CHAPTER 49
Chapter 49
Caiven's POV:
MABILIS kong nilapitan sila Avien at Klian.
"What do you need?" malamig na tanong ni Avien.
"Tulungan n'yo ako! Si Liyana dinukot!" natatarantang ani ko.
"Paanong–Omg?!" gulat na aniya ng makitang wala na sila Liyana sa pwesto nila kanina.
"Believe me or not, nakita kong bubog sarado si Aron ng isakay sa itim na Van." sabi ko.
"Itim na Van?" biglang sabat ni Klian.
"Fvck! I knew it!" sabi n'ya at tila nagmamadaling nag type sa cellphone pero walang sumagot sa tawag n'ya.
"Shit! Tatawagan ko nalang kayo." sabi nito at mabilis na umalis.
"Hindi ko hahayaang tumagal si Liyana sa kamay ng mga hayop na 'yon." sabi ko at nagmadaling sumakay sa kotse ko.
"Hey wait! Kailangan malaman ito nila Auntie!" sabi ni Avien na sumakay sa passenger seat.
"Okay, dadaan tayo sainyo bago ako hihingi ng tulong sa Ama ko kahit ayaw ko." sabi ko at pinaharurot ang kotse.
Mabilis kaming nakarating sa bahay nila at halos madapa ng magkumahog kaming makapasok.
"What happened?" nag-aalalang tanong ni Mrs Crinson.
"Auntie si Liyana! May dumukot sakan'ya!" naluluha ng ani Avien.
"What?! Wait bakit ka nandito?" tanong ni Mr Crio.
"Sir, Nandito ako para tumulong, ayokong tumagal si Liyana sa kamay ng mga gagong 'yon." sabi ko.
"Mukhang alam ko na kung sino ang may gawa nito Crio." naiiyak na sabi ni Maam Lihan.
"Si Klisus." nakamaang ang labi na sabi ni Maam Lihan.
"Pero wala naman tayong kasalanan sakan'ya." mahinahong sabi ni Sir Crio.
"Pinagbibintangan n'ya kayo ni Auntie, base sa balitang nasagap ko inaakala n'yang kayo ang dahilan ng pagbagsak ng kompanya nila at pagkamatay ng Asawa at babaeng anak n'ya." sabi ni Liam.
"Ano?" naluluhang sabi ni Maam Lihan.
"Maam, Sir wala na tayong oras please payagan n'yo kaming tumulong? Kailangan kami ni Leyrein!" halos magmakaawa ng ani ko.
Nagkatinginan sila bago sinabing patago silang magpapadala ng pulis upang kahit papaano ay may kasama kami.
Nang matapos ang usapan ay kaagad na kaming umalis.
"Saan tayo pupunta? Hihingi naba tayo ng tulong sa Ama mo?" tanong ni Avien.
"Hindi, hindi ko kailangan ng tulong n'ya, nagbago na ang isip ko. We'll go to Klian's house."
Liyana's POV:
NAPADAING ako matapos kong igalaw ang likod ko. Sobrang sakit dahil siguro sa ngalay.
Ngunit lahat ata ng sakit ay nawala ng makita kong hindi pamilyar ang silid na aking kinalalagyan. Nasaan ako?!
Agad kong inilibot ang aking paningin at nakita si Aron! Bugbog sarado at halos hindi ko na nakilala!
Nakagapos ang kamay n'ya at paa.
"A-Aron..." naiiyak na tawag ko.
Unti-unti at dahan-dahan n'yang idiliat ang mga mata, nagawa pang ngumiti saakin.
"A-Ayos ka lang ba L-Liyana?" tanong n'ya at naubo pa.
"Ayos lang ako, pero ikaw.." naluluha ng ani ko.
"Shh huwag kang umiyak, d-di ba sabi ko kailangan m-magmukha kang matapang? P-Para hindi n-nila samantalahin ang k-kahinaan mo?" sabi n'ya at muling napaubo.
Tumango ako at pilit pinigilan ang mga luhang nagbabadyang tumulo.
Ngumiti s'ya at sinabing magpapahinga, ako naman ay naghanap ng matalim na bagay na aking magagamit.
Nakita ko ang isang maliit na bubog at pinilit kong maabot 'to. Nang tuluyan kong maabot ay agad kong itinutok sa lubid na nasa kamay ko ngunit dumulas ito at tumama sa balat ko.
"Ouch." mahinang daing ko at muling pinulot ang bubog.
Kaskas dito kaskas doon 'yan ang ginagawa ko sa nakalipas na minuto nang tuluyang makalag ang tali ay mabilis kong inalis ang tali saaking paa.
Tahimik kong nilapitan si Aron at hinaplos ang bawat pasa sakan'yang mukha.
"Sorry, nadamay ka." mahinang sabi ko kahit hindi alam kung bakit nga ba kami narito.
Maingat kong tinanggal ang tali sakan'yang kamay at paa.
"Aron.. Aron.." mahinang paggising ko.
Nagulat s'ya ng makita akong wala ng tali.
"Shh tatakas tayo rito." sabi ko.
Tumango s'ya kaya naman agad ko s'yang inalalayan patayo. Mabagal naming nilakad ang natatanging pinto sa kinalalagyan namin.
Binuksan ko ang pinto at tumambad ang tahimik na hallway.
"Dito tayo sa kanan." mahinang ani ko.
Tumango s'ya kaya nagpatuloy kami sa paglalakad. Akmang baba na kami sa hagdan na nakita namin ng marinig ko ang pamilyar na boses.
"Ilabas mo Liyana!" Si Caiven.
"And why would i do that? She's mine after all." nakangising sabi ni Keilus na katabi si... si... Klian?!
"Kailan man ay hindi s'ya naging sa'yo!" sigaw ni Caiven at sumugod.
Nakita ko sila Kuya Liam at Avien na kanya-kanyang sipa at sapak sa mga tauhan nila Klian.
Nagulat ako ng masalubong ko ang mga mata ni Klian.
Pasimple s'yang pumunta sa gawi namin.
"Ano bang ginagawa mo?! Bumalik kayo sa loob!" singhal n'ya.
Sinampal ko s'ya ng malakas.
"Para ano? Para ikulong muli kami?! Hindi!" sabi ko at sinipa ang tiyan n'ya bago inalalayan si Aron papababa.
"Caiven!" sigaw ko ng tutukan s'ya ng baril ni Keilus.
"Mamili ka Liyana, iyang lalaking katabi mo o itong lalaking ilang beses mong iniyakan?" tanong ni Keilus.
Ang isa n'yang tauhan ay nakatutok ang baril kay Aron.
"Itigil mo na 'to Keilus!" tila naiiyak na sabi ko.
"Nakiusap din kami! Pero anong ginawa n'yo?! Pinabagsak n'yo ang kompanya namin! At pinatay si Mommy at Kristel!" sigaw n'yat at mas idiniin ang dulo ng baril sa ulo ni Caiven.
Nagpalipat-lipat ako ng tingin. Anong gagawin ko?
"Si Dad ang pumatay kay Mommy at Kristel, Keilus." sabi ni Klian!
"At paano mong nasasabi 'yan?! Tuluyan kana bang nabaliw sa babaeng 'to?!" inis na aniya at saakin itinutok ang baril.
"Hindi sa ganon! Kitang-kita ko kung paano sinaksak ni Daddy si Mommy para manahimik? Hinalay n'ya rin si Kristel bago namatay! Ikaw ang bulag at masyadong nilamon ng pambobola ni Daddy!" sigaw ni Klian.
Tila napatulala si Keilus ng ilang sandali bago pagak na tumawa.
"Bobo ka! Kingina!" sigaw n'ya, napapikit ako matapos makarinig ng sunod-sunod na putukan ng baril.
"Aron..." mahinang ani ko ng makitang nakayakap s'ya saakin habang ang dugo ay umaagos sakan'yang bibig. S'ya ang nabaril ni Keilus!
"Klian!" sigaw ni Avien ng makitang bumagsak sa sahig si Klian!
Bago pa man muling makabaril ang bumaril kay Klian ay naunahan na ito ni Caiven.
Napaupo ako at ipinaunan si Aron sa hita ko.
"Aron? B-Bakit mo ginawa 'yon?" tanong ko.
"Napaka worth it itaya ang buhay, p-para sa taong m-mahal ko.." sabi n'ya at matamis na ngumiti.
Napaluha ako at paulit-ulit na humingi ng tawad dahil sa ginawa kong pananakit sakan'ya pero ito ang ginanti n'ya, niligtas n'ya ang buhay ko.
"Klian!" sigaw ko ng makitang akmang may babaril sakan'ya.
"Huwag!"
[A:N] Eyy yow guys alam kong parang sobrang bilis nang mga nangyari sorry na mwehehe btw i hope you enjoy this chapter! One chapter left nalang! Staytuned!! Enjoy reading! Stay safe!
Questions:
1. Nagbati ba sila Caiven at Liyana?
Pakihintay po sa last chap.
2. Anong nangyari kala Aron at Klian?
Ehe ehe paki wait sa last chap.
3. Ano nang next na mangyayari?
As always wait for the last chap HAHAHA.
Advance Happy New Year guys!
Shashaxxe
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro