Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 29

Chapter 29: The confession

Caiven's POV:

Nasa hapag -kainan kami ngayon pero hindi tulad dati'y hindi man lang nagsasalita si Leyrein.

"Uhh Mom is there something wrong?" pabulong na tanong ni Cailyne kay Mommy.

Umiling si Mom, alam kong hindi niya rin alam ang sasabihin.

"So Leyrein how's school?" tanong ni Kuya kay Leyrein.

Agad bumaling ang tingin ni Leyrein kay Kuya. Ngumiti ito ng tipid bago sumagot kay Kuya.

"Okay lang naman kuya Sir Theo." sabi nito.

Kanina ko pa rin napapansin ang mugtong mata ni Leyrein pero hindi ko nalang inuusisa baka lalo siyang magalit sa'kin.

"Bakit mugto ang mata mo? May nagpaiyak ba sayo? Tell me." sabi pa ni Kuya.

Ngumiti naman ng malapad si Leyrein bago sumagot.

"Wala kuya nanood kasi ako ng drama kanina. Ayon sad ending e." sabi niya at kunwari pang tumawa.

NATAPOS ang hapunang iyon ng walang kabuhay-buhay. Hinintay kong mag si-alisan silang lahat bago ako lumapit kay Leyrein.

Habang nag-huhugas siya ay itinukod ko ang dalawa kong kamay sa lababo. Dahilan upang macorner ko siya.

Nakita kong natigilan siya kaya napangiti ako. Atleast may epekto pa rin ako sakaniya.

"Uhm Sir pwede po ro'n nalang niyo itukod ang kamay niyo? Naghuhugas ho kasi ako." sabi niya.

Pinigilan kong matawa bago ako magsalita.

"Is there something wrong Leyrein?" tanong ko.

Hindi ko napaghandaan ang pagharap niya kaya naman sandaling nagdikit ang mga labi namin. Bago pa man ako makapag salita ay siya na mismo ang lumayo.

"S-Sorry, Sir" sabi niya at nilisan ang kusina.

F-Fvck?

Napahawak ako sa labi ko at muli kong naramdaman do'n ang lambot ng labi ni Leyrein. Nagsimula na namang magtakbuhan ang kung ano sa dibdib ko.

Fvck! Bakit ba ganito kalakas ang ipekto mo saakin Leyrein?

KINABUKASAN ay dinatnan kong nagluluto si Leyrein. Agad niyang napansin ang presensya ko.

Ngunit imbis na batiin ako at paulanan ng matatamis na salita ay tumango lamang siya.

"Leyrein?" tawag pansin ko.

"Yes Sir? May iuutos ho kayo?" tanong niya.

"Can you sing me a song?" tanong ko.

Natigilan siya at dahan-dahang napalingon saakin.

"I-Im not good at singing, Sir." nauutal na ani niya.

"Pero narinig na kitang kumanta. At gusto kong kantahin mo sa'kin ngayon 'yung kinanta mo no'ng araw na 'yon." sabi ko.

"K-Kailan ba 'yon Sir?" tanong niya.

"No'ng nasa kotse ka ni Klian." sabi ko.

Nakita ko kung paano siyang pamulahan saka nag-iwas ng tingin. Pfft cute.

"Bakit ko naman kayo kakantahan? Katulong niyo lang ako hindi ba?" walang bahid ng kahit anong sabi niya, malamig.

"Kasi crush mo ako hindi ba?" nakangising ani ko.

"Bakit hindi na ba pwedeng magbago ang crush?" sabi niya at bumaling sa'kin matapos ilapag sa lamesa ang iniluto.

Inilapit ko ang mukha ko sa mukha niya.

"Paano mong mababago 'yon kung araw-araw ako lang ang gwapong nakikita mo." nakangising ani ko.

Nakita ko kung paano siyang ngumisi bago magsalita.

"Gwapo rin si Klian remember? Pati si Kuya Theo." sabi niya at umalis sa harap ko.

"Where are you going?" naiirita ng ani ko.

"Papasok, kakausapin si Klian." sabi niya.

Agad nangunot ang noo ko at tinitigan ng masama ang pintong dinaanan niya.

"Eh kung umamin ka na rin kasi tsk tsk." isang tinig mula sa gawing kaliwa ko.

Si Kuya.

"Tsh." inis na singhal ko.

Narinig ko ang malakas na pagtawa at sumigaw pa habang papalabas ng kusina.

"Bahala ka lil brother! Baka unahan kita kay Leyrein or worst baka unahan ka no'ng Klian." sabi niya habang tumatawa.

Agad kumuyom ang kamao ko.

"Hindi kita hahayaang mapunta sa kahit na sino Leyrein." sabi ko at nagmadali ng kumain.

Tinawagan ko si Aron na agad naman niyang sinagot.

"Mag-uumpisa ang plano this morning, be ready papasok na ako." sabi ko at hindi na hinintay ang sagot niya.

Ley's POV:

Halos hindi mapuknat ang ngiti ko habang papasok. Maalala ko palang 'yong 'di sinasadyang halik kagabi wahh! Sobrang buo na ang araw ko.

Pero kailangan ko ng kalimutan si Caiven. Kung hindi baka lalo lang akong masaktan.

Napabuntong hininga ako habang mabagal na naglalakad.

Nagulat ako ng biglang may umakbay saakin.

"Goodmorning Rein! Mag-isa ka ata?" nakangiting sabi ni Avien.

"Morning. Sanay na ako 'no." sabi ko.

"Suss Lq kayo ni fafa Caiven?" pang-aasar niya. Aba't loka.

"Lah sira ka hindi ah. Teka nga wala kabang klase ha?" tanong ko.

"Maya-maya pa eh. Saka sabi kasi may magaganap daw na surprise do'n sa stage." sabi niya.

"Huh? Corny huh sa loob ng school pa." natatawang ani ko.

Nang biglang magdaanan ang napakaraming babae na nagdadal-dalan.

'Bess nako magsisimula na raw'

'Talaga? Tara na! Nang makita natin ng buo'

'Oo nga kyahh ang sabi si Caiven daw ang magsusurprise diba?'

'Oo kaya tara na!'

Nang makalagpas ang babae ay nangunot ang noo ko. Si Sir Caiven mang-susurprise? Pfft seryoso?

"Tara na Rein! Umpisa na raw!" natutuwang sabi ni Avien.

Pero sinong isusurprise ni Sir Caiven? Agad akong nalungkot sa sariling naisip siguro ay si Kia.

"Oh ba't bigla ka nalungkot?" tanong ni Avien.

"Wala, tara na?" aya ko.

Alam kong masasaktan akong makita siyang masaya sa iba pero ayos na 'to para matauhan na ako.

Nang makarating kami roon ay kumakanta na si Sir Caiven. At nasa harap niya 'yung Kia.

I can't pretend (no) that i'm just a friend (I'm just a friend)

'Cause i'm thinking maybe we were meant to be

I think i'm fallin' , fallin' inlove with you (l)

And i don't, i don't know what to do (yeah, yeah)

I'm afraid you'll turn away

Habang kumakanta si Sir ay hindi ko napigilang mapatitig sakaniya at mag-imagine na sana ako nalang ang hinaharana niya.

Wake up Ley! He won't like you!

Malungkot akong tumingin sa mga mata niyang saakin pala nakatingin na ikinagulat ko. Nang biglang magsalita si Kia.

"Honey? You don't need to do that cause i'm here to say that i still love you." nakangiti at halata ang landi sa tono ng pananalita ni Kia.

Lumingon pa saakin na animo'y iniinggit ako. Bumaling sakaniya ng tingin si Sir Caiven at nginitian siya bagay na minsan ko lang makita.

Bago pa siya sumagot ng mas makadudurog saakin ay tumalikod na ako. Handa ng umalis ng marinig ko ang sinabi nya.

"Kia i'm sorry, it's not for you." sabi ni Caiven na ikinaawang ng labi ng lahat.

Agad akong napalingon muli sa stage at nagtama ang mga mata namin ni Sir.

"What?! Eh para kanino? Don't fool me, Caiven." wika ni Kia.


Song title?
Fallin by: Janno Gibbs


Hi guys! Sorry for slow UD i'm doing my best kasi to think a good scene HAHA hope you like it enjoy reading! KEEP SAFE





Shashaxxe

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro