Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 9

Chapter 9: Crushlist?! Wtf?!

Caiven's POV:

WTF?! Siya yung bagong maid?!

"Ms. Santillan?!" gulat na sabi ko at napatayo pa mula sa kinauupuan.

"Kuya ba't gulat na gulat ka naman diyan?" tanong ng kapatid ko kahit punong-puno ng fried rice ang bibig niya.

"Ah ano kasi Cailyne." halatang hindi makahanap ng isasagot si Leyrein.

"We're classmates." sabi ko at nagtuloy sa pag subo matapos muling maka-upo.

Mm masarap nga siyang magluto.

"Talaga?! Kyahh destiny kayo Kuya!" sigaw ni Cailyne.

Agad nangunot ang noo ko at tinignan siya. "Tsh Cailyne kailan kapa naging pala sigaw?" naiiritang sabi ko.

"Secret." bumubungisngis na sabi nito.

Napailing nalang ako.

"So magkakilala pala kayo tell me may gusto ba sa'yo ang anak ko Ley?" tanong ni Mom habang nakapangalumbaba sa harap ni Leyrein.

Nabilaukan ako dahil sa sinabi ni Mommy buti inabutan ka'gad ako ng tubig ni Ms. Santillan.

"What the hell Mom! Syempre hindi!" tanggi ko.

"But she's cute no actually she's beautiful." nakangiting papuri niya kay Ms. Santillan bago muling kumain.

"Look Mom Ms. Santillan and I are just classmates okay? Nothing more nothing less." sabi ko.

"Why do you keep calling her Ms. Santillan? Pwedeng Ley nalang Cai." sabi ni Mom.

"Tsh fine." maikling tugon ko.

"So Ley tell us about yourself." nakangiting sabi ni Mom kay Ley na halos hindi na makasubo ng sariling pagkain.

"Saan po ako magsisimula?" halatang nahihiyang sagot ni Ley.

"Hmm what is your hobbies Ate Ley?" tanong ng kapatid ko.

"Magluto, hilig kong magluto saka magdrawing." sabi ni Ley at humawak sa batok.

"Oh? Parehas kayo ni Caiven." sabi ni Mommy.

"Mom we're not same okay? I cook because it's my stress reliever not a hobby. At hindi na rin ako nagd-drawing remember?" sabi ko at uminom ng tubig.

"Sus tanggi ka pa Kuya destiny naman kayo yiiii." panunukso nang kapatid ko habang inaabot ang lagayan ng fried rice.

"Tsh." tanging sagot ko.

Nagkwentuhan sila ng nagkwentuhan kahit pa tapos ng kumain, ako naman ay tumayo na para pumunta sa kwarto ko ng biglang tumawag si Aron.

"Yow Cai, may ginagawa ka ba ngayon?" tanong nito sa kabilang linya.

"Mm may practice." maikling sagot ko.

"Ah sayang yayain ka sana namin mag-bar eh." sabi nito.

"Bukas nalang." sabi ko at pinatay ang tawag.

Papalakad na sana uli ako ng may magsalita sa likod ko

"So magpapractice na tayo?" bulong nito.

"Syempre nandito kana eh. I'll just take a shower." sabi ko at tinalikuran na siya para makapunta na sa kwarto ko.

Ley's POV:

Sungit talaga grabe.

Papunta na ako ngayon sa kwarto ko ng bigla akong hinarang ni Cailyne.

"Ano pong kailangan niyo Maam?" tanong ko.

"Ate Ley! Dapat Cailyne nalang pleasee." sabi niya.

"Sure sige Cailyne ano may sasabihin ka ba?" medyo naiilang pang tanong ko.

"Wala naman Ate, samahan kita sa kwarto mo?" halata sa mata niya na gusto n'yang makipag-kwentuhan.

"Uhm may ipapractice kasi kami ni Kuya mo para sa school activity." sabi ko.

"Ikaw partner ni kuya? Kyahh destiny talaga kayo!" tili nito kaya natawa ako.

"Hindi ah, sige na maya-maya lang magpractice na kami tapos ipapatikim ko sa'yo okay?" nakangiting sabi ko.

"Opo ate!" sabi niya habang nakangiting tatango-tango.

Pumunta na ako sa kwarto ko at nagshower pagkatapos ay nilabhan ko na rin ang damit kong hinubad.

Nang matapos ako ay agad akong bumaba para hanapin si Sir Caiven. Hihingi rin ako favor.

Agad ko siyang nakita sa kusina naka-apron na. He looks hot...

"Sir Caiven may favor sana ako." nahihiyang sabi ko. Sinong hindi mahihiya? Matapos ng mga pinagsasabi ko sakaniya sa school!

Tumingin lang siya sa'kin ng deretso para banh sinasabi na magpatuloy ako.

"Pwede bang wag mong ipagsasabi na dito ako nagtatrabaho? At ito 'yung trabaho ko?" nakayukong sabi ko.

Kinakabahan ako baka pahirapan niya ako!

"Sure." maikling sabi niya.

Agad akong napaangat ng tingin sakan'ya omo totoo 'to?!

"Thank you. By the way ang lulutuin natin ay Cornmaha or pwede ring macaroon." nakangiting suggestion ko.

"Anong twist ng macaroon?" tanong niya.

"Sa ibabaw niya may icing and then pag kinagat mo siya merong chocolate sa loob. Sigurado ako 'di sobrang tamis 'yon!" nakangiting sabi ko.

"Let's try those two." sabi niya.

"Sige, kaya mo baang lutuin 'yung Cornmaha mag-isa?" tanong ko.

"Ofcourse yes, pero kailangan mo 'kong turuan sa Macaroon." sabi niya.

"Oo ba, kaya lang..." sabi ko at napahawak sa sintido ng ulo.

"What?" tanong niya.

"Anong ipapangalan natin sa macaroon?" tanong ko.

"Let's call that hmm Macaroon de surpreso." sabi niya.

Natawa ako bago nagsalita.

"Anong salita naman 'yung surpreso?" tanong ko.

"Ewan ko, basta parang surprise pag kinagat 'yung macaroon, like what you said." sabi niya kaya natawa ako 'di naman pala alam ibig sabihin ng ipinangalan.

Nagsimula na kaming gumawa inuna namin 'yung Macaroon. Kukuhanin ko na sana 'yung kutsara ng mahawakan ko 'yung kamay ni Caiven siya pala nauna sa kutsara.

Omoooo! Ang lambot ng kamay!

"Sige, kukuha nalang ako do'n." sabi ko at yumuko.

Naol malambot 'yong kamay!

LUMIPAS ang tatlong oras at natapos na namin gawin 'yung dalawa, 'yung icing sa ibabaw ng macaroon kulay white lahat so cute.

"Ang cuteee!" sabi ko at nilabas ang 'di kagandahang phone ko para kuhanan ng litrato.

"Ay blured? Okay na nga basta may picture." nakangiting sabi ko.

Nakita kong pinicturan din ni Caiven 'yung gawa naming cornmaha at macaroon.

"Tikman mo na!" sabi ko.

"Tsh." sabi niya at kumuha ng macaroon.

Kinagat niya at nakakunot ang noo na ngumuya.

"Mm, taste good hindi nga sobrang tamis." sabi niya.

"Patikim!" sabi ko at kumagat sa hawak niya.

Huli na ng marealize ko 'yung ginawa ko! Halaa! Kinagatan niya na 'yun tanga mo talaga self!

Agad akong napatingin sakan'ya at nakatitig lang siya sa'kin kaya agad akong nag-iwas ng tingin.

Wahhh kakahiya!

"I-Ipapatikim k-ko lang kala Cailyne at Maam Cellyn." sabi ko.

At agad umalis sa harap niya dala ang ilang cornmaha at macaroon.

"Wow Ate, ang cute nitong little cupcakes." sabi ni Cailyne.

"Ay macaroon 'yan Cailyne." sabi ko.

"Ayy 'yon pala ang tawag ang kyut penge Ate ha." sabi niya tumango ako at sinabing sige lang.

Kumuha na rin si Maam Cellyn.

"Mm sakto 'yung tamis Leyrein kaya match 'yung icing sa macaroon." komento ni maam Cellyn.

"Ate hala nasurprise ako may chocolate pala siya ang sarap!" tili na naman ni Cailyne.

"Kaya nga ang tawag diyan e, Macaroon de surpreso." sabi ng tinig mula sa likod.

Alam kong si Caiven 'yon kaya 'di na ako lumingon.

"Baduy naman ng name kuya!" sabi ni Cailyne kaya natawa ako.

"Hula ko ikaw nakaisip 'no?!" pang-aasar ni Cailyne.

"Tsh." sabi ni Caiven at naupo sa sofa.

"Dapat kuya ang name nito Macaroon de Leyven." sabi ni Cailyne na todo ngiti.

"Bakit Leyven?" tanong ko.

"Syempre gawa niyo 'yan Ate Ley kaya,  Leyven kasi LEYrein at caiVEN Leyven 'di ba ang kyut?" sabi ni Cailyne at patuloy kumain.

"She's right iha mas bagay kung 'yun ang name ng gawa ninyo." sabi ni Maam Cellyn.

"Tsh akyat muna ako." paalam ni Caiven.

Mabuti nalang umalis na siya.

Caiven's POV:

"Tsh akyat muna ako." paalam ko at umalis.

Umakyat ako sa kwarto ko at umupo sa kama ng may mapansin akong tupi ng papel.

"Ano 'to?" tanong ko sa hangin.

Binuksan ko 'to at bumungad sa'kin ang halos 20 pangalan ng lalaki ang iba ay may ekis pa.

Tinignan ko ang nakasulat sa taas.

Crushlist?! Wtf?!

Hi guys! Napaaga uliii! Baka kasi magpasukan na mabusy ako at di makapag update kaya nilalagian kona so enjoy reading! Keep safe!!!


Shashaxxe

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro