CHAPTER 16
Chapter 16: Crush ko na sya?!!! Whuttt
Ley's POV:
Nagtaka ako ng imbis na kumanan si Sir Caiven ay kumaliwa siya.
Hindi ko alam kung saan kami pupunta kaya naman nagtanong na ako.
"Uhh Sir Caiven saan tayo pupunta? 'Di ba kanan ang papunta sa sub division?" tanong ko.
"Sa magulang mo." walang lingunang sagot nito.
Agad nanlaki ang mata ko sa gulat.
"Hala Sir wag! Baka malaman nila ang trabaho ko." sabi ko nagpapanic.
"Don't worry, sinabi ko sa lola mo na waitress ka gano'n nalang din siguro sa magulang mo." sabi niya.
Magsasalita pa sana ako ng huminto na ang kotse. Agad siyang bumaba kaya sumunod ako.
"Saan ang room nila?" tanong niya habang nauunang lumakad.
Imbis na sagutin ay nauna ako sakaniyang lumakad at siya ang pinasunod ko.
Nang nasa harap na kami ng kwarto ni Mama ay bumuntong hininga ako. Hahawakan ko palang ang doorknob ng bumukas ito.
"Leyrein, anong ginagawa mo rito anak?" bungad ni Papa hindi pa napapansin ang presensya ni Sir Caiven.
"Pa––" hindi ko natapos ang sasabihin ng makitang lumingon si Papa sa likod ko. Patay na.
Agad nangunot ang noo niya.
"Pumasok muna kayo." seryosong sabi niya habang nakatingin kay Sir Caiven na nasa likod ko.
Nakayuko akong pumasok at dumeretso sa pwesto ni Mama.
"I miss you, Ma. Kamusta na ho ang pakiramdam niyo?" tanong ko matapos siya halikan sa pisngi.
"Ayos lang ako anak, teka sino iyang binata na kasama mo? Nobyo mo ba?" sunod-sunod na tanong niya pero agad nanlaki ang mata ko sa huli niyang itinanong.
"Ma! Hindi ho anak ho ng boss ko." napapakamot sa batok na sabi ko.
Narinig kong tumikhim si Papa kaya napatingin ako rito.
"Oh eh bakit kasama mo siya rito?" tanong nito.
Hindi na ako nakapagsalita ng si Sir Caiven na mismo ang magpaliwanag.
"Ipapaalam ko lang ho sana ang anak niyo Sir, Maam. Doon muna siya titira hanggang hindi natatapos ang kontrata niya. Tulong na rin ni Mommy para makatipid at 'di na mamasahe." paliwanag ni Sir.
"Kasama kaba niya sa bahay?" tanong ni Papa na halata ang pag kadisgusto sa isiping magkasama kami.
Agad akong napatingin kay Sir gano'n din naman siya sa'kin.
"Ah syempre Papa pero mag ka iba ho ng kwarto. Wag ka mag-alala Pa ayos lang ako ro'n." nakangiting sabi ko.
"Siguraduhin mo lang na walang namamagitan sainyo Leyrein. Alam mong iba ang mayaman sa tulad nating kapos palad." sabi ni Papa kaya napayuko ako.
Alam ko naman 'yon. Ang mayaman ay para lang sa mayaman at ang mahirap ay para lang sa mahirap.
"O siya sige, humayo na kayo at baka gabihin kayo." sabi ni Mama.
Yumakap ako sakan'ya bago kay Papa.
"Ingatan mo ang puso mo anak ko, walang gamot sa pusong nagdurugo." bulong niya ng mayakap ko s'ya.
Nang bumitiw na ako ay muli siyang tumingin kay Sir Caiven.
"Ikaw, siguraduhin mong magiging maayos ang lagay ng anak ko." seryosong bilin niya na tinanguan lang ni Sir Caiven.
Lumabas na kami at pumunta na uli sa kotse niya.
Habang naglalakad ay hinawakan ko sa braso si Sir upang kausapin. Pero ng magdikit ang balat namin ay tila nakuryente ako kaya napabitaw kagad ako na siyang ikinalingon niya.
"A-Ahh Sir pasensya na k-kayo kay Papa." nakayukong sabi ko.
"Mm let's go." sabi niya at nauna na.
NANG makarating na kami sa bahay nila Sir Caiven ay agad akong sinalubong ni Maam Cellyn.
"Oh? Sabay na kayong umuwi?" tanong nito.
"Ah kase po inabutan ko si Sir sa bahay." nahihiyang sabi ko.
Tumango-tango si Maam bago bumaling sa anak.
"Caiven, tulungan mo siyang ayusin ang mga gamit niya okay? No more buts." sabi nito at umalis sa harap namin.
Nahihiyang tumingin naman ako kay Sir.
"Ah, sige kung ayaw mo ako nalang akina." sabi ko at kinuha sakaniya ang lagayan ng damit ko pero hindi niya binitawan.
"Tulungan na kita." sabi niya at dumeretso sa kwarto ko.
Kyahh ang bait naman pala ket papano eh yiie!
Tumakbo na ako papunta ro'n.
Siya ang nag-ayos ng damit ko at ilang gamit ako naman sa damit panloob ko.
Napahinto ako sa pag-ayos ng mahahalaga kong gamit ng may maalala ako.
"Aish, nakakainis!l!" inis na sabi ko at nagpapapadyak.
"Bakit?" tanong ni Sir kaya napalingon ako.
Hindi ko alam na nasa likod ko siya kaya naman muntik ko na siyang mahalikan. Agad akong humakbang paatras.
"A-Ano kasi naiwan k-ko 'yung BTS poster ko." naiilang na sabi ko.
"A that k-pop group?" tanong niya na muli ng nag-aayos parang wala lang sakaniya 'yong nangyari ah.
"Oo." sagot ko .
"Pwede mo pa namang balikan bukas, kung gusto mo." sabi niya.
Hindi na lang ako sumagot at nagpatugtog. Sakto at ang tumogtog ay ang favorite song ko.
Hanggang sa naalala ko ang nangyari kani-kanina lang sa parking lot! 'Yung tumabi sa'kin nang upo kanina si Sir Caiven!
Agad ko 'tong pinatay at nag-ayos na lang uli. Ramdam ko ang pagkamula ng pisngi ko dahil sa init nito.
Napatitig ako kay Sir Caiven habang nag-aayos siya. Napakaamo ng mukha pero nuknukan din ng kasungitan. Manipis at mapula ang kaniyang labi. Maganda rin ultimong mata niya.
No wonder maraming nagkakagusto sakaniya.
"Stop staring." biglang salita nito na nagpabuhay sa'kin.
Kyahh nakakahiya talaga.
"Ah Sir Caiven hindi ka naman siguro allergic sa saging saba?" tanong ko .
'Diba gagawan ko siya ng specialty ko?
Napalingon siya saakin tumitig saglit bago sumagot.
"Hindi." sagot niya.
Do'n ko lang napansin na tapos na pala siya sa inaayos niya.
"Ah sige Sir ako na po rito, pwede na po kayo magpahinga pasensya na sa abala." nakayukong sabi ko.
Hindi siya sumagot at naglakad bago niya ako lampasan ay hinawakan niya ako sa balikat at tinapik ito.
"Simula bukas sabay na tayong papasok at uuwi." sabi nito bago tuluyang umalis sa kwarto ko.
Wahh! Isasabay raw ako ni crush? Wait whut?! Crush ko na siya?
Wahh hala baka namali ako?! Ahh pero kinikilig ako pag nakikita ko siya.
Omygosh!
Hi guys! I think matagal pa uli bago ako makapag UD but hope you'll wait for it! Keep safe
Shashaxxe
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro