Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Moving Closer 15


July 2022

"Mommy, heto na po--"

Natigilan ako sa pagsasalita nang makita kong may kausap itong lalaking sa tantiya ko ay kasing edad lamang ni Daddy. Napansin ko agad ang magkahawak nitong mga kamay at bigla na lamang nagbitaw ang mga iyon nang makita ako.

Anong ibig sabihin no'n? Bakit sila magkahawak ng kamay? Iwinaksi ko na lang ang mga katanungang iyon sa akin isipan at binalewala na lang kung ano man ang nakita ko.

"Excuse, asikasuhin ko lang ang daughter ko," nakangiting paalam nito sa lalaking bisita niya.

"Sure."

Tumayo agad si Mommy at humakbang agad ito papalapit sa akin. "Sumunod ka sa akin sa garden," nakangiting anito sabay hablot sa pinahanap nito sa aking branded bag niya.

Tahimik naman akong sumunod dito. Pagkarating namin sa garden. Naabutan namin ang isang mestisong lalaki na namimitas ng iba't ibang kulay ng zinnia flowers. Base sa postura't tindig nito, mukang hindi kami nagkakahuli ng edad.

"Ikaw na muna ang bahala kay Indigo. Libangin mo siya. Huwag na huwag mo siyang palalabasin hangga't hindi kami dumadating."

"Opo, Mommy," sagot ko na lang dito kahit na hindi ko alam kung paano ko iyon gagawin.

"Good girl. Bye." Humalik sa pisngi ko si Mommy at nagmamadali itong bumalik sa loob.

Napabuntong hininga na lang ako habang pinagmamasdan sa pamimitas ng zinnia flower ang lalaking nagngangalang Indigo. Naisip ko nga na sana ay nandito si Jodie para naman siya na lang ang mag-entertain sa lalaking iyan pero wala akong aasahan kundi ang sarili ko dahil nasa out-of-town pa si Jodie kasama ni Uncle Ian.

Oo nga pala, si Mang Celso. Siya na lang ang mapagbantay dito.

Patalikod na ako nang biglang may magsalita. "Saan ka pupunta? Kakasabi lang ng Mommy mo na bantayan mo ako."

Animo akong napako sa kinatatayuan ko nang masilayan ko ang kakaibang kulay ng mga mata nito. Nakangiti itong humakbang palapit sa akin.

Sigurado akong kaya Indigo ang pangalan niya dahil sa indigo ang kulay ng mga mata niya. Ang galing naman.

"Here." Harang sa mukha ko nito nang pinitas niyang iba't-ibang kulay ng zinnias flowers. Halos magkandaduling na akong sa sobrang pagkakalapit no'n sa mukha ko. Kinuha ko na lang ito. "No time para bumili ng presents kaya namitas na lang ako ng zinnia sa garden niyo."

"Ah, okay. Salamat." Gusto ko sanang sabihin na hindi na dapat siya nag-abala pa pero hindi ko iyon naisaboses pa at nanatili lang akong nakatingin sa nakaka-hypnotize niyang kulay indigong mga mata.

"May lipstick ka ba dyan?" pabulong na tanong nito. "Makeup kit?"

"H-ha?"

"Nabo-bored ako. Gusto sana kitang makeupan."

Halos mahulog ang panga ko sa pagkakanganga sa sobrang gulat sa sinabi nito...

"I-ikaw..."nandudumilat kong bulalas. At animong na-hypnotize na naman ako sa kakaibang kulay na mga mata nito.

"Ikaw din." Mahinang tulak nito sa noo ko dahilan para bumalik ako sa aking katinuan. Marahan nitong inalis ang pagkakaapak ko sa sapatos niya. Binitawan na nito ang braso ko, kinuha nito ang panyong hawak ko at iyon ang ginawa niyang pamunas sa sapatos niya.

"Indigo," may halong pananaway na banggit ko sa pangalan nito.
Napakalala talaga ng isa na ito.
Isinoli nito sa kamay ko ang panyo ko at muling sinalubong ang mga mata ko't nginisihan ako ng nakakaloko. "Tsk!" Hinagis ko sa pagmumukha nito ang panyo ko at humakbang na ako paakyat ng hagdan.

"Hey, Trisha Myliejoy Zamora!"

"Shut up, Princess Indigo!" humahagikgik na pang-aasar ko dito.

"Tsk! Prince Indigo, not Princess Indigo!" Nahinto ako sa paglakad dahil sa isang iglap ay nasa harapan ko na ito. "Bakit hindi mo man lang ako pinansin nung dumaan ako sa gilid niyo last time nung nasa cafeteria kayo ng pinsan mo?"

"Bakit naman kita papansinin, Princess Indigo?" Humalukipkip ako at tinaasan siya ng isang kilay. "Ikaw na ang nagsabi sa akin noon na kung sakaling magkita man tayong muli. Huwag na huwag kitang babatiin o kakausapin kapag Prince Indigo ka na't hindi na Princess Indigo. So, wish granted."

"So, nagtatampo ka?"

"Hindi, bakit naman ako magtatampo? Kung iyon ang desisyon mo, ano magagawa ko."

"Hindi mo talaga ako ipaglalaban? Hanggang alaala na lang ba ang libreng pagme-makeover ko sa'yo noon sa tuwing magde-date ng patago ang Mommy mo at Daddy ko?" pabulong lang niyang sinabi iyon dahil secret talent lang niya ang pagme-makeup. Lalo na ang pagiging pusong babae niya noon pero hindi ko alam kung totoo ba talagang naging barako na talaga siya ngayon.

"Sira. Sinunod ko lang naman ang sinabi mo. At saka isa pa, ayoko masabunutan ng mga nagkakandarapang babae at bakla sa'yo sa school." Isa na doon si Jodie.
"Pero, kaibigan pa rin naman ang turing ko sa'yo, hindi iyon magbabago."

"Hindi ko alam kung mata-touch ako or tatawa sa mga sinabi mo. Hindi talaga sa'yo bagay ang maging sweet girl, Trisha. Nakakapanindig-balahibo."
Yinakap nito ang sarili niya at umarteng kinikilabutan.

"Sira ka talaga!"

"Siya nga pala, heto." Abot nito sa akin ng kulay indigong invitation card na agad ko naman tinanggap at binuklat. Picture niya agad ang nakita ko na nakasuot ng iba't-ibang klaseng cute na pantulog. "Wala na akong maisip na theme at halos lahat ng theme nai-apply na sa lahat ng birthday party ko kaya sinunod ko na lang ang suggestion ng kaibigan ko na Pajama  party."

"Okay, pupunta ako."

"Ikaw lang, ha. Huwag ka magsasama ng iba. Kayong mga malalapit na kaibigan ko lang ang inimbita ko para maiba naman."

"Okay," aniko na lang kahit na gusto kong isama si Jodie para naman manawa na siya sa kakasilay dito kay Indigo. Lagi na lang kasi nawawala ang pinsan ko na iyon para masilayan lang siya. Ang effort pumunta ng engineering department kahit na sa kabilang building pa iyon.

Gusto ko man sabihing kilala ko't kaibigan ko crush niya since noong nakita niya si Indigo sa cafeteria pero-- ayokong kulitin niya ko ng 24/7 tungkol kay Indigo. Jusko po! Mabuti na rin pala na ako lang ang invited.

"Magbaon ka ng extra clothes mo, sa amin ka na lang matulog. Weekends naman iyon. Wala no'n si Daddy sa bahay, magde-date sila ng Mommy mo sa France. At saka wala namang pakialam sa'yo ang Daddy mo, hindi ka no'n hahanapin. Sabagay, parehas naman tayong walang pakialam sa atin ang mga parents natin."

Nakakalungkot man pero totoo ang sinabi niya.

-----
Moving Closer 15
(June 05, 2024)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro