Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 10

Chapter 10: Bar with her

Caiven's POV:

Umakyat ako sa kwarto ko at umupo sa kama ng may mapansin akong tupi ng papel.

"Ano 'to?" tanong ko sa hangin.

Binuksan ko 'to at bumungad sa'kin ang halos 20 pangalan ng lalaki ang iba ay may ekis pa.

Tinignan ko ang nakasulat sa taas.

Crushlist?! Wtf?!

Pero isang pangalan 'yung nakaagaw ng pansin ko.

Aron

Puro ekis ito at halatang may galit sakan'ya ang may-ari ng papel. Agad kong inisip kung saan ko ito nakuha hanggang sa magflashback ito sa isip ko.

Kay Leyrein! Tama kay Ms Santillan nga ito.

Damn! Grabe magkacrush ang babaeng 'yon! Ang dami!

Tinabi ko ang papel at pumikit bukas ko nalang ito ibibigay sakan'ya...


NAGISING ako dahil sa mabangong aroma na naamoy ko. Hindi ko alam kung anong klaseng pagkain 'yon pero amoy palang ay nakakatakam na.

Kaya agad akong nag-ayos para makababa na. Sinundan ko kung saan nanggagaling ang amoy at dinala ako nito sa kusina.

At do'n naabutan ko ang naglulutong si Ley. Nakatalikod sa gawi ko at patuloy sa pagluluto.

"What did you cook?" tanong ko.

Ley's POV:

"Ateeee magluto kana fried rice!" panggigising sa'kin ni Caillyne habang nagtatatalon sa kama ko.

"Sige baba kana baka mahulog ka." inaantok pang sabi ko.

Kung si Lola siguro nanggising sa'kin 'di ako babangon.

"Bilis na Ate! Im hungry na." nakangusong sabi nito.

Ngumiti ako bago bumangon at nagderetso sa Cr para maligo.

Nang lumabas ako ay nakaupo na sa kama si Caillyne.

"Ate anong lulutuin mong ulam?" tanong niya.

Bigla ko namang naisip 'yung paboritong ulam ni Mama 'yun nalang siguro iluluto ko kahit simple.

"Samahan mo 'ko para malaman mo." sabi ko at kumindat bago naglakad palabas.

"Kyahhh wait Ate!" tili niya.

Napangiti ako at inisip na sana may kapatid din ako. Isang anak lang kasi ako nila Mama at Papa.

Nakarating ako sa kusina agad namang umupo si Caillyne sa 'di kalayuan para panoorin ako.

"Ate bakit mo tinanggal 'yung sabaw ng cornbeef?" tanong niya.

Humarap ako bago nakangiting sumagot.

"Gagawin ko kasi siyang tortang cornbeef masarap to promise." sabi ko.

"Yey! I want to try it!" ngiting ngiting sabi niya.

Ngumiti ako at tinimplahan na ang iluluto ko.

Habang nagpiprito ako ng cornbeef ay bigla akong nauhaw.

"Uhm Caillyne pasuyo naman tubig lang." nahihiyang pakisuyo ko.

Sumunod naman siya at kumuha ng tubig ng biglang may magsalita mula sa likod ko.

"What did you cook?" sabi ng pamilyar na boses dahilan upang manayo ang mga balahibo sa batok ko.

Bigla akong nakaramdam ng hiya ng maalala ang ginawa ko kahapon omo! Kakahiya!

"T-Tortang cornbeef." nauutal na sagot ko.

"Ano 'yon?" muling tanong niya this time nasa likod ko na siya kaya lalo akong kinabahan.

Wahh! What to do?!

"Ayiii ang sweet!" tukso ni Caillyne na kadarating lang.

"Lah anong sweet do'n? Painom na nga." sabi ko at kinuha ang tubig.

Agad ko itong ininom at inilapag sa lamesa ng matapos.

"Ikaw Kuya ha dumediskarte ka kay Ate Ley ha..." tukso pa niya.

Ramdam ko ang init ng aking pisngi gosh!

"Tsh." singhal nito at umalis na sa likod ko.

"Loko ka talaga Caillyne." sabi ko.

"Hshs alam mo ate bagay talaga kayo ni Kuya." pang-aasar na naman niya.

"Caillyne hindi kami bagay, tao kami." sabi ko.

Ngumuso siya bago sumagot.

"Ate naman ih! I mean bagay kayong couple." tukso niya.

"Nako imposible Caillyne." sabi ko.

"Maraming paraan Ley." nagulat ako ng may magsalita mula sa pinto ng kusina.

Agad akong napalingon dito, si Maam Cellyn pala.

"Hala Maam, estado palang po ng buhay 'di na kami pwede." nahihiyang sabi ko.

"Alam mo hija wala sa'kin kung 'di ka mayaman, mabait ka. Nakikita ko 'yon sa'yo, malay mo may future kayo ng anak ko." sabi niya at kumindat.

"Baka po future labanan Maam Cellyn." natatawang sabi ko.

Natawa rin naman silang pareho dahil sa kalokohan ko.

"Bibo ka talagang bata ka. Kapag dumating ',yung time na magustuhan ka ni Caiven hindi na ako magtataka ro'n." sabi pa ni Maam Cellyn at pumapak ng niluto ko.

"Mmm masarap..." komento niya.

"Sige po Maam, punta na po kayo ro'n ihahain ko na po itom" sabi ko.

Pumunta na sila ro'n sa dinning table kaya inayos ko na sa plato 'yung mga niluto ko.

Nang ilapag ko 'yon sa lamesa ay nakaupo na rin si Sir Caiven.

"Eat with us hija." nakangiting aya ni Maam Cellyn.

"Sige po Maam." sabi ko at naupo na rin sa isa sa mga silya.

Nang matapos kaming kumain ay saktong may tumawag kay Sir Caiven.

"Yeah, Okay i'll be there. Saang bar? Okay, Bye." pag-kausap nito sa phone at tumayo na pero pinigilan siya ni Maam Cellyn.

"Mom?" tanong niya sa ina.

"Isama mo si Ley." utos nito sakaniya.

"What?! Bar 'yun Mom!" inis na singhal nito sa ina.

"Nako Maam wag na po." sabi ko.

"No, She will go with you in that bar or you'll stay here? Choose." pagpapapili ni Maam sa anak.

"Aish fine! Go get dressed!" baling nito saakin at padabog na umakyat papunta sa kwarto niya.

Sungit potek.

Caiven's POV:


Nakakainis! Bakit kailangan pang kasama siya?! Aishhh!

Padabog akong nagbihis. Nang matapos ay tinawagan ko si Ayiena.

"Hello baby?" sagot nito na lalong ikinainis ko.

She's flirting with me again!

"Stop calling me like that Ayiena. By the way may kasama akong pumunta diyan." inis na sabi ko.

"Ow sounds pissed... Hmm sinong kasama mo?" tanong nito.

"Aish si Ley pinilit ako ni Mom or else hindi ako makakapunta so no choice!" inis na sabi ko.

"Calm down hayaan mo siya, Im sure ma-a+out of place lang siya rito." sabi nito.

"Okay bye." sabi ko at ibinaba na ang tawag.

Nang lumabas ako ng kwarto para tignan na sana si Ley ay saktong labas niya rin.

She's wearing a simple light blue dress. Nilugay niya rin ang buhok niya kaya bumagay sa suot.

"Ayos lang ba?" halatang naiilang na tanong niya.

Agad akong nabalik sa katinuan at tumango.

"Ayos lang, tara na." aya ko at nauna ng maglakad.

Nang makarating sa garahe ay pinasakay ko na siya sa kotse. Naging tahimik ang byahe kaya agad kaming nakarating sa bar.

"Sir Caiven?" nag-aalangang tawag niya kaya lumingon ako.

"What?" tanong ko.

"Please stay with me.." 'di ko alam pero parang double meaning 'yung sinabi niya kahit pa hindi naman talaga.

Tumango lang ako at hinawakan siya sa pulsuhan bago hinila papunta sa table kung saan naroon sila Ayiena.

"Hey baby," bati agad nito at humalik sa'king pisngi.

Napatingin siya kay Ley.

"You again?! Bakit kasama mo siya Cai?!" naiinis na tanong ni Ayiena.

"Leyrein?" tawag ni Aron.

Napatingin si Ley sa lalaki at agad tinaasan ng kilay ito.

Sana maging maayos ang gabi na 'to. Nang kasama siya sa bar.


Hi guys! So napaaga uli hshs kapag kasi nag simula na ang online class or module baka magfocus ako at di masyado makapag update kaya inaagahan ko hehe enjoy reading!!! Keep safe!


Shashaxxe

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro