Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 23: CAMPING 2

Chapter 23 : Camping

Ley's POV:

Hanggang ngayo'y kinikilig ako kapag naaalala ko 'yung naging activity namin kagabi. Jusko! Ang puso ko mga sis!

Flashback

"Okay ang first activity n'yo ay gumawa kayo ng simpleng acting na magpapakilala kayo sa isa't isa. Para naman lahat ng first year college ay magkakakilala got it?" sabi ni Miss Ami.

"Yes Ma'am!" sagot namin.

Nagkan'ya-kan'yang puntahan sa lugar ang bawat pares upang bumuo ng acting. Agad akong lumingon kay Sir Caiven.

"Sir anong gagawin natin?" tanong ko.

"Something that can make them laugh?" patanong na sagot ni Sir.

"hmm eh kung something na nakakakilig kaya Sir? Look ang kyut kyut ko kaya––" napatigil ako sa pagsasalita ng maalalang mas'yadong  makapal ang face ko.

Nahihiyang nagbaling ako sakan'ya ng tingin at nag-piece sign.

"Okay we will do that." sabi n'ya ng nakapamulsa at nagsimula ng maglakad patungo sa tent namin.

Hala gagawin namin 'yong nakakakilig?! Kyahh sene el!

"Anong klaseng pagpapakilig ba ang gusto mo?" tanong niya.

"Hmm pwede 'yung mala Maxpein at Deib Lohr?" sabi ko habang palihim na kinikilig.

Favorite ko talaga kasi 'yung book na 'yon ni ate Max. 'Yung He's into Her try n'yo! Hshs by: Maxinejiji.

"Maxpein? Deib lohr?" nagtatakang tanong niya.

"No, we will think another. Wag tayong manggaya." sabi niya habang nakahawak sa baba ang kamay

Fast forward

"Okay next team! Leyrein and Caiven!" tawag saamin ni Miss.

Nag-antanda pa ako bago ako tumayo at sumunod kay Sir. I hope mag-work to siya nakaisip nito eh jusko po!

Ginawa ko ang nasa script namin ni Sir. Naglalakad ako ng ang isa sa mga bully ay patirin ako. Dahilan upang mapasubsob ako kay Sir Caiven at pareho kaming mataob.

Nagkatitigan kami at magdidikit na ang labi ng bigla akong tumayo. Aarte na kunwari'y mahiyaing mahinhin.

"S-Sorry p-po Sir." nakayukong sabi ko.

"Leyrein right?" linya n'ya.

"Y-Yes po." sabi ko.

"I know you i mean the whole you." nakangiting sabi n'ya nasa script pa rin.

"P-Paano p-po?" tanong ko.

Sa eksena kasi kilala ko na rin pero isa sa pinakatinitingala at kilala niya din ako dahil...

"Cause i like you Leyrein. The first time i saw you. Do you remember me?" he asked.

Mapapanganga ako at hahawak saaking bibig.

"C-Cai?" nagtatanong na sabi ko.

"P-Pero pano? S-Sikat ka dati'y h-hindi." napapayukong ani ko.

Lalapit siya saakin at hahawakan ang baba ko upang iangat ito.

Agad namang pumalahaw ng sigawan ang ilang mga nanonood saamin.

"Long story Ley. Just be mine and i swear i'll make you happy." huling script n'ya.

Bago ilalapit ang mukha sa mukha ko at kapag malapit na magdikit ay ihaharang niya ang papel kung saan nakasulat ang salitang END.

Agad kaming huminto ng marinig ang palakpakan.

"Magaling! Sobrang nakakaantig may part two pa ba? Miss Leyrein at Caiven?" natatawang tanong ni Miss na ikinailing namin.

"By the way maganda sana s'ya kaso pangalan n'yo lang ang naipakilala. But ok na sige na maari na kayong umupo." dagdag n'ya.

End of flashback

Grabe sana totoo nalang 'yung acting namin! Sana gusto rin ako ni Sir Caiven. :‹

Nalulungkot ako kasi puro imagine nalang 'yun haiist.
Napahinto ako sa pagmumuni-muni ng may bumunggo sa balikat ko ng 'di kalakasan.

"Hey you okay? Kanina kapa nakahinto riyan, ayon na sila." si Sir Caiven pala.

"Ha? Ay hala tara na Sir!" sabi ko at nagmadali.

"Ano ba uli 'yung activity natin ngayon Sir?" nahihiyang tanong ko.

"We need to find mushrooms before lunch." he said without looking at me.

Sungit talaga neto. Napanguso ako at nagtingin sa bawat dinaraanan. Nang mahagip ng paningin ko ang kumpulan na mushrooms.

"Sir!" nangingiting tawag ko.

Agad namang kumunot ang noo niya.

"Why?" tanong niya.

"Mushrooms! Tara bilis!" aya ko.

Sumunod naman siya sa'kin. Kaniya-kaniya na kasing hanap ang magkakapares. Paramihan ito panigurado.

"Ang dami Sir bilis asan lagayan natin?" tanong ko.

"Here." abot niya saakin.

Sinimulan na namin itong kuhain naka sampong piraso rin kami.

"Ilan daw ba ang kailangan Sir?" tanong ko.

"Thirty." maikling sagot niya.

Muli kaming naglakad at muli ring nakakita, si Sir ang nakakita. Tatlong mushrooms.

LUMIPAS ang mga oras at tanghali na ang ilan ay nagbalikan na sa camping site.

Kulang pa kasi kami ng anim na kabute.

"Sir pa'no 'yan kulang pa." nakangusong sabi ko.

"Let's go, ayos na 'yan." sabi niya.

Nakasimangot akong sumunod sakaniya maglakad pabalik sa camp site. At dahil nakanguso ako at nagtatampurorot ay natalisod ako.

Dahilan upang masubsob ako kay Sir. Gumulong-gulong kami ng ilang beses bago nahinto 'to!

Nasa ibabaw ko si Sir! Kyahh!

Napatitig ako sa mata niya. Napakaganda talaga. Unti-unti itong pumupungay sa paningin ko.

Namalayan ko nalang na isang hibla nalang ng buhok at magdidikit na ang labi namin! Wahhh help!

Ehe pere eyes leng.

Magdidikit na sana ito ng biglang may sumigaw.

"Ley!" agad kaming napabaling do'n ay nagmamadaling tumayo.

Kinuha ni Sir ang lagayan namin ng Mushroom at nauna ng maglakad walang sali-salita.

Hala! Anong ginawa ko!

"K-Klian." nauutal na sabi ko.

Kunot na kunot ang nuo niya. Nag-uusok ang ilong niya at unti-unti na rin siyang namumula.

"Ano 'yon?" tanong niya

Kalmado pero sadyang nakakatakot! Help!

"Huh? Anong ano 'yon? Wala 'yon! Tara na." pilit ngiting aya ko.

"Leyrein ano 'yon?" madiin ng tanong n'ya.

Napalunok ako at napatingin sa gawi ni Sir Caiven. Naroon pa pala siya nakatingin saakin!

Nag iwas s'ya ng tingin at tuluyan ng umalis!

"N-Natalisod ako! Tas napasubsob ako sakan'ya kaya ayun gumulong kami! Happy?" biglang salita ko.

Umawang ang labi niya. Nawala ang kunot ng noo at agad sinuri ang katawan ko.

"Ayos ka lang? May masakit ba sayo?" bakas ang pag-aalala sa boses niya.

"Ok lang! Sige alis na ako!" sabi ko at nagtatakbo na.

Inabutan ko si Sir Caiven na kausap si Miss Ami.

"Sorry po Miss may kinausap lang." nahihiyang ani ko.

"Ok lang, by the way dahil hindi niyo nakumpleto ang mushrooms. Pangalawa lang kayo sa may pinakamadami ok? Magpahinga na muna kayo may activity muli kayo mamaya." nakangiting sabi nito.

Bumalik na ako sa tent at nagpahinga gano'n din si Sir.

Magsasalita na sana ako ng biglang dumating ang linta.

Hi guys! Sorry ngayon lang! Enjoy reading muah KEEP SAFE


Shashaxxe

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro