Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Prologue


Prologue

Ilang kamay na ang naglahad sa akin mula sa iba't-ibang sitwasyon? Mga kamay ni Diyosa Neena at ang malaking paniniwala niya sa akin, ang mga kamay ni Hua habang pilit akong inililigtas mula sa mundong inakala kong aking kakampi, ang kamay ni Nikos na siyang tinalikuran ng libong mga kamay, mga kamay ng mga nilalang na naging sakripisyo ng dahil sa nakaraan, mga kamay ng mga Gazellian na siyang sumalubong sa akin sa unang pagbaba sa lupa at higit sa lahat, ang kamay ng aking hari.

Mga kamay ni Dastan na pilit akong inaabot habang inilalayo ako ni Hua at Nikos sa kanya.

At ngayo'y panibagong kamay ang siyang nakalahad sa akin. Humampas ang malamig na hangin, niyakap nito ang telang bahagyang nakasabit sa kanyang leeg na siyang kanyang tinanggal upang siya'y aking makilala.

"Ngunit hindi ko sila nais talikuran, Rosh..."

Hindi ko magawang abutin ang kanyang kamay tulad nang unang beses niyang gawin iyon. Bakit kailangan kong tumakbo sa kasalanang hindi ko ginawa? Bakit kailangang umabot ako sa ganito?

Sino ang kalaban? Sino ang aking kakampi?

"Walang nais tumalikod, Leticia. Ngunit may kailangan tayong sundan..."

"Tayo?"

Tumango si Hua at Nikos na kapwa nakadungaw rin sa akin at hinihintay na tanggapin ko ang kamay ni Rosh.

Unti-unting kong inangat ang aking nangangatal na kamay sa kanya at alam kong nakikita nila ang aking pag-aalinlangan.

"Nangangako ako, Leticia. Diyosa ng Buwan, magbabalik tayo sa emperyong ito na may malinis na pangalan at katotohanan..." tumulo muli ang luha ko.

Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman at isipin, paano ako magsisimula patungo sa daan na siyang aming susundan kung hindi ko alam kung ano ang dapat naming patunguhan, kung saan kami dapat magsimula, kung ano ang dapat naming malaman at kung sino ang aming mga kalaban.

Tila lahat ng panig ay laban sa akin...

"Just hold my hand, Goddess of the Moon..."

Nang akma ko nang hahawakan ang kamay ni Rosh ay muli ko iyong binawi. "B-bakit mo ito ginagawa? Bakit n'yo ako tinutulungan?"

Nilingon ko na silang tatlo. "Sa mata ng Deeseyadah, isa akong taksil at kriminal. Sa mata ng Parsua'y isa akong—" nakagat ko ang labi ko.

Hindi ko magawang sundan ang sasabihin ko. "You are the Queen."

Hindi na hinintay ni Rosh ang pagtanggap ko dahil siya na ang humawak sa kamay ko, marahan niya akong inalalayan sa pagtayo.

"You are considered exiled in front of the thousand eyes, but for now, the three of us are enough. You are the Queen. We'll return you to this empire as the Queen."

Mas lalo akong naluha sa sinabi ni Rosh, hindi ko pinangarap maging reyna noon pa man, ilang beses man iyong ipinaramdam sa akin ni Dastan na ako'y para sa titulong iyon sa tuwing kami'y magkasama. Iba pa rin ang nararamdaman ko sa mga oras na ito, na kahit may iilang mga bampira na lamang ang nanatiling nakatanaw sa akin at nakikita ako bilang isang ganap na reyna sa kabila ng pagtalikod ng lahat, ang matinding sakit ay saglit na nahaluan ng maliit na tuwa na humahaplos sa aking puso.

Inalalayan akong muli ni Rosh patungo sa kabayo at isinakay niya ako rito. Nanatiling nasa lupa si Nikos at Hua habang nakaangat ang paningin sa akin, ang tatlong lalaki'y sabay akong tinanaw sa paraang ako'y mas mataas sa kanila.

"Queen Leticia, a former goddess of the Moon. Please allow us to be your royal guards in this journey."

Suminghap ako sa pormal na pagyuko nilang tatlo habang nakahawak ang kanilang kanang kamay sa kanilang dibdib at ang isang kamay ay sa kanilang likuran. Ang pagtawag nila sa akin ay tila nagkaroon na ako ng isang opisyal na paghihirang.

"H-hindi n'yo na kailangang—" ngunit alam kong hindi sila matitinag kahit sabihin kong hindi na nila ako kailangang tingnan bilang isang normal na babae.

Kumuyom ang mga kamay ko sa renda ng kabayo, huminga ako ng malalim at tumuwid ako sa aking pagkakaupo.

"Malugod kong ipinagkakatiwala ang aking buhay sa inyong tatlo. Bilang reyna'y isa lamang ang aking kahilingan sa paglalakbay na ito, mangako kayo sa akin." Sabay-sabay silang nag-angat ng tingin sa akin.

"Walang buhay ang maglalaho, babalik tayo sa emperyong itong buo."

Mas yumuko silang tatlo sa akin. "Pangako, Mahal na Reyna..."

***

Mas lalong binilisan ni Rosh ang pagpapatakbo ng kabayo, ganoon din ang ginagawa ni Hua at Nikos. May mga humahabol muli sa amin.

"Mga diyosa..."

Nasagot agad ni Hua ang katanungan sa aking isipan. Masyado nang malayo ang naging distansya namin mula sa mga bampirang humahabol sa amin kaya hindi na nga nakapagtatakang mga diyosa ang higit na nakalapit sa amin.

"Gagamitin kong muli ang punyal, Rosh..."

Hindi siya sumagot at tumango lamang siya sa akin. Ngunit nang ilabas niya iyon gamit ang kanyang halamang ugat ay hindi na iyon humiwalay.

"Attack, I'll back you up."

Kusa kong pinaglaho ang sarili ko sa kanyang unahan at hinayaan kong lumutang ako sa ere. Tumigil sa pagtakbo ang tatlong kabayo at katulad ko'y humarap na rin sila sa mga kalabang diyosa.

Nasa kanan si Nikos, kaliwa si Hua habang nasa gitna si Rosh na ngayo'y nakatakip muli ang tela sa kanyang mukha.

"They are five." Panimula ni Hua.

"Si Leticia lang ang maaaring makipaglaban sa kanila. A goddess power is only to be killed by another—"

"Let's do a trick. My Queen, would you like to show us your hundreds of daggers?"

Agad kong nakuha ang nais gawin ni Rosh dahil nang sandaling magliwanag ang himpapawid dahil sa aking daang punyal, ang bawat dulo nito'y may nakapulupot na ugat.

"Any more questions?"

Hindi magawang makasagot ni Nikos at Hua kay Rosh.

"Now step aside, lower guards. Allow the higher guard to do this quick." Tipid akong napangiti sa sinabi niya.

Nang sandaling malapit na ang distansya ng limang diyosa mula sa amin ni Rosh ay hindi na namin hinintay ang mga iyon. Mabilis kong iniyakap sa akin ang hangin habang si Rosh ay tumakbo nang napakabilis.

Ang malalaking ugat ay sumayaw, piraso ng mga rosas ay tila nagmistulang ulan mula sa kalangitan, ang paglalapat ng daang punyal ay siyang naging musika at dalawang uri ng mananayaw sa himpapawid at lupa may mga matang uhaw sa tagumpay.

Bawat galaw ng punyal ay may dalang talim at hagupit ng mga ugat na may yakap ng tinik. Ang takot at pangamba'y nawala... sa halip napalitan nang matinding galit at pagnanasa sa katapusan.

Ang katawan ng mga diyosa'y kasalukuyang nakagapos sa malalaking ugat na may tinik, habang ang mga punyal ay nakatutok sa kanila na nagbabadya ng kamatayan. Kasalukuyan nang nagpa-plauta si Rosh na tila inuutusan pa ang mga ugat upang higit pahirapan ang mga diyosa.

"Sinira mo ang magandang reputasyon ng inyong emperyo, ikalawang prinsipe ng Deltora!"

Natigil si Rosh sa kanyang intrumento. "Oh, you mean the gentleman part? It depends upon the face, ladies. You didn't pass my standards."

"Anong klaseng—"

"Oh, I am not a prince. I am just a royal guard right now, I mean a higher guard..." kibit-balikat niyang sagot bago niya itinuloy ang pagpapa-plauta at hindi na muling pinansin ang mga diyosa.

Inagaw ko ang kanilang atensyon para sa aking mga katanungan.

"Sabihin n'yo sa akin ang inyong itinatago. Posibleng ginagamit lang kayo ng nasa likod---"

"Taksil! Maduming diyosa! Sa tingin mo ba—" hindi na nakapagbato pa ng masasamang salita ang mga diyosa sa akin dahil nilamon na sila ng malalaking ugat ni Rosh na biglang nagbago ang tono ng plauta.

"Hindi natin kailangan ng kasagutan sa kanila, Leticia."

Muli kaming sumakay sa kabayo at ipinagpatuloy ang aming paglalakbay. Hindi man mag-usap sina Hua, Rosh at Nikos, nasisiguro kong nalalaman na nila kung saan kami patungo.

Halos isang oras pa ang itinakbo ng aming mga kabayo bago kami tumigil sa isang kagubatan, akala ko'y magtutungo pa kami sa pusod nito nang matigil kami sa isang nakasaradong kweba.

Isang mahiwagang kweba na nagsusumigaw ng presensiya ng kapangyarihan at lubos na misteryo.

"Ayun sa alamat ang kwebang ito'y mabubuksan lamang ng pinakamalakas na bampira. Ito ay isa sa makasaysayan at pinakamisteryosong lugar ng Parsua, ilang daang taon na itong palaisipan sa bawat salinlahi ng pinakamatatalinong mga bampira at hanggang ngayon ay nananatili pa rin itong mga katanungan." Paliwanag ni Nikos.

Kilala naming lahat ang maaaring pinakamalakas na bampira sa panahong ito, si Dastan. Imposible namin itong mabuksan.

"Maging ang mga diyosa'y bigo upang abutin ang dulo ng kwebang ito..."

Lumingon ako kay Nikos. "Bigo?"

"Wala pang nakapapasok at labas ng buhay sa kwebang ito sa kasaysayan, Leticia..." mahinang sabi ni Hua.

"Unless we have a key."

Lahat kami ay napasulyap kay Rosh na nakapamulsang nakaharap sa nakasaradong kweba.

"Anong susi ang kailangan ng kwebang ito?" tanong ko. Pilit kong inalala ang aking mga aralin sa Deeseyadah ngunit ang kwebang ito'y kailanman ay hindi binigyang diin.

"Susing iniwan ng unang dumaan dito. Foolish common guards, King Thaddeus and I once crossed this tunnel. So far... I'm still alive..."

Lahat kami ay natulala sa sinabi ni Rosh, minsan na siyang nakapasok sa kwebang ito...

"Anong susi ang tinutukoy mo, Rosh? Kung hindi ito mabubuksan ni Dastan ngayon, anong susi ang iniwan ni Haring Thaddeus?"

Hindi ko alam kung bakit tila bumagal ang oras nang sandaling lumilingon sa akin si Rosh na siyang may dala ng kasagutan.

"Ngunit hindi ba't si Reyna Talisha ang siya iyong—" hindi ko na natapos pa ang dapat kong sasabihin. Napasinghap na ako at nanlalaking mga matang tumitig sa kanya.

"Traydor ako... mahal na diyosa... walang makahahawak sa leeg ko..."

"Rosh..."

"Ano sa tingin mo ang susi, Mahal na Reyna?"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro