Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 24: CAMPING 3

Chapter 24: Camping

Ley's POV:

Nakabusangot akong naglalakad dahil simula ng dumating si Ayiena kahapon ay hindi na kami nagkausap pa ni Sir Caiven. Aishh kainis!

Huling activity na namin ito at uuwi na rin kami mamayang pagkatapos mag-lunch. Sobrang hirap ng huling activity pero mukhang mag-eenjoy ako.

Pinahahanap kasi kami ng magandang bulaklak at kukuhanan ng litrato. Pero 'yung partner ko ayun nauna ng maglakad kasama si Ayiena! Buset! Wala ba siyang partner at panay dikit niya kay Caiven?!

Nawala ang pagkakakunot ng noo ko ng may kumurot sa pisngi ko!

"Aray! Ano ba!" pagpupumiglas ko.

"Kanina ka pa kase nakanguso. Ano bang problema mo ha? Pandak?" sabi ni Klian.

Buset nanukso pa amp.

"Wala." sabi ko habang hinihimas ang pisngi.

"Sunget mo! Meron ka? Teka may dala kabang pads?" sunod-sunod na tanong niya.

"Wala 'no! Ikaw kasi nangungurot ang sakit kaya!" sabi ko at muling napanguso.

"Eh pano kanina pa rin kasi kita tinatawag nakatingin ka lang ng masama do'n sa likod no'ng Ayiena." sabi niya na ikinalaki ng mata ko pero agad kong 'di pinahalata 'yon.

"Wala 'yun haiist teka? Bakit 'di mo kasama partner mo?" nagtatakang tanong ko.

"Tss, ayon partner ko oh! Maarte pa sa maarte." halata ang inis sa boses niya.

Teka si Ayiena partner niya? Eh hindi naman namin kaklase 'yun ah?

"Pano mo naging partner e hindi natin kaklase 'yun." nagtatakang tanong ko.

"Tinanong ko na 'yan kay Miss ang sabi niya halo-halo raw kasi talaga ang names." sabi niya.

Magsasalita pa muli sana ako ng makakita ng nakakahumaling na bulaklak!

"Oh! Ayun Klian! Ang ganda ng bulaklak!" natutuwang ani ko.

Pero agad akong napasimangot ng maalalang panget ang camera ng cellphone na meron ako.

"Oh bakit nakasimangot ka na naman?" tanong ni Klian.

"Eh kasi 'di ba ito lang phone ko?" sabi ko.

Pinat niya ang ulo ko bago nagsalita.

"Sabi ko kasi sa'yo bilhan na kita ayaw mo naman." nakangiting sabi niya.

"Paano andami ko ng utang sa'yo 'no." sabi ko.

Natatawa siyang nagsalita uli.

"Tss wala 'yon Leyrein. Halika ito muna gamitin mo." nakangiting sabi niya at iniaabot ang cellphone niya.

Nang biglang may magsalita sa likod ko. Nakaharap kasi kami sa gawi ng bulaklak.

"No need. I'm her partner she should use my phone." kilalang-kilala ko na ang may-ari ng boses na 'yon.

Si Sir Caiven!

"Cai! 'Yun nalang gamitin niya! Tutal mag bestfriend naman sila." iirap-irap na sagot ni Ayiena mukha namang nag-stroke iirap pa.

Pinataray ko ang mukha ko bago siya hinarap.

"Ikaw ba kausap? Ikaw ba may-ari ng cellphone? 'Di ba hindi? Kaya manahimik ka diyan." nakataas ang kilay na sabi ko.

Agad ding tumaas ang isang kilay ni Ayiena at handa ng magsalita ng sumagot si Sir Caiven.

"Ayiena stop, go back to your partner. Wala tayong matatapos kung magbabangayan kayo." sabi ni Sir at agad lumapit saakin.

Tumingin siya ng ilang segundo sa mga mata ko bago bumaling kay Klian.

"Go back to your partner." sambit niya rito bago ako hinawakan sa pulsuhan.

"Sir ayun 'yung bulaklak!" turo ko.

"Nah, we will find another one." sabi niya at tipid na ngumiti.

Omoo! Did he just smile?! Kyahh why so gwapo?

Caiven's POV:

Nakaka-tatlong kuha na rin kami ng litrato sa bulaklak. Halata sa itsura ni Ley ang sobrang pagkamangha sa mga ito.

Maybe she like flowers that much. Hmm should i give her one?

Wait? What the hell am i thinking? Urghh stop it mind!

A memory flashed in my mind and my heart start beating so darn fast! Like the hell! What's happening?!

Arghh! I need to consult with a doctor. As soon as possible! Damn!

"Sir?" agad akong nabalik sa ulirat ng tawagin ako ni Leyrein.

"Hmm?" tanging tugon ko.

"It's already 10:30. Ilang flowers ba ang kailangang kuhanan ng litrato?" tanong niya.

Habang patuloy sa pag-amoy sa bulaklak na nasa harap.

"Lima pataas sabi ni Miss Ami." sagot ko.

Magsasalita pa sanang muli ako ng makita ko siyang ngiting-ngiti na nakatingin sa bulaklak. Malamyos na hinahawakan ang bawat petals nito.

Napatitig ako sa mukha ni Leyrein ng hindi ko namamalayan. Mahaba ang pilikmata niya na siya namang bumagay. She have this rossy cheeks na lalong nagpapaganda sakaniya kahit walang kolorete sa mukha. Pinkish rin ang labi niyang may korte. Ngayon ko lang napansin na ang cute niya. No erase it! Ang ganda niya.

Agad akong napaiwas ng tingin ng maisip ko ang mga pinagsasabi ko sa sarili. Sh*t! Baliw na yata talaga ako!

"Sir ayun oh! Color blue! Kyahh ang ganda!" abo't taingang ngiti na sabi niya.

Ngumiti ako ng tipid na madalang kong gawin. Napapansin ko na nag-iiba na ang ginagawa ko sa nakasanayan ko.

"Mm here, ikaw naman ang kumuha ng litrato." sabi ko habang iniaabot ang cellphone ko.

"Ay nako Sir wag na! Baka mabitawan ko wala akong pambayad 'no! Padadalhan ko pa sila Mama sa unang sahod ko." pagtanggi niya.

So? Kaya ba siya nagtatrabaho para sa magulang niya? Hmm.

"Nah, hindi ko pababayaran sa'yo. Just try it." nakangiti ng alok ko.

Na agad ikinagulo ng buong sistema ko. Sh*t napapadalas na ang ngiti mo Caiven! Hindi na maganda 'yan!

Napabuntong hininga ako ng sa wakas ay kunin na niya ang cellphone sa kamay ko at simulan ng kuhanan ng litrato ang bulaklak.

"Nice Sir! Isang bulaklak nalang! Sana 'yung pinakamaganda na 'yung makita natin!" nakangiting ani niua.

Iniabot na niya ang cellphone saakin at nauna ng maglakad.

"Pansin ko parang super dali ng mga activity." bulong niya na narinig ko rin.

"Ganun talaga pag Camping ng first year college ang gusto talaga ng teachers ay mag-enjoy sa kalilibot ang mga bagong istudyante." sagot ko.

Hindi na siya umimik pa at nagpatuloy sa paglalakad. Inabot ng halos kalahating oras bago kami muling makatagpo ng napakagandang bulaklak.

Nagtatalon si Leyrein at agad inamoy ito. Pagkatapos ay kinuhaan na namin ng litrato.

Nang matapos kami ay agad rin kaming bumalik sa Camp site at ipinakita sa guro ang litrato.

Naging mabilis ang oras at pagkatapos naming mag-ayos ay sumakay na kami sa bus. Pauwi na.

"Hayyy makakauwi na rin sa wakas." wika ni Leyrein na katabi ko.

Nakatanaw siya sa bintana at nakatanaw sa magandang tanawin. Kinuha niya ang cellphone at may tinawagan ron.

Hindi ko na pinansin at natulog ako sa buong byahe.

NAGISING lang ako ng maramdaman kong may umaalog saakin.

"Sir andito na tayo." sabi ni Ley.

"Bakit nasa harap tayo ng bahay? Hindi ba ayaw mong may makaalam ng trabaho mo?" bulong ko.

Natawa siya ng mahina na ikinataka ko.

"Sir 'di mo natatandaan? Sumakay tayong taxi kanina matapos makarating sa school." natatawang sabi niya.

Napakamot nalang ako sa ulo at nagbayad. Kinuha ko na ang gamit ko at nauna ng bumaba.

"Goodnight Sir!" sabi niya bago siya dumeretso sa kwarto niya

Nang makapasok sa sariling kwarto ay agad akong naligo.

Nasa kalagitnaan na ako ng pagbibihis ng may marinig ako tili.

"Ahh! Tulong! Kyahh!"

Si Leyrein!

Agad akong tumakbo papunta sa kwarto niya.

Hi guys! Sorry ngayon lang! Hope you like it! Hshs enjoy reading!! KEEP SAFE!

Shashaxxe

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro