Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 8


What the fucking hell?

Umiwas ako ng tingin no'ng magtama ang mga mata namin. I don't know what look I should give him. Hindi ko alam kung sasamaan ko ba ng tingin o ano.

"Pre." Thomas greeted him. I didn't know they're friends, sabagay same school. Small world, afterall.

"Uy." Bati rin niya at nakipagfist-bump pa. Judging that, mukhang may pinagsamahan sila? O masyado lang akong mababaw?

I was thinking kaya hindi ko namalayan na nasa harapan ko na pala ulit siya at bubulungan ako.

"Didn't expect that you'll visit me here, babe. I'm so touched." Awtomatiko ang pagsama ng tingin ko sa kanya.

"Luh, asa ka." Hindi ko maiwasang hindi magtaray kahit na kanina ko pa nireremind ang sarili ko na pakitunguhan siya ng medyo maayos.

"Awts, hindi ka ba pumunta rito para sa akin?" Aniya na tila nasaktan. Wow, pwede na siyang mag-artista, kaso hapon na.

"I came here for Thomas." I plainly answered while calming my nerves.

"Aww, nasaktan ako doon. Bakit hindi nalang ako? May mahal na 'yon eh! Hindi ka na mamahalin non!" Wow! Ang drama!

"OA." 'Yon lang ang nasabi ko bago ako lumapit kay Valerie.

"Anong oras ba tayo uuwi?" I asked while looking at my wristwatch. Tinaasan naman niya ako ng kilay, ano nanaman ba?

Hinila niya ako sa medyo malayo sa dalawa.

"Come on, Harl. It's your time to apologize! Huwag mo ng sayangin!" Damn, I expected this but...

"Uuwi na ako!" Untag ko. Parang hindi ko yata kayang banggitin ngayon 'yong salitang sorry.

"What? Nandyan na siya oh! Sus! Sabi ko na nga ba eh, gusto mo pang makipagkita ulit s akan—." Argh! Hinablot ko siya pabalik para matahimik na.

"Fine! I'll do it!" Sabi ko sa mababang boses, 'yong saktong hindi maririnig ng dalawa. "Magsosorry na, kaya tumahimik ka na!"

"Nice, good decision." Iyon lang sinabi niya sa akin ngunit may kasama 'yong nakakakilabot na ngisi. Napatampal nalang ako ng noo habang bumabalik sa pwesto ng gago.

"Hindi ka ba gutom? Let's eat!" Masigla niyang bungad pagkabalik ko. Maaliwalas din pala ang mukha niya ngayon, nakasabit ang gray na bag sa kaliwang balikat, malinis ang polo. Mukha siyang estudyante ngayon at hindi mukhang gago.

Tumango nalang ako. Hindi pa ako gutom, pero sa tingin ko I can do the apology while eating. Mukhang mas okay 'yon. Nakangisi lang si Valerie at Thomas habang nagpapaalam kami, mga gago! Ano kayang iniisip ng mga 'yon? Sarap batukan dahil sa ngisi nila.

Pagkatapos no'n ay sinundan ko ang gago sa paglalakad, syempre school niya 'to, ano namang alam ko sa pasikot-sikot dito. Pumasok kami sa isang fastfood na nasa loob din ng school. He volunteered to order at pumayag nalang din ako.

"Pero ako magbabayad, or else, hindi tayo kakain." Banta ko at buti nalang ay napapayag ko siya.

"Okay." Ngumiti siya bago umalis.

No'ng nakapila siya sa counter ay saka ko narealize ma maraming nakatingin sa kanya... sa amin.

God! Baka isipin pa nila na babae ako ang hinayupak na 'to? Jusko naman, hindi mangyayari 'yon!

Mga admirer niya kaya 'to? Tss, what so special with him?

Malapad pa rin ang ngisi niya no'ng makabalik siya. "Eat up, babe. Ayaw kong nagugutom ka." Aniya at saka inilapag 'yong pagkain sa table.

Hindi ako gutom pero kinain ko 'yong inorder niya dahil sayang naman. Gusto ko naman 'yon.

I almost choke on my food when I saw him looking at me. "Tumingin ka nga sa pagkain!" Puna ko sa kanya pero ngumisi lang siya bago sumagot.

"I am looking at my food." I raised a brow because of his remark.

"Mukha ba akong pagkain?" Mabilis kong sagot ngunit no'ng marealize ko ang mensahe sa likod ng sinabi niyang 'yon ay parang gusto ko biglang ibuhos 'yong coke sa kanya.

"Umayos ka nga!" Paalala ko, puro kamanyakan yata at kalandian ang laman ng isip niya eh!

"Sorry, I can't help it." Aniya, nakangisi pa rin. Gosh! Nakakadiri siya!

He's damn hopeless! Himala nalang na matiwasay kaming nagpatuloy sa pagkain, I remembered why I agreed on this meal kaya nagdesisyon na akong gawin ang plano ko kanina.

"Uhm," I said to catch his attention. Napatingin naman siya sa akin.

I cleared my throat. "About last time.. I'm sorry," I paused to look at his expression pero gano'n pa rin siya, mukhang naghihintay pa rin ng idudugtong ko. "I know I was harsh, that's why I am so sorry for that. And also, gusto ko ring magpasalamat sa pagtulong mo sa akin sa bar and for helping me to go home. Thanks for that." Himala nalang din at nasabi ko 'yon ng diretso.

Tahimik kong pinagmasdan ang ekspresyon niya at nahagip ng mata ko ang pagtaas ng kaliwang kilay niya.

"Sorry and thank you, huh?" He said like he's not buying it. Nagtatanim ba 'to ng sama ng loob?

"Hindi 'yon enough, Harl. I want something in return." My eyes widened, lalo na no'ng makita ko ang nakakapanindig balahibo niyang ngisi.

"Pervert!" I hissed at halos lumuwa naman ang mata niya sa kakatawa pagkatapos kong sabihin 'yon.

"What?" Tumatawa pa rin siya at nakahawak na nga sa kanyang tiyan ang isang kamay niya.

"Ikaw yata 'yong may iniisip na kung ano d'yan ah! Madumi na isip mo babe, mukhang kailangan na nating linisin. Hmm." Ngumisi ulit siya at hindi ko mapigilan ang mapaiwas ng tingin.

Tangina? Bakit ko ba naisip 'yon? Nakakaloka at nakakahiya! Pero kasi 'yong mukha niya parang gano'n nga ang iniisip!

"Bakit mo pa sinuggest? Naisipan ko na tuloy." He leaned closer to me and I suddenly felt the urge to punch his face. But I should calm myself dahil ayaw ko ng dagdagan ang kasalanan ko!

"Perv." 'Yon nalang ang nasabi ko dahil hindi ko na kayang dagdagan pa.

Ipinagpatuloy ko nalang ang pagkain at hindi na siya pinansin para makauwi na ako't matapos na. Although I don't know kung tinatanggap ba niya ng sorry ko o hindi.

Akmang pupulutin ko na ang bag ko no'ng magsalita ulit siya.

"Hindi ko ang tatanggapin ang sorry mo." What? Ang arte naman niya!

"I want a date with you, Harl. That alone would suffice."

That's what he said bago ako lutang na naglakad pauwi sa condo.

Damn! Now I don't know what to do. Siguro naman okay ng hindi ako pumayag dahil nagsorry naman na ako! Ang arte lang talaga niya. Tss. Pero sa tuwing naaalala ko ang pagkakasabi niya non ay parang gusto kong magtago bigla sa ilalim ng kumot.

Bakit gano'n? Ang landi niya! Sobra!

"How's your moment kanina? Tsaka 'yong date niyo!" Excited na wika ni Valerie pagkapasok sa unit ko.

"Huh? D-Date?" Umiwas ako ng tingin. Paano naman niya nalaman ang tungkol doon? Baka pilitin nanaman ako nito... Ayoko!

"Kanina diba? Nagdate kayo!" Nakahinga naman ako ng maluwag no'ng marealize na iba naman pala ang tinutukoy niya.

"Hindi kami nagdate. So please..." itinaas naman niya ang kanyang dalawang kamay at naupo nalang sa tabi ko.

"Bagay kayong dalawa. Hindi mo ba talaga siya type?" Nagulat ako sa sinabi niya.

K-Kami? Bagay?

I scoffed.

"Wala akong type, duh." I reached for the remote to turn the TV on at para makalimutan na ang mga tumatakbo sa isip ko, because I know that they're bad for me.

"Date his ass!" Inis kong sabi sa sarili pagkagising ko kinaumagahan. Hindi tuloy ako nakatulog ng maayos dahil pinag-iisipan ko 'yon, nakakainis! Bakit pa kasi ako nag-iisip?

I checked my social media before getting up. Napataas naman ako ng kilay no'ng makitang may message siya.

From: Jaz Esguerra

Napag-isipan mo na ba ang date natin?

From: Jaz Esguerra

When are u free, babe?

Napahilamos ako ng mukha at hinayaan nalang ang cellphone na maiwan sa kama ko.

Ayaw ko munang isipin lahat! Ayoko... nakakainis. Ayokong makipag-date! Kaya sana h'wag niyang ginugulo ang isip ko!

I successfully pushed that thought away no'ng nasa school ako dahil alam ko sa sarili kong kailangan kong magfocus sa pag-aaral.

Tumambay ako sa Freedom Park after dismissal dahil gusto ko saglit na marelax ang utak ko pagkatapos ng nakakastress na araw. I looked at the people around me and noticed that I was the only one alone, nakakaout of place.

I took my phone out and I was greeted by an incoming call, hindi nakasave ang number. Hindi ko sana sasagutin kaso naisip ko na baka emergency kaya sinagot ko nalang.

"Hello," I greeted ngunit nakakabinging katahimikan lang ang naroon sa kabilang linya.

"Who's this?" I added, isang buntong-hininga ang narinig ko.

"It's me." Sinabi 'yon gamit ang seryosong boses ngunit pakiramdam ko'y nakangisi siya ngayon.

Kilala ko ang boses!

"Where the hell did you get my number?" I asked, I'm sure as hell that I am talking to Jaz Esguerra!

"Binigay ni Thomas." Damn, Valerie! Napapikit nalang ako.

"Bakit ka tumawag?" I pinched the bridge of my nose to ease the tension that I'm feeling.

"I just want to get an update about our date."

Fucking date!

"I don't want a date with you." Diretso kong sabi dahil ayaw ko naman talaga.

"Aww, ayaw mo ba talaga akong makasama?" He asked, tila nangongonsensya. Tss, hindi yan uubra boi.

"Ayaw." I answered what's on my mind.

"Grabe, mapanakit ka talaga. Isipin mo naman ang feelings ko. Awts." I rolled my eyes! Ang OA talaga.

"You don't have feelings!" Giit ko, I looked around and suddenly, I don't feel alone. I was surprised with myself, too. Damn.

"Date na tayo, please? Isang beses lang." I glared at the tree near my spot, iniisip na siya 'yon.

"Still no." I heard a sigh from the other line. I suddenly wonder what he's feeling, nachachallenge kaya siya sa akin kaya hindi pa rin niya ako nilulubayan?

"Just one date, Harl. After that, you can ask anything from me, a favor, a question, anything!" My eyes widened because of what he said and suddenly, I thought of an idea. But I don't know, it just felt strange.

"Are you serious, jerk?" I asked while weighing what's on my mind.

"Awts, sakit talaga ng jerk. Pero oo Harl, seryoso ako, seryosong-seryoso." The sides of my lips rose for a smile. Finally, huh.

"Okay, then."

"A day with you, Harl. Just a day with you." Aniya, mas lalo namang lumawak ang ngisi ko.

"I like that."

"I'll be good, I'll behave. I will make you happy." Dagdag pa niya ngunit wala na akong pakialam, what's making me excited is the thought inside my head.

"Okay, I have a condition. I'll go with your for a date, but the thing I want in return.." I paused and somehow waited for his answer.

"Go on, anything babe." I can sense his smirk and smile of triumph. But no, Esguerra. Kung mautak ka man, ay gano'n din ako. I'm not all fouls and fails, I can make people fall with my trap, too.

"Okay then, after the date ay huwag ka ng magpapakita pa ulit sa akin. Leave me alone. That's my condition."

He didn't answer after that. What now?

"A man should be true to his words." Pagpaparinig ko.

"Seryoso ka ba na 'yon?" He asked. I can sense something from his voice pero wala akong pakialam, I know he's just making me fall to his trap pero hindi ko hahayaan 'yon!

"I am serious. So ano? It's now or never." I smirked. Ano na Esguerra? Your choice will somehow define who you really are.

Silence filled his line after that, ilang segundo 'yon at magiging isang minuto na sana ngunit nagsalita na ulit siya.

"Date then." He plainly said before ending the call.

I already expected that, but it still felt odd.

I sighed. Alam ko naman, na 'yon lang ang habol niya.

Date lang.

What a pity...

But I should be happy, dahil sa wakas ay mawawala na rin siya sa buhay ko.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro