Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 20

Chapter 20: Selos ako!

Caiven's POV:

I can't imagine na ito 'yung specialty na sinasabi ni Ley. Well masarap siya.

Inubos ko muna ang unang kinuha ko at tinakpan ang lalagyan. Nang makababa ako ng kotse ay siyang lapit saakin ng pinsan ko.

"Ey bro." wika ni Aron.

"Ey, 'di mo ata kasama si Ayiena?" tanong ko habang nagsisimula na kaming maglakad.

"Nauna na e. Nga pala sabay raw uli tayo ng lunch." sabi ni Aron.

"Sure." sabi ko .

Ilang segundo rin nangibabaw ang katahimikan bago magsalita si Aron.

"Uh Bro?" tawag pansin niya sa'kin.

"Yeah?" tanong ko .

"Kayo na ba si Ley?" tanong n'ya.

Napahinto ako sa paglalakad.

"Huh? Wait what? Pano mo nasabi?" naguguluhang sabi ko.

"E napapansin namin ni Ayiena nitong nakaraan palagi kayong sabay umuwi or pumasok." sabi pa niya.

Natawa ako ng mahina bago siya hinawakan sa balikat.

"Walang kami. I'm just being kind." sabi ko bago s'ya tuluyang iwan ro'n.

Dumeretso na ako sa room namin at nadatnan ko ro'n si Ley na busy sa cellphone niya. Kung cellphone nga ba ang maitatawag do'n.

"Hi Caiven!" masiglang bati nito ng makaupo ako.

"Hello." tanging sagot ko.

"Alam mo Caiven ngayon ko lang nalaman magnanakaw ka pala." nakakunot noong sabi nito.

Wtf?! Ako magnanakaw?!

"Hindi ako magnanakaw Ley" sabi ko sa nagbabantang tono.

"Magnanakaw ka kaya!" pabulong pang sabi niya.

"Hin––" hindi ko na natapos magsalita ng unahan n'ya ako.

"Ninakaw mo nga 'yong puso ko e!" sabi niya at tinaas baba ang dalawang kilay.

Bumilis ang tibok ng puso ko sa hindi malamang dahilan. Ngayon ko lang 'to naramdaman hindi kaya may sakit ako?

Napanganga pa ako dahil sa gulat ng muli siyang magsalita.

"Wuyy charrot lang pfft, epic." sabi niya habang tumatawa.

"Hoy wag ka ngang maingay ikaw na pandak ka." sabat ni Klian.

Agad sinamaan ng tingin ni Ley si Klian.

"Hindi ako pandak! Sabihin mo kapre ka!" pang-aasar pabalik ni Ley.

Magsasalita ng muli si Klian ng dumating si Miss Sil.

"Class i have an announcement." nakangiting sabi n'ya.

Agad nagbulungan ang mga kaklase ko. Ako nama'y mukhang alam na ang mangyayari.

"We will have a camping." tila excited na sabi ni Miss.

Haiist sinasabi ko na nga ba. At alam ko ng si Cailyne ang nagsuggest kay Lolo no'n. Tsh.

"Talaga miss? Kailan po?!" excited naman na tanong ng isa sa kaklase namin.

"Bukas na siya, actually. Kaya ngayon magbubunutan kayo kung sinong partner niyo okay? Syempre ang partner niyo ang katabi niyo sa bus." paliwanag ni Miss.

Sumang-ayon naman ang lahat sa sinabi niya. Napalingon ako kay Ley na tahimik. Nakatingin din pala sakanya si Klian kaya nagkatinginan kami.

Matalim ito kung tumingin parang may nagawa akong mali. Tsh.

"Oy klian ikaw na!" biglang salita ni Ley na nakapagpahiwalay sa masamang tinginan namin ni Klian.

"Ay sorry bespren." kakamot-kamot sa ulong sabi nito.

Nagsimula na siyang bumunot ang lahat ng sigla sa mata niya ay naglaho ng makita kung sino ang nabunot niya.

"Oh bakit ganyan mukha mo bespren?" usisa ni Ley.

"Wala." maikling sabi nito.

"Oh ikaw na Caiven." sabi n'ya.

"Bakit ako? 'Di kaba bubunot?" tanong ko.

Natawa siya ng mahina bago magsalita.

"Mga lalaki lang ang pinabubunot ni Miss. Wag ka pahalatang lutang." natatawa paring sabi niya.

"Tsh." tanging sabi ko at bumunot na.

Tinignan ko ang ngalan sa palabunutan na nakuha ko. At sa hindi na namang inaasahan.

Leyrein

Tama si Ley nga ang nabunot ko tsh lintek.

" 'Yang partner niyo na 'yan ang magiging sandalan niyo sa lahat ng activities na darating okay?" nakangiting sabi ni Miss.

Lumipas ang buong umaga na wala ako sa mood. Kundi pa magtayuan ang mga kaklase ko ay 'di ko mamamalayang lunch na pala.

"Caiven!" isang tili ang narinig ko kasunod ay ang mahigpit na yakap.

"Ayiena bitaw na." sabi ko.

"Ikaw kasi lagi nalang 'yung Ley na 'yun ang kasama mo!" nakasimangot na sabi nito.

"Tsh. Wala lang 'yon tara na lunch." sabi ko.

Nagsimula na kaming maglakad papunta sa cafeteria. Dahil wala ng table ay wala kaming choice kundi maki-share kala Ley.

"Hi Ley! Klian, pa-share ha? Wala na kasing table." sabi ni Aron.

Nakita ko kung paano irapan ni Ley si Aron.

"Uy Cai ano 'yang nakaumbok sa bag mo?" tanong ni Ayiena.

Nilabas ko naman ito.

"Eww ano 'yan." maarte pang komento ni Ayiena.

Napatingin ako sa gawi ni Ley nakatingin siya sa'kin ngunit ng makitang sakan'ya rin ako nakatingin ay nag-iwas siya ng tingin.

"Banana cheese ball, masarap tikman mo." alok ko.

Kumuha si Aron at tila sarap na sarap habang kinakain ito.

Ley's POV:

Kita ko kung paano pahalagahan ni Caiven 'yung gawa ko ehe. Kilig naman ako!

"Huy anong nginingiti-ngiti mo diyan?" tanong ng katabi ko.

"Wala." sabi ko.

"Aba mukhang tinotopak ang maliit ah." pang-aasar pa niya.

Sasagot na sana ako ng mahagip ng paningin ko kung paano subuan ni Ayiena ng kung anong food si Caiven. Hmmp! Mas masarap pa rin 'yung gawa ko!

Lumingkis pa ito sa braso ni Caiven kaya nag-iwas ng tingin na ako. Napaka-landi talaga! Pati crush ko inaagaw buset!

"Hoy durog na durog na 'yung kinakain mo." komento ni Klian.

Napatingin ako sa kinakain ko at oo nga! Hala .

"Ahm?" sabi ko at nag-piece sign.

Nagulat ako ng may yumakap sa likod ko.

"Hi Rein!" si Avien pala.

"Uy sabay kana sa'min Avien." sabi ko.

Umupo s'ya sa harap namin ni Klian. Kita ko kung paano niya sulyapan ito ng tingin kaya nangingiti akong nag ehhem. Nang-aasar.

"Ehhem so Avien kamusta ka? 'Yung puso mo pala." pang-aasar ko.

Namula naman siya.

"Loko ka talaga! Okay lang ako Rein 'no!" sabi nito.

Gusto kong tumawa ng sobrang lakas dahil sa kakyutan niya pag nagbablush.

"Klian pwede ihatid mo na si Avien papunta sa room niya mamaya?" tanong ko.

"Wag na!" agad na tanggi ni Avien.

"Hindi Avien okay lang." nakangiting sabi ni Klian.

Ehe mag kakamoment na ang dalawa.

Natatawa akong napabaling ng tingin kala Caiven na sana ay hindi ko nalang ginawa. Yakap na yakap si Ayiena wala namang ginagawa si Caiven.

Nakakainis!

Nanggigigil akong nagpatuloy sa pagkain!

Selos na selos na ako!

Wait what?! Bakit ako nagseselos?!

Hey guys sorry ngayon lang yung UD nabusy lang sa rp acc. Hope you like this chapter! Muah Enjoyyy KEEP SAFE!


Shashaxxe

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro