CHAPTER 37: Arrange Marriage
Chapter 37: Arrange Marriage
Caiven's POV:
Alam kong hindi siya uuwi sa bahay kaya naman agad akong dumeretso sa bahay nila imbis na pumasok. Ayokong makita 'yung pag-aalaga niya sa Klian na 'yon.
"Oh? Anong ginagawa mo rito iho?" tanong saakin ng Lola ni Leyrein ng makita ako.
"Uhh Lola rito ho ba siya umuwi?" tanong ko.
"Hindi siya nagagawi rito iho bakit?" tanong niya habang iginigaya ako papasok.
"Nag-away ho kasi kami." nakayukong ani ko.
Pinaupo niya ako at hinarap.
"May namamagitan ba sainyo ng apo ko?" halata ang kuryusidad na tanong niya.
Hindi ko alam ang sasabibin dahil alam kong ayaw pa ni Ley na ipaalam ang tungkol saamin pero wala akong choice.
"Yes po, Lola" nahihiyang ani ko.
Bigla kong narinig ang malakas nyang tawa.
"Hay nako oh. Sabi na nga ba't magiging kayo." nakangiting aniya ng tignan ko.
"Lola matutulungan n'yo ho ba ako?" halos magkakaawa ng tanong ko.
"Sa anong paraan ba hijo?"
"Tawagan niyo ho sana siya at sabihing dito siya umuwi." lakas loob kong sabi.
Ngumiti siya tumango. Nagpatulong na rin ako sa pagluluto ng mga paboritong pagkain ni Leyrein. Maging ang paghahanda at pag-aayos ng kwarto niya ay inayos namin ni Lola.
Ang mga dala kong lobo ay mano-mano kong pinalobo bago 'yon idinikit sa dingding at sa kisame. Habang ang lapag naman ay napupuno ng hugis pusong mga kandila.
Matagal bago namin natapos ang kwarto pero masasabi kong sulit dahil maganda ang kinalabasan.
"Iho pauwi na siya!" magiliw na ani ni Lola.
Agad akong pinalibutan ng kaba.
"Sige ho lola magtatago na ho ako. 'Yung line niyo ho ah?" natatawang paalala ko .
Natawa rin siya at tumango. Nagtungo na ako sa kwarto. At maya-maya nga lang ay narinig ko na ang boses niya.
"Bakit ho La?" mahina man ay naririnig ko ang sinasabi n'ya.
Mabuti nalang at nakasindi na rin ang mga kandila at pinatay ang ilaw upang agaran itong mapansin.
"Pumunta kana sa kwarto mo hija at magpahinga mamaya ay dadalaw tayo sa Mama mo."
Napakagat labi ako ng marinig ang pagpayag n'ya. Kitang-kita ko kung paano unti-unting bumukas ang pinto.
Maging ang nagtatakang ekspresyon sa mukha niya ay hindi nakaligtas saaking paningin. Napahawak siya sa nakabukas na labi at inilibot ang paningin. Naroon na ang signal upang ako'y tuluyang lumabas mula sa dilim.
Mahigpit ang hawak sa tatlong pulang rosas ng lumabas ako at magsimulang magsalita.
"Leyrein, i'm sorry. Walang namagitan saamin ni Kia. Nang gabing 'yon sosorpresa talaga kita. Pero dumating si Kia, lasing siya at nung hinalikan niya ako ay saktong pagdating mo kaya sorry Leyrein. Please believe—" hindi ko na natapos pa ang sasabihin ng maramdaman ko na ang mahigpit niyang yakap.
"I'm sorry Cai, i'm sorry.." humihikbing aniya.
Agad ko siyang inalo at mas hinigpitan ang yakap sakan'ya.
"Shhh don't cry. I love you Leyrein.." bulong ko at hinalikan ang tuktok ng ulo niya.
Naramdaman ko ang pagtigil ng hikbi niya bago unti-unting nag-angat ng tingin saakin.
"What did you just say?" sabi niya habang ang hindi ko mapangalanan na emosyon ay naroon sa mukha niya.
"Mahal kita, Leyrein." nakangiting ulit ko habang haplos-haplos ang pisngi niya.
Lumapad ang ngiti niya at nakita ko kung paano siyang tumingkayad at dinampian ng halik ang labi ko. Dahil sa sobrang saya ko ay tinugon ko ang halik niya. Halik na puno ng pagmamahal.
Napatigil lang kami ng may tumikhim mula sa likuran, si Lola.
"Sorry, Lola" nahihiyang ani ni Ley at isinubsob ang mukha sa dibdib ko.
Tumawa si Lola at lumapit saamin.
"Sana ay matagalan niyo ang isa't-isa." nakangiting ani ni Lola.
Ngumiti kaming pareho ni Ley at sabay siyang niyakap.
Finally. Ayos na kami.
Theo's POV:
Natawa ako ng maalala ang nakabusangot ngunit cute na mukha ni Avien. I like teasing her 'cause she have this cute glare.
"Huy Kuya baliw kana ba?" tanong saakin ni Caillyn.
"May naalala lang." sabi ko at ngumisi.
"Sus tell me Kuya may kalandian ka na naman?! Kailan ka ba magseseryoso Kuya?" parang stress na stress na aniya at nakahawak pa ang magkabilang kamay sa bewang.
"Bago ka magsalita ng ganyan isipin mo muna kung bakit hindi ka sineryoso." nakangising pang-aasar ko.
Agad niya akong binato ng unan sa inis kaya naman lalo ko siyang tinawanan. Naputol ang pag-aasaran namin ng mag-ring ang phone ko.
Dad calling....
Agad ko itong sinagot.
"Yes dad?" tanong ko.
"Im here at the airport can you pic me up?" sabi n'ya sa istriktong boses.
"Sure, Dad." mabilis na sagot ko.
Pagkatapos ng tawag na 'yon ay nagmadali akong lumabas at idrive ang kotse ko. Takot ko lang do'n alam kong madaling mainip si Daddy.
Sa sobrang bilis ng patakbo ko ay hindi ko napansing nakarating na agad ako sa airport. Inabutan ko si daddy na nakatingin sa relos niya habang nakakunot ang noo.
"Hey, Dad" bati ko.
Tumingin lang siya saakin at nauna nang sumakay sa kotse ko
Bumuntong hininga ako bago sumunod sakanya. Biglaan 'tong uwi niya kaya naman nakapagtataka.
Habang nasa daan kami pauwi ay nagsalita siya.
"Do you have a girlfriend, Theo?" seryosong tanong niya kahit pa ang paningin ay nasa daan.
Napalunok ako bago nakasagot.
"Wala, Dad." sagot ko.
"That's good, hindi ako mahihirapan." sabi niya.
Nagtataka akong binalingan siya saglit ng tingin.
"Saan, Dad?" tanong ko.
"You'll marry my business partner's princess for our company." sabi niya.
Agad kong naipreno ang kotse at dahil do'n ay masamang tingin ang ibinigay saakin ni Daddy.
"What the hell is your problem?!" galit na sigaw niya.
Nakangiwi naman akong sumagot.
"But Dad i don't want to marry that girl. I don't even know her." sabi ko.
"Then let's have a dinner with her and her family." sabi niya.
Tututol pa sana ako ng sumenyas na siyang magpatuloy na ako sa pagdadrive.
Wala na akong naging salita pa at nagpalamon nalang sa iniisip.
Damn! At sinong babae naman 'yon na pakakasalan ang tulad ko?!
I'm in trouble for fuck sake!
Hi guys! Kinabahan ba kayo at inakalang si Caiven ang ikakasal? HAHAHA its a prankkk btw thank you for always waiting for my updates. I'll be posting my second short story HALLUCINATION. Enjoy reading!!! Keep safe!!!
Shashaxxe
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro