Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 15


I woke up around 11 am the next day. I slept late dahil sa kakatoss and turn ko sa kama, hindi ako makaget-over sa mga nangyari, may guilt feeling pero mas nangingibabaw ang saya at...

Yeah, kilig. Kaya halos mapatili na ako kapag naaalala ko 'yong mga pinanggagawa namin.

We hugged. We kissed. We held hands.

I can't believe I'm saying things like that but I guess it's really the truth. I am damn smitten.

Napatakip ako ng mukha.

"Aaaaahhh!" I hugged my pillow saka ngumiti.

I'm kind of excited to see him later. Hindi ko alam na ganito pala 'yon, nakakabaliw pero sana ay huwag namang masobrahan.

I started my everyday ritual. Linis ng kwarto. Maghanda ng pagkain. Kumain. Maligo.

At ngayon dahil makakasama ko siya, maybe I should try to fix myself or something...

I put on the nicest dress that I saw in my closet and I tried to apply the make-up that Valerie left weeks ago. Hindi ako marunong, nagsearch lang ako ng video sa youtube para makagawa ng simple everyday make-up look. Buti nalang ay kumpleto ang gamit na iniwan ni Val.

I stopped when I suddenly remembered Vann. I really feel sorry for him and I shouldn't have shut the door like that.

I sighed.

After Christmas break, I'll try to talk to him to apologize and set things straight. Magmumukha akong ingrata pero mas masama naman kung pipilitin ko ang sariling kong gustuhin siya kung hindi ko naman siya kayang gustuhin.

But as for now, I'll just think about going to church.

I applied the make-up products carefully at sa tingin ko naman ay maayos naman ang naging resulta.

I just let my short black hair down.

2:30 when I received a text from him, saying that he's on the way to my unit. I nervously sighed before picking my bag up.

Nakangiti akong sumalubong sa kanya pagbukas ng pinto.

"Hi." Nakangiti niyang bati.

"Uh, let's go?" I awkwardly said dahil hindi ko nanaman mapigilan ang pag ngiti ko.

"Sure, babe." He suddenly held my hand and I tried hard to suppress my smile.

Just like that, we went inside the elevator, hand by hand.

I don't know what are we now, kung may label ba o wala, but I am undeniably so happy with this...

"Saan pala tayo magsisimba?" I asked him no'ng makasakay na kami sa car niya.

"Hmm, malapit lang." He winked saka itinuro ang school nila na nasa malapit na kanto lang.

"Nagsisimba ka rin pala sa UST."

"Today's my second time."

I raised a brow. " When was the first?" I'm just kind of curious.

"When I was in senior high school," he smirked at napaiwas naman ako ng tingin dahil may naalala ako. Puchang 'to!

"Don't worry babe, I'm with my mom." He said like he could read my mind.

"Feeling ka! Hindi 'yon ang iniisip ko!" Giit ko sa kanya kahit na medyo naisip ko naman talaga 'yon.

"Hmm, really? 'Coz I don't think so."

"Wow! Feelingero talaga!" I looked outside, trying to avoid his gaze, nanunukso eh.

"Nandito na tayo." Agad siyang lumabas pagkatapos maipark ng maayos 'yong sasakyan niya. Akala ko ay kung ano na ang gagawin niya 'yon pala ay pagbubuksan niya ako.

"Wow." I rolled my eyes. "Daming alam, sanay na sanay ah." Pagpuna ko.

"Grabe! Gentleman kasi ako, tsaka ikaw lang kaya ang dinala ko rito." Depensa niya sabay hawak nanaman sa kamay ko pagkababa ko.

"Tsansing nanaman. Tsaka masyado kang defensive kanina, napaghahalataan." Sarkastiko kong sabi saka ako lumayo sa kanya.

"Ang init," pagpaparinig ko sakanya saka ako naunang maglakad papasok ng simbahan.

Halos kabisado ka naman na 'yong loob dahil dito kami nagsisimba ni Val sa tuwing naiisipan naming magsimba.

Maaga pa kami kaya may mga bakante pang upuan sa loob.

"Oy, Jaz!" The girl wearing a revealing dress greeted him.

'Yong totoo saan ba ang punta nito? Sa party? I looked at her from head to foot.

Sexy. Hmp. I scoffed at mukhang napansin 'yon ng lalaking kasama ko.What now?

Diretso akong naglakad paunahan at iniwan na siya doon. Tss, maybe he still want to have a chitchat with her? Mukhang may something sa kanila eh, baka babae niya dati? Ewan ko! Ang dami niyang babae eh!

"Babe..." tss, nakahabol pa.

"What? Tapos ka na?" Inis kong tanong.

He chuckled saka inilapit 'yong mukha niya sa tenga ko. "Nagseselos ka ba?" Natatawa niyang tanong.

What? Selos? Saan naman niya napulot 'yon?

"Wew! Lakas ng hangin. Bakit naman ako magseselos? Tayo ba?" I looked at him, trying to see his reaction.

Nawala naman ang ngisi sa mukha niya at itinuon ang pansin sa harap.

Magsisimula na ang mass, kailangan ko na ring magfocus. Bahala na siya d'yan sa mga pinag-iisip niya. It's his problem.

"Oo, hindi pa tayo. Pero humanda ka, dahil malapit na." Napatingin ako sa kanya dahil sa sinabi niya pero nakatingin pa rin siya ngayon sa harap at pilyong nakangiti.

Seriously? What was that?

"Wow, so thick." Naiiling kong sabi. "Babastedin kita!" I said even if I'm not sure kung kaya ko pa nga bang gawin 'yon sa kanya.

Bakit ba kasi ako nagkagusto sa mahanging 'to? Sa lahat ng taong matino kung ikukumpara sa kanya ay bakit sa kanya pa talaga?

Gosh, baka isinumpa ako sa past life ko para magkaroon ng buhay na ganito. My thoughts immediately stopped from flowing when I felt his hand gently brushing with mine.

"Sssshhhh, ang ingay ng isip mo." He said, almost a whisper.

Wow? What?

Pagkatapos naming magsimba ay naglakad-lakad muna kami palibot ng campus nila. Gusto kong puntahan 'yong Arc of the Century, pero ayaw kong lapitan kahit na hindi naman ako nag-aaral sa UST, marami na kasi akong naririnig at nababasa tungkol sa so-called 'myth' nila.

"Picture tayo!" Aniya saka itinuro 'yong arc. Agad naman akong umiling.

"Ayoko nga! Baka hindi ako gumraduate, lol!" Protesta ko.

Tumawa naman siya.

"Hindi ka naman dito nag-aaral kaya okay lang 'yan. Nakapagpicture na nga ako d'yan." Kibit-balikat niyang sabi.

"Hah? Tanga ka ba?" I furiously asked.

"Hah? Naniniwala ka talaga doon? It's just a myth, Harl!" Giit niya saka umiling-iling pa. Lumapit siya doon at preskong dumaan sa gitna.

WHAT THE FUCKING HELL?

Agad ko siyang hinablot at kinwelhyuhan. "Gago! Paano kung hindi ka gumraduate? Dito ka pa naman nag-aaral!"

Ngumiti naman siya at inalis ang kamay ko sa pagkakahawak sa kwelyo niya.

"Are you worried about our future? Don't worry babe, may savings naman ako." He even winked at me, probably to piss me off? Ewan ko sa kanya, he's so.. I can't believe he did that! At parang wala man lang takot o kung ano sa kanya.

"Nakakainis ka!" 'Yon nalang ang nasabi ko bago ko siya tinalikuran.

Parang tanga! Kapag ikaw hindi makagraduate!

Hinabol naman niya ako pero lumayo ako sa kanya hanggang sa makarating kami sa main building. I looked around trying to ease the tension that I'm feeling inside. Nakakainis talaga 'tong lalaking 'to, kung hindi ko lang siya gusto, nako!

Kung madali lang sanang mag-unlike, kaso potek, siya talaga ang gusto ko.

I can't imagine that I'm now liking the person that I'm cursing months ago. Pakiramdam ko ako pa ang nasumpa.

Napukaw ang atensyon ko dahil sa shutter na narinig ko.

"Pota." Inis niyang inilayo ang phone niya no'ng napatingin ako sa kanya. "Maganda, don't worry babe!" He said like he saw it. Tss.

"Sinungaling! Idelete mo nga!" Inis kong sabi saka ko sinubukang agawin 'yong phone niya sa kanya.

"I don't want to!" Pagmamatigas niya habang itinataas 'yong phone.

"Akin na! Kukunin ko talaga 'yan!" Tumingkayad ako para mas maabot 'yon, hindi ko na pinansin ang lapit ng mukha niya sa akin.

I'm already so close to getting it when I felt his lips touched mine.

W-What the?

It slowly moved and I suddenly felt lost.

Napalayo lang kami sa isa't isa no'ng may narinig kaming tikhim.

"Tangina pre, nakakaisturbo tayo!"

It was a group of guys! Sino sila? Hiya akong napatago sa likod ng gago. Fuck, they saw us, right? Nakakahiya! We're kissing in public, nakakaloka!

"Sana all may chicks!" Dinig ko pang dagdag ng isa sa kanila.

"May ka-date nanaman siya bro!" What? So marami siyang dinedate?

"Hey, nakakahiya. Isturbo nga talaga tayo." The medyo tamed one said.

Argh, halos mapatakip na ako ng mukha, parang gusto ko ng kainin nalang ng lupa bigla.

"Tss, buti alam niyong isturbo kayo. Umalis na nga kayo, sinisira niyo date ko eh!" Jaz said at nanlaki naman ang mata ko.

Date din 'to? Nagdedate kami?

Tumawa naman 'yong mga lalaki.

"Ngayon ka lang yata nagalit ng ganyan dahil nasira namin date mo!"

"Sino 'yan? Pakilala mo naman kami pare."

Hinila ko ang sleeves niya! "Ayaw ko! Huwag!"

He sighed. "Kahit hindi mo sabihin 'yan, hindi ko pa rin gagawin 'yon."

He turned to the guys again. "Ano kayo? Sinuswerte? Mamaya agawin niyo pa sa akin eh!"

"Ay ang damot!"

"Hindi naman aagawin, gusto lang makilala eh."

"Umalis na nga kayo!" Inis niyang sabi. Tinawanan naman siya ng mga 'yon at lumapit pa 'yong isa para hampasin siya ng panyo.

"Malandi."

"O sya, tutuloy na kami!"

"Enjoy mo nalang 'yan!"

"Ingat ha! Baka kung saan nanaman makarating!"

Nakakahiya! Ano bang iniisip nila? Boys...tss.

"Nag-eenjoy naman ako, sinira niyo lang! Kaya umalis na kayo! Bilis!" Pagtataboy niya.

Nagtawanan naman ulit sila bago tuluyang umalis.

He immediately checked me after they left. Nakatago pa rin ako sa likod niya.

"Hey? Are you okay? Sorry if that made you uncomfortable."

Oo, uncomfortable naman talaga 'yon. I hate teasings like that, ang awkward sa pakiramdam. Felt like we're doing something wrong kahit na wala naman.

Pero may naalala ako kanina na gusto kong sabihin sa kanya.

"So marami ka nga talagang dinedate, looks like sanay na sanay na talaga sila na makita kang may kasama. Ilan na ba ang na-date mo dito ha?" Nakataas kilay kong tanong sa kanya. He looked surprised but a smile appeared on his lips.

"That's before I started dating you, I am a womanizer and I won't deny that. But now..." he paused and looked at me directly in the eyes. "It's something different.. something that I can't easily explain. What I can say to assure you is that I am not playing. And I will never play with you. My feelings are real, Harl."

"Siguraduhin mo lang." Mabilis kong sabi bago tumalikod, my heart is beating so fast, pakiramdam ko ay lalabas na siya sa dibdib ko. Bakit kasi gano'n siya magsalita?

"Or else..." Lumingon ako para saglit siyang masulyapan. "Pagsisisihan mong nakilala mo ako."

"I would never betray you, I'd die first before doing that."

I raised a brow, trying to set aside my overwhelming feelings.

"You're too good with words, pero huwag lang tayong puro salita, pare.." I smirked because of the last word I said.

His brows furrowed. "Pare?"

"Oo.. kasi hindi naman tayo, at pare ang tawag ko sa mga kakilala kong lalaki. Bakit? May problema ka do'n?" I teased.

"Damn, nagmumukha akong friendzoned sa tawag na 'yon." Umiiling niyang sabi. "Yon lang naman." He added like he's somehow scared.

Really, huh?

"Hmm, sige. Pwedeng hindi kita tawaging gano'n, basta ba.." I tried to hide my face because I'm feeling embarassed of what I'm going to say.

"Ano, babe? Just say it."

I looked away. "No other girls, just me.." and I tried to get away fast before he could catch up.

Damn, I think my heart wants to get out of my chest now.

"That's so easy." He said when he finally catched up with my speed. Hinihingal kaming pareho dahil sa pagtakbo.

Hindi na ako sumagot at diretso nalang na pumasok sa McDo kahit na hindi ako sure kung kakain ba ako.

"Let's eat dinner here," he said and smiled before pulling me with him.

As usual nagvolunteer nanaman siyang umorder, light meal ang order namin dahil pareho naman yata kaming busog. Wala naman sa plano ang pagkain, pero okay rin naman para makapagpahinga kami dahil sa pagtakbong 'yon.

I nervously looked at him no'ng pabalik na siya sa table namin.

He placed the food on the table saka siya ngumisi sa akin. "Eat now, babe." He commanded like I'm a kid.

"Tss. Hindi na ako bata."

"Alam ko, pwede ka na ngang mag-ano.." he said meaningfully kaya agad ko siyang idinuro.

"Ang bastos mo! Pervert!" I accused him.

"H-Hah?" He acted innocent saka gulat pang napatingin sa akin. "Ano bang ibig mong sabihin?" Tila lito niyang tanong, best actor wannabe?

"And you're playing innocent now?"

"What? Hala... ano bang iniisip mo? What I'm trying to say is that..." he looked at me closely. "Pwede ka ng magboyfriend! BOYFRIEND!"

H-Huh? I think it's my turn to blush. Bakit ba kasi iba 'yong naisip ko? O baka naman pinagmumukha lang niya akong guilty? Kahit na 'yon naman ang iniisip niya? Argh!

"Ewan ko sayo!"

"Hala siya! Ang green mo na, Harl. Pero okay lang naman sa akin, walang problema 'yon!" Tingnan mo! Grabe pa nga ang ngisi niya, halatang pinagtitripan ako!

"Bastedin nalang kaya agad kita?" Nanliliit na mata kong sabi.

Agad naman siyang umiling at inekis pa ang braso niya sa harapan ko.

"Behave na ako! Eto na nga oh," agad siyang umayos at sumubo nalang ng fries.

I think I won that one, right?

We peacefully ate, pagkatapos naman no'n ay nag-offer siyang ihatid ako sa condo kahit na sinabi kong huwag na dahil ang lapit lapit lang naman. But he insisted so we're now inside his car.

Nakangiti siya but I think something's bugging him. Kanina pa siya pasulyap-sulyap sa akin na parang may gustong sabihin. Nakakaasar na.

"What? You want to say something?" I asked when I couldn't take my curiousity anymore.

"Hmm, magagalit ka ba kung..."

Sinamaan ko siya ng tingin. "Ano nanaman 'yang iniisip mo? Kung kamanyakan lang naman ay talagang magagalit ako!"

"Huh? It's not like that." His face suddenly became serious kaya kinabahan din ako.

"Ano ba 'yon?" I asked again, hoping that it's a good thing.

"Wanna go somewhere far this Christmas?" He seriously asked. I furrowed my brows, is he asking me to spend Christmas with him?

"I mean... 'yon ay kung free ka, kung hindi ka ano.." he looked hesitating. "Yon ay kung hindi ka uuwi sa family mo, I mean kung walang ganap.." I know what he mean, so he noticed huh?

Masyado ba talaga akong transparent sa kanya? Kaya alam niyang alone ako sa Christmas?

"How about you? Hindi ka ba uuwi sa bahay niyo? Sa pamilya mo.." I asked, ngayon ko lang din narealize na wala pala akong masyadong alam tungkol sa kanya. I don't even know kung saan mga magulang niya,  kung may kapatid ba siya, o ano.

"They're abroad. Sa New Year pa sila uuwi, and they won't mind." He smiled, like he's assuring me that everything's fine and that there would be no conflict.

"Are you sure?" I asked again. Tumango siya at tumitig ulit sa akin.

"I need your answer, pero kahit hindi naman ngayon agad. We still have few days left before Christmas." He smiled again but I can sense his nervousness on that.

This guy is unpredictable. Minsan ay overconfident na maloko, minsan ay mahiyain na parang kinakabahan. Hmm, maybe going on a trip with him would help me know him better...

"I..I can go with you. Wala naman akong pupuntahan o gagawin sa Christmas." I said without looking at him.

Bukod sa mas makilala siya ay gusto ko rin siyang makasama.

"Hmm, pasok na 'ko ha?" Paalam ko sakanya saka pumihit para umalis na pero bigla niya akong hinawakan sa braso at hinila palapit sa kanya.

"Good night. Sleep well, I'll pick you up tomorrow afternoon. Is that okay with you?" He said while hugging me.

"O-Okay naman.. I'll pack my things later."

"Okay." He made me face him and caressed my face.

"I..lo.." he looked away and bit his lower lip. "I like you so much, just call me if you need someone to talk to, okay?"

His ears turned red at mabilis niya akong hinalikan sa labi.

"See you tomorrow, babe."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro