Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 6

Chapter 6: Sungit amp!

Ley's POV:

"Siya ang partner ko!?/ She's my freakin' partner?!" halos magkasabay na sabi naming pareho.

Aishh! Bakit 'yung lalaking halos nakasira na sa Artbook ko?! Oo nabasa kasi siya ng ulan at nabura ang ilang gawa ko.

"Yes, Miss Santillan any problem with that?" naguguluhang tanong ni Miss.

"Hell yes Miss! I don't want her to be my partner!" protesta nu'ng Caiven.

Tsh akala ba niya gusto ko siyang kapartner?! Hell no!

"Sorry Mr Astrone, but you can't change your partner." sabi ni Miss.

"Damn!" rinig kong usal nu'ng Caiven. Galit yarn? Hiyang-hiya naman ako.

Akala mo sobrang gwapo eh tsh super gwapo lang, charot.

"Okay Class ang gagawin niyong activity ay kailangan niyong gumawa ng isang  dessert na hindi sobrang tamis pero hindi nakakasawang kainin." paliwanag ni Miss.

Napatingin ako sa partner ko raw na si Caiven. Napalingon siya sa'kin at tinaasan ako ng kilay bago bumalik ang tingin kay Miss.

"So gaganapin itong first activity niyo in monday. You can practice in your house with your partner." nakangiting saad ni Miss.

"Is that clear?" tanong ni Miss.

Lahat naman kami ay um-oo na.
Dumaan ang isang oras at tapos na ang klase sa Cookery.

Nag-aayos ako ng gamit ng biglang may kumalabit sa'kin.

"Hi Rein!" bati niya

"Hala Avien pwede namang Ley nalang e." nahihiyang sabi ko.

Never pa ako nagkakaibigan na babae remember?

"Mas cute ang Rein, by the way tawag ka no'n." sabi niya at may inginuso.

Tumingin ako ro'n at nakita kong nakaturo siya kay Caiven.

"Nako! Ayoko ngang kausapin ang lalaking 'yan." nakataas na kilay na sabi ko.

"Hindi naman 'yan ayun oh." sabi niya natatakpan pala ni Caiven si Klian.

"Ahh si Bespren pala." sabi kom

"Ang gwapo niya Rein." puri nito kay Klian na ikinatawa ko ng palihim.

Naglakad na kami papalapit kay Klian pero bago ko malampasan si Caiven ay kinausap ko na 'to.

"May naisip ka ng gagawin?" tanong ko.

Napaangat siya ng tingin sa'kin tumitig ng sandali bago sumagot.

"Look Miss, I don't want you to be my partner okay? Ayos lang bumagsak ako." sabi nito at isinukbit ang bag sa balikat.

"Kapag bumagsak ka sa unang activity damay ako Mr. Maninira ng Artbook!" inis na sabi ko.

Lumingon siya ng may namamanghang tingin .

"What did you just call me?" tanong nito na nakaturo sa sarili, hindi makapaniwala sa itinawag ko sa kaniya.

Lumapit ako at inismiran siya.

"Mr. Maninira ng artbook." kalmadong sabi ko at nilagpasan nalang siya.

"Fine! At my house in saturday we will fucking practice. But stop calling me Mr. Maninira ng artbook." sabi nito at nauna pang lumabas saakin.

"Hala grabe ka Rein." sabi ni Avien.

"Bakit wala naman akong ginawa." sagot ko.

"Hindi, ang tapang mo kasi." sabi niya na humahagikgik pa.

"Tsh, warfreak kana ngayon ha." sabat ni Klian na ngayon ko lang uli napansin.

"Hindi ah! Tsh, by the way Klian this is Avien Crinson, Avien this is Klian Montes." pakilala ko sakanila.

"Nice meeting you." sabi ni Klian at nakipag shake hands.

"Me too." parang kinikilig na sabi ni Avien  baka crush niya ito alululu.

"Ano? Tara na?" tanong ko.

"Yep, hatid ko na kayong dalawa?" tanong ni Klian.

"Ako hindi na dadaan ako kay Mama." sabi ko.

"Ako rin hindi na may klase pa ako." sabi ni Avien.

"Ah, ganun sige mauna na kami ni Ley." sabi ni Klian.

"Sige bye! Ingat kayo!" sigaw ni Avien.

Buti nalang ang aga ng uwian namin 'yung Instructor kasi namin ni Klian absent daw.


Caiven's POV:

Aish! What did she call me?! Mr. Maninira ng artbook?! Wtf?!

"He's pissed, i see." rinig kong bulong ni Ayiena na hindi ko napansing kasama ko na pala.

"Hey bro what's the problem?" tanong ni Aron i just look at him.

"Tsh, I'm going home." sabi ko at nauna na sakanilang maglakad.

"Aww may klase pa kami ingat Cai!" sigaw ni Ayiena.

I just ignored them. Pumunta ako sa parking lot at agad sumakay sa kotse kong nakaparada.

Habang nagdadrive ako ay muling bumuhos ang ulan. Napakalakas nito at kahit may payong ka ay mababasa ka.

Napatingin ako sa labas at nahagip ng paningin ko 'yung partner ko sa Cookery. Nakaupo sa waiting shed at mukhang naghihintay ng sasakyan kahit medyo basa na siya.

Hindi ko alam pero basta ko nalang inihinto ang kotse sa harap niya. Nagtataka naman siyang tumingin dito.

"Get in." sabi ko ng maibaba ang glass window.

Pinaningkitan niya muna ako ng mata bago nagsalita.

"At bakit naman ako sayo sasabay?" nakataas na kilay na sabi niya.

"Dahil wala ka ng masasakyan masyado pang maaga para sa uwian ng ibang istudyante." sagot ko.

Bumuntong hininga siya bago sumakay.

"Saan ang bahay mo?" tanong ko.

"Uhm sa Hospital mo nalang ako ibaba mga 15 minutes lang naman andun nam" sagot nitom

"Hospital? Bakit sinong nasa hospital?" tanong ko.

Wait? Bakit bigla akong nagmukhang interesado sakanya? Wtf?!

"None of your business." sagot nito.

"Sungit tsh." sabi ko at nagpatuloy sa pagmamaneho.

Pagkatapos nga ng labing limang minuto ay napuntahan na namin ang sinasabi niyang hospital.

"Salamat, magkano?" tanong niya.

Napatitig ako sakan'ya bago bumaba.

"Bayad? Think a very good dessert." sabi ko.

"Hmm i'll try my best." sagot niya.

Papalakad na sana siya palayo ng may matandang napakapit sakaniya bago nawalan ng malay.

"Lola!" sigaw niya

Agad akong lumapit para tulungan 'yung matanda.

Hindi ko 'to gawain but damn! I can't stop myself.

"Ako na ang magbubuhat." sabi ko .

Binuhat ko na ang matanda at ipinasok sa Hospital.

"Kilala mo?" tanong ko ng mailapag na sa hospital bed ang matanda at inasikaso ng mga nurse na naroon.

"Hindi." maikling sagot niya.

Hindi na ako nag-usisa pa at nagpaalam na paalis.

Habang naglalakad pabalik sa kotse ay may napulot akong artbook mukhang sa partner ko ito at nabitiwan niya.

Bumalik ako sa loob at buti inabutan pa siya na papasakay ng elevator.

"Ms. Santillan!" tawag ko.

"Bakit?" nakataas na kilay na bungad niya.

"Sayo ata to?" sabi ko at iniaabot ang artbook.

"Tsh, buti hindi mo nasira. Salamat." nakataas na kilay na sabi nito bago tuluyang umalis sa harap ko.

"Sungit amp!" bulong ko sa sarili.

Dapat nga ako magsungit sakan'ya nagkabiktad ata?!

Nang makasakay sa kotse ay nagdrive na ako pauwi ng biglang may tumawag.

"Hello?" sagot ko dahil 'di ko nakita kung sino ang caller.

"Kuya si Mama!" natatarantang sabi ni Cailyne na nakapagpakaba sa'kin.


Hi guys! Pasensya na ngayon lang but hope you like this i know medyo gumulo sorry. Pag nagkaload na ako sunod sunod na UD ko stay put muna kayo



Shashaxxe

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro