Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 47

Chapter 47

Mga prinsipe

Mga aninong nakaguhit, sa kisap mata'y tila imahe'y dalawa

Landas na nagsimula sa linaw, sa katapusa'y itim na dala'y hapdi

Mata at puso'y magkasalungat sa likod ng itim na mga ulap

Hiningang naupos kasabay ng pag-ibig na naudlot...

Matapos naming makarating sa lupa'y hindi na nag-aksaya pa ng oras ang lahat. Madali lang namin ipinakilala si Iris na mabilis nakapalagayan ng loob nina Kalla at Claret.

Hindi rin nagtagal ang pagtatalo nina Rosh at Zen dahil kapwa na ang mga ito nakatitig sa bugtong na iniwan ng munting prinsesa. Kanina ko pang napapansin na nais akong kausapin nina Rosh at Hua ng pribado dahil sa bagay na ito.

May isa pang bugtong na natitira at wala na si Divina upang basahin iyon. Ngunit hindi namin maaaring pagtagpuin si Divina at ang kanyang mga magulang sa panahong ito. Ang pagkikita nina Caleb at Divina ay isa nang malaking pagkakamali at maaaring maging mitya ng pagbabago sa hinaharap, ano pa ang maaaring mangyari kung sarili niyang mga magulang ang makasama niya sa panahong ito?

Masyado na kaming maraming naapektuhan. Pansin ko na maging si Kalla'y tila nababasa na rin ang aking pangamba.

Habang ipinakikita ko sa kanila ang unang relikya, si Rosh ang siyang nagpaliwanag kina Zen, Claret, Kalla, Harper at si Caleb ng lahat ng pinagdaanan namin at nadiskubre, tanging si Divina lamang ang wala roon at si Desmond.

"The only question is... who manipulated you?" tanong ni Zen.

"Tatiana again or another goddess? Inakala nilang kung wala ka sa Parsua Sartorias ay mas madali nilang magagawa ang gusto nilang gawin sa 'yo. But Dastan used it as an opportunity to divert their pawns' attention. Ang mga sunud-sunuran sa kanyang emperyo... dahil hindi magagawa ng mga diyosang malayang makagalaw rito sa lupa, hindi ba?" konklusyon ni Harper.

Pinili ko na lamang hindi magkumento. May isa pa akong nakikilalang maaaring magmanipula sa akin, at siya ang unang pumasok sa isip ko nang sandaling nakasaksak na ang punyal kay Dastan.

Si Reyna Talisha.

Ako at si Dastan lamang ang tanging nakakaaalam ng katotohanan tungkol sa pagkamatay ni Haring Thaddeus, na ang haring kinikilala ng lahat sa kasaysayan ng mga bampira'y nalagutan ng hininga sa sariling kamay ng babaeng kanyang minamahal.

Si Dastan ay kailanman ay hindi isisiwalat ang katotohanang iyon... ngunit ako...

"Hindi ko na nais malaman pa." Tipid kong kasagutan.

Nang makita ng lahat na hindi ko na iyon nais pag-usapan pa, ibinigay nilang muli ang atensyon sa bugtong.

Mga aninong nakaguhit, sa kisap mata'y tila imahe'y dalawa

Landas na nagsimula sa linaw, sa katapusa'y itim na dala'y hapdi

Mata at puso'y magkasalungat sa likod ng itim na mga ulap

Hiningang naupos kasabay ng pag-ibig na naudlot...

Inulit ni Iris basahin ang bugtong.

"The line means deception." Kumbinsidong sabi ni Kalla.

"Pumasok sa isip namin na ikaw ang nais ipahiwatig ng linyang iyan, Kalla. You have two images." Ani ni Rosh.

"But hers isn't deception, Prince Rosh. Kalla and her bird form isn't a way of deceiving... it's a symbolism." Sagot naman ni Harper.

"Guhit? It's Naha..."

"Pumasok na rin iyan sa usapan namin, pero hindi namin magawang hanapan ng koneksyon ang ikalawang linya." Sagot muli ni Rosh.

"How about you, Claret?" tanong ni Zen.

"Paano kung hindi naman sina Kalla o Naha ang nais iparating ng unang linya? Sa unang bugtong na ibinigay n'yo sa amin, hindi lang ang mga itinakda sa bawat Gazellian ang nilalang na ipinahihiwatig, hindi ba?" sinulyapan ako ni Claret.

"Ang mga tagabantay..." usal ko.

"So, the first line is the guardian." Ani ni Lucas.

"Sino sa mga naupo sa pitong trono ang nais ipahiwatig ng unang linya?" umiiling na sabi ni Caleb.

Sumulyap si Zen kay Claret. "Isa lang ang nilalang na nakikilala kong kayang gumawa ng mga imahe sa anino..."

"And they meant to deceive... that is their nature." Dagdag ni Kalla.

"Holy shit. The Demons..." napahilamos sa kanyang sarili si Caleb.

"Ang mga demonyo'y kailanman ay hindi magagawang makadaan sa anino na hindi ipinakikita ang kanilang tunay na anyo. Their horns are visible in the shadows... ngunit sa sandaling makadaan sila roon, nagagawa nilang gumawa ng bagong imahe..." paliwanag ni Iris.

"The next guardian is a demon." Sabi ni Lucas na may diin.

"Landas na nagsimula sa linaw, sa katapusa'y itim na dala'y hapdi..." lahat sila'y tumingin sa akin nang banggitin ko ang ikalawang linya. Hindi na namin kailangang pahabain ba ang usapan sa linyang ito.

"Luha... ang luha'y malinaw pa habang nasa mga mata pa lamang, ngunit kapag naglandas na ito sa mukha... nagkakaroon na ito ng kulay, minsan itim, kulay ng dugo... depende sa sitwasyon ng lumuluha... ngunit karamihan sa luha'y may dalang sakit... hapdi... hawak ng demonyong tagabantay ang relikya nina Evan at Naha."

Sila naman ngayon ang natulala sa mga sinabi ko.

"Iris..." binasa na niya ang huling dalawang linya.

Mata at puso'y magkasalungat sa likod ng itim na mga ulap

Hiningang naupos kasabay ng pag-ibig na naudlot...

"These two lines confirmed everything. The third line is the kingdom of demons, and the third line is their broken love." Mahinang sabi ni Rosh.

"We need to enter their realm." Sumulyap si Harper sa dalawa nilang kapatid. "Wala pang akong nababalitaan na may bampirang pumasok sa mundo nila."

"I did." Tipid na sagot ni Rosh. "And I know someone who has the access."

"Seth." Sabay na sagot nina Caleb at Zen.

"The thirteenth Prince of Parsua Avalon. Ang nag-iisang may koneksyon sa lahi ng mga demonyo. It's just very ironic for his warm character... na may ganoon siyang dugo." Tipid na ngumiti si Claret.

"Didn't know that we'll have this kind of..." iritadong sumulyap si Zen kay Rosh.

"Should I call Blair, then? Para kumpleto na rin tayo." Sarkastikong sabi ni Rosh.

Umikot ang mga mata ni Claret.

"How do we call him?" tanong ni Caleb.

Nang sulyapan ko sina Hua at Nikos, nanatili silang nakadistansya sa mga Gazellian. Hinayaan ko na lamang sila dahil alam kong may mga sarili silang dahilan, si Nikos na hanggang ngayon ay nahihirapan pa rin gumawa ng hakbang upang magkaroon ng komunikasyon kay Naha, at si Hua na batid ko ang galit sa magkakapatid.

Siya ang naging saksi ng paghihirap ko at hindi ko siya masisisi na ibunton niya ang galit sa magkakapatid, na siyang ginawa ko rin at hanggang ngayon sa sulok ng aking puso'y nagdadamdam pa rin.

"I will call him." Si Rosh ay tipid lamang sumipol sa hangin. Hindi nagtagal ay may maliit na ibon na siyang dumapo sa kanyang balikat. Ilang minuto lamang humapon sa kanya ang ibon bago ito lumipad nang mabilis sa ere habang habol ng tanaw ng aming mga mata.

"Paano iyon makakarating sa Avalon ng mabilis?" tanong ni Caleb.

Pinagkrus ni Rosh ang kanyang mga braso. "Idiot, Caleb. Of course, the bird will communicate with other birds, to pass the message most quickly. If there will be a delay, it is not my fault anymore. Mabagal nang lumipad si Seth patungo rito."

"Don't idiot me, Rosh."

"Should I call you wise, then?" tumaas na ang kilay ni Rosh.

Umiling si Zen. "Idiots..."

Sabay napabuntong hininga sina Claret, Harper at Kalla, sinimulan na nilang pumagitna sa tatlong prinsipe. Iyon ang siyang ginawa kong pagkakataon para makausap ng pribado sina Hua, Nikos at Iris. Si Lucas ay piniling magpaiwan para hindi makahalata ang mga bagong dating sa aming grupo.

"Paano n'yo naibalik si Divina?"

"She's already safe, Leticia. Ibinalik na namin siya sa sarili niyang panahon. I used my power. Nangako si Rosh sa munting prinsesa na ililigtas niya ito... ang ikalawang prinsipe sa panahong iyon."

Sumulyap ako kay Rosh nang sabihin iyon ni Hua. Tipid akong ngumiti. "Nasisiguro kong gagawin niya iyon..."

"Ngunit paano ang ikatlong bugtong? Si Divina lamang ang nakahahawak ng punyal. Baka matigil ang paglalakbay na ito na wala ang tulong niya..." nag-aalalang sabi ni Nikos.

"Iyan din ang nasa isip ko... ngunit siguro'y sinadya ng tadhana na isa si Kalla sa kasama natin sa paglalakbay na ito. Ang kanyang relikya ang huli... ang itinuturo ng bugtong ngayon ay ang kwintas ni Naha." Paliwanag ko.

"This journey is too complicated. Hindi maaaring malaman ng bawat isa ang galaw at pinagdaanan ng lahat. It will ruin the future." Naiiling na sabi ni Iris.

"May isang paraan upang mapanatiling maayos ang lahat. Memories... dapat mawala ang lahat ng memorya nila o kaya natin nang sandaling dukutin ang munting prinsesa..." suhestiyon ni Nikos.

Pumasok din iyon sa isip ko.

"Memorya... iisa lang ang nakikilala kong may kakayahang manipulahin ang memorya at hindi ko alam kung masasabi kong matutulungan niya tayo sa pagkakataong ito..."

Hanggang ngayon ay bugtong pa rin sa akin ang ipinaglalaban ni Reyna Talisha.

Hindi na kami umalis sa lugar namin habang hinihintay namin si Seth. Pamilyar na ako sa kanya, minsan ay nagtungo na siya sa palasyo ng Parsua Sartorias na may dalang regalo para sa amin ni Dastan nang akalain ng lahat na nagawa na naming mag-isa ng kanilang hari.

Nanatili akong nasa malayo habang pinagmamasdan sa malayo ang patuloy na pagtatalo nina Caleb, Zen at Rosh.

Ang paglalakbay na ito'y tungkol sa akin, sa mga diyosa sa Deeseyadah at ang diyosa ng mga alaala na si Reyna Talisha... habang pinagmamasdan ko sina Zen at Rosh, napapaisip ako kung ano naman kaya ang hatid na kwento ng Diyosa ng Asul na apoy?

Ang pinaka malakas na diyosa'y walang katapusang pag-ibig at sakripisyo...

Ang diyosa ng mga alaala, si Reyna Talisha'y pag-ibig din, kamatayan at masakit na panlilinlang...

Habang ako'y pag-ibig at walang katapusang labanan...

Anong klaseng sakit kaya ang iniinda niya na hanggang ngayonay pinipili niyang maging tahimik? Siya kaya'y umibig din katulad namin?

Napagod na rin sa pagsaway sa kanila sina Claret, Harper at Kalla. Tumabi na silang tatlo sa amin ni Iris habang kapwa namin hinihintay si Seth.

"This is my first time... hindi ko akalain na hahayaan ako ni kamahalan na sumama sa paglalakbay na ito. They always want me to lock inside the kingdom, si Lily lagi ang nais nilang lumabas at lumaban. I shouldn't let him down."

"Harper... hindi dahil hindi ka pinalalabas ni kamahalan ay wala na siyang tiwala sa 'yo. Hindi ka lang niya nais mahirapan... hanggang ngayon ay tila isang babasaging prinsesa pa rin ang tingin niya sa 'yo." Ani ni Claret.

"And I am waiting for him to see me as a metal someday... katulad ni Lily."

"He will never see you like that, even Lily." Dagdag ni Kalla.

"Sa tingin n'yo... paano ako nakikita ni Dastan? Isang metal din ba?" pagsingit ko sa usapan nila. Bigla silang natahimik sa sinabi ko.

"L-Leticia... Dastan loves you—"

"Alam ko... ang sakit. Ang sakit lang magmahal ng kapatid mo, Harper."

Inilahad ko na ang kamay ko sa ere nang may maramdaman na akong pamilyar na presensiya. Katulad ko'y ganoon na rin ang ginawa ng mga babaeng kasama ko.

Umuulan.

Umuulan ng itim na balahibo.

"Seth is here!" sigaw ni Rosh.

Tumayo na kaming mga babae at kapwa tumanaw sa kalangitan. Maliwanag ang buwan, ngunit may bahid ng manipis na ulap.

Sina Rosh, Zen at Caleb ay tumingin na rin sa itaas. Si Iris ay nanatili sa ilalim ng puno, ganoon din si Lucas na nakasandal lamang at sina Hua at Nikos na hindi iniwan ang karwahe.

Napasipol si Caleb.

"Seems like we are creating a huge team..." ngising sabi ni Rosh.

"Nagdilang anghel ka yata, Le'Vamuievos." Nakapamaywang na sabi ni Zen.

"Dilang bampira, Gazellian."

"Sinundo niya rin si Blair." Usal ni Harper.

Sa himpapawid ay namayani ang malakas na pagaspas ng itim na pakpak ni Seth, ang isa sa itinakdang bampira ng asul na apoy habang ang ilang hibla ng kanyang balahibo'y humahalina sa kalawakan ng kagubatan. Ngunit tila may dala pang supresa ang bagong dating dahil sa kumikislap na manipis na sinulid na tila nakayakap sa kanyang katawan na konektado sa isa pang binata.

Prenteng nakakuyom ang mga kamay ng ikalawang binata sa manipis na hibla ng sinulid na tila imposible siyang madulas roon.

"Blair!" nakangiting sabi ni Claret.

Bago pa man makalapag sa lupa ang dalawang binata ay nakatanggap sila ng atake mula sa matutulis na pana na gawa sa yelo, dahilan kung bakit bigla na silang tumalon kahit hindi pa sila ganoong kalapit sa lupa.

Malakas na pwersa ang tumama sa lupa dahilan kung bakit kami nabalot ng usok. Wala sa sarili kong tinakpan ng braso ang aking mga mata dahil sa hanging tumatama sa aking mukha.

"What a good welcome, Gazellian." Usal ng unang anino sa usok habang pinapagpagan ang dalawang kamay.

"Do you still need me here, Seth?" ani ng isa pang anino.

Nang sandaling mawala ang usok mula sa alikabok, inilahad sa aming harapan ang dalawang matikas na prinsipe na tila magkatalikuran sa isa't isa.

"They practiced the entrance! The fuckers are trying to imitate me." Angil ni Rosh.

Humakbang na ako papalapit sa unahan upang makuha ang atensyon ng dalawang prinsipe. Handa na akong ipakilala ang sarili ko at pormal na hingin ang tulong nila, ngunit naunahan nila ako.

Kapwa sila yumuko sa harapan ako habang ang isang kamay ay nanatili sa likuran at ang isa'y sa dibdib, pormal na pagbati ng mga prinsipe.

"Blairrient Phoenix Thundilior from Parsua Trafadore. Let my strings guide us back into this world, Goddess of the Moon."

"Seth Theodore Viardellon from Parsua Avalon, allow my birthright, my blood do something for the future Queen..."

Dati'y sina Hua, Nikos at Rosh lamang ang yumuyuko sa akin at kinikilala akong reyna, ngunit nang sina Zen at Rosh naman ang sabay na humakbang at kapwa pumantay sa dalawang prinsipe at yumuko rin sa akin, alam kong sa mga oras na iyon... ang papasukin naming mundo'y hindi basta-basta.

Dahil ipinadala na ng Diyosa ng asul na apoy ang kanyang apat na alas.

Ang apat sa limang itinakdang bampira sa propesiya. 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro