Chapter 1
"Gaga! Nasa room ka na?" Agad kong tinawagan si Valerie pagkatawid ko sa may gate 4. Gusto ko ng kausap! Ayaw kong maalala 'yong nangyari kanina!
"Huh? Anong gagawin ko doon?" Luh, nagtatanong. Nabuang na ba 'to?
"Natanga ka na? Malamang school 'to, mag-aaral." Tumawa naman siya sa kabilang linya. Gulo niya, huh.
"Pustahan, hindi mo pa nababasa 'yong announcement sa gc." What?
"Pinagsasabi mo d'yan?" I raised my brow.
Bigla namang may tumamang kung ano sa ulo ko, watter bottle pala amp.
"Ungas, walang pasok! May emergency daw si Ma'am! Aawayin mo pa ako eh!" Sinamaan ko siya ng tingin saka ko pinulot 'yong tinapon niya. Eco friendly kaya ako.
"Paano exam?"
"Aba, malay ko. Ako ba teacher, huh?" Hinampas ko sa kanya 'yong hawak kong bottle.
"Sinabi ko ba?" Namimilosopo pa eh, parang hindi iyakin, tss. Uh no, naaalala ko nanaman!
"Tss. Tara kain!" Hinila naman niya ako sa tapat ng engineering building. At ayon, tanghaling tapat gusto niya bigla ng taho.
"Ikaw nalang kumain. Busog pa ako." I'm not lying, katatapos ko lang naman talaga kumain.
"Arte mo." Aniya sabay kuha doon sa binili niya.
"Ginutom ka ba ng jowa mo kaya mukha kang patay gutom ngayon?" She almost choke when I said that. Takte, bakit?
"Fuck, wait. Hindi ko talaga alam. Kapag ikaw nagsasalita, hindi ko maiwasang lagyan ng ibang meaning 'yong words na sinasabi mo." Nanlaki 'yong mata ko sa sinabi niya kaya agad ko siyang nahampas.
"Kadiri ka." Tawang-tawang naman siya pagkatapos noon.
Tss. Oo na, bestfriend ko na nga yan. Siya lang naman nagtiis sa magaspang kong pag-uugali. Syempre, gawin ba naman akong tagapagtanggol niya dati.
"Magkakajowa ka rin, Harl. Itaga mo 'yan sa bato." Eww, parang gusto kong masuka sa sinabi niya. "Masarap magkajowa promise." Kung may kinakain lang ako ay baka nabuga ko na. Alin 'yong masarap doon? 'Yong saktan ka? Masarap ba 'yon? Tss.
"Magiging bato lang 'yang sinabi mo. Hindi ako magkakajowa, ulol."
"Huwag magsalita ng tapos, baka malay mo mamaya mo na pala siya makikilala. Yiee." Parang gustong manindig ng mga balahibo ko dahil sa sinabi niya.
"Katakot ka." I said and she just laughed after that.
"SM tayo! Sale sa Watsons ngayon!" She said after she recovered.
"Ayan ka nanaman. Hindi nga ako interesado." Make-ups? Skincare? Gagi, baby soap and baby powder lang gamit ko. Para tipid sa oras dahil gaya nga ng sabi ko, tamad akong tao.
"Ako interesado ako." Mukha pa siyang bata na nagniningning ang mata. Seriously, mukha siyang bata at hindi mukhang patay na patay sa jowa minsan.
"Edi ikaw pumunta."
"Ayaw ko nga."
"Sige na."
"Tss."
"Yehey."
At kelan pa naging oo ang 'tss'? Aba malay ko rin. Valerie Analiese should grow up!
"Pasok muna tayo sa campus, kukunin ko lang WRP uniform ko sa locker." Tinatamad naman akong sumunod sa kanya.
"Sa gate 3 nalang tayo dumaan. Daming tao dito." Itinuro ko 'yong gate 4 na maraming pumapasok, ewan, may NSTP 1 session yata sa auditorium.
Hindi ko naman mapigilang hindi manibago habang naglalakad dahil pakiramdam ko ay may kulang sa akin. Ayan nanaman.
"Tingin mo may kulang sa akin?" Curious kong tanong kay Valerie.
"Tinatanong mo ba ako kung abnormal ka?"
Awtomatiko naman akong nanggigil sa kanya kaya nasapak ko siya ng mahina.
"Gaga."
"Ano kasi 'yon? Ang vague ng tanong mo! Lovelife ba 'yon? Walang kulang say—"
"Nevermind." I cut her off. Lovelife shit, I'm not even interested kahit katiting.
No'ng makarating kami sa gate 3 ay naunang nagtap ng ID si Valerie, nakapasok na siya pero ako nakatayo pa rin sa labas.
Uh no, ngayon alam ko na kung anong kulang sa akin.
"Yong ID ko nawawala!"
"What?" Valerie went out again.
I showed her my lace with no ID on it. Tangina, nalaglag ko yata. Paano naman 'to.
"Awit, burarang 'to." Sinamaan ko siya ng tingin. Makaburara, akala mo naman hinuhubad ko 'yong ID ko at nilalagay kung saan-saan.
"Hindi ka nakakatulong, alam mo ba 'yon." Tumawa lang siya at humakbang ulit papasok.
"Hehehe. Peace!"
I ended up waiting for her outside dahil hindi naman ako pwedeng pumasok ng walang ID, ayoko ring kumuha ng temporary ID kasi gastos pa sa oras 'yon.
"Gagi, may chat daw sayo si kuya, hindi ka raw nagrereply!" Bungad niya pagkalabas.
"Ano naman 'yon?" I checked my phone and tama, may message nga.
It was Vann Fernandez, her older brother from MAPUA na nakakasama rin namin, though not always dahil busy 'yon lagi.
"Ah, nagtatanong lang naman pala kung free tayo sa weekend." I shrugged my shoulders pero agad naman akong napatigil no'ng may isa pang nakakuha ng atensyon ko.
Message request
Jaz Esguerra:
Nasa akin ID mo, magkita tayo.
"Hoy gaga, may nag-PM sa akin." Nagpapanic kong sabi kay Valerie. Gulat naman siyang napatingin din sa phone ko.
"Hala! Oh my! Napakaburara mo, saan mo kasi 'yon nilaglag?" What? Kasalanan ko pa? At saka kung alam ko, edi sana pinulot ko? Lol.
"Aba malay ko! So ano nga? Makikipagkita ba ako? Kukunin ko ba?" Sunod-sunod kong tanong, naiisip ko lang kasi, paano kung modus lang pala 'to? Tapos pagdating sa meeting place may naghihintay pala na van doon. Paano kung rapist? Paano kung...
"Tanungin mo muna kasi kung saan kayo magkikita. Nako, kung wattpad lang 'to, kinilig na ako. Kaso teh hindi, kaya creepy."
Oo creepy nga! Paano nalang kung kinulam na pala picture ko? Gosh, tsk. What am I thinking? Mas mukha pa nga yata akong mangkukulam doon sa picture ko.
To: Jaz Esguerra
Saan magkikita?
"Tsaka stalk mo muna 'yan! Tingnan natin, baka mamaya 'yan na pala magiging jowa mo." Sinamaan ko siya ng tingin.
"Yuck. As if. At kung gusto mo ikaw nalang magstalk d'yan, tingnan mo kung mukha bang mapagkakatiwalaan."
Kinuha naman niya 'yong phone ko.
"Wow, taga uste pala 'to. Engineering student. Kaso maliban sa cover photo at profile picture na nakatalikod, wala ng ibang picture. Private person ah. Pero infairness, ang gwapo ng likod ah." I rolled my eyes. Inuuna pa talaga mga gwapo gwapo na yan, tss. Inagaw ko 'yong phone ko at tiningnan 'yong profile nong Jaz.
Well, Valerie is right. Nakadenim jacket siya at nakatalikod sa dp, tapos 'yong cover photo naman ay litrato ng dagat.
"Walang kwenta."
Bigla namang nagnotif 'yong messenger ko kaya agad kong inopen.
Jaz Esguerra:
Morayta, sa Jollibee.
What?
I mean, I felt relieved dahil sa Jollibee naman pala, pero...
Bakit naman parang inaasar pa yata ako ng tadhana? Tss, I should stop thinking about what happened earlier, hindi nakakatuwa. Kapag naaalala ko parang bumabalik 'yong nakakahiyang feeling.
"Oy napano ka? Ano na reply?" Ipinasa ko nalang 'yong phone ko sa kanya.
Makikipagkita ba talaga ako?
Tsk, bakit nga naman ba ako natatakot? Kaya ko namang mambali ng buto.
Para sa ID!
"I go for YES, makipagkita ka! Sasama ako!" Aniya na parang natutuwa pa. Ano kaya tumatakbo sa isip nito? Katakot.
"Hindi ka takot?"
"Harmless naman yata, ah bahala na 'yan. But that Esguerra surname sounds familiar, saan ko nga ba narinig?"
"Daming Esguerra sa mundo. Tss."
"Galit na galit, Harl?"
Instead of going to SM, Valerie decided na tumambay nalang sa Starbucks para magreview at kumain. Ewan ko nga kung bakit biglang nagbago ang isip niya, pero pabor naman sa akin 'yon dahil ang hassle pumunta ng SM. Ngayon, maghihintay nalang kami ng 6pm dahil 'yon daw 'yong dismissal nong Jaz.
"Five minutes nalang!" Aniya, bakit ba mukha siyang excited? At ayoko non.
"Ano naman?"
"Hindi ka ba naeexcite man lang? Come on." Agad akong umiling.
"Anong nakakaexcite doon? Nakakatakot pwede pa." I rolled my eyes, pero nagsimula na rin akong magligpit ng gamit. Syempre ayaw kong ma-late, baka kasi kapag wala ako roon ng 6pm ay bigla nalang tumakbo paalis 'yon. Edi, paano na ID ko non?
Saktong alas sais ay nando'n na kaming dalawa sa tapat ng Jollibee.
"Ichat mo." Nakangising bulong ni Valerie. I hate to do that pero mukhang wala nga akong ibang choice.
To: Jaz Esguerra
Where are you?
Ilang segundo lang ay nagreply na siya.
Jaz Esguerra:
Sorry, I'm kind of late. Pero nasa harap na rin ako ng Jollibee.
Awtomatiko na napagala ang mata ko after I read that and I instantly froze when I spotted a familiar face.
Tangina, bakit siya nandito?
"Gaga, siya na yata 'yan!" Turo naman sa kanya ni Valerie.
"Huh? What?" NO! Definitely NO!
"Uy, hindi pa tayo sur—".
That bitch didn't even let me finish what I'm saying. Walang hiya siyang naglakad palapit doon sa lalaking 'yon kaya wala akong choice kundi ang mapilitang sumunod.
"Kuya ikaw ba 'yong nakapulot ng ID ni Harl?" Tumingin naman sa kanya 'yong lalaki, pagkatapos ay sa akin.
"So you're Harl." Nakangisi niyang sabi. Tangina, masyado na akong inaasar ng tadhana, hindi na talaga nakakatuwa 'to.
Sa lahat ng pwedeng makapulot, bakit siya pa?
Ito na ba 'yong karma ko?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro