CHAPTER 26: CONFESSION FT. REJECTION?
Chapter 26: Confession ft. Rejection?
Ley's POV:
Tatlong araw na rin ang nakaraan matapos sabihin sa'kin ni Sir Theo na tutulungan niya ako. Hanggang ngayon nalilito ako at kinakabahan.
Patuloy ako sa pag-iisip ng biglang may yumugyog saakin.
"Leyrein!" sigaw nito sa tainga ko
"Oh? Shemay ang sakit ah!" bulyaw ko rin kay Klian.
"Tulala ka na naman kasi! Sabihin mo may Crush kana ba ha?" pandederetso niya.
At dahil lagi ko naman 'tong sabihan ng sekreto. Naisip kong magsabi sakaniya.
"Meron, pero paano kung 'di niya ako gusto?" nag-aalalang tanong ko.
Tinap niya ang ulo ko at ngumiti ng tipid.
"Paano mo malalaman ang sagot kung hindi mo susubukan? Isa pa kung hindi ka niya gusto e di hindi, gano'n ang buhay Ley. " bumuntong hininga siya at tumingin sa malayo bago muling magsalita.
"Hindi porket gusto mo ang isang tao dapat gusto kana rin niya. Hindi mo siya mapipilit Ley, may sariling isip at puso siya na gagamitin niya upang piliin kung sino nga ba ang gusto niya." sabi niya bago kumagat sa burger.
Napangalumbaba ako bago tumingin sakaniya.
"Hindi ba pwedeng para ako sakan'ya? Hindi ba pwedeng akin nalang siya?" tanong ko at napabuntong hininga.
"Hindi ko rin alam Ley. Pero kung talagang kayo kahit sino o ano pa ang humadlang Diyos na mismo ang gagawa ng paraan magkatuluyan lang kayong dalawang tapat na nag-iibigan." mahabang sabi niya.
"Lalim bestfriend ha? May pinanghuhugutan ka?" natatawang biro ko para mapagaan ang atmosphere sa paligid namin.
Natawa din siya bago ako nilingon.
"Meron, 'yung tao kasing gusto ko ramdam kong hindi ako ang gusto." sabi niya bago mapait na ngumiti.
"Bakit umamin kana ba?" tanong ko na nagpailing sakan'ya.
"Ah nevermind lika na last subject na natin." sabi niya at inaya ako.
Pumunta na kami sa room at nadatnan ko si Sir Caiven na may kausap sa cellphone niya.
"Please, end this bullsh*t." huling salita na narinig ko bago niya pinatay ang tawag.
Eh? Bat mukhang badtrip siya?
Nagulantang ako ng bigla siyang lumingon sa gawi ko. Agad ko siyang binigyan ng napakagandang ngiti.
"Hi Caiven!" maganang bati ko.
"Mm." tanging sagot niya.
Tipid naman neto magkano kaya bayad sa laway nito? Pfft kidding.
NANG matapos ang klase ay nauna na si Klian umalis. May emergency raw sa kompanya nila. Habang mag-isa akong naglalakad ay tinawagan ko ang numero na ibinigay ni Sir Theo sa'kin.
"Hello?" pag-sagot sa kabilang linya.
"Sir Theo ako 'to." sabi ko sa kabilang linya.
"Oh? Leyrein? Nakapag-isip kana?" tanong niya.
Tumango ako na tila ba kaharap ko siya.
"Yup, kaso Sir paano ko gagawin ang pag-amin kung nandiyan sila Maam Cellyn at Cailyne? Ayaw ata nila ako para kay Sir Caiven" napapakamot sa ulong sabi ko.
Narinig ko ang malakas niyang tawa sa kabilang linya bago nagsalita.
"Anong ayaw? Giliw na giliw nga sayo ni Mom lalo na si bunso." sabi niya.
Agad naman bumalot ang kilig sa buong sistema ko kyahhh! This is it pansit!
"So ganto Sir..."
Caiven's POV:
Busy ako sa pagbabasa ng kung ano-anong articles sa laptop ko ng bigla kong maalala 'yung tumawag sa'kin.
Tsh anong akala niya tatanggapin ko s'ya? That's bullshit!
Agad nawala ang inis ko ng maalala kung paano ako ngitian at batiin kanina ni Leyrein. Shit! My freakin' heart start to beat so darn fast!!
Sa totoo lang sa tuwing makikita ko lang siyang ngumiti or sumimangot natutuwa ako at para bang may paro-paro sa tiyan ko damn! What is happening on me? Nababaliw na ba ako?
Napasabunot ako sa sarili kong buhok at handa ng magmura ng may biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko.
"Kuya! Kuya!" humahangos na sigaw ni Cailyne.
"What?" iritang puna ko.
"Si ate Leyrein! Bilis!" kita ang pag-aalala sa mga mata n'ya.
Shit! What the hell happened to her?!
Nagmadali akong sundan siya papasok sa kwarto ni Leyrein. Pagkapasok na pagkapasok ko ay bumungad saakin ang puro asul na lobo na ang korte ay puso.
Maya-maya lang ay biglang umiral ang tugtog ng gitara sa gawing kaliwa na ikinalingon ko.
Si Kuya naggigitara!? Fvck?! Anong nangyayari?
Magtatanong na sana ako ng biglang bumukas ang kurtina ng cr at lumabas do'n ang umaawit na si Leyrein!
Mga kinang ng 'yong mga mata't lamig ng titig
Hubog ng labi mo't ngiting sa'kin nagpapakilig
Mahal ko ang lahat sa'yo, Alam mo ba?
Saksi buong mundo, heto't marami pa...
Kinakanta niya 'yon ng puno ng emosyon at tanging saaking direksyon lamang nakatingin. Heto na naman 'yung pakiramdam na may nagliliparang kung ano sa tiyan ko.
Her sweet voice can make my heart beat so damn fast!
Ang 'yong suot amo'y mong kay bango't mga kamay mo
Pintig ng puso't lahat ng sa'yo'y sana ay ako
Mahal kita, saksi buong mundo, sinta
Maghihintay sayo, sana'y malaman na...
Muli siyang ngumiti ng matamis saakin at maging pagkindat ay ginawa niya. Hindi ko alam pero parang may sang-katutak ng tao sa puso ko at nagkakarerahan doon dahil sa bilis ng kalabog nito!
Bawat sanadali't oras,
Mahal ka
Bawat sulok, sa'n pa man,
Mahal ka
Pagmamahal ko'y di na magbabago pa
Tinamaan na
Ewan ko ba
Umulan ma't umaraw,
Ikaw lang
Taglamig ma'y uminit,
Ikaw lang
Ang mahalin ka'y panata ng pusong di' bibitiw, giliw,
Alam mo ba?
Gustong gusto kita...
Sinta...
Nang matapos ang kanta ay pareho lang kaming nakatingin sa isa't-isa hanggang sa ngumiti siya ng malapad bago magsalita sa miktoponong hawak niya.
"Ah Sir Caiven, ano kase uhm g-gusto kita. Alam kong hindi ako kagandahan, alam kong hindi ako maporma tulad nila, alam kong walang-wala ako sa taste mo ng mga babae. Pero heto ako't umaamin sa'yo. Gusto kita Caiven, ngayon ang gusto ko lang malaman ay 'yong sagot mo?" kitang-kita sa mata niya ang hiya.
"Ayiii! Sagot na Kuya!" tili ni Cailyne na katabi si Mommy at Kuya mga nakatingin sa'kin.
Fvck?! Anong gagawin ko?
"Sir Caiven?" tawag pansin saakin ni Leyrein.
Tinitigan ko siya sa mga mata bago ako umiwas ng tingin.
"S-Sorry" tanging salita na nasabi ko bago lisanin ang kwartong 'yon.
Song title?
I like you so much, You'll know it.
Song cover by: Marianne Topacio
Nasa media! Yung video!
Hi guys! Sorry ngayon lang! Kawawa naman si Leyrein mukhang mababusted huh. Well abangan.... Enjoy reading! KEEP SAFE
Shashaxxe
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro