CHAPTER 27
Chapter 27: Makulit ako bleh
Ley's POV:
Kinakabahan akong naghihintay ngayon sa gagawin kong pag-amin juski! Gabayan niyo ako!
Ang plano kasi ay kakantahan ko si Sir Caiven kasunod na ang pag-amin ko so this is it pansit!
Nang marinig ko na ang strum ng gitara ay binuksan ko ang kurtina ng cr at lumabas ng umaawit.
Mga kinang ng 'yong mga mata't lamig ng titig
Hubog ng labi mo't ngiting sa'kin nagpapakilig
Mahal ko ang lahat sa'yo, Alam mo ba?
Saksi buong mundo, heto't marami pa...
Habang kinakanta ko ang liriko na 'yun ay sinigurado kong puno ng emosyon ang mga mata ko. Sinigurado kong na ro'n lahat ng pagmamahal ko para kay Caiven. At tanging sa direksyon niya lamang titingin.
Ang 'yong suot amo'y mong kay bango't mga kamay mo
Pintig ng puso't lahat ng sa'yo'y sana ay ako
Mahal kita, saksi buong mundo, sinta
Maghihintay sayo, sana'y malaman na...
Kitang-kita ko ang gulat sa mukha ni Sir Caiven gusto ko mang tumawa ay hindi ko magawa. Muli na lamang akong ngumiti sakaniya maging ang pag-kindat ay ginawa ko na.
Bawat sanadali't oras,
Mahal ka
Bawat sulok, sa'n pa man,
Mahal ka
Pagmamahal ko'y di na magbabago pa
Tinamaan na
Ewan ko ba
Umulan ma't umaraw,
Ikaw lang
Taglamig ma'y uminit,
Ikaw lang
Ang mahalin ka'y panata ng pusong di' bibitiw, giliw,
Alam mo ba?
Gustong gusto kita...
Sinta...
Nang matapos ang huling liriko ng kanta na iniba ko ay nagkatitigan kami. Ngumiti ako ng malapad bago magsalita sa mikroponong hawak ko.
"Ah Sir Caiven, ano kase uhm g-gusto kita. Alam kong hindi ako kagandahan, alam kong hindi ako maporma tulad nila, alam kong walang-wala ako sa taste mo ng mga babae. Pero heto ako't umaamin sayo. Gusto kita Caiven ngayon ang gusto ko lang malaman ay 'yong sagot mo?" hiyang-hiya na sabi ko.
"Ayiii! Sagot na Kuya!" tili ni Cailyne na katabi si Maam Cellyn at Kuya Theo, yes kuya sabi niya Kuya nalang daw ang itawag ko sakan'ya.
Kita ang kaguluhan sa gwapong mukha ni Sir Caiven kaya naman muli kong tinawag ang ngalan niya.
"Sir Caiven?" tawag pansin ko sakan'ya.
Tinitigan niya ako sandali sa mata bago nag-iwas ng tingin.
"S-Sorry." tanging salita na nasabi ni Sir at tuluyang nilisan ang silid.
Hindi ko napigilang ngumiti ng mapait hanggang sa hindi ko napansing napaupo pala ako.
"Hey it's ok Ley, alam kong naguguluhan pa sa ngayon si Caiven.." sabi ni Kuya Theo.
Tiningala ko silang tatlo bago pinahiran ang luhang hindi ko namalayang tumulo.
"S-Sorry Maam Cellyn, Cailyne at Kuya Theo alam ko namang 'di niya ako magugustuhan idinamay ko pa kayo rito." sabi ko at pekeng tumawa.
"Sweety don't say that, nararamdaman kong magkakaro'n ng kayo at kapag nangyari 'yon? Magiging masaya ako para sainyo." nakangiting sabi ni Maam Cellyn.
Nagulat ako ng niyakap ako bigla ni Cailyne. Umiiyak siya...
"D-Don't worry ate! I-Ikaw lang a-ang gusto ko para kay K-Kuya! Aawayin ko m-maging gf niya!" humihikbi na sabi nito.
Napangiti ako at hinaplos ang likod niya bago nagsalita.
"Cailyne, may mga bagay talagang hindi para saatin at ang dapat nating gawin ay tanggapin." sabi ko.
KINABUKASAN ay hindi ako pinapansin ni Sir Caiven. Sa tuwing lalapit ako ay umiiwas siya kaya naman nakaisip ako ng paraan.
Kukulitin ko siya! Akala niya ha wala naman siyang jowa e.
"Sir Caiven! Ikaw ba si SHIN?" tanong ko.
Nakita ko kung paano nangunot ang noo niya kaya nagpatuloy na ako.
"Ang SHINisinta ko yii." sabi ko at dinurot-durot ang tagiliran niya.
Nakita ko kung paano siya natigilan bago umiling at nauna na sa'kin maglakad. Hmmp! Napaka-sungit amp!
Yari ka sakin! Mahaba habang suyuan to yiiii omoo!
Klian's POV:
Napatingin ako kay Ley lalo na sa napakaamo niyang mukha. Makulit man siya alam kong mabuti naman siyang tao.
Napabuntong hininga ako at napaisip sa narinig kong usapan nila ni Caiven kanina. Shin huh?
So si Caiven ang Crush niya? Ano bang meron sa mga nagiging Crush niya na wala ako? Gwapo rin naman ako ah? Sabi pa nga niya hindi ako average tss.
Habang nakatitig ako kay Ley ay nakarinig ako ng tikhim mula sa tabi niya. Bumaling ako ro'n at nakita ko ang seryosong si Caiven. Probema nito?
May inginunguso siyang bagay na sinundan ko ng tingin. May tumatawag pala sa cellphone ko.
Agad ko itong sinagot ng malamang si Dad yun.
"Hello, Dad?" pagsagot ko sa kabilang linya.
"Son, did you already found the information about this died princess?" tanong niya maawtoridad parin katulad ng dati.
"Hindi pa, Dad." magalang na sagot ko.
"So stupid of you! Inuuna mo na naman 'yang hampas lupang Leyrein na 'yan! Hindi ba't sinabi kong tigilan mo na ang babae na 'yan?!" bulyaw niya.
Agad kumuyom ang kamao ko dahil sa sinabi niya tungkol kay Leyrein. Ayokong natatapakan ang pagkatao niya pero ni sa sarili kong ama hindi ko siya maipagtanggol.
"We already talk about this Dad." pilit pinahihinahong boses na sabi ko.
"Common Klian! Nauuto ka lang niyan! Stop being stupid!" sabi nito bago ibinaba ang tawag.
Tumayo ako at walang sabi sabing nilisan ang room na 'yon. Agad akong dumeretso sa comfort room ng mga lalaki at doon pinagsusuntok ang pader.
Fvck! I'm sorry Leyrein! I'm really really sorry!
Nang mapagod ako kakasuntok ay lumabas na ako ro'n paliko na sana ako ng makasalubong ko si Avien.
"Omy!! Anong nangyari sa'yo Klian?!" natatarantang ani niya at agad hinawakan ang kamay ko.
Iniiwas ko ito ngunit pilit niya paring tinignan.
"Halika ipalinis natin sa clinic." sabi niya pero umiling lang ako.
"Aish ako nalang nga buti may tissue ako dito." sabi niya.
Napatitig ako kay Avien habang nililinis niya ang sugat ko. Maganda naman siya pero hindi talaga tumitibok sakaniya ang puso ko.
"Ayan malinis na ipagamot mo nalang sa clinic ha? Para hindi ma-infectionm" nakangiting ani n'ya.
"Bakit mo ba ito ginagawa?" deretsong tanong ko.
Nakita kong natigilan siya pero agad na inayos ang tissue na ginamit niya.
"Syempre kaibigan kita e." nakangiting ani n'ya.
"Kaibigan lang ba talaga?" nagtatakang ani ko.
Napahinto siya at nakaawang ang labing binalingan ako ng tingin. "K-Kasi Klian ano.." nauutal na aniya.
"Gusto mo ba ako Avien?" tanong ko.
Nanlaki ang mata niya at nagbaba ng tingin. Kahit pa nakita ko ng pulang-pula ang mukha niya.
"Oo! Gusto kita Klian! Gustong gusto!" sabi niya habang ang parehong kamay ay nakahawak sa palda.
Hinawakan ko ang parehong balikat niya.
"Avien, i'm sorry pero hindi ikaw ang gusto ko. Salamat sa paglinis.." sabi ko at iniwan na siya roon.
Sorry Avien, hindi ikaw ang gusto ko kundi si Leyrein.
Hi guys! Another UD sinipag ako ngayong araw kaya nadalawa hehe enjoy reading! KEEP SAFE!
Shashaxxe
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro