Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 41

Chapter 41

Ley's POV:

"LOVE PLEASE don't leave?" sabi ko at niyakap s'ya.

Narinig ko ang buntong hininga n'ya bago sumagot.

"I need to do this, don't worry i'll comeback.." he said as he smiled at me.

Ilang weeks na rin ang nakaraan simula nang sabihin n'yang aalis s'ya. Nagulat ako pero wala akong magagawa. At ngayon, ngayon na ang araw ng alis n'ya.

Papasok na kami ngayon sa Airport at lalong humihigpit ang kapit ko sakaniya.

"I'll be back okay?" sabi n'ya.

Malungkot akong ngumiti at magsasalita pa sana ng dampian n'ya ng halik ang labi ko.

S'ya rin ang unang pumutol ng halik bago ako muling hinalikan sa noo.

"I'll text you from time to time Love, promise.." bulong n'ya.

Tumango ako at niyakap s'ya ng mahigpit, sinusulit ang sandali.

Bumitaw ako at ngumiti sakaniya.

Nanubig ang mga mata ko matapos makita s'ya naglalakad na palayo, kumakaway saakin..

"I love you..." mahinang ani ko, 'yung ako lang ang makaririnig.

Papatalikod na sana ako ng makita ko s'yang muling lumingon at ngumiti saakin.

"I love you, Love." usal n'ya ng walang boses.

Do'n nagsituluan ang luha ko. Tuluyan na s'yang tumalikod at naglakad palayo.

Hihintayin kita, please bumalik ka.

Two weeks later...

"Leyrein?" agad akong napabaling sa Daddy ni Caiven.

Dalawang linggo na ng umalis s'ya at nagsimula muli akong magtrabaho. Kaya nagtataka ako kung bakit ako tinawag nito.

"Yes po?" tanong ko.

"I want you to leave this house, as soon as possible." sabi n'ya ng hindi tumitingin saakin.

Nagugulat akong napamaang sakaniya.

"Sir? Ginagawa ko naman po ang trabaho ko kahit ayaw ni Caiven." sabi ko pahina ng pahina.

Dahil nitong magkakasunod na apat na araw ay wala ng paramdam si Caiven.

"That's it! Kapag sinabi n'yang hindi ka magtatrabaho susundin mo? Ano 'to nakakakuha ka ng libreng pera mula saamin?" nanlilisik ang mga matang ani nito.

"Sir, babawi ho ako. Hindi kasi pwedeng tumigil ngayon Sir malapit na po ang operasyon ni Mama." pagpapakiusap ko.

"The hell i care! Security!" sigaw nito.

Naguguluhan akong sinundan s'ya palabas at halos mapasigaw sa gulat ng makita ang mga gamit ko sa kalsada!

"You're fired Leyrein! Get out to our house!" bulyaw pa nito.

Nanunubig ang mga matang lumuhod ako sa harap n'ya at halos halikan na ang sapatos nito.

"Sir.. W-Wag po ngayon nakikiusap po ako.." umiiyak na ani ko.

"You don't deserve my son. You and your family will just use our money! So get loss!" sigaw nito at tinalikuran ako.

Nakita ko pang gusto akong lapitan nila Mrs. Astrone at Cailyne pero agad silang binulyawan ni Mr Astrone.

Agad kong pinahid ang luha ko at inayos ang mga gamit ko. Naglakad ako habang sinusubukang i contact ang number ni Caiven.

"Sagutin mo please... I need you right now Cai.." naluluha na namang ani ko.

Ngunit natapos na ang pag ring ay hindi n'ya pa rin sinagot. Umiiyak kong tinungo ang maliit na park 'di kalayuan sa Subdivison.

"Bakit ba sa'kin nangyayari 'to? Caiven, akala ko ba mabilis ka lang?" muling nagsituluan ang luha ko at hindi ko napigilan ang malakas na pagkagulgol.

Napatigil lamang ako matapos magring ang cellphone ko. Mabilis ko 'tong kinuha at umaasang si Caiven na 'to. Ngunit bigo ako.

"Hello Pa?" pilit pinasisiglang boses na ani ko.

"Anak? Kailangan nang maoperahan ng Mama mo.." halata ang lungkot sa boses n'ya.

" 'Yung ipinadala ko po ba pa? Magkano ho ang kulang?" tanong ko.

"100K pa anak." matamlay na ani nito.

"Sige ho Pa, gagawa ako ng paraan." ani ko.

"Salamat anak–" hindi nito natapos ang sasabihin matapos kong patayin ang tawag. Alam kong kabastusan 'yun pero hirap na hirap na akong magpigil ng luha.

Napabuntong hininga ako.

"T*ngina ano bang nangyayari sa buhay ko?" nanlulumong ani ko at napasabunot sa sarili kong buhok.

Muli akong naluha ng maalala ang nangyayari saakin. Tila ba pinaparusahan ako ng may kapal.

Dahil sa bigat na naramdaman ay pinagsusuntok ko ang kinauupuan ko. Walang pakailam kung dumudugo na ang kamao ko.

"Ayoko na... Pagod na pagod na ako pwede bang kuhanin mo na ako?" nakatingalang ani ko at muling bumuhos ang luha ko.

"Hindi pa pwede, kasi hindi pa tapos ang misyon mo." isang tinig mula sa kung saan ang narinig ko.

Napalingon ako at doon ko namataan ang papalapit na si Aron. Ngumiti s'ya ng bahagya at tumabi sa'kin.

"Iwan mo ako. Gusto kong mapag-isa." walang emosyong ani ko.

"Pero halata sa'yong, kailangan mo ng mapagsasabihan ng problema." sabi n'ya.

May dinukot s'ya sa bulsa at iniabot saakin.

"Ano 'yan?" inis na ani ko.

"Panyo malamang." natatawang n'ya at akmang ipapahid sa pisngi ko ng inagaw ko na 'to.

"Ano bang kailangan mo? Alam mo namang hindi kita gustong narito." maya-maya'y ani ko.

Napapamaang s'yang tumingin saakin bago tumawa ng mahina.

"Leyrein, can we forget the past and let's be friends?" nakangiting aniya.

Agad akong umingos sa inis at inirapan s'ya. S'ya naman ay yumuko at nagpigil ng tawa.

"Oh? A ring." maya-maya ay bulong n'ya.

Nakita kong pinulot n'ya ito mula sa paanan n'ya. Sa'kin 'yun! Mabuti at nakita n'ya!

"Li–" hindi n'ya natapos basahin ang nakasulat matapos ko itong hablutin

"Akin 'to! Ugok." ani ko at agad itinago ito.

Nagtaka ako matapos n'ya akong titigan.

"Leyrein do you know  Crinson's?" tanong n'ya.

"Yup, si Avien Crinson kaibigan ko, bakit?" tanong ko habang ang tingin ay nasa malayo.

"Omy! Sana nandito pa!" wala sa sariling usal ko at agad hinanap ang number ni Mrs. Crinson.

Inalok nila ako ng trabaho remember?

"Ang alin?" usisa ni Aron at nakitingin.

"Lumayo ka nga!" singhal ko paano ang lapit ng mukha saakin.

Natawa s'ya at agad lumayo.

"So sino nga?" pangungulit n'ya.

"Si Hakdog." pamimilosopo ko.

"Tsk ayos kausap." aniya, mukhang napikon na.

Hindi ko s'ya pinansin imbis idinial ang numero ni Mrs Crinson.

"Hello? Who's this?" sagot nito matapos ng limang ring.

Napalingon agad ako kay Aron na tahimik na nakikinig.

"Ako po 'to si Leyrein"


[A:N] Hi! Thank you for waiting to my update! Hope you like this one hshs btw malapit nang matapos ito i hope na umabot kayo hanggang dulo! 'di tulad ng mga magjowa jan 'di umabot ng pasko HAHAHA dejok.





Shashaxxe

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro