CHAPTER 47
Chapter 47
Ley's POV:
NAGISING ako dahil sa pagriring ng cellphone ko.
"Happy birthday Anak!" bati ni Mama mula sa kabilang linya.
Tapos na ang operasyon n'ya at binabantayan nalang ang kalagayan n'ya. Samantalang nakausap ko naman na sila Lola tungkol sa paglipat ko ng bahay pero sinabi kong babalik at babalik ako sakanila.
"Thank you Ma, Pa, Miss ko na kayo, Love you both." sabi ko habang hindi mapunit ang ngiti sa labi ko.
Narinig ko ang pagsinghot ni Mama sa kabilang linya.
"Nako pinaiyak mo na naman ang Mama mo Liyana," natatawang sabi ni Papa.
Ilang minuto pa ang tinagal ng pag-uusap namin hanggang sa tuluyan na silang nagpaalam para makapag pahinga si Mama.
Nag-ayos ako ng sarili bago bumaba.
"Good morning Mom, Dad." bati ko.
"Good morning, baby." matamis ang ngiting sabi ni Mommy at hinalikan ako sa pisngi.
"Rein! Ay Liyana pala." naka-pout na sabi ni Avien.
Hindi naman nagbago ang pakikitungo nila saakin mas naging bibo nga s'ya at si Kuya Liam.
"Okay lang kahit Rein ang tawag mo saakin." nakangiting sabi ko.
Magsasalita pa sana s'ya ng biglang may bumusina sa harap ng bahay namin.
"Nandyan na boyfriend n'ya ayiii!" tukso ni Kuya Liam kay Avien.
"Kuya!" namumulang ani nito.
"Ehhem sino 'yan ha?" kunwaring masungit na tanong ni Dad.
"Uncle si Theo lang po 'yun." sabi nito at nagpaalam ng aalis.
" 'Yong batang 'yon talaga, teka ikaw ba ay may nobyo na Liyana?" tanong ni Daddy.
Meron po... Sana. Pero taliwas sa naisip ko ang isinagot ko kay Daddy.
"Wala po ah!" tanggi ko.
Napabungisngis sila ni Mommy bago kami sabay-sabay kumain kasama si Kuya Liam. Habang kumakain ay paulit-ulit akong binati nila Kuya ng Happy birthday.
Tama nga 'yung kasambahay nila Mom. Tama 'yung kutob n'yang isa akong Crinson.
"OMYYY ang ganda ng anak ko" tili ni mommy habang inaayusan ako.
Maya-maya na kasi ang party ko. Grabe ngayon lang ako nakaranas ng ganito kagarbong handa kaya naman na eexcite ako.
"Mom, syempre mana sa'yo." sabi ko at kumindat pa.
"Nakuu ikaw talaga manang-mana ka sa tatay mong maloko." natatawang sabi ni Mommy at niyakap ako mula sa likod.
"Totoo po kaya Mom, ang ganda mo no'ng una nga po kitang nakita para ka pong dalaga e." sabi ko.
Narinig ko ang mahina n'yang pagtawa at hinarap ako.
"Ang bolera kong prinsesa na sobra kong mahal." sabi n'ya at kinurot ang tungki ng ilong ko.
"Mom, thank you ah?" nakangiting sabi ko.
"Thank you for what?" tanong n'ya.
"Thank you for not being mad with Mama and Papa." sabi ko.
Nanubig ang mata n'ya at hinaplos ang pisngi ko.
"Why would i get mad? They take care of you, pinalaki ka nilang maayos at higit sa lahat ibinalik kana nila saakin." nangingiting sabi ni Mommy.
Pinunasan ko ang ilang butil ng luha n'ya at ngumiti.
"Labas na tayo Mom, baka masira make up mo kakaiyak e." biro ko.
Natawa din s'ya at sinabing mauuna na s'ya lumabas.
KASALUKUYAN kong inaayos ang laylayan ng red gown ko ng biglang kumatok ang katulong namin.
"Maam, mag-abang na raw ho kayo malapit sa hagdan at hintayin ang pagtawag sa pangalan n'yo." sabi nito, nginitian ko s'ya at sinabing susunod na ako.
Agad akong pumunta sa pwesto hanggang sa marinig ko na ang pangalan ko.
"Our debut celebrant! Miss Liyana Crinson!" sabi ng organizer bago ko narinig ang palakpakan ng mga bisita.
Dahan-dahan akong bumaba mula sa hagdan at nakita ko ang gulat na mukha ng mga tao. Bakas sa mga mukha nila ang matinding gulat. Dahil siguro sa tagal ng pagkawala ko inakala talaga nilang patay na ako.
Tila nawala ang natural na ngiti saaking labi ng makita ko ang pamilyang Astrone, kasama s'ya, si Caiven.
Pare-parehong nakaawang ang mga labi nila maliban kay Caiven na walang emosyong nakatingin saakin.
"Happy birthday." isa isang bati ng bisita pagkababa ko.
Ngumiti ako ng matamis at nagpasalamat sakanila.
Kanya-Kanyang intertain ng bisit sila Mommy at sila Avien. Kaya naman lumapit ako kay Klian na nung isang araw ko pa inimbitahan.
"Bespren!" masayang bati ko.
"Ikaw ba 'yan Leyrein?" tanong n'ya.
Hinampas ko s'ya sa braso at umupo sa tabi n'ya.
"Sira ka! Malamang oo." natatawang sabi ko.
Natawa din s'ya at binati ako.
"Happy birthday pandak! Tumangkad kana sana!" sabi n'ya muli ko s'yang hinampas dahil sa pang-aasar n'ya.
Tumawa s'ya bago iniabot ang regalo saakin.
"Salamat." nakangiting sabi ko.
Nang matapos ang pag-uusap namin ay nagpaalam muna ako.
Dumeretso ako sa garden na walang katao-tao. Huminga ako ng malalim at napatitig sa singsing na kanina ko pa hawak.
'Yung bigay ni Ven.
Napaigtad ako sa gulat ng may magsalita mula sa likuran ko.
"Kailan kapa natutong magpanggap?" Si Caiven.
Yumuko ako at akmang aalis na roon ng hawakan n'ya ang braso ko.
"Ano ba!" inis na ani ko.
"Kailan kapa natutong magpanggap? Na pati si Liyana na matagal ng patay ay ginagaya mo?!" galit n'yang sabi.
Bakit ayaw n'yang maniwala? Ano bang koneksyon ang meron s'ya kay Liyana? Saakin?
"Ano bang pakailam mo? Ano ba kita?" inis na ani ko.
Lumapit s'ya saakin at hinapit ang bewang ko. Napalunok ako at napatitig sa mga mata n'yang walang emosyon.
"Anong pakailam ko? Ginagaya mo lang naman 'yung taong una't huling minahal ko. So stop this shit!" singhal n'ya at pabato ako binitiwan.
Nanggigigil ko s'yang sinampal ng dalawang beses.
"Alam mo? Ang gago mo!" sigaw ko at pasampal na 'binigay sakan'ya ang singsing ko, na sakan'ya mismo nanggaling.
Napaawang ang labi n'ya at akmang magsasalita ng may humapit saaking bewang.
"What's your problem bro?" maangas na tanong ni Keilus.
Bumaba ang mga mata ni Caiven sa kamay ni Keilus na nasa bewang ko bago sumagot.
"And who the hell are you?" nagtatagis ang bagang na tanong nito.
"Boyfriend n'ya, bakit sino kaba?" tanong ni Keilus.
Hindi ako umalma, gusto ko ng makatakas mula sa sakit na ipinadarama saakin ni Caiven.
Pagak na tumawa si Caiven bago umalis sa harap namin.
Tila nabunutan ako ng tinik at agad tinanggal ang kamay ni Keilus saakin.
"Salamat." sabi ko, ngumiti s'ya at hinaplos ang pisngi ko.
"No problem, everything for my princess."
Someone's POV:
"Huwag kayong pakasasaya mga Crinson, lahat ng saya ay may kapalit na lungkot. Ngunit sisiguraduhin kong hindi lang lungkot ang madarama n'yo kundi matindi pa sa sakit na ibinigay n'yo sa pamilya ko!"
[A:N] Eyy yow guys! Malapit lapit na pero Y naman 'yung mga bida natin may LQ pa? Jusq ayaw pa kasi manuyo ni Fafa Caiven HAHAHA btw enjoy reading! Stay safe!!!
Shashaxxe
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro