Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 31: First date

Chapter 31: First date

Ley's POV:

"Bakit siya pa?! Bakit hindi ako na matagal mo ng kasama at kilalala!" bulyaw niya.

Agad akong napaigtad dahil doon. Galit na galit at puno ng hinagpis ang mga mata niya.

"Sumagot ka Ley!" sabi niya hinawakan ako sa magkabilang braso.

Sobrang higpit nasasaktan ako.

"Klian, m-masakit.." sabi ko habang pilit iniaalis ang kamay niya sa braso ko.

Muli sana siyang sisigaw ng mapaupo nalang siya bigla sa sahig.

Sinuntok siya!

"Caiven!" tili ko matapos gantihan ni Klian ng suntok si Caiven ngunit naka-ilag ito.

Itinulak ng malakas ni Caiven si Klian dahilan para mapaupo ito sa sahig.

"You okay?" agad na tanong ni Caiven matapos akong lapitan.

Napatango na lamang ako. Muling bumaling si Caiven kay Klian bago ito dinurom

"Wala kang karapatang saktan ang girlfriend ko, Klian! Simula ngayon ay wag na wag mo na rin siyang lalapitan!" sabi niya rito at hinawakan ako sa pulsuhan bago isinakay sa kotse.

Habang papalaandar ang kotse ay napatingin ako kay Klian. Bakas ang matinding lungkot sa mukha niya ngunit nagawa niya pang ngumiti saakin ng tipid.

Napabuntong hininga ako at napalingon kay Caiven. Salubong na salubong ang kilay niya at tila maninigaw kapag kinausap kaya nanahimik ako.

"Leyrein.." mahinang tawag niya na agad kong ikinabaling.

"Hmm?" sagot ko.

"Are you mad?" tanong niya na ikinabigla ko.

Huh? Bakit ako magagalit?

"Why would i?" pabalik na tanong ko.

Inihinto niya sa isang tabi ang kotse at hinarap ako.

"Kasi binawalan kong lapitan ka ng matalik mong kaibiganm" napapayukong aniya at hinawakan ang kamay ko.

"Ayoko lang na maulit ang nangyari, ayoko ring mahulog ang loob ko sakan'ya lalo pa't ramdam kong mahal ka niya." dugtong niya at hinimas-himas ang kamay ko.

Ngumiti ako at itinaas ang mukha niya upang makita ko ang maganda niyang mata.

"I'm not mad Caiven." sabi ko at ngumiti.

Nakita ko kung paanong nagliwanag ang mukha niya bago nakangising itinaas baba ang dalawang kilay.

"Eh? Anong tingin 'yan?" nagtatakang tanong ko.

"Edi payag kang idate ako?" napapakamot sa batok na aniya, nahihiya.

"Oo naman! Kahit saan basta ikaw ang kasama." sabi ko at kumindat pa dahilan upang pareho kaming matawa.

"Tsh, ikaw talaga ang galing mo sa banat na ganyan saan mo ba natutunan 'yan ha?" tanong niya at sinimulan ng buhayin ang kotse habang ang hawak pa rin ang isang kamay ko.

"Wala nababasa ko lang." napapahagikgik na sabi ko.

"Leyrein?" tawag niya.

"Bakit?"

"I like you..." nangingiting aniya habang nasa daan ang paningin.

Napangiti ako ng matamis, kinikilig.

"I like you too." sagot ko at napakagat sa labi dahil sa kilig na nadarama.

Crush ko noon, jowa kona ngayon.


INABOT ng kinse minuto ang byahe bago kami huminto sa isang lugar na talagang nagpahanga saakin. Tila paraiso ito para sa kagaya kong mahilig sa magagandang tanawin.

Hindi kona nahintay pa si Caiven at agad na akong lumabas upang tignan ang ganda ng tanawin.

Natatawa namang lumapit saakin si Caiven at inakbayan ako.

"You like it?" tanong niya.

"Oo! Sobra!" kay ganda talaga ng lugar talagang nakakaadik.

Napalingon ako sa buong paligid, bagamat kaunting puno at naglalakihang gusali ng siyudad  ang nakikita ko ay nasisiyahan ako idagdag pa ang ganda ng papalubog na araw na natatanaw ko.

Sobrang ganda! Hindi ko inaakalang dadalhin niya ako rito!

Caiven's POV:

Sa una palang ay alam ko ng magugutuhan niya 'to. Kadugtong lamang ito ng plano na kung hindi ako sasagutin ni Leyrein ay dadalhin ko siya rito at muling-aamin.

Natutuwa akong pagmasdan siya libang na libang sa natural na ganda ng tanawin. Nang makita kong handa na ang mesa namin ay agad kong tinawag ang pansin niya.

"Ley?" tawag pansin ko

Lumingon ng kaunti ang ulo niya ngunit ang paningin ay nanatili sa tanawin. Natatawa kong hinawakan ang baba niya at inilapit saaking mukha dahilan para tuluyan siyang lumingon saakin.

"B-Bakit?" nauutal na aniya.

Ngumiti ako bago nagsalita.

"Kumain na muna tayo." sabi ko ngumiti siya ng malapad at tumango

Inalalayan ko siyang makaupo at pinaglagyan ng pagkain sa pinggan. Nang bumaling ako ng tingin sakaniya ay natigilan ako dahil hindi ko inaasahang nakatingin rin siya saakin.

"Bakit? May dumi ba sa mukha ko?" natatawang tanong ko

Natatawa ring umiling siya bago nagsalita.

"Kailan mo... napagtantong gusto mo ako?" mabagal ang pagsasalita niya.

"Actually, nitong nakaraang araw lang," tumawa ako.

"Hindi ko alam kung kailan nagsimula basta naramdaman ko nalang na ayaw kitang mawala." dugtong ko na ikinangiti niya ng malapad.

"Ikaw haa!" natatawang tudyo niya.

"What?" tanong ko.

"Wala, by the way bakit si Aron ang kasama mo kanina sa stage?" tanong niya.

"Kasi magaling siya sa gitara at siya ang pinakamalapit kong pinsan." sagot ko nakita ko kung paano siyang natigilan matapos sumubo ng kinakain.

"P-Pinsan mo 'yon? Y—yung buset na 'yon?!" nakataas ang kilay na tanong niya, halatang nagtataray.

"Oo, wag ka ng magalit sakan'ya dahil kung hindi ka niya nireject hindi magkakaroon ng ikaw at ako." sabi ko at kumindat sakaniya.

Nakita ko kung paano siyang pamulahan bago sunod-sunod na kumain kaya natawa ako. She's really cute.

Nang matapos kaming kumain ay inayos ko na ang pinagkainan namin. Siya nama'y muling dumungaw sa magandang tanawin kita na ang ilaw ng buong siyudad dahil madilim na rin.

Nang matapos ako sa ginagawa ay nilapitan ko siya at hinapit sa bewang. Umawang ang labi niya at nahihiyang nagbaba ng tingin.

"Leyrein?" tawag pansin ko.

Bakas ang pagkailang sa mukha niya ng bumaling ng tingin sa'kin ngunit nginitian ko nalang siya ng sobra.

"Gusto kita Leyrein pero alam kong hindi magtatagal at mamahalin din kita. I'm starting to fall inlove with you." seryosong sabi ko .

Lalo siyang pinamulahan na ikinahalakhak ko.

"Ano ba!" angil niya.

"What? You're cute when you're blushing." nakangiting sabi ko.

"Nyenye." sabi niya at inilabas ang dila, nang-aasar.

"Caiven? Hindi ba magagalit si Maam Cellyn kapag nalaman niyang may relasyon tayo?" nababahalang tanong niya.

"Hindi, besides alam mong una palang boto na sa'yo si Mommy" sabi ko at kumindat.

Tumawa siya bago nakangiting bumaling saakin..

"Oo nga pala, ang kyut ko raw kasi." natatawa pa ring aniya na sinabayan ko.

Nasa ganoon kaming posisyon ng biglang may tumawag kay Leyrein.

"Hello?" sagot nya sa kabilang linya

"A-Anong nangyari kay Mama?!" aligagang aniya at napatingin saakin habang nag-uumpisang mamasa ang mga mata.



Hi guys i don't know kung palagi pa akong makakapag update kasi malapit na ang oct 5 may klase na but i'll try my best para sainyo. Enjoy reading! KEEP SAFE!




Shashaxxe

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro