Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 4


Why would he like us to meet again?

I stared at him for seconds and when I realized something ay agad ko siyang tinulak.

"Gago! Huwag ako 'yong guluhin mo!"

I just realized that maybe he wants us to meet again because he wants to flirt and play with me. Alam kong medyo ang feeling ko sa part na 'yon, pero.. masisisi mo ba ako? Ang landi nga niya agad ngayon, paano pa sa mga susunod? Anyway, hindi ko hahayaang may 'susunod' pa.

"Huh? Awit, ang sakit. Gago daw ako." He chuckled after that, like he was already so used to that.

"Gusto mo lang makipaglandian eh. Sinasabi ko na agad, huwag ako gaganyanin mo kung ayaw mong mabugbog." Inis kong sabi sa kanya.

"Amazona ka talaga. Hindi naman ako makikipaglandian. Hindi ba pwedeng makikipag-friends lang?" Aniya na natatawa pa.

Friends his ass!

"Ayaw kitang maging friend kung gano'n! Anyway, umalis ka na, bago pa kita masuntok ngayon!" Tawa pa rin siya ng tawa sa akin kahit wala namang nakakatawa.

Teka.. tumatawa ba siya kasi napipikon ako at naiinis?

Saglit kaming nagkatinginan at napailing nalang. This guy has an air, he's so confident, and I somehow despise it.

"Nakakainis ka. Ako na nga lang aalis." Pagsuko ko dahil mukhang wala naman siyang balak umalis. Medyo natatawa na rin ako ng bahagya dahil narealize ko bigla na nag-aaway na pala kami sa gitna ng sidewalk at nakakahiya rin 'yon dahil maraming tao. Sa Morayta pa ba? Kaylan ba nauubusan ng tao dito?

"Okay. I'll just see you go." Nakangisi pa rin niyang sabi, sarap batuhin ng smirking face niya. Kagago!

"Good night, Johann." Napasimangot ako kahit nakatalikod na ako. Bakit Johann? No one dares to call me that.

Ewan, bahala na nga. Gusto ko ng mawala sa paningin niya, it's too uncomfortable, his presence is so overwhelming.

Hmp. Nakakainis. Sa buong buhay ko wala pang nakakapagpahiya at nakakapagpaintimidate sa akin, siya lang, at pakiramdam ko paulit-ulit akong mapapahiya basta nand'yan siya. Kaya ayaw kong magkita kami ulit, parang may kaakibat na kamalasan eh. And I don't like him in general, his personality, his guts, his way of speaking, his way of thinking..

And I really hate flirts and jerks! Like him!

Saka lang ako nakaramdam ng pagod pagkarating sa floor ng room ko. It was a long day, salamat sa kanya, tss.

Sana talaga sa KFC nalang ako kumain kaninang tanghali, edi sana payapa pa rin ako ngayon.

But looking at the bright side, at least nakapagsorry na ako diba? At least nabawasan na ng bigat 'yong dinadala ko.

"Oh my! Kanina pa ako naghihintay sayo!" I was surprised when Valerie's face popped when I opened the door.

"Bakit nandito ka?" Gulat kong tanong. Minsan lang naman kasi siya tumatambay sa room ko dahil ako 'yong lagi niyang dinadala sa room nila ng kapatid niya.

"Guess what?" Okay, she totally ignored my question. "I know na! I remember it na! Naalala ko na kung bakit familiar sa akin si Jaz!" Oh my, no please. Tapos na nga, tapos may hahabol pa?

Umupo nalang ako sa maliit kong sofa. Ayaw ko ng pakinggan sasabihin niya. I already had enough today.

"Siya 'yon, diba? 'Yong sinuntok mo sa McDo noong grade 11 pa tayo? 'Yong napagkamalan mong si Thomas." Hay, I covered my ears while she's talking pero rinig ko pa rin.

"Kaya pala familiar. Gosh! Hindi ka ba nag-apologize, Harl? That's rud—"

"Sino nga ulit may kasalanan? Ako lang ba may kasalanan?" Damn, pero ako naman talaga may kasalanan mostly. Alam ko naman.

"Oo na! Kaya nga kailangan nating magsorry, Harl." Nagpout naman siya doon, pero 'yong hindi ko maintindihan ay kung bakit siya mukhang excited.

"Nagsorry na ako, tinanggap naman niya. Okay na 'yon, naclear ko na, okay?" I held her shoulder dahil hindi talaga siya mapirmi tuwing may naiisip siyang kung ano. "Kalimutan na natin siya. Now, I want to rest."

"Kumain ka na?" That was just a question but her expression is giving off something else na hindi ko mabasa.

"Ahh..yeah." I'm not sure kung sasabihin ko ba sa kanya 'yong details. Knowing Valerie, wala siyang palalagpasin kaya mas okay pa na huwag ko nalang sabihin.

"Magkasama kayong kumain?" Umiling naman ako. Now, I am a liar.

"Magkasama kayo. Yieee. Bumalik ako doon, kaso nakita ko kayong kumakain. Nagsinungaling ka pa ha." What? She saw us?

"Eh bat nagtanong ka pa? Ano? Aasarin mo nanaman ako? Subukan mo lang!" Tangina, nakakaguilty, sana pala 'di ako nagsinungaling. Pero pucha, alam naman pala niya, ba't pa siya nagtanong. Tss.

"Yieee. Dalaga na siya. Yieee." Sinamaan ko siya ng tingin at tinakpan ng pillow 'yong tenga ko.

"Shut up! Ang ingay mo masyado. Issue ka ha." Even after I said that ay nagpatuloy pa rin siya kaka 'yieee', parang kambing amp.

"Pero seryoso. Feeling ko you should get yourself a boyfriend na. Hindi ka na rin naman bata, Harl. Come on, enjoy life. Tingnan mo ako, nag-eenjoy!" I rolled my eyes because of what she said.

Boyfriend? Pweee.

"Ayoko nga. It's just a waste of time, mabuti pa manuod nalang ako ng anime." Nakasimangot kong sagot.

I don't think I'm capable of entering a relationship because I really despise relationships.

"That's right. Hindi naman kailangan na magboyfriend. Just leave her alone, Valerie. You're too nosy." Napabalikwas ako no'ng marinig ko 'yong boses ni Vann.

"Bakit ka nandito?" Nakataas kilay kong tanong.

"Bawal na bang pumasok dito?" At prente pa siyang naupo sa sofa na nasa harap ko.

He's Valerie's brother. Vanniel Fernandez, engineering student sa MAPUA. At dahil close kami ni Val, ay medyo friends na rin kami, although hindi kami masyadong nag-uusap talaga dahil hindi naman siya madaldal katulad ng kapatid niya.

Hindi ko na siya pinansin at pumasok na sa kwarto ko.

"Dito muna ako matutulog, Harl!" Sigaw ni Val.

"Bahala ka!" I shouted back.

Binuksan ko muna 'yong bintana at pumwesto doon para magpahangin.

"I am independent. I need to learn how to be happy without relying to someone. I need to prove them that I will be okay on my own." I murmured to myself as I let myself remember everything. My goals, my reasons, kung bakit ganito.

I am independent. I am strong.

That's what I am, or maybe that's what I want people to see.

Thinking about that, what would getting a boyfriend bring?

Heartache? Chaos? Worry? Fear?

Looking at Val, I could say that she's happy. She believe that being in love brings happiness and comfort, but for me it is the opposite.

I came from a broken family, I was just 4 years old when my father left us just to be with another woman, and a year after that, my mom also married another man. She left me, too. Lola ko na ang nagpalaki sa akin kahit na hindi taos sa puso niya.

I sighed.

I don't know. Maybe I have the right to have a distorted view regarding relationships. Pero 'di ko rin masisisi ang ibang tao sa mga sinasabi nila, dahil alam kong hindi naman nila napagdaanan 'yong pinagdaanan ko. Hindi nila maiintindihan 'yong sitwasyon ko, at hindi ko rin maipipilit na ipaintindi sa kanila 'yon.

I just need to be okay, in order to survive in this world. I need to be strong to reach my dreams. I need to become a successful person.

I closed my eyes to feel the air pero agad din akong napamulat nang may pumasok sa isip ko.

Damn, bakit ko ba naisip kanina na pag-isipan 'yong pagboboyfriend? Naloloka na ba ako? Like eww, hindi ko gagawin 'yon.

I took a bath after that at nagbasa lang saglit ng reviewer bago mahiga. I decided to check my social media accounts dahil baka may importante palang message.

Napataas naman ako ng kilay nong mahagip ko 'yong apat na facebook notification.

Jaz Esguerra sent you a friend request.

Jaz Esguerra liked your photo.

Jaz Esguerra liked your cover photo.

Jaz Esguerra viewed your story.

What now? Stalker ba siya?

Creepy ah.

I just ignored his friend request at messenger naman 'yong chineck ko.

I raised my brow when I saw na may message din pala siya sa akin.

Jaz Esguerra:

Good night, babe.

Wow. Wrongsent ba? O sinasadya lang niya akong inisin.

Sineen ko lang 'yong message niya at hindi na nireplyan.

Hindi nga ako nagrereply sa mga kaklase ko kahit about acads, sa message pa kaya niya na kalokohan? Tss.

I closed my eyes at matutulog na sana when my phone rang for another notification.

Ano ba naman 'yan?

Jaz Esguerra:

Hindi mo na nga talaga ako

Jaz is typing.....

Jaz Esguerra:

maalala

Jaz Esguerra:

Nevermind.

Jaz Esguerra:

Good night, Johann. It was nice meeting u today. 🙂😉

Tss. What a flirt. Pati ba naman sa emoji.

I turned off my phone and I faced the ceiling.

"Maalala? Pinagsasabe non? Pasadboi effect ba?"

I just shrugged my shoulders before I decided to let that idea out of my mind.

He's just weird and he's a flirt. You should hate him, Harl.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro