Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 46

Chapter 46

Bagong grupo

Nang sandaling itakbo ako nina Rosh, Hua at Nikos, hindi ko akalain na may mga Gazellian na sasama sa aming paglalakbay.

Hindi na ako nagulat nang hindi magtagal si Caleb at magpaalam. Ang magkakapatid na Gazellian ay isinilang upang manatili sa piling ng bawat isa at ang kanilang katapatan ay laging nasa bawat isa.

Ang nangyari sa pagitan namin ni Dastan, na punung-puno ng manipulasyon at walang katapusang sakitan sa isa't isa ang higit na magtutulak sa magkakapatid na huwag iwanan ang kanilang hari. Ang haring ipinakilala at itinatak na sa kanilang mga puso simula nang sila'y nabuhay.

Sa sandaling marinig nila ang salitang hari o kaya'y pinuno, isang pangalan lang ang papasok sa isip nila, ang kapatid nila, ang panganay, ang pinakamakapangyarihan at matalino sa lahat, Haring Dastan Lancelot Gazellian.

Sa lahat ng pinagdaanan ko, mga nasaksihan, mga salitang narinig at sakripisyong hanggang ngayon ay hindi mapaniwalaan, hanggang ngayon ay hindi pa rin mapantayan niyon ang paghanga ko sa katapatan ng magkakapatid sa isa't isa.

Na ang pagmamahal na kaya kong ibigay kay Dastan... ay kayang-kaya rin ibigay ng mga kapatid niya.

Lagay na ang sarili ko na sa gitna ng nalalapit na pangmalakihang digmaan, walang Gazellian ang aalis sa tabi ni Dastan. Ang magkakapatid na iyon ay nabuhay at namanata sa isa't isa na kailanman ay mananatili sa tabi ng bawat isa. Ngunit ngayon... Sina Zen, Caleb at Harper ay piniling humiwalay hindi lang para sa hari, kundi para rin sa akin.

Hindi ko itatangging hanggang ngayon ay may malaking hinanakit pa rin ako sa kanila, lalo na't hinayaan nila si Dastan sa lahat ng mga plano nito, ngunit sa sulok ng aking puso'y may nagsisimula nang magpasalamat.

Nakakaramdam na ako ng pagod at panghihina, kawala ng pag-asa... ngunit nang malaman kong handa na silang sumama... dala'y hindi lang sa hari ang katapatan, kundi pati na rin sa akin, sagli na gumaan ang pakiramdam ko.

Ngunit kung dati'y mas malapit ako sa kanila, madalas ngumiti na tila isang diyosang walang problema, ngayon ay mas pinili kong dumistansya sa kanila.

Kasalukuyan kaming nasa himpapawid, nakaupo ako at nakayakap sa aking mga binti habang tanaw ang kawalan. Ang tatlong Gazellian ay nirespeto ang kagustuhan ko at binigyan ako ng distansya, nanatili silang nasa hulihang parte ng malaking ibon, habang sina Claret at Kalla ay nagpapakiramdaman kung sino ang unang kakausap sa akin.

Hinayaan kong sumayaw ang mahaba kong buhok sa hangin habang pilit na dinadama ang batang nasa sinapupunan ko. Tumulo ang traydor na luha mula sa aking mga mata.

Naghahalo na ang saya at sakit sa puso ko, saya sa kaalamang may bata sa sinapupunan ko na masasabi kong akin at mamahalin ako, at sakit dahil sa sitwasyong sinasapit naming mag-ina.

Pinapatay namin ang isa't isa, nag-aagawan kami sa iisang buhay na ipinagkait ibigay sa amin ng kanyang sariling ama. Ang bawat pagsuka ko ng dugo ay indikasyon na malakas ang anak ko, lumalaban at nais mabuhay. Kung sana'y matuturuan ko lamang ang sarili kong katawan na ipaubaya sa kanya ang lahat.

Isinubsob ko ang sarili ko sa aking mga tuhod at pilit kong niyakap ang sarili ko. Ipit na ipit na ako sa sitwasyon, gusto ko nang bumalik sa palasyo, yakapin ang puno at ibigay ang buhay na nararapat sa anak ko, ngunit nais ko pa rin manatili sa mundong ito, maranasang mahalin siya at pangalagaan, at ipagpatuloy ipaglaban ang mundong pinangakuan ko ng kaayusan.

Ang maging diyosa... ang kapangyarihan ng buwan, ang pagiging reyna at maging ang isa ina sa iisang pagkakataon ay hindi ko akalain na ganito kahirap.

Iyong galit ko kay Dastan, ramdam na ramdam ko pa rin, nais ko siyang saktan nang paulit-ulit, gusto kong gamitin ang mga punyal ko sa kanya at sumbatan siya ng walang katapusan. Ngunit... itong mga braso kong nakayakap sa akin, hinihiling ko na sana'y sa kanya.

"L-Leticia..." si Kalla ang siyang unang nagkaroon ng lakas ng loob sa kanilang dalawa.

Hindi ako kumibo o binigyan ng indikasyon ang dalawa na magpatuloy, ngunit ng mga oras na iyon, buo na ang loob nilang dalawa na kausapin ako.

Naupo sila sa magkabila ko habang nanatili akong nakasubsob sa aking tuhod.

"Alam naming hindi nararapat sa aming lahat ang mabilis na kapatawaran..." panimula ni Claret.

"Ngunit nais naming malaman mo na ang laban mo, ang laban ng hari ay laban din naming lahat..." dagdag ni Kalla. Humigpit lamang ang pagkakayakap ko sa aking sarili.

Nais ko sanang manatiling tahimik at hindi na sila pansinin, ngunit sasayangin ko ang nalalabing oras na payapa pa ang paglalakbay namin.

"Sa paglalakbay ko... galit ang nabuo sa puso ko, galit sa kinikilala n'yong hari. Galit sa inyong lahat. Pinadama n'yo sa akin na tinalikuran ako... na iilan na lang ang naniniwala sa akin. Mga naniniwala na may kani-kanilang din matataas na sinusunod. Habang naglalakbay ako... para akong nag-iisa at unti-unting pinapatay."

"L-Leticia..." usal ni Claret.

Nag-angat na ako ng tingin sa kanya at ang mga mata ko ay nanunumbat, ganoon din ang ibinigay ko kay Kalla. Naroon siya nang nagtungo ako kay Dastan at narinig ko ang pag-uusap nila ni Alanis.

Kung hindi galing kay Dastan ang bata sa sinapupunan ni Alanis, bakit ganoon na lang ang pag-aalaga niya sa kanya? Bakit labis ang pag-aalala ng mga Gazellian sa kanya?

"Si Alanis... ang mga nakita ko... ang mga narinig ko. Paulit-ulit kong narinig kung paano halos magmakaawa si Dastan kay Alanis para gawin ulit— sinabi niyang kailangan niya ulit ang babaeng iyon--"

Nakagat ni Kalla ang kanyang pang-ibabang labi.

"King Dastan is using her for—"

Lumaglag ang balikat ko. Kung ganoon ay may nangyayari nga?

Nang makita ni Claret ang reaksyon ko ay marahas siyang umiling sa akin at hinawakan niya ang aking mga kamay.

"M-Mali ang iniisip mo, Leticia. King Dastan is using her to hide you, to whisk you away from the empire's attention, to protect you and the child..." halos hindi maipinta ang mukha ko sa narinig ko.

Dapat ay maging masaya ako. Hindi sa kanya galing ang bata at pinuprotektahan niya ako, pero ang malamang ang paraang ginawa ni Haring Thaddeus ay ginawa rin ni Dastan.

"Ako, si Kalla... at ang lahat ng babae sa palasyo'y pilit na tumutol, Leticia. Alanis is a good person. She and her child does not deserve the pain. I've witnessed the same situation, hindi man sa akin nangyari ngunit tila sarili ko iyong bangungot. Danna and Desmond are enough... but Alanis... her love for our King is unbeatable that she's willing to brandish herself in the spotlight while you were in shadows." Mahabang eksplanasyon ni Claret.

"P-Paano niya nagawang ulitin ang pagkakamaling ginawa ng sarili niyang ama? Hindi niya ba nakita ang paghihirap nina Desmond at Danna? Hindi niya ba nalalaman na hanggang ngayon ay walang buhay ang biktima ng sakripisyong ginawa ng kanyang ama?!" sigaw ko. Wala na akong pakielam kung marinig iyon ng tatlong Gazellian na nasa likuran.

"That's the biggest flaw of the Gazellians, when it comes to their mates... they tend to become selfish. Sobrang makasarili na wala na silang makita kundi ikaw." Mahinang sabi ni Claret.

Napatitig ako sa mga palad ko na kasalukuyang nangangatal. Tila nakulangan iyon sa lahat ng sampal na ipinadama ko sa kanya, nais kong isampal si Alanis at ang kanyang anak, ang lahat ng pagiging makasarili niya at maging ang walang katapusan niyang pag-idolo sa kanyang ama, na hindi na naiisip ang mga nilalang na masasaktan sa kanyang bawat desisyon.

"Your child is emitting too much power, Leticia. At isa lang ang kilala nilang maaaring maglabas ng ganoong kapangyarihan, anak ng hari... anak ng haring pinaghihinalaan ng lahat na nagtataglay rin ng malakas na kapangyarihan." Pagtutuloy ni Kalla.

Mapait akong napangiti sa sinabi niya. "Ramdam na pala ng lahat... ipinadadama na pala ng anak ko ang presensiya niya, ngunit ako na sarili niyang ina'y hindi siya maramdaman..."

"You are both a fighter. Pareho kayong nais mabuhay sa kabila ng komplikasyon n'yo." Pampalubag loob sa akin ni Claret.

"Dastan used Alanis and her pregnancy to divert everyone's attention. Dahilan kung bakit inakala ng lahat na ang kapangyarihang nararamdaman ng lahat ay galing sa kanya... maniwala ka sa amin... pilit kaming tumutol, pilit kaming nanlaban. But Dastan and Alanis were determined." Huminga nang malalim si Kalla.

"At alam natin lahat kung bakit iyon ginagawa ni Alanis..."

"Another Danna..." mahinang sabi ni Claret.

"Si Alanis ay madalas kasama ni Dastan sa bawat pagpupulong... araw, gabi... ipinakikita niyang siya ang babaeng nagdadala ng kanyang anak sa kanyang sinapupunan." Hindi na magawang tumingin sa akin ni Kalla.

Ibig sabihin ang narinig kong usapan nina Dastan at Alanis ng mga oras na iyon ay hindi tulad ng iniisip ko.

"Ang araw na iyon..." muli kong sinalubong ang mga mat ani Kalla.

Tumango siya. "Alanis will never decline his favor... sumama siya sa bawat pagpupulong, sa lahat..."

"And the only thing we could do is to vow at her and to all her sacrifices. Nangako kami kay Alanis... na puprotektahan namin siyang mga Gazellian hanggang sa kahuli-hulihan naming hininga..." si Zen ay humakbang na papalapit sa amin.

Ito ang dahilan kung bakit labis ang proteksyon nila kay Alanis. Dahil ginagawa ni Alanis ang lahat, ang kapahamakan at posibleng atake sa kanya na dapat ay sa akin at sa anak ko.

"You are wrong. This time is different." Lumapit na rin sa akin si Harper at halos lumuhod siya sa harapan ko.

"During our father's ere... King Tiffon was absent, he was fighting alone. Walang kapatid na masasandalan si Amang Hari noon, he was alone. Pero si Dastan... ang Haring ngayon ay ipinaglalaban namin, hindi siya nag-iisa, Leticia. He is not fighting alone. Narito kaming mga kapatid niya at may mga kaibigan siya... malaking kakulangan na mayroon si ama noon. Our father made sure that Dastan will not fight alone... na wala nang Danna ang hindi mapuprotektahan... ang mga kapatid kong naiwan sa palasyo... mamamatay silang pinuprotektahan si Dastan at si Alanis at ang anak niya..." mahabang paliwanag ni Harper na nagpatulala sa akin.

"Dastan have us. Dastan have the Le'Vemuievos siblings, the Viardellons, the Thundiliors... na hindi lang mga tagasunod ang tingin niya... na hindi lang hari ang tingin sa kanya. Dastan considered them as friends...family... while our brother was busy chasing his throne, building himself for his crown, familiarizing the responsibilities and laws, he knows how to look around... in his silent way. This war, this fight is different." Matigas at mas madiing sabi ni Harper.

"Kasi bago kami dumating... walang pamilya si Amang Hari... he was alone. Bagay na hinding-hindi niya hinayaang mangyari sa amin... kay Dastan. Dastan was molded not just with intelligence and well calculated plans, he experienced warmth and love while completing himself. He maybe selfish, yes, we are all selfish! But in the middle of our selfishness... we will always wake up. Nagigising kami at hindi habang buhay natutulog o nalulunod..."

Sa unang pagkakataon ay mas narinig ko ang boses ni Harper. Sa kanilang magkakapatid, bukod kay Dastan, si Lily ang siyang pinakamataas sa kanila sa larangan ng pagsasalita, pero mukhang ang bunsong prinsesa'y pinipili lamang maging tahimik sa lahat ng oras.

"There might be sacrifices, but it wouldn't end to death..."

"Harper..." usal ni Caleb na pati siya'y hindi inaasahan na magsasalita ng ganoon ang kinikilala nilang prinsesa na nakasanayan nilang nanatiling tahimik sa isang sulok at lumuluha.

"Sinong ama?" nag-iwas ako ng tingin sa kanilang lahat.

Kung hindi si Dastan ang ama ng bata, kaninong anak ang nasa sinapupunan ni Alanis. Katulad ko'y nalalaman ko na wala rin siyang kakayahang madala ng buhay sa kanyang sinapupunan.

"S-She refused to tell us..." mahinang sagot ni Caleb.

Paano kung si Dastan pa rin ang ama ng batang iyon at pinili niya na lamang itago iyon sa mga kapatid niya? Hindi ba't ilang taon din ang lumipas bago nalaman ng lahat na may isa pa silang kapatid.

"We would know..." ani ni Claret.

"May sariling koneksyon ang mga Gazellian, Leticia. Alam mo ang bagay na iyon." Dagdag ni Kalla.

Huminga ako nang malalim. Siguro'y sapat na ang mga narinig ko sa kanila. Hindi ko na kailangan pang itanong kung sino ang pangahas na pilit pinapasok ang isipan ko at sinisira ang koneksyon ko kay Dastan.

Tatiana. Nais niyang kitilin ko ang sarili kong anak. Pilit niyang pinuputol ang koneksyon ko sa mga Gazellian upang sa halip na magtulungan kami ay magpatayan kami.

Pinahihina niya ang panig namin na pinaghihirapan namin ni Dastan palakasin.

"Ang mga panaginip na nakikita ko'y pilit tinatanggal ni Finn, hindi ba?" tumango si Kalla.

Mas nakumpirma roon ang hinala ko. Siya lang ang diyosang may kapangyarihang manghimasok sa panaginip ng iba.

Malaki ang posibilidad na sina Tatiana at ang mga diyosa sa Deeseyadah ay nagsanib pwersa upang mapigilan ang tagumpay namin ni Dastan, dala ang kanilang manipulasyon sa mga naglahong emperyo.

Tumayo na ako nang makita ang pamilyar na lugar kung saan kami nagmula ni Hua. Si Hua na siyang pinakamatagal ko nang nakasama ay alam na kung ano ang iniisip at pinangangambahan ko.

Nang sabay-sabay kaming dumungaw mula sa himpapawid. Nabawasan na ng isa ang mga kasama ko sa paglalakbay.

Ibinalik na nila si Divina sa sarili niyang panahon.

Tipid lamang nag-angat ng tingin si Rosh sa amin at nanatili sila roon nakatindig at hinihintay ang paglapag namin. At nang sandaling kami'y tuluyan nang tumapak sa lupa, isang malakas na suntok ang tumama kay Zen na nakapagpatumba sa kanya.

"That is for keeping us in the dark!" sigaw ni Rosh kay Zen. Ngunit mabilis na nakabawi si Zen, malakas na suntok ang tumama sa pisngi ng ikalawang prinsipe ng Deltora.

"That is for taking care of our Queen." Namulsa siya at tipid na sinulyapan si Lucas. It's been a while, Le'Vamuievos... Daverionne..."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro