Chapter 6
Youtube Channel: TaiGekTou (Half Vase of Yarn)
Chapter 6
Bangin
Siguro'y ang usapin tungkol sa babaeng kanyang hinintay ang bagay na siyang hindi nais pag-usapan ng prinsipe, dahil ang mga kamay kong nakahawak sa kanya'y marahan niyang tinanggal.
"Marahil ay kailangan na natin maghanda, Leticia. Hindi ko nasisigurong ang mga ibong ito'y matagumpay tayong maikukubli mula sa mga kalaban."
Respeto ang siyang isa sa nais kong ibigay sa kanya, kaya pansin ko man ang malaking pag-iwas niya ay pinili ko na lamang hindi pahabain ang usapan.
Tumango ako sa kanya. Katulad niya'y tumanaw na ako sa labas kung saan ang mga ibon at alapaap lamang ang aking nakikita, ngunit kung gagamitan ko ito ng mga mata ng isang diyosa malinaw kong naaabot ang emperyong siyang aming nadaraanan.
Ngayong alam na namin kung saan ang partikular namin direksyon at kung ano ang paraang upang abutin iyon, hindi ko maiwasang ibigay ang atensyon kay Rosh. Pili ko man pigilan ang sarili ko.
Marahil ay ito nga'y dahil na rin sa bahid ng kanyang kapangyarihan, ngunit isa akong diyosa, malalaman ko kung ang isang bampira'y gumagamit sa akin ng kanyang kakayahan.
Ilang taon akong nasanay mag-isa at tanging sina Nikos at Hua lang ang siyang nakakausap, nagkaroon ng panandaliang pamilya sa piling ng mga Gazellian, ngunit anong klaseng presensiya mayroon ang ikalawang Prinsipe ng Deltora na ang kuryosidad ko'y hindi mapigil?
"Rosh, minsan ba'y natukso ka sa mga kadalaga—"
Kaswal na lumingon sa akin si Rosh at saglit na mas pinalaki ang kanyang mga mata na parang may narinig na hindi tama.
"Mahal na diyosa, ang mga kadalagahan ang natutukso sa akin..."
"Oh... paumanhin..."
"Apology accepted."
Umalis na ang pagtanaw niya sa labas at ngayo'y mas binigyan na niya ako ng higit na atensyon.
"Tila nais mong may higit na malaman sa akin, Leticia. Ito ba'y pagkilatis sa akin kung ako'y talagang nasa iyong panig?"
"Hindi naman sa ganoon..." pinagdaop ko ang dalawa kong palad na ngayo'y nanlalamig.
Pilit ko man itanggi, ngayo'y nakakaramdam ako ng matinding kaba. Ang paglalakbay na ito'y hindi basta-basta lalo na't magsisimula kami sa emperyong hindi nasasakupan ng kapangyarihan ng Parsua.
Wala kaming ideya ng mga nilalang na maaaring humarang o sumalubong sa amin sa sandaling pumasok na kami mismo sa kanilang hangganan.
"Kung ganoon ay nais mong malibang?"
Hindi ko alam kung tama bang hilingin kong saglit na mawala'y ang isip ko sa suliraning ilang oras lang ay kakaharapin ko na.
Hindi ako nakapagsalita ngunit nang siya'y sumandal at marahang nag-isip, nagsimula siya sa mga kwentong hindi ko akalaing ibabahagi niya sa akin.
"If you want to hear stories about Dastan and his experience with me, or Tobias. I can share you some..."
"T-Talaga? Hindi ba ito kalabisan sa 'yo, Mahal na Prinsipe?"
"Sa magaganda'y hindi kalabisan..."
Naglabas na siyang muli ng pulang rosas at marahan niya iyon pinaglandas sa ilong ko bago siya bumalik sa pagkakasandal at pinaglaruan iyon.
Ang prinsipe'y masyadong bihasa sa tipid niyang mga kilos ngunit lubos na huhuli sa puso ng isang babae.
Sumandal na rin ako at sinimulan makinig sa kanya.
"Simula pagkabata'y hindi na kami magkasundo ni Zen, higit na kabaliktaran nina Tobias at Dastan na madaling nakuha ang ugali ng isa't isa. Dahil kami iyong malalapit ang edad sa isa't isa, ang mga aming hari na mismo ang natatakda ng araw kung kailan sabay-sabay kaming nagsasanay."
Nang nasa Parsua Sartorias pa ako ay ito na agad ang napansin ko. Ibang-iba ang relasyon nina Dastan at Tobias, kumpara sa kanilang dalawa ni Zen.
"Since I was a kid, I never respected the other royalties. Tanging si ama lamang at si Haring Thaddeus, dahil naniniwala akong ang sarili ko'y sunod nang pinakamataas sa dalawa. But something happened in the past that made me respect Dastan and my brother... na sinabi kong minsan sa sarili ko na isa lang pala talaga akong prinsipe at ang dalawang iyon ay mga hari. I learned to bow with them with respect."
"Ngunit kahit ang titulong dala mo'y isang prinsipe, hindi iyon kabawasan sa pagkakakilanlan mo, Rosh..." sabat ko.
"Of course." Aniya na may pagkibit ng balikat. "Gusto mo bang marinig ang nangyari ng nakaraang sinasabi ko?"
Tumango ako.
"It happened when Zen and I had our endless fight, na hindi na namin napansin ang mabilis na pagpapatakbo ng aming mga kabayo at paghahampasan ng mga espada." Nanatili akong nakikinig sa kanya.
"Maybe you're quite curious, Tobias and I are twins. But he grew up faster than I. Marami rin nagsabi na mas nauna siyang nagkaisip sa akin. Because we possessed different powers. Ganoon ang paraan ng paglaki ng mga bampira, minsan ang kapangyarihang mayroon sa kanilang loob ang nagiging dahilan ng pagbagal ng paglaki nila. Just like Caleb, mas matanda siya kay Evan pero naunang maglakad at lumaki si Evan sa kanya."
Bigla kong naisip ang sarili ko. Nang mga panahong nasa Deeseyadah pa ako, tanging ako na lamang ang diyosa sa henerasyon ko ang ganap na hindi nagiging dalaga. Ilang taon pa ang hinintay ko at pinaghirap ko.
"Kaya labag man sa loob ko, si Zen ang siyang lagi kong nakakasama. In the eyes of the empire, kami iyong magkasabayan, habang sina Tobias at Dastan naman. Now back with the horse chase..." inilahad na ni Rosh ang kanyang kamay.
"Hindi ba't may kakayahan ang mga diyosang pumasok sa isipan ng isang nilalang kung pauunlakan siya nito? Hindi ko na nais isasalita pa... maaari mo siyang matunghayan sa sarili mong mga mata."
Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko. Si Rosh ang prinsipe na marunong magbasa ng sitwasyon, alam kong nararamdaman niya ang kaba at tensyon sa buong presesiya ko at ngayo'y handa siyang ibahagi ang parte ng nakaraan niyang nasisiguro kong hindi niya nais pang ibahagi sa iba para lamang mabawasan ang kaba sa dibdib ko.
"S-Salamat..."
Nang sandaling lumapat ang palad ko sa kanya, sinalubong ako ng dalawang batang prinsipe na ngayon nga'y nangangabayo sa gitna ng kagubatan.
"Sinabotahe mo ang aking takdang aralin kay maestro, Le'Vamuievos!" sigaw ni Zen na pilit hinahampas ng espada si Rosh.
"Isa kang hangal, Gazellian! Bakit hindi mo tanggapin na ika'y mahina sa aralin? Ako pa ang sinisisi mo sa mababa mong marka! Inutil!" sagot sa kanya ni Rosh habang nakasakay sa puting kabayo.
Hindi natigil sa pagbabatuhan ng salita ang dalawa dahilan kung bakit hindi nila napansin iyong pagsunod ng dalawa nilang kapatid mula sa likuran.
"Tobias, nakalalayo na sila... hindi maganda ang pinatutunguhan nila..." ani ni Dastan na napupuno ng pawis.
Hindi ko maiwasang subukang hawakan si Dastan ngunit tumagos lang ang kamay ko.
Sinubukang gamitin ni Tobias ang kanyang kapangyarihan upang abutin ang dalawang prinsipe ngunit walang nangyari.
"Nanghihina na... malapit na tayo sa hangganan ng bangin ng kasalanan. Mga pasaway talaga!"
Nagpatuloy ang habulan ng apat na kabayo, ilang beses tumawag sina Tobias at Dastan upang agawin ang atensyon ng dalawa ngunit wala iyong nagawa. Nang sandaling tumawid na ang kanilang mga kabayo mula sa isang malaking tumbang puno, kapwa mariin napapikit sina Dastan at Tobias na tila may masama nang mangyayari.
"Rosh!"
"Zen!"
Magkasunod na tawag nila sa kanilang mga kapatid, ngunit ang pagtawag na iyon ay huli na dahil naabot na ng dalawang batang bampira ang bangin na siyang kinatatakutan nina Tobias at Dastan.
Kapwa na tumalon sina Tobias at Dastan mula sa kanilang mga kabayo upang maabot ang dalawang batang bampira na ngayo'y kasalukuyan nang nahuhulog sa bangin.
"D-Dastan!" sigaw ko na parang maririnig niya ang boses ko.
Tila naroon ako mismo sa eksena dahil sa bilis ng pintig ng puso ko. Iniwas ko ang aking mga mata sa takot na makita ang trahedya, nanatili akong ganoon hanggang sa marinig ko ang sunud-sunod na mura nina Dastan at Tobias.
"Anong kalokohan na naman ang pinaggagawa n'yong dalawa? Hindi n'yo ba nalalaman ang lugar na 'to?! Fucking climb up!" sigaw ni Dastan.
Nagsimula akong humakbang patungo sa dulo ng bangin at nanlaki ang mga mata ko nang makita ang apat na nakasabit sa isang sanga ng puno.
Si Dastan ang siyang nasa dulo na nakakapit sa sanga, ang isang kamay niyang nakahawak sa kamay ni Tobias habang si Tobias ay nakahawak kay Rosh at si Zen na nakahawak sa paa ni Rosh.
"My horse..." tila naiiyak na sabi ni Rosh na nakatingin sa baba ng bangin at hindi sa bampirang nakahawak sa kanyang paa.
"This is your fault, Zen!" iginalaw niya pa ang kanyang paa.
"Stop moving, you idiot!" reklamo ni Zen.
"Your horse!" sabay na sigaw nina Tobias at Dastan.
"That is a white horse! No way... this is a nightmare..." umiiling na sabi ni Rosh.
"Mahuhulog na tayo iyan pa ang nasa isip mo! We can't use our powers! Bilisan n'yo! This is a sinner's place." Sabi ni Tobias.
"Climb up, first, Zen." Utos ni Dastan na halos maligo na sa kanyang pawis. Ilang beses siyang sumulyap sa kanyang kamay na nagsisimula nang magdugo dahil sa mahigpit na pagkakahawak.
"Ako muna!" sigaw ni Rosh.
"Si Zen muna, Rosh. Siya iyong nasa baba." Utos ni Tobias.
"Alright! Don't move, Rosh! I'll climb up!" sigaw ni Zen.
Nagsimula nang umakyat si Zen mula sa binti ni Rosh patungo sa likuran nito hanggang sa balikat.
"Hurry up, Gazellian."
"Shut up, Le'Vamuievos!"
"Stop it! Ano ba kayong dalawa?" iritadong sabi ni Tobias.
Kunot noong nagpatuloy sa pag-akyat si Zen.
"Good... good, brother. Faster..." alalay ni Dastan habang pinapanuod ang pag-akyat ni Zen.
Nang makarating na si Zen sa katawan ni Tobias, pilit nang ngumiti sa kanya si Dastan na halata nang hirap na hirap. "It's okay... now wait for me there. Susunod ako..."
"Sorry, Dastan..." bulong ni Zen nang sa katawan na ni Dastan siya dumaan. Sunod na umakyat si Rosh, ngunit ang bawat galaw niya ay sa pagbaba ng sangang hawak ni Dastan.
"This is not good..." bulong ni Dastan.
"I will help! Give me your hand, Dastan!" pilit inilahad ni Zen ang kamay niya habang hinihintay niyang makaahon ang tatlo.
"Stay right there, Zen!" malakas na sigaw sa kanya ni Dastan.
Nang muling gumalaw ang sanga ay sabay nang napamura sina Dastan at Tobias, kapwa na sila nakatingin doon sa sang ana anumang segundo ay bibigay na.
"Tobias..." tawag sa kanya ni Dastan.
Nang nagtama ang kanilang mga mata, kapwa sila tumango sa isa't isa. Nakita ko kung paano huminga nang malalim ng sabay ang dalawang binatang bampira, bago kapwa dumiin ang pagkakahawak ng kanilang mga kamay.
Maging ang mga kamay kong magkadaop ay kapwa na rin dumiin sa pinapanuod kong eksena.
Dahil buong lakas itinuon ni Dastan ang kanyang binti sa gilid ng bangin kasabay nang pagbitaw niya sa sanga at buong pwersa niyang inihagis ang katawan ni Tobias na may iisang paraan. Iyon ay ihagis pataas si Rosh.
"T-Tobias..." nanlalaking mga matang sabi ni Rosh habang nakalutang ang kanyang katawan sa ere.
Sabay natulala sina Zen at Rosh habang nakikita ang kanilang mga kapatid na kasalukuyan nang bumubulusok sa bangin.
"Sabihin n'yo kina ama ang nangyari! We can wait!" sigaw ni Tobias.
Ngunit tila hindi iyon narinig ng dalawang batang prinsipe, dahil sa sandaling lumapat ang katawan ni Rosh sa lupa, kasabay niyang tumalon sa bangin ang prinsipe ng mga nyebe.
"Dastan!"
"Tobias!"
Nakalahad ang mga kamay ng dalawang batang bampira sa kanilang mga kapatid na parang may magagawa iyon.
Silang apat ay kasalukuyan nang bumabagsak. Dapat ay pangamba ang siyang nararamdaman ko, ngunit sa pagkakataong ito, hindi ko napigilan ang sarili kong matawa.
"Fucking idiots!" sigaw nina Tobias at Dastan.
Walang nagawa ang dalawang binatang prinsipe kundi saluhin ang kanilang mga pasaway na kapatid habang kapwa sila bumubulusok sa lupa.
"Why the hell did we save these idiots, Tobias?"
"I don't know... hindi ko na alam."
"My horse! I'm coming!"
"The fuck, Rosh!" naiiling na sabi ni Tobias.
Sabay niyakap nina Tobias at Dastan ang maliit na katawan ng kanilang mga kapatid bago nila hinayaang bumagsak ang kanilang mga katawan.
Tumagal ng ilang minuto ang kanilang pagbulusok, hanggang sa makaaninag na sila ng lupa. Kapwa nila inutusan sina Zen at Rosh na sumakay sa kanilang likuran dahil gagawa ng maayos na paglapag ang dalawang binatang bampira.
Muling nabalot ng kaba ng dibdib ko. Sila na mismo ang nagsabing walang bisa ang kanilang kapanyarihan sa lugar na iyon, ibig sabihin ang tanging mayroon lamang sa kanila ay ang pisikal na lakas ng isang bampira.
Habang papalapit sila sa lupa, kita ko ang matinding konsentrasyon nina Dastan at Tobias, at nang sandaling halos ilang dipa na lang ang agwat, agad nilang binago ang kanilang posisyon.
Isang malakas na pagbagsak ang tinanggap ng lupa dahil sa pagbaba ng apat na bampira, napuno ng usok ang buong kapaligiran dahil sa tindi ng pwersang dala nina Dastan at Tobias.
Nang naglinaw ang usok, ang dalawang bampirang nakaluhod sa lupa ay kapwa rin natumba.
"Dastan!"
"Tobias!"
Magkasabay na batok ang tinanggap ng dalawang batang bampira sa kanilang mga kapatid.
"Don't do that again, Zen!"
"You're an idiot, Rosh!"
Halakhak si Rosh ang pumutol sa pinapanuod ko.
"What do you think happened next?"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro