Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 6


Boyfriend?

My eyes widened. Tangina, as in jowa?

"HOY! Pinangsasabe mo? Gago!" Untag ko sa kanya bago pa siya makalayo sa table ko.

Lumingon naman siya sa akin at itinaas ang kilay niya. "Wala kang boyfriend?" Tanong niya saka bumalik at inilapag ulit 'yong tray niya.

Sinamaan ko siya ng tingin. Tangina! Hindi ko talaga lubos akalain na iisipin ng gagong 'to na may boyfriend ako. Ni halos isumpa ko na nga mga lalaki sa mundo tapos magboboyfriend pa ako?

What a joke.

"So that guy is not your boyfriend?" Tila curious niyang tanong. Halos mapa-'huh' ako dahil hindi ko nagets 'yon.

"Guy? Nag-iimbento ka ba?" Tangina ano 'yon, rumored boyfriend ko? What the freaking hell?

"That guy, 'yong ka-date mo." Date? I furrowed my brows as I think deeper. Halos kinalkal ko na mga lupalop ng memorya ko para hanapin 'yong sinasabi niyang boyfriend ko.

Guy? Date? Walang gano'n sa memorya ko! I'm sure of that, I've never been in a freakin' da—.

My eyes almost widened because of a realization. Hell! Hindi ko alam kung magagalit ba ako o matatawa dahil sa narealize ko. Tanga ba siya?

Si Vanniel? Boyfriend ko? Date?

Never in my dreams! Eww. Pero ano bang pakialam niya? Natapakan ba ego niya dahil akala niya may jowa 'yong nilalandi niya? Aba, gago siya ah!

"Ano naman?" I smirked saka ko isinubo 'yong fries na hawak ko.

Hindi siya nakapagsalita at sa halip ay inilipat nalang ang tingin sa labas. Ay wow? Ganito talaga siguro galawan ng mga gagong playboy, kunyare sad siya boi. At ang mga babae naman, naaawa rin? The hell is with them?

"Kung may boyfriend man ako. Wala ka na do'n." Malamig kong sabi saka ko pinulot 'yong bag ko, pati 'yong fries at sundae na hindi ko naubos dahil sa panggugulo niya.

Hindi ko na hinintay pa na magsalita siya, diretso na akong naglakad palabas para makauwi na at makalayo sa kanya.

God knows how much I hate his presence! Ewan ko, pakiramdam ko nadadala ako sa impyerno sa tuwing nakikita ko siya.

At bakit ba siya nandito sa Morayta? May Jollibee naman malapit sa Uste ah? Mayroon pa nga sa loob. Tss. Maybe he's just womanizing here, at kung naroon nga siya no'ng isang araw sa McDo kaya nakita niya kami ni Vann ay paniguradong may kasama nanaman siyang babae o baka 'yong jowa niyang kasama niya rin sa Society Eight last time.

I sighed. Kailangan ko na talagang iwasan ngayon 'yong Jollibee, pati na rin McDo o kahit saang fastfood dito sa Morayta! Because it's like he's anywhere! Nakakainis na bigla nalang sumusulpot!

At gaya nga ng sinabi ko ay iniwasan ko munang kumain sa mga fastfood no'ng mga sumunod na araw, buti nalang ay mayroon ding canteen sa loob ng school, actually nasa lima o anim nga 'yong kainan sa loob, 'yon nga lang ay medyo may kamahalan.

"Harl! Birthday ni Ivan mamaya! Invited tayo!" Val excitedly said no'ng palabas na kami ng campus. It's Friday at alam kong mahihirapan akong maghanap ng excuse, dahil wala rin kaming ipapasa or quizzes next week.

"I'm not interested." Sabi ko nalang saka naglakad ng mabilis.

"Dali na, pupunta ako, hindi mo ba ako sasamahan? Grabe! Paano nalang kung awayin ako do'n o 'di kaya baka magpass-out ako dahil nalasing?" Napairap nalang ako sa bumaling sa kanya.

"Pupunta naman jowa mo ah! Magpapahinga ako mamaya kaya hindi ako sasama!" Matigas kong sabi saka ako nagmartsa paalis.

But I hate it so much! I hate it so much that four hours later I found myself sitting uncomfortably inside one of the bars at BGC. Takte, bakit kasi ako nadala sa pangongosensya ni Valerie at pangungumbinsi ni Ivan sa groupchat?

Nakakaloka.

"Come on, Harl. Mukha kang tensed, takot ka ba sa tao?" Val teased. I looked at her from head to foot, mukhang komportableng-komportable sa suot niya na fitted backless black dress at naka-stillettos pa siya.

Kumusta naman ako?

The reason why I can't move freely is because of my outfit. Damn Valerie, it's her fault! Dapat talaga hindi ako nagpapilit sa kanya!

I looked at myself again. Damn this black cropped top off-shoulder and white mini skirt, tangina pakiramdam ko sobrang lantad na ng balat ko. Parang ayaw ko ng gumalaw kahit na mukhang uod na kung makaparty 'yong mga tao sa paligid ko.

"Unleash yourself, gosh!" Val frustratedly whispered before going back to his smirking boyfriend. Tss.

"Unleash what? Potek yan." I mumbled.

"You okay?" Napaangat ako ng tingin at nakita ko Ivan na nakangiti sa akin.

"Uh, the birthday boy." I smirked. Kaklase ko siya since senior highschool, he's well-known, in fact he's a student council officer kaya maraming kakilala. Sabi nga nila complete package daw dahil matalino, mabait, gwapo, talented, at responsible. Pero para sa akin naman ay baka may tinatago ring kulo 'to, wala naman kasing perperktong tao, diba? Tss. Pero habang wala siyang ginagawang masama sa akin ay wala akong problema sa kanya.

"Bakit hindi ka nagpaparty?" Nagtataka niyang tanong saka tinapunan ng tingin 'yong mga ibang kakilala niyang busy ng sumayaw at uminom.

"Don't like it." Simpleng sagot ko saka umayos ng pagkakaupo dahil ang awkward yata ng posisyon ko.

"How about some drinks?" Pagkasabi niya no'n ay may inabot siya sa aking shot glass. Hindi naman ako ignorante sa alak kaya kinuha ko 'yon at nilagok.

Tss. Might as well patulan nalang, wala naman akong gagawin dito kundi panuorin 'yong mga sumasayaw at nag-iinuman, pati na rin 'yong mga naglalandian sa tabi-tabi. Nakakairita rin iyon at nakakahilo.

"Hmm," tinanggap ko ang sumunod niya iniabot. Hindi ko alam kung anong klaseng alak pero nagustuhan ko.

Ilang sandali lang ay lumapit na sa akin ang iilang kaklase na medyo tipsy na kung titingnan ko.

"Harl, inom pa tayo." Sambit ng isa saka ako inabutan ng shot glass.

I didn't know how it happened pero pakiramdam ko ay biglang ang bilis kong malasing, naisip ko nalang na baka dahil 'yon sa matagal na akong hindi nakainom at dahil na rin sa stress ko no'ng mga nakalipas na araw, o sadyang malakas lang talaga 'yong alak na pinainom nila sa akin.

"Give me one." Malamig kong sabi doon sa kaklase naming lalaki na hindi ko masyadong maalala 'yong pangalan.

"Here you go." Aniya at ngumiti sa akin pero hindi ko siya nginitian. Bakit? Close ba kami?

Uminom pa ako ng uminom hanggang sa makaramdam ako ng konting pagkahilo pero ayos pa naman, I'm still sane and I can still see people clearly.

I looked around, trying to spot Valerie pero hindi ko siya mahanap, instead, my eyes caught something...someone rather.

He's staring intently at my direction pero hindi ako sure kung ako nga ba ang tinitingnan o talagang nandoon siya. I shook my head, tangina lasing na ba ako? Kinusot ko pa mata ko para makasigurado sa nakita ko pero totoo nga.

Naroon nga talaga siya...at nakatingin sa akin. Tangina, pati ba naman dito? It's already too much for a mere encounter!

Tumalikod ako. Ayoko na dito, may demonyo! Nararamdaman ko nanaman ang impyerno dahil biglang uminit ang paligid, ano 'to?

"Hey Harl! Inom pa tayo!" Nakangising wika ng kaklase kong babae na mukhang lasing na nga.

"Uuwi na ako."

"Ha? Ang aga pa ah! Dito ka muna! Hindi ka pa rin naman makakauwi." Ivan added, hinawakan pa ang braso ko pero agad din naman niyang binawi no'ng makitang napasulyap ako kamay niya.

"Bakit? Nasaan pala si Valerie? Nakita niyo ba?" I asked and looked around.

"I saw her," the girl earlier answered at agad din 'yong sinundan ng mababang tili. "Pero huwag mo munang isturbohin. Lumabas sila ng jowa niya!"

What? Nahiya naman ako bigla dahil sa narinig ko. Takte naman Valerie! You should make sure na walang makakakita sa inyo kung may gagawin man kayong kababalaghan! Ako 'yong nahihiya, gosh!

"Sus! Inggit ka lang Key!" Pang-aasar sa kanya ng mga kaklase kong iba.

Wala naman akong ibang magawa kundi ang manatili nalang, but this time I chose the spot kung saan hindi ako makikita ng demonyo. Damn, pakiramdam ko ang feeling ko na, pero ayaw ko lang talaga 'yong feeling na may nakatingin sa akin!

They gave me shots and ugh, I have no choice but to accept them all. Nakakaramdam na ako ng pagkahilo but I think I'm still okay, I can still stand and walk, I can still talk properly, too!

"Isa pa, Harl." Inabutan ako ni Key ng isang pang baso at tinanggap ko naman 'yon.

"Uy Key! Siya 'yong nakita natin last time dito diba?" Marga asked, kaklase rin namin siya and I could say that she's the liberated one in our block.

"I think so. Gosh! He's hot!" Aniya saka nagblush, hindi ko tuloy alam kung dahil ba sa alak 'yon or what.

"Goodness! Tumitingin dito!" Kinikilig na banggit ni Sean, our bisexual classmate.

"Marga kausapin mo!" Untag ni Key kay Marga but the latter just dropped her shoulders.

"I think he's with someone, look." Sinundan naman ng iba naming kasama 'yong tingin nila Marga.

"Ow, sayang. Jowa ba o kalandian lang?" Key asked but none of them answered, dahil mukhang hindi rin nila alam?

Teka, sino pala pinag-uusapan nila?

"Sino pinag-uusapan niyo?" I asked before taking a shot.

"Ow, that hot guy!" Key answered, saka itinuro 'yong lalaking nakaupo sa table na medyo malapit sa amin, sinundan ko 'yon ng tingin at halos maidura ko 'yong alak na iniinom ko no'ng makita ko kung sino 'yon.

"Holy shit." I cussed, nagtawanan naman sila.

"Gagi, akala ko hindi apektado 'tong si Harl. Pero sabagay kahit naman ako, bibigay talaga ako kung ganyan ka-hot na guy." Nakangising sabi ng mahinhin kong kaklase kapag nasa klase, I think her name is Hana.

"Pinangsasabe niyo? Gwapo na 'yan sa paningin niyo?" I scoffed saka sinulyapan 'yong sinasabi nila na ngayo'y may kausap ng babae. Sobrang lapit pa nila sa isa't isa, parang konti nalang maghahalikan na.

"Gwapo 'yan? Pucha, parang tinostang hotdog." I laughed sarcastically.

Hindi ko na nasundan 'yong reaksyon nila dahil biglang parang umikot 'yong paligid, pero alam ko na hindi sila sumang-ayon sa sinabi ko. Pero totoo naman ah, mukha siyang tinostang hotdog. Ha-Ha!

I took a glimpse of him at agad ko rin namang pinagsisihan 'yon when I saw him caressing the woman's legs.

"Pota, spg!" I mumbled saka ako tumalikod.

"Okay ka lang?" Ivan asked. Tumango naman agad ako at hinanap sa gilid 'yong mga kaklaseng kong maingay kanina.

"Nasaan sila?"

"Ah! Ayon!" Tinuro naman niya 'yong dance floor, oh right! Inilayo ko agad 'yong tingin ko doon dahil nahilo ako bigla sa kalikutan ng mga tao.

"Okay ka lang ba talaga?" He asked again pero tumango lang ulit ako.

"Nasaan 'yong CR?" Tanong ko dahil naiihi na ako.

"There." Turo niya sa kaliwang banda.

"Okay, thanks." I started walking but I suddenly tripped, damn naka fucking heels nga pala ako! Good thing Ivan was fast, at nahawakan niya agad ako bago ako makipaghalikan sa sahig.

"Whoa, careful." Aniya saka ako inalalayan patayo.

"Sorry, salamat." I sincerely said saka ako naglakad ulit but damn, sa tapat pala ako ng table ng gago kailangang dumaan.

Okay, Harl. Hinga! Dadaan lang naman!

Parang gusto ko naman biglang magtakip ng mata no'ng makita kong nagmamake-out session pala sila ng kasama niyang babae kanina.

"Tangina, ang spg talaga. Langya." Inis kong wika sa sarili at umiwas nalang ng tingin sa kanila.

"Ang landi, sobra!" Napagtanto ko bigla na ibang babae nanaman 'yong kasama niya ngayon, so hindi niya pala girlfriend 'yong kasama niya last time? Gosh! Sarap putulin ng kaligayan ng mga lalaking tulad niya!

"Bakit ba ako nagagalit?" Inis kong wika sa sarili habang nasa loob ako ng cubicle. "Dapat wala akong pakialam kahit na gawin niyang babae lahat ng tao dito sa bar, it's his life afterall!"

"Kiss and fuck them all you want!" Inis kong sigaw bago ako lumabas.

Damn, lasing na nga yata ako. I should've controlled my intake, tss. Nasaan na kasi si Valerie Ann? Hindi pa sila tapos?

Nakakaloka naman! Gusto ko ng umuwi!

Napangiwi ako no'ng nabangga ako sa pader. Hmp, wala namang pader dito kanina ah!

"You're drunk."

I immediately lifted my head when I heard that voice.

Anong ginagawa niya rito? Hindi ba't mukha pa siyang hayok na hayok na nakikipaghalikan kanina?

"Pakialam mo?" Inis kong sagot saka ko siya tinalikuran para bumalik nalang sa CR.

"Harl." Hinawakan niya 'yong kaliwa kong braso at hindi ko alam kung bakit bigla akong napatigil dahil doon.

"Bitaw, pwede ba? Sino ka naman para hawakan ako?" He looked at me for seconds bago niya pinakawalan 'yong braso ko.

"Sorry." Aniya saka tumalikod.

"Sorry your face." I murmured to myself before walking.

Naghilamos ako para mahimasmasan ako kahit papaano pero pakiramdam ko kahit ginawa ko na 'yon ay hindi pa rin nabawasan 'yong kalasingan ko. Damn.

Pagkalabas ko ay medyo confident na ako na wala ng manggugulong asungot sa akin.

But I was so damn wrong!

"Harl. Can we talk?" Aniya.

"Bakit nandito ka pa?" Naiinis kong tanong. Wala ba siyang magawa sa buhay? O nagsawa na doon sa kahalikan niya at gusto nanaman niyang mambiktima ng iba? Kagago.

"I was waiting for you." Tinitigan naman niya ulit ako, 'yan nanaman! 'Yong titig na tila tagos hanggang kaluluwa! Nakakaasar.

"Why are you waiting? Wanna hit on me? Oh sorry dude, flirting is not my thing, and you're not definitely my cup of tea!" Nakataas kilay kong sabi saka ko siya nilagpasan. Bahala na siya dyan! I really hate him so damn much!

Pagkabalik ko sa pwesto namin ay sinalubong agad nila ako ng shot glass na agad ko rin namang kinuha. I just feel like drinking kahit na katatapos ko lang yatang sabihin na ayaw ko na!

Damn liquor!

Nakakainis talaga, bakit kasi may mga taong gano'n sa mundo? Bakit parang laro laro lang lahat sa kanila? 'Yong feelings ng tao! Lahat ng nasa paligid nila!

Tapos ano? Pagkatapos niyang manghalik ay lalapit siya sa akin, para ano? Para ako nanaman 'yong paglaruan? Damn, I will never ever give him the chance to do that to me!

"Isa pa!" Nakangisi kong wika kay Ivan, lalagyan na sana niya ulit ng alak 'yong shot glass no'ng biglang may umagaw.

"Enough."

Natahimik naman bigla 'yong mga nasa table namin. Damn. Ang epal! Ang kapal niya ha! Hindi ba niya nakikitang nagkakatuwaan kami?

"Anong ginagawa mo? Ibalik mo sa akin 'yan. Huwag kang epal!" Inis kong wika saka sinubukang abutin 'yong shot glass, ngunit nilayo naman niya agad. At dahil 'di hamak na mas matangkad siya sa akin ay wala akong nagawa no'ng itinaas niya 'yon.

"No. Lasing ka na." Seryoso niyang sabi at parang gusto ko naman siya sapakin at tanungin kung ano bang pakialam niya!

"Wow! Sino ka para kontrolin at pagsabihan ako?" Galit kong tanong sa kanya. Not minding the stares of the people around us. Hindi ko na alam, hindi ko na talaga alam. My head is slowly spinning and I think I'm going crazy.

"I'm Jaz. Now, let's talk." Aniya at hindi ko na nasundan pa ang mga nangyari dahil sa kalituhan at kalasingan, I just found myself sitting on the gutter outside while he's beside me, silently looking at me.

"Stop looking at me, or I'll smash your face!" Sinamaan ko siya ng tingin saka iniyakap 'yong braso sa sarili ko dahil sa naramdamang pag-ihip ng hangin.

"You're cute." Nakangisi niyang sabi kaya inambahan ko siya ng suntok.

"Brutal nga lang," he laughed, at nagulat naman ako no'ng bigla niyang hinubad 'yong leather jacket na suot niya.

"Gago! Anong gagawin mo? Subukan mo! Babasagin ko talaga mukha mo!" Nakaramdam ako ng kaba dahil 'yong mukha niya, 'yong ekspresyon niya'y nakangisi at tila may binabalak na masama! Siya 'yong taong mahirap pagkatiwalaan!

"Hulaan mo." Kumindat siya at mas lumapit pa sa akin. Ready na sana ako na suntukin ng malakas 'yong mukha niya nong bigla niyang ipinatong sa akin 'yong jacket niya.

"Malamig. Ang green mo naman!" Tumawa pa siya ng malakas saka ibinaling 'yong tingin sa kalsadang nasa tapat namin.

"You can't blame me! Gano'n ka naman talaga! Parang laging manggagahasa!" Nakasimangot kong sabi saka ako umambang tatayo ngunit hinawakan niya bigla 'yong pulso ko't iniupo ulit.

"Dito ka lang muna. Grabe! Ganyan ka ba talaga katakot sa akin? Try me, I'm harmless, Harl. Promise pa 'yan!" Itinaas pa niya 'yong kaliwang kamay niya na parang nanunumpa.

"Tss. Ngayon palang halata ng nagsisinungaling ka." I said and rolled my eyes. Mukhang narealize naman niya 'yong tinutukoy ko at agad pinalitan ng kanang kamay 'yong nakataas.

"Sorry, akala ko mirrored." Aniya na tila natatawa pa.

"Nakakatawa ba? And excuse me, hindi ako takot sayo. I am angry! Galit ako sa tulad mong trip ang paglaruan 'yong damdamin ng iba." Seryoso kong sagot at dumistansya sa kanya.

"Hindi ako naglalaro." I looked at him and I saw that his face was serious this time.

"And now you're playing." I said, like I am so sure of it.

"I am not." Napailing nalang ako.

"'Yong mga katulad mo..." I stopped and looked away dahil masyado yatang intense ang titig niya ngayon o baka dahil lang sa kalasingan ko kaya't kung ano ang nakikita ko? I don't know.

"I need to avoid people like you to keep the peacefulness of my life." Seryoso kong saad, I want to make it clear na ayaw ko lahat ng 'to. "Stop playing with me, Esguerra. Don't you dare use your handsomeness and charms on me dahil walang epekto 'yan sa akin."

Napailing siya ngunit hindi nakatakas sa paningin ko ang pag-angat ng gilid ng labi niya.

"So parang sinabi mo na rin na gwapo ako? At hindi mukhang tinostang.." he stopped and threw me a mocking smile. "Hotdog." He continued at hindi na pinigilan ang pagtawa ng malakas.

What? Narinig niya 'yong sinabi ko kanina? Ano naman? It's true that he looked like a toasted hotdog!

"Excuse me? Sinabi ko bang gwapo ka? Feeling mo naman! Matangkad ka lang, feeling mo gwapong-gwapo ka na! Dream on!" Asar kong sabi saka tumayo na.

"Uuwi na ako! Antok na ako! Gusto ko ng matulog!" Anunsyo ko saka mabilis na naglakad papasok ng bar kahit na nahihilo na ako. Mas lalo namang nadagdagan 'yon no'ng sinalubong ako ng nakakasilaw na ilaw at nakakabinging tugtog.

"Damn, I think I am going to pass out." I murmured to myself before turning my back para lumabas dahil feeling ko babaliktad na sikmura ko.

Muntik na akong mapasubsob no'ng may tumulak na lasing sa akin.

"Sorry!" He said ngunit nagalit ako no'ng biglang may tumulak din sa kanya pabalik sa nagkukumpulang mga tao.

"Fuck off." Naramdaman ko ang pag-alalay ng matitikas na braso sa akin. "Come on, I'm not going to do anything bad. Aalalayan lang kita, so let me."

Damn, wala na nga yata akong lakas para makipag-argue. Hinayaan ko nalang siyang akayin ako palabas and as soon na nakatapak ako sa labas ay agad akong dumiretso sa malapit na basurahan at nagsuka.

Napatigil naman ako no'ng maramdaman ko ang paghagod sa likod ko. Maingat ang kamay niyang tila mababasag ako kapag idiin niya.

"Water," inilahad niya ang isang bottled water sa tapat ko. Napailing nalang ako at tinanggap 'yon.

Damn, I need to get over this now and just deal with my personal issues with him later.

"I'll take you home." Aniya kaya agad ko siyang tinapunan ng masamang tingin.

"No!" Napailing naman siya at napahawak sa sentido niya.

"Look," it looked like he's having trouble. "I can't find your friend, and you're uh," he looked away and put his hand on his hair.

"I'll wait for Val, babalik din 'yon." I said with finality, ngunit agad din akong napamura no'ng maramdaman ang pag-ikot ng paligid.

"Wala na akong choice, sorry. I need to take you home." I heard him saying that before I felt myself being put inside a car.

"Don't you dare.." Nanghihina kong sabi.

"I won't. Just rest." It was like a trigger dahil pagkatapos niyang sabihin 'yon ay bumigat na ang talukap ng mga mata ko.

I don't know how long was the trip basta nagising nalang ako dahil sa mahinang pagtapik sa pisngi ko.

"We're here." Aniya sa mababang boses, napamulat ako ng mata at napakurap-kurap.

"Saan? Ha?" Iginala ko 'yong paningin ko at medyo nakahinga ng maluwag no'ng mapagtantong pamilyar ang lugar.

"At your condo. Ayaw sana kitang gisingin kaso.." he trailed off and looked away. "Hindi ko alam ang room number mo."

"10th floor, 102! Matutulog pa ako! Sssshhh." Ipinikit ko na ulit 'yong mata ko ngunit nagising naman ako no'ng naramdaman kong umangat ako na tila nakalutang.

"Hey! Put me down!" Natataranta kong sabi, ngunit tila wala naman siyang naririnig.

"Justin Azreah!" Inis kong sabi, saglit siyang napatigil ngunit hindi ko makita ang ekspresyon niya.

"I love hearing my name from you, but let's put you to bed first." Parang awtomatiko namang nagtaasan 'yong balahibo sa katawan ko no'ng marinig ko ang sinabi niya.

B-Bed?

"NO!" Pumiglas ako sa pagkakahawak niya no'ng maramdaman kong nakapasok na kami sa elevator. "Put me down, you freak!"

"Ssshhh. Baka isipin pa nila ginagahasa kita, hindi ako rapist, Harl." Aniya sa mahinahong boses, tila nawalan naman ako ng lakas kaya nanahimik muna ako.

"Subukan mo lang. Makikita mo ang impyerno!"

Damn, kapag may gawin siya sa aking masama, I swear huhuntingin ko siya hanggang impyerno!

"Langit ang gusto kong makita kasama ka, Harl. Kaya hindi ko gagawin 'yon." Natatawa niyang sabi. Naramdaman ko ang pagbukas ng elevator at ang paglakad niya sa pamilyar na hallway.

"'Yong susi mo." Aniya. Napabalik naman ako sa reyalidad.

"Put me down first!" Inis kong sabi ngunit no'ng ginawa niya 'yon ay muntik na akong nakipaghalikan sa dingding.

Damn! I'm really so freaking drunk!

"Hanapin mo!" Ihinagis ko na sa kanya 'yong bag ko dahil naramdaman ko nanaman ang pag-ikot ng paligid at ng sikmura ko.

"Damn, alcohol!" I mumbled.

I felt him carrying me again. As soon as he put me down ay agad akong tumakbo papunta sa palagay ko ay CR at sumuka.

That was the last memory that I have before everything turned pitch black.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro