CHAPTER 21
Chapter 21: His partner in camping
Whut?! Ako magseselos?! Hell no!
"Huy Rein!" nabalik ako sa katinuan matapos pumitik ni Avien sa harap ng mukha ko.
"Ha? Ano ba 'yun?" tanong ko.
"Sabi ko nauna na si Klian kanina ka pa tulala." sabi niya.
Napakamot ako sa batok ko at ngumiti ng nahihiya.
"Hehe sorry. By the way nahatid kaba ni Klian? Ano kamusta ha naka puntos kaba?" sabi ko habang sinusundot-sundot tagiliran niya.
"Rein! Tumigil ka nga! Nakikiliti ako!" sabi niya na humahagikgik sa tawa.
"Pfft, fine so ano nga nangyari?" usisa ko.
" 'Di ba pagtapos ng lunch Cookery na? Paano ako mahahatid no'n e same class tayo." sabi niya.
Agad akong napaisip. Nang maisip kong tama siya ay nasapo ko ang sarili kong noo, oo nga pala!
"Hehe pasensya na Avien lutang lang." sabi ko.
"O siya tara na pasok na tayo." sabi niya.
Tumango ako at ngumiti sakaniya. Pagkapasok na pagkapasok namin sa room ay nahagip kaagad ng paningin ko si Aron!
Oo si Aron! Syete pa'no napunta dito 'yan?
Umikot ang mata ko bago padabog na nagtungo sa upuan ko. Malas nga lang at sa likod no'n nakaupo si Aron. Ano ba namang buhay 'to oh.
"Hi Ley!" bati niya.
Tumango lang ako at hindi na siya nilingon pa. Nakita ko namang kinausap ni Avien 'yung may-ari ng upuang katabi ko. Lilipat siguro.
"Hayyst buti pumayag 'yun! Yii seatmates na tayo Rein!" abot taingang ngiti na sabi niya.
"Loka ka, hula ko may ichichika ka na naman." natatawang ani ko.
"Oo ah." sabi niya at lumapit sa tainga ko.
" 'Yung guy sa likod mo. Si Aron ang balita 'di ba famous 'yan?" sabi niya.
"Ewan ko. Pakailam ko diyan." magkasalubong ang kilay na sabi ko.
Kita ko ang pagtataka sa mukha ni Avien kaya inaasahan ko na rin maging ang tanong niya kahit pa pabulong.
"Bakit naman? Beastmode ka ata." bulong nito.
"Ex ko kasi 'yang hinayupak na 'yan." sabi ko.
Umawang ang labi niya at nanlaki ang mga mata bago gulat na nagsalita.
" 'Di nga?!" sabi niya kaya medyo nagtinginan ang ilang kaklase namin.
"Shhh Ex crush ko 'yan Avien. 'Di nang ka-crushback!" bulong ko pa.
Agad siyang humagalpak ng tawa na ikinataka ko. Hawak pa niya ang tiyan habang walang tigil sa pagtawa.
"Seryoso? Kaya galit ka sakaniya?" natatawa pa ring tanong n'ya.
"Oo nga." sabi ko.
Napatigil lang siya sa pagbungisngis ng mag-salita ang isa sa mga kaklase namin.
"Wala raw si Miss, wala ring iniwang activities. Pero lahat ng First year college ay inaanyayahan sa Gymnasium. May meeting for students." mahabang sabi nito.
Agad na nag-ayos ng gamit ang ilan. Ang iba nama'y nauna ng lumabas.
"Ley, sabay-sabay na tayo papunta sa Gymnasium." sabi ni Aron na nasa likod ko.
Napatingin ako at nando'n din si Caiven ehe papayag ba ako o papayag? gaga ang rupok ko!
"Ok." maikling sabi ko at inayos ang pagkakasukbit ng bag ko.
"Tara na Rein." sabi ni Avien at agad kumapit sa braso ko
Masaya palang magkaro'n ng kaibigan na babae. Buti nalang dumating si Avien sa buhay ko.
"Uhm Miss Crinson can i talk to Leyrein?" tanong ni Caiven na nasa likod ko pa rin.
Agad namang lumapit sa tainga ko si Avien at may ibinulong.
"Ayiii bagay talaga kayo." bulong niya na agad ikinainit ng mukha ko.
Pinanlakihan ko naman siya ng mata na tinawanan niya lang.
"Okay lang. Uhm Aron palit muna kayo ni Rein para makapag-usap sila ni Caiven." sabi ni Avien kay Aron na agad namang tumalima.
Nang makasabay kona sa paglalakad si Caiven ay ako muna ang bumulong.
"Ano yun Sir?" tanong ko.
"Kilala mo na ba ang partner mo sa camping?" tanong niya.
'Yun lang pala! Ehe baka crush niya na rin ako yiii dejoke bawal mag-assume!
"Hindi pa e." sabi ko.
"Ok." tanging sagot n'ya.
'Yun na 'yon? 'Yun na pag-uusapan namin? Pagka-ikli-ikli naman.
Magtatanong pa sana ako ng makita kong nasa harap na pala kami ng gymnasium. Humanap na kami ng mauupuan.
"Ano sabi?" usisa ni Avien ng makaupo sa tabi ko.
"Wala may tinanong lang." sagot ko.
"Suss––" naputol ang sasabihin niya ng may magsalita na sa stage ng gymnasium.
"Hi students! I've made this meeting just to clear something." panimula nito.
Tumikhim ito bago muling magsalita.
"Pagpasok niyo tommorow kailangang dala niyo na ang lahat ng gagamitin. Three days ang camping students! You need to be early tommorow dahil kung malate kayo wala na kayong masasakyang bus. 5 am kailangan nandito na kasi sa gymnasium ng school." mahabang paliwanag nito
"One more thing students! Be responsible." pagkasabi niyon ay hindi kona naintindihan pa ang mga pinagsasabi ng nasa stage.
Kung ano-ano na ang na imagine ko na sana ay mangyari nga. Sana magaganda ang views para mas mag-enjoy ako.
Hindi ko namalayang tapos na pala ang meeting kundi pa ako piningot ng isang lalaki. Sinamaan ko ito ng tingin.
Si Klian pala.
"Aray ko naman!" inis na sabi ko.
"Pano po kanina pa nagpapaalam si Avien sa'yo pero tulala ka pa rin." sabi n'ya.
Napatingin naman ako kay Avien na nahihiyang napakamot sa batok.
"Hala sorry Avien! Nalutang ako e, sorry talaga." sabi ko.
Agad naman siyang ngumiti kaya nakahinga ako ng maluwag.
"Ayos lang Rein, sige mauna na ako ha? May klase pa ako e." sabi niya at nauna na.
"Oh tinitingin-tingin mo diyan?" nakataas ang kilay na sabi ni Klian matapos ko siyang tingnan.
"Taray 'te! Ikaw na." natatawang sabi ko at tumayo na.
Ang ganda talaga ng schedule ko wala na akong klase.
"Woi pandak!" habol nito.
"Sama mo!" sabi ko at hinampas s'ya.
"Awch! 'Di kita ililibre diyan sige ka." pananakot pa nito.
Hala! Kasabay ko pala umuwi si Caiven!
"Ays lang sa susunod na lang bespren para madami na." sabi ko at tinapik ang balikat niya bago tumakbo papunta sa parking lot.
Panigurado naiinis na 'yung Klian na 'yon.
Hinihingal akong napakapit sa kotse ni Caiven na hindi ko napansing nakasandal pala ro'n.
"Tara na." aya niya.
Tumango ako at sumakay na sa kotse.
"Bakit antagal mo?" tanong niya habang minamaniobra ang kotse.
"Ah may kinausap lang Sir Caiven." sabi ko.
Nag 'hmm' lang siya at nagfocus na sa pagdadrive. Nasa gitna kami ng daan ng muli siyang magsalita.
"Ikaw nabunot ko." maikling sabi niya na nagpagulo sa buong sistema ko.
"Huh?" naguguluhang tanong ko.
Hindi na siya sumagot pa. Wait what?! Ako nabunot niya?!
Means? Kyahhh i'm his partner?!
Ehe!
Hi sainyo sorry ngayon lang. Btw meron akong rp acc if you wanna know my rp name just pm me. Haha hope you like this update! KEEP SAFE!
Shashaxxe
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro