CHAPTER 32
Chapter 32: Untitle
Ley's POV:
"Ma!" tarantang sigaw ko ng makita siya.
Simula ng makapasok kami ng hospital ay hindi ko na nabigyang pansin si Caiven dahil sa pag-aalala ko kay Mama.
"Leyrein anak." nakangiti ngunit bakas ang panghihina sa mukha niya.
Agad nangilid ang luha ko at yumakap sakaniya.
"M-Ma, a-anong nangyari sa'yo? May masakit pa ba? Sabihin mo lang Ma ipagagamot kita.." sabi ko habang nagtutuloy-tuloy sa pag-agos ang luha ko.
"Okay lang ako anak." mabagal na aniya.
Hinimas-himas niya ang pisngi ko bago mabagal na himas ang ulo ko.
" 'Di ba binigay ko na 'yung sahod ko pang pagamot mo, Ma? Bakit nagkaganito na naman?" sabi ko habang umiiyak.
"Hindi niya ibinili ng gamot ang perang ibinigay mo. Ang sabi nya'y ikaw ang naghirap do'n at ikaw dapat ang makinabang do'n." biglang salita ni Papa na kanina pa pala nasa gilid ni Mama, hindi ko napansin.
"Pa! Bakit hindi n'yo siya pinigilan!" naiinis na ani ko.
"Ginawa ko anak. Matigas talaga ang ulo ng Mama mo parang ikaw." sabi ni Papa.
"Ma! Sabi ko 'di ba para sainyo 'yung perang sasahudin ko? Gusto kong gumaling kayo." sabi ko.
"Shhh sorry anak, wag ka ng umiyak." aniya at niyakap ako.
Napaganti ako ng yakap at nang bumitaw siya ay napalingon siya kay Papa.
"Ito na ata ang oras para sabihin ang totoo mahal." nakangiti ngunit bakas ang lungkot na sabi ni Mama.
"Mahal—" hindi ko na pinatapos magsalita si Papa at nagtanong na ako.
"Pa? Anong totoo? Ma?" nagtataka ng ani ko.
"Anak kasi—" hindi pa man ay pinutol na ng kung sinong nagsalita mula sa likod ang sinasabi ni Mama.
"Kailangan na niyang maoperahan Leyrein apo. Sa lalong madaling panahon." si Lola pala.
Napabaling ang tingin ko kay Mama. Hinawakan ko ang pisngi niya bago ngumiti.
"Gagawa ako ng paraan Ma." sabi ko.
"Teka? Bakit kasama mo itong gwapong binata na ito?" tanong ni Lola.
Sabay-sabay kaming napabaling ng tingin nila Papa kay Caiven! Hala potek! Nakalimutan ko!
"Good Evening Sir, Maam." bati niya sa mga magulang ko.
Nahihiya man ay lumapit ako kay Caiven at ipinag paalam na lalabas muna kami.
"Caiven.." mahinang tawag ko.
Agad niya akong hinarap ng may ngiti sa labi.
"Hmm?"
"Gusto mo bang ipakilala na kita kala Mama?" nahihiya kong sabi maging ang pag-iinit ng pisngi ko ay ramdam ko na.
"Hey, if you're not ready don't force yourself, Ley. I can wait." nakangiting ani niya.
Natuwa ako at tila nakahinga ng maluwag dahil sa sinabi niya.
Caiven's POV:
Kinabukasan
Hanggang ngayon ay hindi ako makapaniwalang kami na ni Ley. Yes gusto ko palang siya pero ayoko ng pakawalan siya. Ayoko ng kung kelan mahal ko na siya saka siya mawawala sa'kin.
Nakangiti ko siyang pinagmamasdan habang umiinom siya ng milkshake. Hinihintay kasi namin ang order namin.
"Eh? May dumi ba sa mukha ko?" naiilang na tanong niya.
Mahina akong natawa bago umiling na ikinanguso niya.
"Eh bakit ganyan ka tumingin?" tanong niya.
"Nothing." nakangiting sabi ko.
Hindi ko alam pero sa tuwing kasama ko siya ay nagiging palangiti ako. Kahit pa yata ilang beses akong inasar nila Kuya at Mommy matapos malamang kami na.
"Wahhh andami." tila kumikislap ang mata ni Ley dahil sa saya.
"Kaya damihan mo ang pagkain." sabi ko.
Nasa kalagitnaan kami ng masayang pagkukwentuhan ng biglang dumating si Ayiena.
"Hi Caiven!" masiglang aniya akma pang hahalik at yayakap sa'kin ng umiwas ako.
"So it's true? You two are dating?" puno ng arte ang mukha niya habang nagsasalita.
Napatingin ako kay Ley na nakatingin lang sa pagkain niya, nagpipigil siya.
"Were not dating.." nakangiting sabi ko.
Agad kong nakita ang paglingon saakin ni Leyrein.
Ngumiti naman ng malapad si Ayiena at handa ng magsalita ng dugtungan ko ang sinasabi.
"Because were officially on." sabi ko at nilingon si Leyrein ng may ngiti sa mga labi.
Napaiwas naman siya ng tingin pero hindi nakatakas saaking paningin ang namumula niyang pisngi.
"Tsh, the hell i care basta dito ako kakain!" sabi niya at padabog na umupo sa tabi ko.
Nakita kong nagpatuloy sa pagkain si Leyrein kaya gano'n din ang ginawa ko.
Nag-uusap kaming dalawa ni Leyrein samantalang panay ang sabat ni Ayiena na ikina-iirita ko.
Habang umiinom ng milkshake si Leyrein ay nahulog niya ang kutsara kaya pinulot niya ito. Nabitawan ko naman ang iniinom ko at ako na sana ang kumuha ng kutsara na nahulog ni Leyrein.
"Thank you." nakangiting sabi niya.
Ngumiti ako at kinindatan siya. Napatawa ako ng mahina matapos makita siyang mamula.
Iinom na sana ako sa straw ng iniinom ko ng makita kong may bahid ito ng lipstick.
Pasimple akong lumingon sa gawi ni Ayiena at kitang-kita ko ang malademonyong ngiti niya.
Agad kong binitiwan ang drink ko at kinuha mismo ang hawak ni Leyrein bago ininom iyon ng deretsong nakatingin kay Leyrein.
Padabog na umalis si Ayiena, nainis.
"Huy bakit mo ininom 'yung sa'kin?" nakangusong ani ni Leyrein.
"Kaysa naman inumin ko 'yung sa'kin na ininuman ni Ayiena. Gusto mo bang magsalo ang mga laway namin? Tsh." kunwaring naiinis na sabi ko lalo siyang ngumuso bago sumagot.
"Syempre hindi! Pero tayo pwede?" nagpapacute na aniya humagalpak ako ng tawa bago tumayo at yumakap sakaniya.
"Gusto mo torrid kiss pa e." nakangising bulong ko sa tainga niya, nanunukso.
Ramdam ko ang pagkagulat niya at agad siyang kumalas sa yakap ko. Hinarap niya ako at umawang ang labi niya na tila may sasabihin ngunit walang lumabas ni katiting na tinig.
Agad siyang tumakbo papunta sa kung saan. Tatawa-tawa ko naman siyang sinundan at tinawag siya.
"Ley! Wait up!" habol ko.
Naabutan ko lang siya ng napahinto siya at tumitig sa kung saan. Agad ko siyang inakbayan bago tinignan ang larawang kanyang tinititigan.
Napayuko ako ng makilala ko kung sino ang dalawang taong iyon.
"Caiven?" tawag niya.
Bumaling ako sakan'ya.
"Yeah?"
"Sino sila?" tanong niya na tila ba natulala.
"Ah ang ka business partner ni Lolo at may pinakamalaking share rito sa school." nakangiting ani ko.
"Parang kilala ko sila? Parang nakita ko na sila. Sila—" hindi niya natapos ang sasabihin matapos matumba sa mga bisig ko.
Agad akong nataranta at pinilit siyang gisingin.
"Ley? Ley? Leyrein!" pilit na pang-gigising ko at tinatapik ang pisngi niya.
Fvck! Leyrein! Wake up!
Hi guys i know na matagal akong nawala sorry for that. Kailangan ko lang magfocus sa studies hope you understand enjoy reading! KEEP SAFE!!
Shashaxxe
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro