CHAPTER 17
Chapter 17: Kare kare
Klian's POV:
Mabilis na lumipas ang araw at friday na kaagad ngayon. Tss, 'di ko na naman makakasama ng dalawang araw si Ley dahil may trabaho siya.
Sulitin ko nalang ngayon tutal pa uwi na kami.
"Ley, hatid na kita tapos lilibre kita ice cream." aya ko sakaniya.
"Hindi pwede bespren e." kita ko ang pagpapasensya ni Ley.
Bakit kaya? Dati rati excited pa siya na parang bata.
"Bakit naman?" tanong ko.
"Eh kas––" bago pa niya matapos ang sasabihin may nagsalita na mula sa likuran ko.
"Let's go, Ley." napaharap ako ro'n.
Si Caiven.
Tsh bakit naman sasama sakaniya si Ley?!
"Ley tara na." hila ko sakaniya.
Napatingin ako kay Caiven nakatingin siya sa kamay kong nakahawak sa palapulsuhan ni Ley.
"Ley, i said let's go." madiin na sabi ni Caiven.
Hinila ko si Leyrein palapit sa'kin.
"Bakit ba kailangang sumama sa'yo ni Ley? Ano kaba niya?" maangas na sabi ko.
Nakita kong ngumisi ang loko bago sumagot.
"Bakit kailangan mong malaman? Ikaw ano kaba niya? Hindi bat kaibigan ka lang niya?" sabi nito.
Agad nawala ang ngiti sa mukha ko. Tsk ang yabang!
"Ah eh t-tara na Caiven, Bespren chill ka lang okay? Kita kits nalang tayo sa monday date mo si Avien ha?" sabi ni Ley at kumindat pa.
Hinila niya si Caiven. Ano bang meron do'n?! Tsk eh ni hindi ko nga alam kung may crush si Leyrein do'n!
Badtrip!
Ley's POV:
"Ley alam mo ba ang ingredients ng Kare-kare?" tanong ni Sir Caiven kaya napabaling ako sakan'ya.
"Yes po, Sir ipapaluto niyo po ba? Nako 'di ako marunong no'n, Sir." pangunguna ko.
Syempre pere key cresh ehe, kinulang sa vowels amp.
"Is that so? Okay i'll cook. Just help me to the ingredients." sabi ni Sir at agad iniliko ang kotse papunta sa Mall.
"Ang alam ko Sir konti lang naman 'yun saka meron dito sa mall tara na Sir?" aya ko nakapag park na kasi siya.
Bumaba na kami at agad nagtungo sa market para bumili ng mga sangkap.
"Sir alam ko ho may bagoong ang kare-kare" sabi ko.
"Mm meron sa bahay." sabi niya.
Pero ano kayang lasa ng bagoong? 'Di ko pa natikman 'yon grabe pero sabi nila masarap daw sa mangga, numnum.
"So kumpleto na Sir. Ay wait lang po Sir may bibilhin ako." ngiting ngiting paaalam ko.
Tumango siya kaya nagmadali akong pumunta sa stand ng mga chocolate kyahh buti may-extra money pa ako.
Habang namimili ako ay nakarinig ako ng bulungan.
'Yan 'yung kasama no'ng gwapong guy 'di ba?'
'Oo bes, tapos kung makangiti akala mo siya yung gf e mukhang maid lang naman.'
'Masyado siyang feeling huh tignan mo nga magpapalibre pa ata ng chocolate.'
'Ang landi!'
Ilang bulungan na narinig ko mula sa dalawang babaeng mabagal na naglalakad sa gawi ko.
Grabe sila bakit ako magpapalibre e may pambili ako. Chill Ley inggit lang mga 'yan.
Hindi ko na sila pinansin at agad dumeretso kung nasaan si Sir.
"Ano 'yan?" tanong niya
"Chocolate Sir." sabi ko.
Napairap naman siya sa hangin bago muling magsalita.
"I mean bakit ka namili niyan?" tanong niya.
"Uhm parang gusto ko lang po Sir don't worry ako po magbabayad nito." sabi ko.
"Nah, let me buy it. Mura lang naman 'yan." sabi niya at inagaw ito sakin para ilagay sa cart.
Hindi naman na ako tumanggi syempre libre!
Nang mabili na namin lahat ng kailangan ay dumeretso na agad kami pauwi.
Bumungad saamin si Maam Cellyn na ngiting-ngiti. Ayii boto sa'kin si tita oh! Charinggg.
"Good evening Maam may ipag-uutos po ba kayo?" sabi ko.
"Wala hija sige dumeretso kana sa kwarto mo. And oh? You'll cooking Cai baby?" baling nito sa anak.
Agad bumakas sa mukha ni Sir Caiven ang pagkairita dahil ata sa itinawag sakanya ni Maam. Baby huh?
Pag ako kaya tumawag sakan'ya ng baby yieeee.
"Stop calling me baby Mom. And yes im gonna cook kare kare." sagot nito sa ina at nauna nang pumasok.
Nag-excuse ako at pumunta na rin sa kwarto ko. Nang makapasok don ay nilapag ko lang ang gamit ko bago nag half bath.
"Ate Ley?" rinig kong tawag ng isang tinig mula sa labas.
Buti nalang at nagbibihis na rin ako.
"Sino yan?" tanong ko.
"Lah si Ate kamo ako 'to si Cailyne." sagot nito kaya natawa ako.
"Ay, sorry sige pasok ka patapos na rin ako." sigaw na sagot ko.
Narinig ko ang pag-sara at bukas ng pinto ng kwarto ko.
"Oh anong kailangan mo Maam Cailyne?" tanong ko ng makalabas.
"Ate Ley sabi ko po Cailyne nalang ih." sabi niya habang nakapout kaya natawa ako.
"Pfft, fine ano ba 'yun?" tanong ko habang nagsusuklay.
"Si Kuya first time niya magluto. May namamagitan ba sainyo?" pang-dederetsa niya. Iba rin 'to mag-isip e.
Agad nanlaki ang mata ko.
"Hala grabe wala ah! A-Ano wala t-talaga." nauutal na sabi ko.
Baka malaman niyang crush ko si Caiven e!
"Wehh 'yung totoo Ate? Ba't nauutal ka?" nang uusisang sabi niya habang ang mga mata ay naniningkit na nakatingin sa'kin.
"Hindi naman." sabi ko.
Magsasalita pa sana siya ng may dumungaw sa pinto ng kwarto ko.
"Girls kakain na." si Maam Cellyn pala.
Sumabay na kami ni Cailyne kay Maam na bumaba. Agad nanuot sa ilong ko ang bango ng kare kare.
Omoo, mukhang masarap!
"Eat up." sabi ni Sir Caiven na nakaupo na pala sa hapag.
Umupo na rin ako at pinagsandukan si Maam Cellyn bago ako.
Naglagay na ako ng kare kare sa plato at tinikman ito. Agad nanlaki ang mata ko.
"Ang sarap.." sabi ko.
"Oo nga Kuya halatang effort e pasikat kay Ate Ley?" panunukso na naman ni Cailyne.
"Shut up and just eat." sabi ni Sir Caiven.
Nakakalimang subo palang ako ng maramdaman ko ang medyo paninikip ng dibdib ko at pangangati ng ilong. Nararamdaman ko rin ang sakit ng tiyan ko.
"Ate Ley, a-ayos ka lang? Pulang-pula na po mata at ilong niyo." sabi ni Cailyne.
"Omy! Leyrein tell me anong nararamdaman mo?" tanong ni Maam Cellyn matapos lumapit sa'kin.
Agad nagkirutan ang tiyan at dibdib ko parang hindi ko na kaya. Pilit kong hinabol ang hininga ko pero napapikit na ako.
"Hey hija––!" hindi ko na narinig pa ang sasabihin ni Maam ng bumagsak ako sa sahig.
"Fvck!" huling salita na narinig ko bago nawalan ng malay.
Hi guys pasensya na at ngayon lang ala talaga akong load pati yung kinoconnectan ko minsan so pasensya na . Bawi ako pag nagkaload i'll be drafting okay?
Shashaxxe
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro