Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 44 BEACH II

Chapter 44

Ley's POV:

"C-Caiven!" hinihingal na sigaw ko habang tumatakbo papunta kay Caiven.

Agad kong hinila ang braso n'ya paharap saakin ngunit tila gumuho ang mundo ko sa nakita.

Hindi s'ya si Caiven.

Napaluhod ako at doon tuluyang ibinuhos lahat ng luha ko.

"Caiven.. B-Bumalik kana.." mahinang usal ko nakakuyom ang kamay habang mahinang humihikbi.

"Sorry Sir, akala n'ya kasi ikaw 'yung kakilala namin." rinig kong ani Klian.

"Omy! Rein!" hiyaw ni Avien na kadarating lang. Agad s'yang lumuhod at isinandal ako sakan'ya.

"A-Ano bang mali saakin Avien? B-Bakit kailangang iwan n'ya ako?" ani ko habang patuloy sa paghikbi.

"Shhh baka may dahila-" hindi n'ya natapos ang sasabihin ng magsalita si Klian.

"Kung ano man 'yung dahilan n'ya wala s'yang karapatang saktan si Leyrein." nagtatagis ang bagang na aniya.

Muli akong napahagulgol habang mahigpit ang pagkakayakap kay Avien.

Tumigil ako sa pag-iyak at tumayo ako habang nasa tabi ko si Avien.

"Sa'n ka pupunta?" bakas ang pag-aalala sa tanong n'ya.

Hindi ko s'ya sinagot at naglakad ng dere-deretso, papunta sa kwartong inuukupa namin.

Nang makarating sa kwarto ay kaagad kong hinanap ang aking cellphone at tinawagan si Caiven.

Pero katulad dati'y walang Caiven ang sumasagot. Kinuha ko ang unan at mahigpit 'tong niyakap. Habang inaalala ang matamis naming nakaraan.

Kung paanong una kaming nagkita.


"Bakit kasi 'di ka tumitingin sa dinaraanan mo!/ Bakit kasi haharang-harang ka!" Halos magkasabay na sabi namin.

Ngumiti ako ng maalala 'yon, no'ng panahon na galit na galit pa ako sakan'ya. Ngunit ang ngiting 'yon ay nawala ng maalala ko saamin ang lahat.

Miss na miss ko na s'ya, Miss na miss na kita Caiven.

"Caiven... K-Kailan kaba babalik?" lumuluhang bulong ko sa hangin.

"Miss na kita.."


MAAGA AKONG nagising kaya naman pinagluto ko sila Avien. Hindi ko muna sila ginising bagkus ay pumunta ako sa tabing dagat.

Tinitigan ko ang papasikat ng araw, dito kumakalma ang sistema ko sa isang magandang tanawin.

Pero tila hindi tumalab ang ganda ng papasikat na araw ng muli ko s'yang maalala. Muling nagsunod-sunod sa pagpatak ang aking luha.

"Kung sana nandito ka..." bulong ko.

"Hindi ka sana lumuluha ng gan'yan." sabi ng isang tinig na ikinaigtad ko.

Umupo s'ya sa dalampasigan katabi ko at inabutan ako ng panyo.

"H-Hindi ko kailangan n'yan." ani ko at akmang tatayo ngunit hinawakan n'ya ang pulsuhan ko.

Inilapit n'ya saakin ang panyo at ipinunas ito sa pisngi ko.

"You don't deserve pain, every woman deserve to be loved not to be hurted." he said.

Napatitig lang ako sakan'ya bago nag-iwas ng tingin. Sino ba s'ya para sabihin saakin ang mga salitang 'yon?

"By the way, I'm Keilus." nakangiting sabi n'ya habang ang isang kamay ay nakalahad.

Napabuntong hininga ako. Napaka-bastos ata kung hindi ko tatanggapin ang pakikipag-kilala n'ya.

"Leyrein, I'm Leyrein." sabi ko at nakipagkamay sakan'ya ng hindi n'ya bitawan agad ay ako na ang umagaw sa kamay ko.

"Leyrein!" sigaw ni Avien na kadarating lang.

Hinihingal s'yang niyakap ako na ikinataka ko.

"Bakit ba hindi ka nagpapaalam! Nag-aalala kami sa'yo!" inis na singhal n'ya.

"Sorry.." nakayukong ani ko na s'yang naman dating nila Aron.

"And who are you?" halata ang angas sa tono ng pananalita ni Aron.

Muli akong napatingin kay Keilus ngunit may tinitignan s'yang iba. Si Klian.

"I'm Keilus, Nakatatandang kapatid ni Klian." nakangising sabi nito.

Naka-awang ang labi na napatingin kami kay Klian, seryoso ang mukha n'ya, na ngayon lamang namin nakita.

"Tss tara kumain na tayo." sabi ni Klian at mauuna na sana ng muling magsalita si Keilus.

"Hindi mo man lang ba namiss ang Kuya mo? ha Klian?" nakangising tanong nito, tila nang-aasar.

Narinig namin ang malakas na buntong hininga ni Klian bago muling humarap sa kapatid 'daw'.

"Look, i don't have time for you." tanging sinagot ni Klian at nauna na.

Nakita ko kung paano tumiim ang bagang ni Keilus.

Anong meron sakanila? Bakit parang hindi sila magkapatid kung mag-usap?

MABILIS NA lumipas ang oras at ngayon ay araw na ng pag-uwi namin.

"Tapos kana mag-ayos ng gamit Rein?" tanong ni Avien, ngiting-ngiti pa.

"Yup, tara na?" nakangiting aya ko.

Masaya naman ang mga nagawa namin no'ng nakaraan kahit madalas bumusangot si Klian dahil sa Kuya n'ya.

"Tara na uwi na tayo, Wife." bungad ni Kuya Theo ng makalabas kami.

Nang dumaang araw ay medyo nagkakamabutihan na ang dalawa, sana all 'di ba?

"Tumigil ka nga!" namumulang singhal ni Avien at hinila ako palagpas kay Kuya Theo na tumatawa.

Pumunta kami sa sasakyan namin, sila Klian at Aron ay may sari-sariling sasakyan ang ending kasabay ko na naman ang dalawang sweet.

"Saan mo gusto pumunta, Wife?" tanong ni Kuya Theo habang pinagagalaw ang dalawang kilay, inaasar si Avien.

"Tsk malamang uuwi! Sira ka!" singhal nito.

"Avien bakit nga pala hindi ko pa nakikita ang parents mo?" tanong ko.

"Busy kasi sila sa ibang bansa, and mas gusto namin ni Kuya kala Auntie." sagot n'ya, napatango-tango ako.

"Ikaw saan kaba uuwi ngayon Rein?" tanong n'ya.

"Uhm uuwi muna ako kala Mama ang balita ko kasi sa isang araw na ang operasyon." sabi ko.

"Sige, nga pala pag-kulang 'yung pera n'yo ha? Mag sabi ka handa akong tumulong." nakangiting aniya.

Ngumiti ako at tumango sakan'ya.

Mabilis kaming nakarating sa bahay, ewan ko pero mas mabilis ata ang pa uwi.

"Oh ingat ha? Wag puro lambingan baka mabangga." pang-aasar ko.

"Rein!" namumulang sabi ni Avien na ikinatawa namin ni Kuya Theo.

"Oh Kuya Theo ingat kayo ah!" sabi ko bago sila tuluyang umalis.

Papasok na sana ako sa bahay ng may marinig akong maliliit na hikbi at sisihan.

"Sabihin mo na kasi sakan'ya! Kaysa malaman n'ya sa iba!" rinig ko ang boses ni Lola.

"Nay, hindi pwede alam mong.. Pwede n'ya tayong iwan, ayokong mangyari 'yon malulungkot ang asawa ko." nag-papaintindi at tila nagmamakaawa na sabi ni Papa.

Sumilip ako sa pinto at nakita ang luhaang mukha ni Lola. Bakas naman ang takot sa mukha ni Papa.

"Nay, nakikiusap ako ayokong malaman n'ya ang totoo.." sabi ni Papa.

"Pero karapatan n'ya 'yon." sagot ni Lola.

Nilakasan ko ang loob ko at nagsalita ako.

"Anong kailangan kong malaman? Lola? Papa?" sabi ko at pilit na ngumiti.

"L-Leyrein... Anak." tila gulat na gulat na sabi ni Papa.

Ngumiti ako sakanila at lumapit.

"Anong kailangan kong malaman?" kalmado pa ring sabi ko.

"Apo––" hindi natapos ni lola ang sasabihin ng mapasigaw ako sa kaguluhang nararamdaman.

"Anong kailangan kong malaman!? Kailangan ko pa bang lumuhod para sabihin n'yo saakin ang totoo?" nanunubig ang mga matang ani ko.

Nakita kong manlumo si Papa at bumagsak ang mga balikat.

"Hahalikan ko na ba ang mga paa n'yo? Para malaman ko kung ano 'yang katotohanang hindi n'yo masabi-sabi?!" lumuluhang ani ko.

"A-Anak Sorry..."


[A:N] Hey guys! Sorry natagalan nasira kasi ang phone ko so yeah. Salamat sa patuloy na pagsubaybay sa SANC actually balak kong ibahin ang title at gawing MTAC which means More Than A Crushback. So if payag kayo kindly comment hihi. Enjoy reading stay safe! BELATED Merry Christmas!


Shashaxxe

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro