Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 5


Two weeks passed after the day I saw him. It was a huge relief na hindi na nga siya nagpakita pa sa akin ulit. It was certainly a good thing for me dahil ayaw ko na talagang makita pa siya.

He continued chatting for the next three days, dahil doon ay nainis ako at nilagay 'yong account niya sa ignored messages. Tss. I really have no time for bullshits, and bull like him.

"May pupuntahan ka after class?" Valerie asked me during our last afternoon class.

Tumango ako at inayos ng bahagya 'yong uniform kong nalukot dahil sa pagkakaupo ko.

"Pupunta ako sa society eight, may bibilhin lang," sagot ko.

Nasa The One Grand Centre España 'yong Society Eight, tapat lang 'yon ng UST. Siguro ay hindi naman magkukrus landas namin. I just really need to buy notebooks for school and for my journal, at mayroong stall doon 'yong paborito kong instagram shop. Also, I need to buy phone case and some other stuffs.

"Ingat nalang. Hindi ako makakasama, 'lam mo na. Date." Ngumisi pa siya sa akin na tila iniinggit ako. As if. Tss.

Like what I said, dumiretso na ako doon after class. Nilakad ko lang dahil malapit lang naman 'yon sa Morayta at sanay naman ako na maglakad.

Sampung minuto lang ay nakarating na ako, agad akong umakyat ng second floor dahil naroon ang society eight. I looked around, as expected, karamihan sa mga bumibili ay taga USTE.

I enjoyed buying and looking for cute items kaya hindi ko namalayang medyo natagalan na pala ako. In the end ay hindi lang notebooks at cases 'yong nabili ko, I also ended up buying cute ballpens, wallet, decors, and even t-shirt.

Gosh, ang gastos. Pero anyway, pera na nga lang ambag nila sa akin edi lubusin ko na. Although hindi naman talaga ako magastos, mga twice or thrice a year lang naman ako nagiging magastos.

I decided to eat sa Jollibee na nasa ground floor lang ng building dahil nakaramdam na ako ng gutom. Yes, Jollibee nanaman, masyado kasing crowded sa ibang doon kaya 'yon 'yong napili kong kainan, not that it's really my favorite.

I just ordered yumburger with fries, ayoko ng dagdagan pa masyado 'yong nagastos ko ngayong araw.

Umupo agad ako doon sa table na may umalis after kong mag-order. I just silently sit while waiting for my fries, para hindi masyadong maboring ay nag-open nalang ako ng instagram ko.

jazesguerra started following you. 5d

What the? Pati sa ig ko? Stalker ba talaga siya?

I just shook my head and ignored it. He's really a huge flirt!

I started eating peacefully nong naserve na 'yong fries ko. Medyo gutom ako kaya mabilis kong naubos 'yong fries.

I was about to take a bite of my burger when my eyes caught something...someone rather.

Naningkit 'yong mata ko nong mapagtanto ko kung sino 'yon.

"Wow." I murmured to myself.

I just saw that Esguerra, nasa medyo malayo siyang table and he's with... a girl?

Babae nga.

Napaiwas naman ako ng tingin.

SPG amp.

Or maybe not? Masyado lang akong painosente?

Because I got curious ay sumulyap ulit ako. My eyes widened when I saw the girl kissed him on the lips habang kumakain ng sundae.

PDA is the right term pala. Eww.

Pero infairness, maganda si ate girl. Mahaba 'yong straight na buhok na akala mo ay pinlantsa ng isang daang beses, maputi 'yong balat at medyo makinis, maamo 'yong mukha at malaki 'yong ano.. 'yong hinaharap!

I rolled my eyes. Tama nga ako sa first impression ko sa kanya. He's a flirt! Pero teka, baka naman kasi girlfriend, diba?

Pero flirt pa rin siya sa isip ko! Hindi na mababago 'yon! Kung hindi siya flirt, guguluhin ba niya ako sa chat?

Speaking of chat, nagchachat pa ba sa akin 'yon?

I glanced at their direction again. Nakaakbay siya sa babae habang kumakain, he even kissed the head of the girl and whispered something at humagikhik naman 'yong babae at sinundot siya sa tagiliran.

Takte. Hindi ko pala talaga kayang manuod ng mga naglalampungan. I mean, I often see Thomas and Valerie acting like a couple pero hindi ganito. Or maybe I am just too ignorant?

Teka.. bakit nga ba ako nakatingin?

I rolled my eyes and I just found myself searching for his name on messenger.

Let's see.

I immediately glared at him kahit na hindi niya nakikita when I read his messages.

Really, huh?

I AM SO RIGHT! HE'S REALLY A FLIRT! A PLAYBOY! A JERK!

Jaz Esguerra:

Good morning, beautiful. 😉

Just so you know, I like your name. 😊

Coffee?

You're not replying. I am so sad.😔

Grabe, kahit seen man lang. 😢

I'm going to Morayta today. Wanna meet?

Busy ka? 😢

Goodluck sa studies, aral mabuti. 😘

Three days ng walang reply, so sad. Btw, good morning 🥺

I miss you, Johann. 😣

Galit ka ba sa akin? May nagawa ba akong mali?

I'm sorry. I'll be good, I promise. 🤗

I rolled my eyes. He's bugging me while he has a girlfriend? Two weeks already passed and consistent siya sa pagmemessage sa akin araw-araw. He's really a jerk! I continued reading his messages hanggang sa latest niya, which is kahapon.

Nursing student ka diba? Pwede pagamot.

Jaz sent a photo.

Nasugatan kanina 😔

Ay wala pa ring reply. Pighati.

Snob siya. 😢

Nasasaktan ako. Pero okay lang. 😊

Naiintindihan ko.

Maghihintay ako.

I'll make you notice me again. 😉

I hate him! I hate him so much! Not that because I was hurt. I just simply hate people like him.

I clenched my fist when I remembered what my father did to us. Deceive mom, huh?

Good thing I built a wall to protect myself from things and people like him. Good thing I wasn't easily fooled by him. Buti nalang hindi ako marupok.

I finished eating my burger in one bite. I was busy chewing when I accidentally glanced at his direction, and I almost choke on my food when he suddenly looked at me.

Shock was written all over his face.

Teka, bakit gulat?

Agad akong uminom ng tubig para makarecover. I can feel that he's still looking at me and it feel so uncomfortable, bakit kasi?

Bakit ba siya nakatingin sa akin? Baka mamaya makita ng girlfriend niya at isipin pang kabit niya ako.

Tangina, ano ba 'tong iniisip ko?

To ease my mind ay agad ko ng pinulot 'yong mga pinamili ko para makalabas na at makauwi.

At sa kasamaang palad ay sa tapat pa nila ako dadaan dahil walang space sa kabilang side dahil sa mga pumipila.

Goodness.

I took a deep breathe and calmly walked out of the fastfood. I know he's looking at me, I even caught him smiling at me, and it really made me want to punch him hard on face.

Hindi ko alam kung bakit, pero sobrang naiinis ako sa kanya!

Mabilis 'yong lakad ko kaya mabilis din akong nakauwi sa condo. Malakas 'yong pagkakatulak ko ng pinto at gulat pa si Valerie noong makita ako.

"I came here as soon as I went home." Nakangiti niyang bati. "Okay ka lang? Bakit parang galit na galit ka?" Nakakunot-noo niya biglang tanong sa akin.

"Hindi ako galit." Simple kong sagot bago inilapag 'yong mga pinamili ko.

"Hindi ka nga galit." Aniya saka tumayo. "Galit na galit lang." She crossed her arms saka siya lumapit sa akin.

"I am not." Giit ko at sinamaan siya ng tingin. I know she knows me well, pero... argh! Hindi nga ako galit!

"Sus, tell me what happened." Tumabi pa siya sa akin at hinawakan 'yong braso ko. "Wala naman sigurong umaway sayo, diba? Ikaw pa ba? Aawayin?" She laughed but then she stopped to check my face.

"Stop this, Valerie." I warned her but she just smirked.

"Hulaan ko, hmm," sinamaan ko siya ng tingin, this girl is insane. "Nakita mo siya nuh? Diba?"

I rolled my eyes. She's! Argh! Kumawala ako sa hawak niya at padarang na pumasok sa kwatro at isinara ng malakas 'yong pinto.

"Fucking hell," inis kong turan saka ko inis na hinubad 'yong uniform ko.

Hindi naman ako napaglaruan, diba? I was rude to him. Pero bakit pakiramdam ko napaglaruan ako? Damn.

This is why I hate boys! So damn fucking much, especially the likes of him!

Natulog na ako't nag-umaga na't lahat-lahat, I still feel the surging hatred and anger inside me. Gusto kong mambalibag ng tao!

"Are you okay?" Vann asked habang nagbibreakfast kami sa McDo, I am with the two of them dahil pinilit nila ako.

"Mukha ba akong hindi okay?" I raised my brows. Hindi naman ako problemado, tss.

"You look angry." Aniya saka nagkibit-balikat.

"Lagi namang galit 'yan, kuya." Val added saka ako tinapunan ng tingin. "Nakakainis, hindi nangsishare, ano ba kasing nangyari kahapon?" She added and that made my blood boil.

"Nothing happened." Sagot ko nalang dahil baka kung ano pang masabi kong masasamang salita. Ayoko talagang maalala 'yong nakita ko, pakiramdam ko nakukurap 'yong kainosentehan ko.

Why do I have to notice such act?

Hindi ko namalayan na unti-unti nanamang bumabalik sa isip ko 'yong mga nakita ko. Pucha naman, hindi ko rin tuloy namalayan na napatitig na pala ako sa kaharap ko.

Kung hindi pa umubo si Vann ay baka mas tumatagal pa 'yong paninitig ko.

"Stop staring." Aniya, saka umiwas ng tingin.

Umirap ako bago nagsalita. "Tss. Huwag kang feeling, hindi ko gustong tingnan ka."

"Libre mangarap, kuya." Ani Val. Tumahimik nalang ako at pinagpatuloy ang pagkain.

I should stop thinking about what I saw, it's not healthy. Nakakasuka. Nakakapanindig balahibo.

The day was okay pati 'yong mga sumunod na araw ay naging maayos din, buti nalang ay lagi kong pinipigilan 'yong sarili ko na isipin 'yong mga nangyari sa akin no'ng mga nakalipas na araw, dahil kung hindi ay awtomatiko na talagang sira ang araw ko. Today's Thursday, usual stuffs at school, mayroong activity period kaya't maaga akong nakauwi sa condo. I decided to buy grocery kaya lumabas din ako after thirty minutes of resting, nagulat naman akong nakatayo sa labas ng unit ko si Vann pagkalabas ko. He's still wearing his engineering shirt, mukhang kagagaling sa school. Himala yata at nagawi siya dito ngayon.

"Oh?" Puna ko sa presensiya niya. Mukhang nagulat naman siya ngunit nabawi rin naman niya 'yon agad.

"Aalis ka?" Kalmado niyang tanong saka pinagmasdan 'yong suot ko.

I am just wearing a blue jogging pants and the usual white shirt, ganito naman lagi outfit ko because I like it more kapag komportable ako kaysa sa magsusuot ako ng sexy nga pero hindi naman ako kumportable. And besides, the hell with sexy clothes, I don't give a fuck 'bout them.

"Grocery. Bakit?"

"Sama ako." Napakunot-noo naman ako dahil sa sagot niya.

"Bakit ka sasama?" Hindi naman 'to sumasama dati ah, hindi nga halos lumalapit sa akin. Minsan lang actually, kapag kasama ko si Val kaso wala naman dito si Val dahil may date nanaman sila ng jowa niya.

"May bibilhin din ako." Aniya saka nauna ng maglakad.

Awit. I shrugged my shoulders at sumunod nalang din. Sa malapit na Ever lang kami pumunta dahil ayoko namang pumunta pa ng mall para lang sa grocery, nakakatamad eh, lalo na't tamad ako na tao pagdating sa pamimili. Good for one month supply na agad 'yong pinamili ko para hindi na ako bili ng bili dahil time consuming 'yon. I took a glimpse of Vann na kumukuha ng isang pack ng mamahaling chocolate ngayon.

He's not lying when he said earlier na may bibilhin nga siya dahil mas marami pa nga yata siyang binili kumpara sa akin, 'yon nga lang ay more on snacks and gamit sa pagbibake. Pakiramdam ko nga ay napag-utusan lang siya ni Valerie.

Kumuha rin ako ng isang pack ng chocolate dahil nagcrave ako bigla pero pinili ko 'yong pinakamura dahil sayang 'yong pera.

Pumila na ako sa counter at sumunod naman siya sa akin gamit 'yong mga pinamili niya. Sayang na sayang naman ako sa pera no'ng malaman kong umabot ng two thousand five hundred 'yong pinamili ko. Sabi ko na nga ba, sana hindi na ako bumili ng spam and bacon, sana noodles nalang.

"Thank you, Ma'am." The cashier smiled as she handed me my change.

Dahil ayaw ko namang maging bastos ay hinintay ko na si Vann sa may labasan, medyo marami pinamili niya kaya natagalan pero hindi naman gano'n katagal dahil maya't maya lamang ay nasa tabi ko na rin siya.

"Sorry." Aniya no'ng makitang naghintay ako, tumango lang ako at naglakad na palabas pero napatigil din no'ng hinawakan niya 'yong plastic na pinamili ko.

"Mukhang mabigat, ako na magdadala." Simple niyang sabi at akmang kukunin na sa akin 'yong plastic ngunit mas hinigpitan ko 'yong hawak ko doon.

"Ako na, kaya ko." Giit ko dahil totoo namang kaya ko 'yon. Duh, hindi ako weak nuh. Gaan gaan nito. Wala naman siyang nagawa kundi hayaan ako because knowing me, kapag gusto kong gawin ay gagawin ko talaga.

"Daan tayo McDo," he suggested no'ng malapit na kami sa tapat ng FEU dahil naroon 'yong McDo, the idea was okay dahil medyo gutom nga ako.

"Alright." Sagot ko at tinulak na 'yong glass door.

Agad kong ginala 'yong paningin ko at nakahinga ako ng maluwag no'ng makitang maraming bakante. Lumapit ako sa isang table at inilapag sa upuan 'yong mga pinamili.

"Ako na oorder." Prisenta ni Vann at tumango naman ako, mas okay nga kung ganoon para ako nalang magbabantay sa mga pinamili namin. Sinabi ko na sa kanya 'yong order ko at nagbigay ng pera.

"Libre ko na." Aniya pero agad akong umiling.

"Ako na, may pera pa naman ako." Giit ko at inilahad pa 'yong pera sa kanya pero umiling din siya.

"Libre ko na, minsan lang ako manlibre Harl." Tss, kulit din ng lahi nito.

"Kulit mo, bahala ka." Naiirita kong sabi.

"Okay," simple niyang sabi saka tumalikod na.

Kabaliktaran talaga 'yon ng kapatid niyang sobrang ingay. Buti nalang wala 'yon dito ngayon dahil baka marindi nanaman 'yong tenga ko.

Para hindi mabored habang naghihintay ay nagdesisyon akong icheck muna 'yong social media accounts ko. Inuna ko 'yong ig kahit na wala naman akong inaasahan doon dahil sobrang rare ko lang magpost ng photo o mag story. Nag-like lang ako ng ilang posts mula sa mga kakilala pagkatapos ay lumipat na ako sa facebook na maliban sa pagfaflood ng hinayupak na flirt ay wala namang bago.

Speaking of, I don't know kung bakit bigla kong naisipang ireview 'yong mga messages niya and damn, may mga bago nanaman siya.

"What a flirt," bulong ko sa sarili habang iniiscroll 'yong messages niya na nasa spam.

"Harl!" Agad kong nailapag 'yong phone ko sa table no'ng may tumawag sa akin bigla.

"Erika." I greeted, kakilala ko siya na taga-CEU, kaklase ko no'ng senior high pero hindi naman kami close, magkakilala lang talaga. Isa siya sa mga taong kahit sinusungitan ko ay hindi yata nagagalit dahil tila likas na sa kanya 'yong pagiging friendly at madaldal.

"Sana all may ka-date." Aniya, saka kumaway ulit dahil paalis na yata. Napailing nalang ako, she got the wrong idea. Tss. Dahil ba may panlalaking bag sa upuan na nasa tapat ko ay may ka-date na ako? Paano naman kung pinsan? O kapatid?

Iba talaga ang pag-iisip ng tao. Nakakakilabot minsan.

My phone suddenly rang, may tumatawag yata sa messenger, agad ko namang sinagot 'yon, thinking that it was Valerie dahil wala namang ibang tumatawag sa akin.

"Hello." Simple kong bati, ngunit tahimik ang kabilang linya.

"Uh, nagkahimala ngayon ah." Napakunot ang noo ko dahil sa narinig kong boses.

Pucha?

Inilayo ko sa tenga 'yong phone ko para matingnan kung sino ang tumatawag.

"Ay gago." I murmured when I saw and confirmed who it is!

"Busy ako bye." Agad kong sabi at pinutol ang tawag.

Paanong? Pucha talaga.

Chineck ko 'yong convo namin at napaface-palm nalang ako no'ng makita kong nalike ko pala 'yong recent message niya. Aish!

'Yong table may kasalanan nito!

"Are you alright?" Napabalik ako sa reyalidad no'ng nilapag na ni Vann sa table 'yong order ko.

"Yeah, thanks." Sabi ko nalang habang nakatingin sa pagkain.

"You really look hungry." Aniya na medyo natatawa pa pero hindi ko na pinansin 'yon at kumain nalang.

I need to be extra careful next time dahil ako ang nahihiya sa sarili ko dulot ng mga kapalpakan ko, lalo na pagdating sa malanding lalaking 'yon.

Hindi ko na ginalaw pa 'yong messenger ko no'ng araw na 'yon dahil naaalala ko nanaman 'yong katangahang nangyari. Tangina kasi nong mesa, bat may pagpindot?

I was so busy on Friday dahil may ipapasa kami for our summative assessment, pagkalabas ko ng school ay saka ko lang napagtanto na late na pala. It's already 8:30 pm!

I sighed as I felt myself giving in to hunger. I forgot to eat my lunch and snack! U-huh, I really got preoccupied but that's a good thing dahil 'yon naman talaga ang gusto ko, ang abalahin 'yong sarili ko at maging productive sa pag-aaral dahil hindi ako magaling doon.

Valerie went home earlier dahil maaga silang natapos ng mga kagrupo niya, nakakainis kasi na random 'yong groupings at hindi kami naging magkagrupo.

Habang naglalakad ako sa tapat ng school ay naagaw nanaman ng lintek na Jollibee 'yong atensyon ko, hindi pa nakakatulong na nakakaramdam ako ng gutom.

"Hindi ka kakain d'yan, Harl." Bulong ko sa sarili ko habang patawid. "Sabing hindi, sa McDo nalang."

Parang gusto ko naman sapakin 'yong sarili ko no'ng natagpuan ko 'yong sarili kong nakapila na para mag-order.

Damn, nakakainis naman. Sa susunod sa gate 2 nalang ako lalabas para makaiwas sa lintek na tuksong si Jollibee.

Dahil gutom ako ay medyo naparami order ko, pero okay lang naman siguro 'yon dahil hindi naman ako nakakain no'ng lunch, hindi pa nga nakapagmerienda. Sa second floor ako pumwesto dahil doon naman talaga ako lagi sa tuwing kumakain ako dito, just like that fucking tim—.

"Ay pucha." Muntik na akong mapatalon no'ng may naglapag ng tray sa harapan ko. I lifted my head to see who the fuck is that creature ngunit agad ko ring pinagsisihan 'yon.

"Bawal ba?" Agad akong umiwas ng tingin dahil hindi ko alam. Nagulat yata ako masyado dahil nakita ko sa harapan ko 'yong taong halos patayin ko na sa panaginip ko. Damn him.

"Bawal." I was impressed with myself no'ng diretso kong nasabi ang salitang 'yon dahil sa totoo lang ay medyo nanginginig ako. At hindi ko rin matukoy kung bakit ba talaga, I wonder if it's the hate that I have sa lahat ng lalaki dahil sa karanasan ko sa pamilya, or was it just the hate I have with him because I know that he's playing with me. I really wonder.

I lifted my gaze again, kind of curious kung bakit tila natahimik siya. Ngayon ko lang napansin na bagong gupit pala siya. Medyo buma—, pucha naman.

Natahimik na ako ng tuluyan no'ng mapansin ko ang titig niya sa akin, 'yong titig na tila tumatagos sa kaluluwa ko. Damn, kung ganito lahat ng playboy sa mundo, ang sarap nilang patayin lahat!

"Uh yeah," he suddenly looked away at nagtaka naman ako no'ng mapansin kong medyo kakaiba ang awra niya ngayon.

Scratch that, maybe I am just overthinking? I don't know.

"So you..." he paused and took a grip of his tray. "So you have a boyfriend." Aniya sa isang malamig na tono at ako naman ay tila nawala sa katinuan dahil sa narinig.

Like, seriously? Boyfriend?

"I got it." He coldly said before standing and taking his tray away from my table.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro