CHAPTER 14
Chapter 14: Heart! Stop beating so darn fast!!
Ley's POV:
"Macaroon de Leyven it taste..."
Hala! Baka 'di masarap!
Agad nagkapit ang dalawang kamay ko sa kaba ng biglang may bumulong sa'kin.
"Hey chill, okay lang kahit 'di sa'tin 'yung pinakamasarap na gawa atleast may grade ka." sabi niya.
Tila walang pakelam sa grade niya.
"Pero gawa––" hindi ko na natapos ang sasabihin ng marinig ako ang sinabi ng isa sa judge.
"It taste good. Nagulat pa akong may chocolate sa loob hmm. I like this." sabi nito at muling kumagat.
Agad nagliwanag ang mukha ko sa narinig.
Omoo!
Natapos na ang tikiman at ngayon ay iaanunsyo na ang mangunguna.
"Okay so we have a tie dahil 'yung gawa ng parehong partner na 'to ay 'di gaanong katamis na pumasa sa panlasa namin. Sila rin ang nangunguna." paliwanag ni Miss Sil.
Sinabi na niya ang rank two and three itong nag tie na rank one nalang ang hindi. Inaamin kong umaasa akong kami ang isa ro'n. Malay naman natin 'di ba?
"Sir Caiven." tawag ko.
"Don't call me Sir when we are in school they might know your secret." sabi niya tumango ako bago magsalita.
"Kapag isa tayo sa rank 1 gagawan kita ng specialty ko." taas noong sabi ko.
Umangat ang isang kilay niya at handa na ring magsalita ng marinig namin ang pangalan namin.
"... And Ms Santillan & Mr Astrone, Congrats!" nakangiting sabi ni Ma'am.
Nakanganga akong humarap kay Sir Caiven.
"T-Tayo 'yun 'di ba? Hindi 'to panaginip 'di ba?" nauutal na sabi ko habang itinuturo ang sarili ko.
Ngumiti siya at tumango bagay na ngayon ko lang nakita. Omo lalo siyang gumawapo!
Pasimple akong napahawak sa dibdib ko ng makaramdam ng kalabog do'n parang may kung ano rin sa tiyan kong kiliti.
Omo!
"Nice job. So ano ba 'yung specialty na gagawin mo't ibibigay sa'kin?" maaliwalas ang mukhang sabi niya.
"A-Ano b-basta!" sabi ko at nagmadaling umalis sa harap niya para kunin ang gamit ko.
Tapos na rin kasi ang klase.
Nagmadali akong lumabas ng room kaya hindi ko napansing may taong nasa harap ko at nabangga ito.
"S-Sorry." hingi ko ng tawad habang nakayuko.
"Leyrein?" agad napaangat ang ulo ko sa pamilyar na boses na 'yon.
Si Aron. Ang damuho pala.
"Teka? Bakit namumula ka?" tanong niya at nangiti "Crush mo pa rin ako?" nakangiting sabi niya.
Agad nangunot ang nuo ko bago siya tinitigan.
"Kapal! Saka FYI no'ng naging crush kita hindi ako namula!" inis na sabi ko at nilayasan siya.
Badtrip akong naglalakad ng may umakbay sa'kin agad ko itong nilingon.
"Oh? Badtrip ka pa rin Ley? Teka may nang bully ba sa'yo?" tanong ni Klian at huminto sa paglalakad.
"Wala." maikling sabi ko.
"Aish alam mong ayaw kong ganyan ang treatment mo sa'kin 'di ba?" sabi niya.
Napanguso ako at nagpapadyak.
"Nakakainis kasi." sabi ko.
"Oh sige tambay muna tayo parking lot bago kita ihatid sainyo." sabi niya.
"Okay." nakangusong sabi ko pa rin.
Nang makarating kami sa parking lot ay umupo kami sa bukas na likod ng kotse niya.
"So bakit ka naiinis?" tanong niya.
"Kasi nakasalubong ko si Aron." sabi ko.
" 'Di ka pa rin nakakamove-on do'n?" tanong niya.
"Yuck! Syempre naka move-on na." sabi ko.
"Eh bakit badtrip ka pa rin? Sounds like a bitter girl." sabi niya.
"Hindi ako bitter, naiinis lang ako kasi kung makapag salita siya akala mo close kami like duhh kapal ha." sabi ko at umirap sa hangin.
"Pfft, baka mamaya crush mo pa rin siya ha." sabi niya.
Tumingin ako sa mata niya ng bagot.
"Seriously? Klian? Wala na siya sa'kin okay?" sabi ko.
"Okay fine fine chill, by the way kumusta ang activity n'yo sa Cookery?" tanong n'ya.
Agad nagliwanag ang mukha ko ng maalalang nag-rank one kami at the same time naramdaman kong nag-init ang pisngi ko ng maalala 'yung ngiti ni Sir Caiven.
"Oh? Bakit namumula ka? Tinatanong lang kita hoy!" sabi n'ya.
"H-Hindi ako namumula!" pagtatanggi ko.
"Sus tell me may crush ka ng bago?" tanong niya habang nakangiti.
Pero habang nakatingin ako sa mata niya ay may nakita akong 'di ko maipaliwanag na emosyon parang nasaktan na malungkot? Ah ewan.
"Wala pa rin kay Taehyung pa rin." biro ko.
Natawa rin siya bago nagsalita.
"Don't love him as a man because he just love you as a fan." sabi niya.
Agad ko siyang hinampas. Napaka amp!
"Ang sama mo! Alam ko naman 'yon pero wag mo ng ipaalala jusko!" sabi ko.
"Pfft, fine. Gusto mo Ice cream?" tanong n'ya.
"Oo naman! Basta libre." biro ko at kumindat pa.
"Oo na, buraot ka e." panunukso n'ya.
"Sama mo!" pahabol na sigaw ko no'ng naglakad na siya palayo.
Kinuha ko ang simpleng Cellphone ko at ikinabit do'n ang earphone para makinig ng kanta.
Sakto at favorite kong kanta ang tumutugtog.
Nang mag-chorus ay saka ko ito sinabayan habang nakasandal ako.
Love you every minute, every second
Love you everywhere and any moment
Always and forever I know
I can't quit you
Cause baby you're the one,
I don't know how
I love you til the last of snow disappears
Love you til a rainy day becomes clear
Never knew a love like this, now i can't let go
I'm inlove with you, and now you know
Katatapos ko lang kantahin ang chorus ng maramdaman kong may umupo sa tabi ko. Siguro si Klian, pero hindi muna ako nagmulat ng mata.
"Kantahan muna kita Klian ah? Bago mo 'ko tuksuhin ulit." sabi ko at medyo natatawa.
Hindi ko alam pero parang iba ang pabangong naamoy ko kay Klian. 'Yung tibok ng puso ko rin ay hindi normal pero hindi ko na pinansin 'yun dahil baka napapraning ako.
Agad kong sinabayan ang liriko ng kanta ng magsimula muli ito.
I like the way you try so hard when you play ball with your friends
I like the way you hit the notes, in every song you're shining
I love the little things, like you're unaware
I catch you steal a glance and smile so perfectly
Though sometimes when life brings me down
You're the cure my love
Birit ko feel na feel kumanta.
In a bad rainy day
You take all the worries away
Kanta ko pa at muling inulit 'yung chorus habang nakapikit pa rin.
"Ayos ba Klian?" nakapikit pa ring sabi ko.
Ayokong dumilat kasi feeling ko ang lapit-lapit niya sa'kin. Ramdam na ramdam ko rin 'yung lakas ng kabog sa dibdib ko.
Naramdaman kong lumapit pa siya lalo sa'kin hanggang sa isang pamilyar na boses ang bumulong sa'kin.
"It's Caiven not Klian." bulong nito.
Bago ko naramdaman ang pagbaba niya sa likod ng sasakyan kina-uupuan ko. Huli na ng idilat ko ang mata ko.
Nakasakay na siya sa kotse niya!
Parang huminto 'yung puso ko no'ng sandaling narinig ko 'yung bulong niya. Hanggang ngayon nagpapaulit ulit ito sa isip ko.
It's Caiven not Klian
It's Caiven not Klian
It's Caiven not Klian
It's Caiven not Klian
Wahh! Ang lakas-lakas ng tibok ng puso ko!
Napakapit ako sa parte ng dibdib ko kung nasaan 'yung puso ko sobrang lakas talaga kyah!
Heart! Stop beating so darn fast! You might kill me.
Song title:
I like you so much, You'll know it by: Yssabel Cuevas
Hi guys! swerte tayo ngayon naki connect lang ako HAHAHA so enjoy reading! KEEP SAFE!
Shashaxxe
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro