Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 11

Chapter 11: Kiss?

Ley's Pov:

"You again?! Bakit kasama mo sya Cai?!" naiinis na tanong nung babaeng nakasagutan ko sa school no'ng nakaraan.

"Leyrein?" tawag ni Aron.

Napatingin ako rito at ng makita kung sino ang tumawag saakin ay tinaasan ko lang ito ng kilay.

"Hey, Im asking you!" bulyaw ng babae sa'kin.

"Ha?" tanong ko.

"I sai––" hindi ko na siya pinatapos magsalita at lalong ininis.

"Halamang gamot." sabi ko at ngumisi.

"Arghh!" akmang susugod na 'to ng pigilan siya ni Sir Caiven.

"Don't make a scene Ayiena." bulong nito pero narinig ko.

Naks astig ng name ah parang Ayie, pfft kidding.

"Upo na kayo." sabi ni Aron.

Hindi ko 'to pinansin at umupo nalang ako. Kung alam ko lang 'di na sana ako sumama rito buset!

"Umiinom ka ba ng alak, Ley?" tanong ni Sir Caiven.

"Medyo." sagot ko.

"Okay." sagot niya at nagsimula ng uminom.

Nakiinom na rin ako ng alak kahit hindi ko alam kung anong klaseng alak ba 'yung naiinom ko.

Gumuhit ang init nito sa lalamunan ko kaya napapikit ako.

"Ayos ka lang?" tanong ni Aron.

"Pakailam mo?" nakataas ang kilay na sagot ko.

"So i heard may past kayo ni Aron? Ms? What's your name again?" biglang salita ni Ayiena.

"Ley." tanging sagot ko.

"Hmm so may past nga kayo?" tanong niya.

Halata sa boses ang pagiging maarte tsh hula ko spoiled brat 'to, tsk tsk.

"May past pero walang kami." sagot ko at muling tumungga.

"Tss. Siguro wala ka pang naging boyfriend 'no? Sabagay ang baduy mo kasi." pang-iinsulto niya.

Agad akong napaangat ng tingin bago sumagot.

"Wala akong boyfriend kasi aral ang mahalaga sa'kin isa pa. May nagkakagusto sa tinatawag mong baduy ayoko nga lang dahil hanggang paghanga lang ang gusto ko." sagot ko bago muling uminom ng alak.

"Ah talaga? Baka bulag 'yon kaya ka nagustuhan or baka naman panget siya." muling insulto nito.

"Alam mo Ayiena? Wag kang palahusga kasi kung ugali ang labanan talo ka na lalo na't bulok ang ugaling meron ka." banat ko.

Nakita ko kung paano nawala ang mapang-asar niyang ngiti at inis na tumingin sa'kin. Nilabanan ko ang tingin niya bago siya ang unang nagbawi ng tingin.

Akala ata uubra sakin ha? Hasa na 'to boy!

"Tama na nga 'yan, let's enjoy this night!" salita ni Aron.

"Cai baby let's dance." aya ni Ayiena kay Sir Caiven pero umiling ito kaya inis na umalis si Ayiena.

Mag-isang pumunta sa dance floor.

"Ley? Let's dance?" tanong ni Aron na nakalahad pa ang kamay.

"Ha?" kunwaring tanong ko muling mamimilosopo.

"I sai––" hindi ko siya pinatapos at sumagot agad.

"Harurotbrumbrum" nakangising sabi ko.

"Ano bang problema mo Ley?" nakakunot ang noong tanong niya.

"Ako? Marami." sagot ko.

"Kinakausap kita ng maayos pero ganyan ka sa'kin. Hanggang ngayon ba galit ka sa'kin?" tanong niya.

"May dahilan ba para magalit ako? Last time i check, EX CRUSH lang naman kita." sabi ko at tumayo.

"Cr lang ako Sir." bulong ko kay Sir Caiven.

Nang makarating ako sa cr ay agad akong naghilamos. Unti-unti na akong nahihilo ah mukhang malapit na akong malasing.

Nang matapos ako ay lumabas na rin ako at bumalik sa table nando'n na uli si Ayiena. Habang si Aron naman ay tahimik at nagtututungga ng alak.

Muli akong uminom para 'di magsalita kahit puro daldal ni Ayiena tsh.

LUMIPAS ang limang oras at langong-lango na ako. Ramdam ko rin ang pag-ikot ng paningin ko.

"Hoy Aron!" tawag ko at dinuro ito kahit lasing na lasing na ako.

"Alam mo? Akala ko mabait ka kaya kita naging crush! Tapos... T-Tapos hindi pala! Imblock mo pa talaga ako?!" sabi ko habang dinuduro siya.

"A-Akala mo crush pa rin kita? Gagi! Expired kana!" sigaw ko.


Caiven's POV:

"A-Akala mo crush pa rin kita?! Gagi! Expired kana!" sigaw ni Ley habang susuray-suray.

Si Aron naman ay tiim na nakatingin sakaniya. Silang dalawa lang ni Ayiena ang nalasing tsh.

"Sorry Leyrein." sabi ni Aron.

Pagak na tumawa naman si Ley.

"Sorry?! Lolo mo sorry!" sabi nito at muling tumawa.

Tinignan ko ang oras at hapon na pala kaya naman pala unti-unti ng dumarami ang mga tao sa bar.

"Pre! Hatid ko na 'to ikaw na bahala kay Ayiena." sabi ko.

Tumango lang siya kaya kinuha ko na ang pulsuhan ni para mapatayo.

"Kaya mo ba maglakad?" tanong ko.

"S-Sir *hik/ Caiven! Oo naman *hik/ Sir! Ako pa." sabi niya at tinuro ang sarili.

Tinulungan ko siyang tumayo 'di pa man nakaka limang hakbang ay agad na itong natumba buti nalang ay mabilis ko siyang naalalayan.

"Tsk, iinom hindi naman kaya." bulong ko at tuluyan na siyang binuhat.

Habang papalapit sa parking lot ay naalala ko ang pinaggagawa niya kanina. Sumayaw siya na parang tanga at kumanta ng wala sa tono.

Halos lahat ata ng tao ro'n ay nakatingin sakaniya. Nakakahiya siya.

Isinakay ko na siya sa kotse at sinuotan ng seat belt. Bago umikot at umupo sa driver's seat.

Habang nagmamaneho ako ay nagsasalita si Ley kahit pa tulog siya.

"V-Ven. Sino si Ven?" bulong niya agad kong naihinto ang kotse at tumingin sakaniya.

"Klian? Mm besprennn!" biglang sigaw niya .

Napailing ako at muling nagmaneho pauwi.

Alas sais na ng hapon ng makauwi kami kaya binuhat kona siya papunta sa kwarto niya.

Nang maihiga ko na siya sa kama ay inayos ko ang pwesto niya. Paalis na sana ako ng makita nakabaluktot siya. Tsh lamigin.

Kinumutan ko siya at inayos ang unan para komportable ang pagtulog niya. Hindi sinasadyang napunta sakaniyang mukha ang paningin ko.

Mahaba ang kanyang pilikmata, hindi katangusan ang ilong, may natural na mapulang labi at katamtamang puti.

Lalo akong napatitig sa labi niya para bang hinahatak ako at sinasabing idikit ko iyon sa mismong labi ko.

Unti-unting lumalapit ang mukha ko sa mukha niya. Ramdam na ramdam ko ang hininga niya.

Ilang hibla nalang ng buhok ang pagitan ng mga labi namin. Hindi ko alam pero parang may nagtutulak saaking ituloy ito.

Should i kiss her?

Maglalapat na sana ang aming mga labi ng bigla siyang magmulat ng mata! Fuck!


Hi guys! Update uli hshs hanggat walang pasok update lang ng update. Hintayin nyo gais! Magkakaron ako ng story na Fantasy na sya ring magpapakilig sainyo yieee keep safe! Muah



Shashaxxe

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro