Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 40

Chapter 40

Klian's POV:

Mataman kong tinitigan si Leyrein mula sa malayo. Masaya s'yang kumakain kasama si Caiven. Kung pwede sanang ako nalang 'yon. Kung pwede sanang ako nalang ang mahal n'ya.

Napabuntong hininga ako lalo pa't alam kong hindi mangyayari ang iniisip ko. Lalo pa sa isang sekretong nalaman ko. Sekreto na lahat ata ay ikagugulat kung malalaman ito.

Handa na sana akong umalis sa ilalim ng punong 'yon nang may humawak saakin braso.

"Klian! Ikaw nga!" nakangiting ani ni Avien ng makita ako.

Natulos ako sa kinatatayuan ko matapos n'ya akong yakapin ng mahigpit. Ano't ganito s'yang kasaya na makita ako?

"Let go of me." wika ko.

"Sorry, by the way hindi ka manlang ba magpapakita kay Leyrein? I'm sure miss kana no'n." aniya at pinagpag ang damit ko.

"Stop–" hindi ko natapos ang sasabihin ng may tumili mula sa likuran ko.

"Klian! Wahh i miss you!" tili nito at tumatakbong lumapit saakin at niyakap ako ng mahigpit.

Hindi ko alam pero parang nawala lahat ng isipin ko at natuon dito sa babaeng yakap-yakap ko.

"I'm sorry." nasabi ko habang hinahaplos ang buhok n'ya, hindi alam kung 'yung sorry ba na 'yon ay para sa pagkawala ko o sa ibang bagay.

"Okay lang! 'di ka pa ba papasok?! Baka bumagsak ka sige ka!" pananakot pa n'ya.

Napangiti ako bago napatingin kay Caiven na may malungkot na ngiti sa labi? Ano't ganyan s'ya? May ginawa ba s'yang dapat malaman ni Leyrein?

"Okay lang, si Daddy na ang bahala." nakangiting ani ko at ginulo ang ibabaw ng buhok ni Leyrein.

" 'Yan ka na naman! 'Di na nga tayo nakakapagbonding!" nakangusong aniya.

"Hindi pwede baka magselos ang nobyo mo." nakangising ani ko at muling binalingan ng tingin si Caiven.

Napatikhim s'ya bago inakbayan si Leyrein.

"Okay lang naman, as long as kasama ako or si Avien." wika niya, hindi talaga hahayaang ako lang ang kasama ng nobya.

Ngumisi ako na sa huli'y nauwi sa mahinang pagtawa.

"Sige, mauuna na ako Leyrein. Sa susunod makakapagbonding na tayo, pangako." nakangiting paalam ko at mabilis na nilisan ang lugar hindi alintana ang tawag ng aking mahal.

Hindi pa panahon para malaman mo ang katotohanan Leyrein, hindi pa.

Nang makauwi ako sa bahay ay ang masungit at istriktong mukha ng aking ama ang aking nadatnan.

"Anong nalaman mo?" bungad na tanong nito, hindi manlang kinumusta kung ayos lang ba ako.

"Wala ho." pagsisinungaling ko.

Alam kong may binabalak s'ya, lalo pa at halang ang kanyang kaluluwa na mismong asawa ay pinatay dahil sa sekretong pilit nitong itinago.

Napabuntong hininga ako at pinilit hindi maluha. Kailangan kong maging matapang para na rin mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng aking ina.

Malapit na Mom konting tiis nalang.

Ley's POV:

Kakamot-kamot sa ulo akong napabaling ng tingin kay Caiven matapos makaalis ni Klian. 'Yong loko na 'yon!? Arghh

"Uwi na tayo?" nakangiting ani ni Caiven.

"Don't! May narinig akong usapan may bagong bukas daw na gamezone diyan sa malapit!" tila excited na sabi ni Avien.

Napaisip ako kung mag-aaya ba akong pumunta roon.

"Gusto mo?" nakangiting tanong ni Caiven.

Lumapad ang aking ngiti at sunod-sunod na tumango.

"Let's go! Follow n'yo lang ang kotse ko guys okay?" sabi ni Avien at agad sumakay sa kotse n'ya.

Mabilis akong sumakay sa kotse ni Caiven. Tulad ng sinabi ni Avien ay sinundan namin ang kotse n'ya.

Nang makarating sa gamezone na sinasabi n'ya ay namangha ako. Parang hindi gamezone! Dahil mas mukha s'yang maliit na star city! Omooo! Mayro'n ding ferris wheel na hindi kataasan.

"Avien kala ko ba gamezone?" tanong ni Caiven

" 'Yon kasi ang rinig ko hindi pala para s'yang maliit na Star City! Tara naa!" hiyaw n'ya at nauna nang pumasok sa loob.

Humiwalay s'ya saamin at sinabing magkita nalang uli kami sa parking.

"Ayun! Do'n tayo!" turo ko sa isang stall na may mga premyo at babarilin ang target.

"Manong ano hong tawag sa lugar na ito?" tanong ko.

"Ah ito ba miss? Perya ito hija." masayang ani nito.

Abo't tainga ang ngiti ko nang bumaling kay Caiven na lumilibot ang paningin.

"What do you want?" tanong n'ya.

" 'Yong malaking Rabbit!" excited na ani ko.

"Okay, manong magkano ho?" tanong n'ya.

"Pasensya kana hijo, hindi ibinebenta 'yan pinanalalunan 'yan." nakangiting ani ng manong.

"How?" tanong n'ya.

Ipinaliwanag sakanya ni manong ang gagawin. Tumingin muna s'ya saakin at ngumiti bago nagsimula.

Mura dito, mura doon. 'Yan ang salitang maririnig mula sakanyang bibig.

"Wag na hindi mo naman kaya e." pang-aasar ko.

"No! I can do this!" sabi n'ya.

Kanina ko pa rin kasi napapansin ang pagdami ng taong nakatingin saamin. Karaniwan ay babae at namamangha sakanyang kagwapuhan. Hmp! Sarap hilahin ng mata eh makatingin sa bebe ko.

"Gotcha!" malakas at tila tuwang-tuwa na ani ni Caiven.

Maging ang mga taong nakapalibot saamin ay nagsingitian. Nang tingnan ko si Caiven ay hawak na n'ya ang Rabbit! Omoo ang kyut!

"Ang cute!" nakangiting ani ko.

Ngumiti s'ya at hinaplos ang pisngi ko.

"You happy now, Love?" malambing na aniya.

Agad akong pinamulahan dahil sa itinawag n'ya saakin kaya mabilis ko s'yang hinila paalis sa lugar na 'yon.

"You're blushing!" aniya at pinagtawanan ako ng malakas.

"Wag ka nga!" saway ko dahil sa hiya.

Nagpunta pa kami sa iba't ibang stall at in-enjoy ang bawat sandali. Tawa rito tawa roon, yan ang nangyari saamin sa buong isang oras.

Nang mapagod ay kumain kami sandali at nagpahinga bago sumakay sa ferris wheel.

"Ang ganda.." namamanghang ani ko habang ang paningin ay nasa papalubog na araw at nagsisilabasang ilaw ng siyudad.

"Maganda nga.." bulong ni Caiven na nasa gilid ko.

Nang harapin ko ay nagulat ako dahilan ng pagdikit ng aming mga labi.

"Ano ba!" namumulang ani ko.

Natawa s'ya nang mahina at bago pa man ako muling magsalita ay siniil n'ya ng halik ang labi ko.

BAGO mag 7 o 'clock ay nasa daan na kami pauwi. Si Avien ay todo ang panunukso saamin dahil daw sa kasweetan na meron kami.

Nakangiti kong pinagmasdan ang nadadaanan namin. Para akong baliw na kinikilig kapag naaalala ang halik na pinagsaluhan namin.

Nagulat ako ng ihinto ni Caiven sa isang tabi ang kotse kahit hindi pa 'yon ang bahay nila.

"Love i need to tell you something.." mahina, tila nagaalangang aniya.

Nangunot ang nuo ko at hinarap s'ya.

"Sure, what is it?" tanong ko.

"I'm leaving.."



Hi! Hope you like my ud! Stay stuned dahil marami pang pasabog na darating HAHAHA pasabog talaga eh btw KEEP SAFE!!



Shashaxxe

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro