Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 33

Chapter 33: Mrs. Crinson


Ley's POV:

Humahangos akong nagising dahil sa isang panaginip, kung panaginip nga bang matatawag 'yon.

Agad akong nalinga-linga ng mamataan kong wala ako sa bahay. Nasaan nga ba ako?

Nahinto sa paglilibot ang aking paningin ng biglang bumukas ang pinto at iniluwal no'n ang nag-aalalang si Caiven.

"Ley! How are you? May masakit pa ba sa'yo? Tell me i'll bring you to the hospital." puno ng pag-aalalang aniya.

Ngumiti ako bago nagsalita. Ngayon ko lang rin naalalang nasa school nga pala ako marahil ay clinic itong kinaroroonan ko.

"I'm ok Cai, wait? May klase pa tayo!" nanlalaking mata na ani ko at agad tumayo.

Pinigilan niya ako at marahang inalalayan.

"You need rest Leyrein." tila makapangyarihang aniya.

Napanguso ako at mas nagpacute pa sa harap niya.

"Please?" sabi ko.

Napailing-iling siya bago chineck ang buong katawan ko.

"Sigurado ka bang ok ka na?" tanong niya.

Sunod-sunod akong tumango. Bumuntong hininga siya bago pumayag na lumabas na kami.

"Cai?" tawag ko.

Agad naman siyang bumaling saakin ng tingin.

"Hmm?" tanong niya

Huminto ako at inilagay ang dalawa kong kamay sa balikat niya kahit pa mataas siya saakin.

"I like you.." nakangiting ani ko.

Agad namang lumambot ang ekspresyon ng mukha niya bago inihawak ang parehong kamay sa bewang ko dahilan para lalong magkagulo ang kung ano sa puso ko.

"I like you too." sabi niya at hinalikan ang tungki ng ilong ko.

Pagkatapos niyon ay piningot ko ang ilong niya, nanggigigil.

"Ang gwapo mo." napapabungisngis na ani ko.

Napahalakhak naman siya bago ako niyakap. Niyakap ko siyang pabalik, mahigpit na mahigpit.

"Bakit muna walang nurse sa clinic?" tanong ko ng magkalas kami sa yakapan.

"Lumabas siya at sinabing gising kana kaya sinabi kong ako na ang bahala." sabi niya

Napatango-tango ako.

"Halika na? Sigurado ako last subject na natin. Bakit kasi hindi mo ako ginising." kunwaring nagtatampo na ani ko.

"Ayokong istorbohin sa pagtulog ang prinsesa ko." ngiting aniya bago kami parehong sabay na naglalakad.

Hindi pa kami nakakarating sa room ng humarang sa dinaraanan namin si Kia. Nakataas ang kilay at tila naiinis na makita kaming magkasama.

"What do you need?" kalmadong tanong ni Caiven.

Ngunit hindi ito sumagot bagkus tumingin ito saakin mula ulo hanggang paa.

"Tsk, ganito na pala ang taste mo Caiven? Isang pipitsuging babae wait hindi lang pala pipitsugin kundi isang maid." nakangising ani nito.

Agad nanlaki ang mata ko at napalingon kay Caiven. Seryoso na ang mukha niya at halatang ilang sandali ay mapupuno na.

"Oh? Bakit nawala ang tapang mo Leyrein? I mean maid Leyrein." nakangising pang-aasar niya.

Tinaasan ko siya ng kilay bago ako nagsalita.

"E, ano naman kung katulong ako? E, ano naman kung mahirap ako? Ginagawa ko 'yong trabahong 'yon para sa pamilya ko. Ikaw? May napatunayan kana ba sa pamilya mo bukod sa pag-iinarte mo?" sabi ko at iniikot ang mata ko.

Nakita kong nagkuyom ang mga palad niya at handa na akong sabunutan ng pigilan siya ni Cai.

"Don't you dare Kia, you know me when i'm mad." bagamat nakangiti ay naroon ang pagbabanta sa boses ni Caiven.

Pabatong ibinagsak ni Cai ang kamay ni Kia at hinila ako papalagpas dito.

Nang tuluyan kaming makalagpas ay saka ko nailabas ang takot. Hindi pwedeng malaman nila Mama na katulong ako magagalit sila.

"Caiven..." tila naluluhang ani ko.

"Hey don't cry, alam kong ayaw mong malaman nila ang trabaho mo but don't worry gagawin ko ang lahat wag lang kumalat ito ok?" nakangiting aniya.

Pinunasan niya ang luha sa pisngi ko at muli akong hinalikan sa noo.

NATAPOS ang hapon na 'yon ng matiwasay panay rin ang panunukso saakin ni Avien.

"Rein, aayain sana kita." nahihiyang aniya.

"Saan?" tanong ko.

Nandito na kasi kami sa harap ng school hinihintay niya ang sundo niya ako naman ay hinihintay si Caiven.

"Sa saturday gusto kitang makasama mag-shopping." tila excited na aniya.

Agad akong napailing .

"Sorry Avien wala kasi akong pera pang-shopping. " naiilang na ani ko.

Agad siyang natawa. Akala ko ay pinatatawanan niya ako dahil sa mahirap ako ngunit hindi.

"Hindi mo na kailangang gumastos 'no. Sagot ko na." nakangiting aniya.

Nahihiya man ay um-oo nalang din ako.

"Wait lang Rein ah? Naiihi kasi ako." sabi niya at nagmamadaling umalis.

Saktong pag-alis nya ay paghinto ng kotseng hindi ko kilala. Dahan-dahang bumaba ro'n ang isang napagandang ginang.

Teka? S-Siya 'yung nasa picture na nakita ko kanina ah!

Napaiwas ko ng tingin ng bumaling siya sa'kin.

"Good afternoon." bati niya.

Napalinga-linga ako baka mamaya ay hindi ako ang kanyang kausap.

"Magandang hapon din po." naiilang na ani ko.

Ngumiti siya ng matamis bago nagsalita.

"Kilala mo ba si Avien Crinson?" tanong niya.

"Ah opo ang totoo po ka-aalis niya lang ho. Naiihi raw ho siya." sabi ko.

Tumango-tango ito bago muling ngumiti saakin.

" I bet you two are friends?" tanong niya.

Tumango naman ako at ngumiti.

"Ang ganda mo iha maari ko bang malaman ang pangalan mo?" tanong niya.

Napamaang ako at ngumiti ng matamis bago nagsalita.

Ngunit bago ko pa man masabi ang ngalan ko ay may nagsalita na mula sa gilid ko.

"Good afternoon, Mrs. Crinson." bati ng kadarating lang na si Caiven.

"Oh iho? Magkakilala kayo?" nakangiting ani nito matapos ngumiti kay Caiven.

"She's my girlfriend, Tita." todo ngiti na sabi niya.

Napapakamot sa batok akong nagbaba ng tingin paniguradong pulang-pula na ako.

"Hmm you have a great taste Caiven. She's cute and looks like a kind person." sabi nito .

Natawa si Caiven bago nagsalita.

"And funny to be with Tita. By the way we will go ahead." paalam niya.

Tumango si Mrs, Crinson bago bumaling ng ngiti saakin.

"Paki sabi nalang po kay Avien na una na kami." nahihiyang ani ko.

Natawa siya ng mahina bago tumango. Agad naman akong inalalayan ni Caiven pasakay sa kotse niya.

Habang nasa daan ay hindi ko mapigilang mag-isip. Nagsasalita si Caiven pero tila hindi ko marinig.

Masyado akong nalulunod sa pag-iisip. Paanong sa isang mayamang babae na ngayon ko lang nakilala ay gumaan ang pakiramdam ko?

May kakaiba pero hindi ko matukoy kung ano. Marahil ay gutom lamang ito lalo pa't hindi ako masyadong nakakain kanina.

Pero bakit nga ba?



Hi guys! Thank you for waiting my UD hope you like this. Busy na kasi sa studies hope you understand! Enjoy reading KEEP SAFE!



Shashaxxe

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro