CHAPTER 15
Chapter 15: Nakita nya kaya?!!
Cai's POV:
Nakatitig lang ako sa nakapikit na si Leyrein. Feel na feel niyang kumanta kaya naman gusto kong matawa.
Pero kahit gano'n ay bumagay sa boses niya ang kinakanta niya kaya naisipan ko itong irecord.
Nang matapos na ang pagkanta niya ay nagtanong siya sa'kin.
"Ayos ba Klian?" tila nahinto ako sa paggalaw ng ibang pangalan ang sabihin niya. Tss ano bang aasahan ko?
Siguro 'yun 'yong kasama niya at inakala niyang ako 'yon. Tsh.
Lumapit ako sa tainga niya at bumulong.
"It's Caiven not Klian." bulong ko bago bumababa sa kotse na 'yon.
Pinatay ko ang recorder ng phone ko at sumakay sa kotse. Hindi na ako uli lumingon kay Leyrein magkikita naman kami sa bahay mamaya.
Habang nagmamaneho ako pauwi ay biglang tumawag si Mommy.
"Hello?" sagot ko.
"Can you do me a favor Cai baby?" tanong nito.
"Yeah, but please Mom stop calling me baby." naiiritang sabi ko.
Narinig ko ang bungisngis niya bago muling magsalita.
"Okay fine. Gusto ko sanang pumunta ka sa bahay ni Leyrein at kunin mo ang gamit niya ro'n. And ipaalam mo na rin siya sa magulang niya." sabi ni Mom na parang ang dali lang ng pinagagawa niya!
Agad nanlaki ang mata ko at sumagot.
"Mom! Hindi ko alam kung saan ang bahay niya! At hindi rin ako kilala ng magulang niya." naiinis na sagot ko.
"Itetext ko sa'yo ang address kunin mo ang gamit ni Ley and 'yung mga magulang niya hmm. Nasa hospital base sa tauhan ko." sabi nito.
Agad nangunot ang nuo ko bago muling magsalita
"But Mom kaya niya ng gawin 'yon!" sabi ko.
"No more buts. You'll do it or ibabalik kita sa Dad mo?" pagpapapili niya.
Wala na akong nagawa at pumayag na ako. Kaysa naman mapunta ako sa tatay kong walang pakailam sa'min puro business ang inatupag.
Maya-maya lang ay naitext na saakin ni Mommy ang address.
Inabot ako ng bente minutos bago makarating do'n. Nang bumaba ako ng kotse ay agad kong inilibot ang paningin ko.
May nagtitinda pa ang ihaw something kaya naman mausok.
'Hala bes may artista!'
'oo nga! Pero walang nabanggit sila kapitana.'
'Hoy magsitigil kayo baka may pupuntahan lang 'yan.'
Ilang bulungan na narinig ko ng dumaan ako sa harap nila.
Huminto ako ng mapagtantong iyon na ang bahay na hinahanap ko. Maliit ito at para bang sala lang ng bahay namin. Ang pintura ng bahay ay nagsisimula na ring mawala.
Napailing ako bago nagtawag.
"Tao ho!" sigaw ko.
Muli akong sumigaw at may lumabas na isang matandang babae.
"Oh? Napakagwapong lalaki naman nito. Sabihin mo sino ang ipinunta mo rito?" tanong niya habang naglalakad palapit sa'kin.
Ngumiti ako ng tipid bago ako nagsalita.
"Narito ho ako para kunin ang lahat ng damit ni Leyrein." sabi ko, naiilang pang sabi ko.
Nakita ko kung paanong namilog ang mata n'ya.
"T-Teka?! Itatanan mo na ba ang apo ko?! Aba'y bakit naman ganun hijo!" sigaw ng matanda.
Agad nanlaki ang mata ko bago nagpaliwanag.
"Hindi ho. Nagtatrabaho ho kasi siya saamin at nais ng Mommy ko na ro'n na siya manatili hanggang matapos ang kontrata para hindi pauwi-uwi." paliwanag ko.
Ngumiti siya at pinapasok ako.
"Pasensya kana at wala akong maiaalok sayo hijo. Sandali ano bang trabaho ni Leyrein?" tanong nito.
Agad akong nag-isip ng dahilan.
"Waitress ho sa Restaurant namin." maikling sabi ko.
Napatango-tango ito at ngumiti.
"O siya sige, sa dulong pinto ang kwarto ni Leyrein halika at tulungan mo akong ibalot ang gamit niya." nakangiting sabi nito.
Tumango ako at sumunod sakaniya. Nang makapasok kami ay agad bumungad saakin ang pang babaeng amoy bagamat hindi kalakihan ang kwarto ay nagmumukhang maganda at malinis ito dahil sa disenyo.
Puro lalaking nasa poster din ang nakadikit sakaniyang dingding BTS ang ngalang nakalagay.
"Ako na sa mga damit panloob niya at dito mo ilagay ang damit niya." sabi ni Lola.
"Sige ho Lola." sabi ko at nagsimula ng mag-ayos ng damit ni Ley.
Ang mga damit niya ay kay sisimple ngunit kapag sinuot na niya ay talaga namang gumaganda ito.
Habang nag-aayos kami ay biglang bumukas ng malakas ang pinto at may sumigaw.
"Lola ano––" hindi niya natapos ang sasabihin ng makita ako tila nanigas siya sa kinatatayuan at nanlaki ang kanyang mga mata.
Ley's POV:
"Huy! Eto na ice cream mo kanina kapa tulala diyan." biglang sulpot ni Klian.
"S-Sorry." wala sa sariling sabi ko.
Habang naaalala ang unang beses na makita ko ang ngiti ni Sir Caiven pati ang pagbulong niya kanina saakin.
"Uuwi na ako." sabi ko at bumaba sa kotse ni Klian dala pa rin ang ice cream.
"Hey! Dito kana sumakay Ley." sabi niya ro'n lang ako tuluyang natauhan.
"Ah sige." tanging sambit ko.
Tahimik kami buong byahe kanya-kanyang nilalamon ng isip. Ni hindi ko naramdamang andito na pala kami.
"Salamat Besprenm" sabi ko at bumaba ng kotse niya.
Habang naglalakad ako papunta sa bahay namin ay narinig ko ang ilang bulungan.
'Ang gwapo 'no?'
'Oo saka narinig mo? Gamit ni Ley ang kukunin!'
'Hala ano kayang meron sakanila!'
Ilang bulungang narinig ko nagmadali akong makapasok sa bahay. At do'n nakita ko ang bukas kong kwarto.
Malakas kong binuksan ang pinto bago sumigaw.
"Lola ano––" hindi ko natapos ang pagsigaw at tila nanigas ako sa kinatatayuan ng makita ko kung sino ang isa sa may hawak ng damit ko.
Si Sir Caiven!
"B-Bakit h-hawak mo ang g––gamit ko!?" nauutal na tanong ko.
"Tsh, itanong mo kay Mommy." tipid na sagot niya at nagpatuloy sa pagsilid ng damit ko.
Siguro tototohanin ni Maam Cellyn na ro'n na muna ako.
Pumunta ako sa isang drawer at kinuha ro'n ang pinaka importanteng mga gamit ko.
"Mauna na ho kami." paalam ni Sir Caiven na nagpalingon sa'kin.
"Oh sige ingatan mo ang apo ko ha, hijo?" sabi nito.
Tumango lang si Sir Caiven at nauna ng maglakad.
"Aish! Basta ingat kayo rito Lola ha? Loveyouuu!" sigaw ko at nagmamadaling humabol kay Sir Caiven.
Sinenyasan niya akong sumakay na sa kotse niya kaya ginawa ko.
"Uhm bakit mo nga pala kinuha mga damit ko?" tanong ko.
"Do'n ka muna raw hanggang hindi tapos ng kontrata ng pagtatrabaho mo." sabi nito.
Tumango ako at tumingin sa bintana ng bigla ay naramdaman kong lumapit siya saakin.
Napalingon ako ng ang isang kamay niya ay parang kinuha sa gilid ko. Pagkalingon ko ay ilang hibla nalang ng buhok at magdidikit na ang labi namin.
Omo! Agad akong nag-iwas ng tingin gano'n din siya .
"Kinabit ko lang." sabi niya at do'n ko lang nakita na kinabit niya ang seat belt.
"Oo nga pala. Sayo ata 'to ng nabangga kita." sabi niya at may iniaabot na papel.
Kinuha ko ito at binuksan. Agad nanlaki ang mata ko at napatingin sakaniya.
Wahh! Nakakahiya! 'Yung crushlist ko.
Nakita niya kayaaa?! Wahh nakakahiya!
Hi guys! Sorry kung ngayon lang. But hope you'll enjoy this! Keep safe!
Shashaxxe
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro