Moving Closer 11
"Bakit walang tao?" aniko sa aking sarili habang nililibot ko ng tingin ang buong carnival mula dito sa kinaroroonan kong tuktok ng merry-go-round.
Umaandar ang lahat ng rides pero wala man lang nakasakay doon at wala ni isang blurred na mukha akong nakikita. Ni pag-ingit at ingay din ng mga rides ay wala akong marinig. Sobrang nakakabingi ang katahimikan sa buong carnival nitong Dreamland. Sobrang nakakapanibago.
"Epekto ba ito ng ginawang pambubulabog ni Lucila kay Epiales?"
"Hindi." Napalingon ako sa nagsalita mula sa aking likuran. Agad ko namang nakita ang isang babaeng nakalutang, nababalutan siya ng kulay puting liwanag pero kahit na nakakasilaw ang itsura niya. Nakikita ko siya ng malinaw.
"Ikaw!" nandudumilat kong sambit. "Hindi ba--"
Kinusot-kusot ko ang mata ko at tinignan ito. Siya pa rin ang nakikita ko. Kinusot ko ulit ang mata ko at pinagkadilat ko sa pagkabukas ang mata ko para tignan ulit ito. Siya nga talaga! Ang bestfriend ni Lucila. Hindi na siya mukang Japanese chakadoll. Muka na siyang anghel na bagong ahon sa langit. Maaliwalas na ang mukha niya hindi tulad noong una kong kita ko sa kaniya sa eskinita ni Epiales.
"Alam kong ako ang pakay mo kaya ako nagpakita sa'yo," anito. Hindi bumubuka ang bibig niya pero nadidinig ko ang sinasabi ng isip niya. At mukang ganoon din siya sa akin.
Tama siya, siya talaga ang pakay namin ni Julian dito sa Dreamland. Ayoko talaga matulog dahil ayoko na muna ma-encounter si Moises. Pero kailangan kong tulungan si Julian sa paghahanap sa kaniya. At sobra akong nagpapasalamat dahil hindi niya na ako pinahirapan sa paghahanap, kusa na siyang lumapit at nagpakita sa akin.
"Masaya ko para sa'yo, masaya ko at nakalaya ka na kay Epiales. Masaya ko at makakatawid ka na sa dapat mong puntahan. Matatahimik ka na."
Umiling-iling ito. "Hindi pa ako makakaalis dito sa Dreamland hangga't hindi ako nagigising."
"A-anong ibig mong sabihin?"
"Hindi pa ako patay tulad ng kinukuwento sa inyo ng babaeng iyon." Nagpakalapit-lapit pa ito sa akin. Mas napagmasdan ko ng maigi ang mukha niya, mala-anghel talaga ang ganda niya. Hawig niya ang teenager version ni Angelica Panganiban kahit na muka siyang galit. "Huwag kayo maniwala sa kaniya. Nililinlang lang niya kayo."
"Sandali, bakit ganiyan ka magsalita tungkol kay Lucila? Bestfriend mo siya 'di ba?"
"Noon pero hindi na ngayon. Malaking pagkakamali ang kaibiganin siya. At habang nandito pa ako sa loob ng Dreamland, babantayan kita. Sigurado akong ikaw ang isusunod niyang ialay kay Epiales. Katulad mo ako, Trisha, parehas tayo ng kakayahan. Rare lang ang mga katulad natin. At katulad natin ang gusto ni Epiales na mapangasawa. Dahil sa nakatakas ako, sigurado akong nagpadala ng tauhan si Epiales kay Lucila bilang request na bigyan sya ulit ng babae. At hindi ako papayag na makakuha siya ng katulad natin."
Halos buhusan ako ng malamig na tubig dahil sa aking mga nadinig at nalaman pero may parte pa din sa akin na nag-aalinlangan na paniwalaan siya. Gusto ko magsalita para ipaglaban ang bago kong kaibigan na si Lucila pero mas pinili ko na lang makinig sa mga pinagsasabi nito.
"Hindi ko hinihiling na paniwalaan mo ko agad, Trisha. Mas gusto ko nga iyong unti-unti mong malaman na tama ako at hindi ako naninira. Pero dahil nakawala ako sa poder ni Epiales, kailangan ko na itong sabihin sa'yo para bigyan ka ng babala. Huwag na huwag ka magtitiwala kay Lucila. Habang maaga pa, putulin niyo na ang komunikasyon niyo sa kaniya bago pa kayo gambalain ng anti-christ na iyon sa reality. Mas worse, gawin kayong alay no'n sa panginoon niyang demonyo."
"Salamat pero--"
"Nasaan na ang bracelet mo?" Ngayon ko lang napagtantong hawak na pala nito ang pulsuhan ko. "Nawawala ang bracelet mo? Ibig sabihin, pagmamay-ari ka na ng isang Lucid Dreamer." Natawa pa ito ng pagak sa sinabi niya habang umiiling-iling. "Mabuti naman kung ganoon. Hinding-hindi ka niya malalapitan dito sa Dreamland. Fully protected ka na pala."
"Ha?"
"Hindi mo ba alam ang tungkol doon?" Umiling ako. "Ang dreamcatcher bracelet na iyon ay pamprotekta sa masasamang nilalang dito sa Dreamland tulad ni Epiales. At once na compatible kayo ng lalaking Lucid Dreamer na nakilala mo rito sa Dreamland. Magkokonekta ang mga dreamcatcher bracelet ninyo sa pamamagitan ng pakikipagkamay gamit ang dalawang kamay. Mawawala ang mga bracelet niyo dahil konektado na kayo sa isa't isa. Asahan mo na kung nasaan ka, nandoon din siya. Sa ayaw man at sa gusto mo..."
Unti-unti na itong naglaho at kasabay non ang unti-unting pag-ingay ng paligid, at ang unti-unting pagsulpot ng mga taong blurred ang mukha.
Mariin kong ipinikit ang mga mata ko at ikinuyom ang aking kamao sa sobrang inis habang unti-unting nag-flashback sa akin iyong tagpong nakipag-handshake ako kay Moises gamit ang dalawang kamay nang hindi lang isang beses, dalawang beses iyon.
"Moises!" inis na inis kong sigaw.
"Present!" biglang sambit nito at kasunod non ang pagkalampag ng bubong nitong merry-go-around. Inis na inis akong dumilat para tignan ito ng masama pero unti-unti akong napangiti nang makita ko ang itsura nito. Anitong butiking itinampal sa bubungan. "Aray ko naman!"
"Deserve," humahagikgik kong bulong pero agad din akong sumeryoso nang umayos na ito ng tayo at nakangiwi akong tiningala habang naghihilot ng masakit sa kaniya.
"Bakit mo ko tinatawag? Miss mo na ko 'no. Ayan, late kasi matulog kaya late na ko nasilayan."
"Ang kapal din talaga ng lalaking ito," bulong ko. Marahan akong tumalon mula sa kinatatayuan ko patungo sa harapan niya. Nanatili akong nakalutang sa ere para pantayan ang taas niya. Sinunggaban ko agad ang kuwelyo ng suot niyang damit at buong tapang akong nakipag-face to face sa kaniya. "Ikaw! Bakit mo ginawa iyon?"
"Oh, ano kasalanan ko?" nakangusong anito.
"Huwag ka na magmaang-maangan diyan. Alam ko na ang ginawa mo."
"Oh, bakit ka nagagalit? Dapat nga maging proud ka sa akin dahil itong kaharap mo guwapong superhero. Iniligtas lang naman nito ang magandang dilag na bihag ni Epaliales." Nandumilat ako sa sinabi nito. "Na-bored kasi ako kaya pumunta ako sa eskinita ni Epal para pakawalan ang chics niya. Sigurado akong galit na galit iyong si Epal at natakasan siya ng asawa-asawahan niya. Pasensya na lang sa kaniya, hindi ako masaya para sa lovelife niya. Hindi kasi bagay ang mala-anghel na ganda ng chics niya sa itsura niyang mukang kupal. Sabihin mo ng bitter ako pero hindi sa kaniya bagay magkajowa ng maganda."
Natatawa kong binitawan ang kuwelyo nito. "Hay naku, ewan ko sa'yo."
"Oh, 'di ba, ang astig ko at ang tapang ko. Nagawa kong mag-trespassing sa lungga ng mga bangungot."
"Lakas rin talaga ng tama mo 'no. Kung noon mo pa sana iyan ginawa e'di nakalaya na agad siya."
Napaisip tuloy ulit ako sa sinabi ng babaeng iyon na hindi pa siya patay, bigla na lang kasi siya nawala nang hindi man lang nagpapakilala sa akin. So, paano ako lubos na maniniwala sa pinagsasabi niya kung simpleng pangalan niya hindi niya ibinigay sa akin.
"Kung noon ko pa iyan ginawa, e'di hindi kita nakilala. Ikaw ang pumalit na asawa ni Epal. Qualified ka pa naman sa gustong chics ni Epal. Kung nagkataon, siya na ang ka-forever mo. E'di wala ka ng chance sa akin, so sad." Umiling-iling ito habang pumapalatak.
Napangiwi na lang ako sa sinabing iyon ni Moises. Napakahangin talaga ng isang ito, ang pagka-feelingero pa abot langit. Tsk!
-----
Moving Closer 11
(May 18, 2024)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro