Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 9

Chapter 9

Surpresa

Habang nagpapatuloy ang paglalakbay na ito, mas nagiging malinaw na sa akin ang lahat. Ang mga katanungang pilit akong ginagambala nang sandaling itakas ako nina Rosh, Hua at Nikos mula sa Parsua.

Akala ko'y isa itong parusa, hadlang at pagpapahirap sa pag-iibigan namin ni Dastan. Ngunit mula sa mga nakaraang aking nasasaksihan mula sa kamay ng dalawang bampira, mukhang naiintindihan ko na ang siyang totoong dahilan ng mga pangyayaring nararanasan ko.

Ito'y mga dapat ko lamang pagdaanan upang maging isang ganap at karapat-dapat akong reyna. Isang reyna sa tabi ng magiting na hari, at isang reyna na magsisilbi niyang lakas at hindi kahinaan.

Tila isa itong misyon na inatang sa akin ng hari at reyna na magbibigay sa akin ng karapatang umupo sa tabi ng kanilang anak. Si Dastan na simula pagkasilang sa mundong ito'y kapwa na nila inihanda sa responsibilidad na kanyang kakaharapin sa hinaharap.

Ang misyong pasukin ang mahiwagang kweba ang siyang mas huhubog at magtuturo sa akin ng mga bagay na siyang dapat kong matutunan bilang isang reyna. Dahil sa sandaling ako'y magbalik sa Parsua, hindi na ako ang diyosang kilala ng lahat na dapat ingatan at protektahan, kundi isang reyna na nasa tabi ng kanyang hari at handang lumaban sa unahan ng isang labanan o giyera.

Kilala ang mga diyosang katulad ko sa pagiging malambot pagdating sa emosyon at ngayo'y iyon ang unang sinubukan sa akin, kung hanggang saan ang kayang panghawakan ng aking damdamin. Kung paano ako babangon sa isang biglang sitwasyon?

Ngunit halos kitilin ko na rin ang lalaking pinakamamahal ko, tila isa na iyong kalabisan kung parte pa rin iyon ng pagkilala o pagsubok sa akin.

Matapos magbitaw ang aming mga kamay ni Rosh ay namayani nang muli ang katahimikan sa pagitan namin. Gusto ko man magtanong sa kanya ng ibang detalye mula sa kanyang nakaraan ngunit pinili ko na lamang itikom ang bibig ko.

Ibinahagi na sa akin ni Rosh ang nararapat, siguro'y mas makabubuti na ako na ang tumuklas ng kasagutan sa sarili kong mga katanungan.

Dumungaw akong muli sa labas ng bintana na karwahe. Hindi na pamilyar sa aking mga mata ang emperyong siyang dinadaanan namin.

"Araw ba ang aabutin natin sa himpapawid, Rosh?"

"Ilang oras lang, Leticia."

Tumango ako.

Humawak na ako sa hamba ng bintana at patuloy ako sa pagtanaw sa ibaba. Hindi mawala ang paghanga ko sa mga ibon na siyang gumagabay sa amin dahil nagagawa rin ng mga itong itago ang presensiya namin.

Naniniwala ako na hindi lang ang Emperyo ng Parsua ang may mga malalakas na bampira na maaaring makaramdam sa amin, kaya malaki ang pasasalamat ko sa tulong ng mga ibong tinawag ni Rosh.

Kung maaari ay hindi ko na gusto pang mapalaban ang grupo namin, ngunit kailangan ang lubos na paghahanda dahil ang bawat lugar na maaari namin daanan ay siguradong may kani-kanilang mga taga bantay.

Makalipas ang ilang oras ay tanging plauta na lamang ni Rosh ang naririnig ko. Ang kaninang umaga'y ngayon ay nagsisimula nang dumilim, na ang sikat ng araw ay unti-unti nang napapalitan ng sinag ng buwan at mga bituin.

Noo'y buwan ang tanging Paraiso sa aking mga mata, ngunit nang makilala ko si Dastan... kanyang mga bisig at halik ay higit pa sa Paraisong dati'y kinasasabikan ko.

Nakapangalumbaba akong nakatitig sa buwan habang inaalala ang mga karanasan ko roon. Nang nasa buwan ako'y iisa lang ang problema ko at iyon ay ang balanse sa mundo ng mga lobo... ngunit nang sandaling sinubukan kong sumugal at buwagin ang siyang nakasanayan, unti-unti nang lumitaw ang mga responsibilidad na hindi ko akalaing lalapat sa aking mga kamay.

Akala ko'y mananatili akong nakatitig sa buwan nang saglit akong natigilan sa presensiyang naramdaman ko. Nang sandaling lumingon ako kay Rosh ay nagningas ang kanyang mga mata na tila pareho kami ng naramdaman.

"May mga bisita..." naiiling na sabi niya.

"Sina Nikos at Hua..." nag-aalalang sabi ko.

"They will be fine, Leticia. Handa ka. Tayong nasa loob ang punterya nila." Lumabas na ang pangil ni Rosh at nanatili na sa pagniningas ang kanyang mga mata, ngunit nanatili pa rin nakakrus ang kanyang mga hita habang may hawak na pulang rosas.

Nang lumingon akong muli sa bintana, pansin ko na isa-isa nang umaalis ang mga puting ibon sa paligid namin, dahilan kung bakit nagkaroon na ng hindi maayos na paglipad ang karwahe. Tila nasa lupa na kami at kasalukuyang dumadaan sa sirang kalsada.

Ipinikit ko ang aking mga mata upang makita ang distansya sa amin ng mga kalaban, malayo pa ang mga iyon ngunit masyado silang mabilis, anumang oras ay maaari na nila kaming abutan dahil bumabagal na ang lipad ng aming karwahe.

"Maraming salamat..." bulong ko sa hangin na sana'y narinig ng mga ibon na nagsisimula nang humiwalay sa amin.

"Isang karangalan. Sagot nila." Ani ni Rosh sa akin.

Tipid akong ngumiti.

Gamit ang kanyang rosas na biglang naging isang lubid, hinagupit niya ang unahan ng karwahe dahilan kung bakit nagkaroon ng butas sa pagitan namin at sa labas kung saan nakapwesto sina Hua at Nikos.

"Hindi na magtatagal ang mga ibon." Paalala ni Rosh.

Tumango si Hua. Nanatiling nasa unahan si Nikos habang hawak pa rin ang tali na nakakonekta sa pinakamalaking ibon.

"Ano ang gagawin natin?" tanong ni Hua.

Kapwa na kami nasa likuran nina Nikos at Hua. Patuloy pa rin naman sa paglipad ang karwahe ngunit paulit-ulit iyong gumagalaw na tila mahuhulog o aakyat pataas.

"Lalabanan natin..." matigas na sabi ni Rosh.

"Hindi natin maaaring iwan ang karwahe at hayaang bumagsak. Mas ligtas kung sa ating paglalakbay sa lupa ay nasa loob si Leticia." Paliwanag ni Hua.

"Hua..."

"Pakinabangan natin ang kapangyarihan n'yong dalawa. Ano ang kakayahan n'yo?" tanong ni Rosh sa kanila.

"I am a shapeshifter."

Ngumuso si Rosh sa sinabi ni Hua. "Maaari ka sigurong maging isang malaking langgam na may pakpak? Buhatin mo na lang ang karwahe."

Marahas akong umiling. "Magiging bukas si Hua sa mga atake, Rosh. Hindi ako papayag..."

Ibinaling ni Rosh ang atensyon niya kay Nikos. "How about you, Nikos? How should I address you? Uncle? A Le'Vamuievos fell for you. You should be something..." panunuya ni Rosh kay Nikos.

"I am just a normal vampire, Le'Vamuievos."

Umismid lang si Rosh bago siya muling sumilip sa bintana.

"Mas malapit na sila. Saan na ang eksaktong lokasyon natin?" tanong muli ni Rosh.

Ang mga mata ngayon ni Rosh ay naka-atensyon na sa direksyon kung saan magmumula ang mga kalaban.

"Hindi natin masusunod ang direksyong nais mo, Leticia. Dahil sa sandaling doon tayo dadaan, tatlong grupo ang makakasagupa natin." Paliwanag ni Nikos.

Nang ipikit ko ang aking mga mata at magliwanag ito sa aking pagmulat, hinanap nito ang eksaktong lokasyon ng mahabang hagdanan, tulad nga ng sabi niya'y may mga grupo nang nakaabang dito.

"Paano nila nalaman na iyon ang daang napili natin?" umiiling na sabi ni Hua.

Napakuyom ko ang aking mga kamay. Paano kung nalaman pa nila kung ano ang pakay namin? Na hindi naman pala talaga iyon ang hagdanan kung saan may pasong kaugnay ng bahaghari, kundi ang kubo na siyang malapit doon.

Mariin kong nakagat ang aking pang-ibabang labi habang iniisip ang aming hakbang.

"Saan ang maaari nating daanan?" tanong ko kay Nikos.

"It could be a trap... pero isa lang ang nakikita kong maaari nating babaan, sa tulay..."

"Hindi makakadaan ang karwahe roon..." ani ni Hua.

"Sa dalawang usa? Alright. I'll try to talk to them. Sa dalawang usa tayo." Umiling na ako sa sinabi ni Rosh.

"Lubos na ang paggamit mo sa 'yong kapangyarihan, Rosh. Kailangan mo rin ng pahinga..."

"I am fine. Sa dalawang usa na lang tayo bumaba."

"Hindi. Ako ang masusunod sa paglalakbay na ito. Dadaan tayo sa tulay. Maaaring patibong iyon... pero kailangan natin sumugal. Masyado pang maaga kung magkakaroon na tayo ng engkwentro."

"Ngunit hindi iyon maiiwasan, Leticia..." dagdag ni Nikos.

"Gusto n'yo agad lumaban?"

"Iyon ang gusto nila." Tipid na sagot ni Rosh.

"Pagbibigyan natin." Pagtutuloy ni Nikos.

"I can follow Rosh's idea while..."

"Habang ano Hua? Narito lang ako sa loob?"

"Yes." Sabay-sabay na sagot nilang tatlo.

Umawang ang bibig ko sa narinig ko. "Tila iniinsulto n'yo yata ako."

Ang mga katagang binitawan ko'y tila bago sa kanilang pandinig dahil lahat sila'y lumingon sa akin sa kabila ng konsentrasyon nila sa kanilang mga dapat gawin.

"Leticia, hindi ko nais—"

Ikinumpas ko ang aking kamay upang patigilin si Hua sa kanyang pagsasalita. "Ibalik n'yo na ang inyong mga atensyon sa mga parating na kalaban. Hindi ko na nais pahabain ang usaping iyon."

Ramdam ko ang titig sa akin ni Rosh ng ilang segundo bago niya ibinalik ang kanyang mga matang nagniningas at humarap muli sa direksyon ng mga kalaban.

"Then tell us what to do... they're getting nearer..." mahinang sabi ni Rosh.

Hindi man lumilingon sa akin sina Hua at Nikos, alam kong nakikinig sila sasasabihin ko.

Huminga ako nang malalim at ilang beses na lumunok habang mas lumiliit ang bilang ng mga puting ibon.

"Ipakita natin sa kanila ang nais nila..."

"Nais nila?" tanong ni Nikos.

"Kung ako ang nasa sitwasyon nila, isa lang ang nanaisin ko..." sinadya ni Rosh binitin ang kanyang sasabihin.

"Our death..." mahinang sabi ni Hua.

"Illusion?" tanong muli ni Nikos.

Ngumisi si Rosh. "Lower guards, think deeper..."

Humawak na ako sa hamba ng bintana ng karwahe habang nagsisimula nang gumapang ang liwanag mula sa aking kamay.

Pinagkiskis ni Rosh ang dalawa niyang palad habang hindi tinatanggal ang mga mata niya sa iisang direksyon.

"Five vampires clad with their flying animals." Paalala ni Rosh.

"Another five from left..." sabi naman ni Hua.

"Lima sa kanan..." dagdag ni Nikos.

Tumango ako habang patuloy sa pagbalot ng liwanag ang karwahe.

"Nakukuha n'yo na ba ang nais ng ating diyosa?" tanong ni Rosh kina Hua at Nikos.

Hindi sumagot sina Hua at Nikos. Humalakhak lamang si Rosh sa hindi pagpansin sa kanya.

"Sampung segundo..." ani ni Nikos.

Sabay-sabay kaming bumilang sa aming mga isipan. Sa bawat pagkabawas ng minuto ay sa paglipad ng natitirang mga ibon papalayo sa aming karwahe.

"Siyam..."

Nakaranas na akong makipaglaban noon sa Deeseyadah sa pagitan ng mga diyosa, kaming dalawa ni Dastan sa Parsua Deltora, ngunit hindi ko akalain na darating ang panahon na may laban akong haharapin ay ibang grupo ang siyang kasama ko.

Umpisa pa lang ay kasama ko na si Hua sa bawat laban ko, si Nikos na siyang unang dahilan kung bakit ako natutuong lumaban at manindigan, at ngayo'y si Rosh na hanggang sa mga oras na ito'y palaisipan pa rin sa akin ang totoong misyon.

"Walo..."

Tumama ang mga mata ko sa kanya, tumango siya sa akin, maging sina Nikos at Hua ay ganoon din ang ginawa.

"Pito..."

Huminga ako nang malalim. Sa pagkakataong ito'y ibang klase ng laban ang siyang haharapin ko, isang layunin na hindi lang para sa kapakanan ng iba, kundi maging sa sarili ko.

Ang paglalakbay na ito ang magtuturo sa akin maging isang reyna... reynang lumalaban.

"Anim..."

Sabay nang kumuyom ang mga kamay ko. Nagsisimula nang gumawa ng malaking pwersa ang bawat grupo na siyang tatama sa amin upang masiguro ang isang atakeng pupulbos sa amin.

"Eh? Ang laki ng galit... sila yata'y hindi natutuwang may makisig na kawal na magagawi sa kanilang emperyo." Gumagapang na rin ang mga halamang ugat sa loob ng karwahe.

"Tatlo..."

"Apoy..." babala ni Hua.

Hindi na kailangan pang ituloy ni Nikos ang pagbilang dahil sabay-sabay na umatake ang malalaking bola ng apoy mula sa iba't ibang direksyon patungo sa amin. Ngunit kasabay niyon ay ang pagkapigtas ng taling hawak ni Nikos mula sa kahuli-huling ibon na tumatangay sa amin, ang pinakamalaking ibon na pagmamay-ari ni Rosh.

Mabilis na bumulusok pababa ang karwahe kasabay ng malakas na pagsabog sa himpapawid.

Humahalakhak si Rosh. "Mga hangal! 'Di naman kami tinamaan!" sigaw niya habang nakalabas ang katawan sa bintana at pinagmamasdan ang nag-aapoy na pinsala sa itaas, maging ako'y naroon din ang atensyon habang nililipad ng hangin ang aking mahabang buhok.

Nanatili kaming hindi gumagalaw sa loob ng karwahe sa kabila ng mabilis na pagbulusok nito dahil sa mga halamang ugat ni Rosh.

"Tayo naman..." anunsyo ko.

"Masusunod aming diyosa!"

Unti-unting lumuwag ang halamang ugat sa katawan ko at hinayaan akong lumipad ni Rosh at lumabas sa bintana. Ang liwanag mula sa katawan ko ang nanatiling koneksyon sa karwahe na hanggang ngayon ay bumubulusok sa ibaba.

Nanatili akong tila nakahiga sa ere habang nakabuka ang aking mga braso. Kung kanina'y mula sa ibon ang tali na nakakonekta sa karwahe, ngayo'y galing na sa aking mga kamay na may mga lubid na nagliliwanag.

Umigting ang pagkakahawak ko sa dalawang lubid dahilan kung bakit tumigil ang pagbulusok nila sa ibaba.

Huminga akong muli ng malalim bago ko nilagyan ng lubos na kapangyarihan ang aking pulso upang italang pabalik sa direksyon ng pagsabog ang karwahe tangay sina Rosh, Nikos at Hua.

Rinig ko ang malakas na halakhak ni Rosh nang lumampas sila sa akin at sa malaking usok na hanggang ngayon ay nagbibigay sa mga kalaban ng akalang kami'y kanilang napulbos.

Habang bumabalik sa direksyong iyon ang aming karwahe, inilabas ko na sa ere ang libo-libong punyal na nagliliwanag

Ilang segundo lang ang hinintay ko sa paghawi ng maitim na usok sa buong himpapawid dahilan kung bakit tuluyan silang nasurpresa. Ang tatlong grupo na ngayo'y nasa gitna na namin.

Ang tatlong grupo ngayo'y hindi mawari kung saan magbibigay ng atensyon, sa ibaba na may nag-aabang na libo-libong nagliliwanag na punyal o sa tatlong bampirang nasa kanilang itaas na protektadong muli ng libo-libong puting ibon tangay ang mahabang halamang ugat na pawang may tinik na tila gumagawa ng malaking sapot ng isang gagamba sa ere.

Sa himpapawid ay tatlong kulay ang siyang nangibabaw.

Mga liwanag mula sa aking punyal...

Piraso ng pulang rosas na ngayo'y umuulan...

At mga asul na apoy na nagmumula kay Nikos...

Napatulala na ako sa realisasyong nakikita mula sa mga kamay ni Nikos.

Halakhak ni Rosh ang namayani sa himpapawid. "It's an ambush, gentlemen..."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro