayo, Ate," manghang sambit ng batang babae.
"Hindi sa lahat ng pagkakataon."
Sinilip kong muli ang papalapit na si Moises. Animo itong modelong rumarampa sa red carpet habang inaayos ang buhok niya, akala mo bang nasa bahay lang siya at mag-isa sa kuwarto sa sobrang confident niya maglakad ng hubo't hubad.
"Ang guwapo talaga ng isang ito, tsk!" aniko sa aking sarili. Pinapanood ko lang sya sa paglalakad habang nginunguya ang nasa bibig kong kapirasong bayabas.
"Pero hindi ko sinabing kainin mo ang binigay niyang bayabas," dinig kong bulong ni Ate Trinity dahilan para matigilan ako sa pagnguya pero nalulon ko ito sa sobra kong gulat sa pagmumukha ni Moises na biglang tumambad sa aking harapan.
"Tignan mo ang ginawa mo sa kagwapuhan ko," nakangusong anito habang tinuturo ang kaniyang mukha na wala namang bahid na pasa, gasgas o kahit na pamumula man lang. Ang tigas ng mukha niya, ha.
Lumayo agad ako sa kaniya at sa puno. Tiningala ko ang bata roon pero hagikgik lang ito nang hagikgik na animong kinikilig sa pinapanood niyang eksena naming dalawa ni Moises.
"Ikaw na namang bubwit ka!"singhal ni Moises nang makita niya ang bata sa taas ng puno. "Aba! Iba na naman ang attire mo ngayon, ha! Nung nakaraan dwarfs ka lang ni Snow White. Ngayon, ikaw na si Snow White."
"Kilala mo siya?" tanong ko kay Moises.
"Aba, oo! Ginawa ako niyan alaga niyang aso, eh. Siya daw ay may alaga. Asong mataba. Buntot niya'y mahaba at makinis ang mukha. Basta ginawa akong aso ng bubwit na iyan! At sa tingin ko---" Nandudumilat itong natigilan nang makita niya akong magliwanag.
"Anong nangyayari?" naguguluhang aniko habang pinagmamasdan ko ang sarili kong nagliliwanag.
"Ikaw ang sunod niyang biktima," dinig ko pang sambit ni Moises hanggang sa tuluyan akong balutin ng puting liwanag.
Nang humupa ang liwanag, paa at binti na lang ni Moises ang nasilayan ko.
"Moises, anong nangyari? Bakit parang lumiit ako?"
Imbis na sagutin ako nito ay nahihintakutan itong nagtatakbo palayo sa akin at nadinig ko rin ang hagikgik ng batang babae mula sa taas ng puno.
"Ngayon, para bumalik sa orihinal na anyo ang prinsesa. Kailangan siyang halikan ng isang prinsipe para mawala ang kaniyang sumpa. Iyan ang istorya ni Prinsipe Moises at ng prinsesang naging palaka na aking pinamagatang.... The Frog Princess."
----
Moving Closer 16
(June 09,2024)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro