Chapter 43
Dedicated to: Aleeiah Nicole
Chapter 43
Muling pagtatagpo
Nang sabihin ko iyon hindi man lang nagkaroon ng pagdadalawang isip ang mga mata ni Hua. Mabilis siyang tumindig habang ang mga mata'y nagniningas sa akin, nanatiling nakaharap ang kanyang likuran kina Nikos, Rosh at Lucas.
At nang sandaling hindi na makita ang kanyang mga mata at yumuko siya sa akin upang humingi ng basbas, sa kabila nang panghihina ko'y inangat ko ang aking mga kamay.
Sa tagal ng samahan namin ni Hua, sa kabila ng nalalaman kong may nauna siyang sinamba higit sa akin, alam kong nasa akin ang katapatan niya higit sa mga nilalang na nasa mundong ito.
Sa akin at wala nang iba. At alam kong ang kapangyarihang nasasaksihan ko sa kanya'y hindi pa lahat, may itinatago siya at inihahanda na hinihintay niya lang gamitin sa takdang panahon. Sa panahong higit ko siyang kailangan.
"There's something wrong... huwag muna kayong magpadalos-dalos..." naaalarmang sabi ni Lucas.
Nang si Hua naman ang siyang akmang aalis, mabilis nang binago ni Lucas ang kanyang anyo, isang malaking lobo ang dumamba sa katawan ni Hua at pilit iyong ipiniit sa lupa.
Pinilit kong tumayo. "Akala ko ba'y nasa akin ang iyong katapatan, Lucas?!" sigaw ko.
Umungol siya sa akin at pilit niyang ipinaliwanag na may malaking pagkakamali. Si Rosh ay nakita kong tumakbo na sa gitna na kagubatan upang magtungo sa Parsua, ngunit sa isang iglap ay bumalik ang lumilipad niyang katawan.
Si Nikos ang siyang umatake kay Rosh. "Hindi kayo maaaring basta na lamang sumugod sa Parsua!" sigaw niya.
Napaawang ang bibig ko. Inaasahan ko nang hindi sila sasang-ayon sa ipinag-uutos ko, pero masakit pa rin palang isampal sa 'yo ng harapan, na sa kabila ng kanilang mga pangako na ako at sa desisyon ko ang susundin nila, ngayon ay nagagawa nila akong kalabanin.
Si Rosh ang huling nilalang na inisip kong sasama kay Hua, ngunit mukhang nabaliktad ang lahat.
"N-Nikos, ginawa ko ang lahat para sa 'yo!" sigaw ko.
Nahati sa dalawang grupo ang aming samahan, sina Rosh at Hua na nasa aking likuran, kapwa alerto at handang lumaban, habang sina Lucas at Nikos ay nasa harapan namin.
Nang maalimpungatan si Iris ay mabilis siyang pumagitna sa amin at ibinuka niya ang kanyang dalawang braso.
"Ano ang nangyayari?" saglit siyang natigilan nang makita niya ang kasuotan kong nababahiran ng dugo.
"Hindi ko kayo hahayaang makalayo sa lugar na ito. Malayo na ang narating natin. This could be a fucking trick!" sigaw muli ni Nikos.
"A trick? Ikaw na bampira at iyang lobong iyan ay alam ang ibig sabihin ng nangyari kay Leticia. We witnessed how she removed her ties with him! Hinayaan natin siya dahil alam natin na higit iyong makabubuti sa kanya at sa paglalakbay na ito. But that foolish king is doing nothing but hurt her! Allow me to kill him. Leticia doesn't need a king to rule this world!" sigaw ni Hua.
Marahas lumingon si Nikos kay Rosh.
"You will kill a Gazellian?"
Hindi ako nakarinig ng sagot kay Rosh. Hindi man niya sabihin, alam kong hati ang nararamdaman niya. Nag-umapaw ang galit sa kanya, ngunit alam kong hinding-hindi mawawala ang matinding koneksyon niya sa mga Gazellian.
"Ang unang diyosa'y maayos na namuno nang hindi siya nagmahal. Ito na ang pinaka-mensahe ng paglalakbay na ito, ng nakaraan at ng lahat ng mga nilalang na nag-ugnay sa kasaysayan ng Nemetio Spiran. Sisimulan ko ang mundong... hindi ang pagmamahal ang namamayani. Hahawakan ko ang Nemetio Spiran na walang kapareha..."
"Rosh! This is fucking wrong! May gumugulo sa atin at si Leticia ang kanilang inaatake sa mga oras na ito. Since the ties between them are shattered... they are trying to let the Queen and the King kill each other. This isn't the war we are trying to win..." naiiling na sabi ni Nikos.
"At hahayaan mo lamang akong sumuka ng dugo ng walang humpay? Gusto ko pang mabuhay ng matagal, Nikos at maipagpatuloy ang paglalakbay na ito. Kung anuman ang ipinaglalaban niya at ang paraan niya na naaapektuhan ako, gusto ko nang matigil! Hindi ako ang unang malalagutan ng hininga sa amin. Hua! Ako na ang bahala sa kanila."
"Masusunod, Mahal na Reyna..."
Nang sandaling maglalaho na si Hua, inihanda ko na ang sarili ko mula sa sinumang aatake sa kanya, ngunit sa pagkakataong ito hindi sa unahan ang inaasahan kong pag-atake, kundi mula rin sa likuran ko.
Si Rosh na pinipigilan si Hua.
"I'm sorry..." usal niya na hindi makatingin sa akin.
Sa ginawang iyon ni Rosh, tila naubos na ang natitirang pasensiya sa aking buong sistema, napasigaw na ako ng malakas dahilan kung bakit nagimbal ang buong kagubatan, nagliparan ang mga ibon at tila narinig ng kalangitan ang aking matinding galit.
Parang lahat ng paghihirap ko sa paglalakbay kasama nila ay unti-unting naglaho. Gaano kalaki at kataas ang tingin nila sa haring iyon na handa silang maghanap ng ibang dahilan kung bakit patuloy na nagdurugo ang ilong ko at sunud-sunod na pagsuka ko ng dugo.
Isa itong indikasyon ng pagbali sa sagradong koneksyon. Ang paggamit ko ng sumpa ay isa nang matinding dahilan na hindi ko na nais pang magkaroon ng koneksyon sa kanya at pinaniniwalaan ko ang desisyon ko, malabo man ang aking mga alaala.
Marahas kong ginamit ang kapangyarihan ko at marahas tumilapon ang mga katawan nina Nikos, Hua, Rosh, Lucas at Iris. Ngunit maliliksi sila at kapwa ang mga iyon nakahawak sa mga puno.
"Kayo ang lubos kong inaasahan! Kayo ang inakala kong aking pamilya sa mundong ito nang sandaling—" biglang sumakit ang ulo ko. Ang malalabong eksena mula sa palasyo at ang paghabol sa akin ng mga kawal. Ang duguang punyal at mga kamay ko... ang imahe ng bampirang nakahiga sa kama at gulat na nakatitig sa akin.
Sinaksak ko na siya. Nagawa ko siyang saksakin. Mariin akong pumikit at muling inalala ang nangyari. Ang mainit na pagsasalo ng aming mga katawan, ang aming walang katapusang halikan, yakap at haplos, tawanan at bulungan...
Ang mga alaala ko'y nagbabalik... nagbabalik kasama ng sakit.
"Kayo ang inaasahan ko nang ipagtulakan ako ng Sartorias! Ngunit ano ito? Ginawa ko ang lahat sa inyo... pero si Dastan pa rin ang pinipili n'yo..." hindi ko na napigilan ang luha ko.
"Bakit hindi kailanman paburan ang mga reyna?! Bakit sa tingin n'yo ay laging ang mga hari ang tama?! Sa tingin n'yo ba'y lubos ang paghanga ko sa kanyang ama? Kay Haring Thaddeus at sa paraan niya na ngayon ay tila ginagaya ng kanyang anak?! WALA AKO RITO KUNG NAGING TAMA ANG KANYANG MGA DESISYON!"
"Leticia..." usal ni Rosh.
"Tumahimik ka, Rosh! Tumahimik kayong lahat!" sigaw ko.
Marahas akong tumalikod at inilabas ko ang aking punyal. Pinahaba ko iyon at saglit akong tumingala sa buwan.
Kung anumang ang sumapi sa akin ng mga oras na iyon, siguro'y kakampi ko siya, pilit niya akong iniligtas mula kay Dastan at sa pagkitil niya sa akin, ngunit dahil ang pag-ibig ko sa kanya ay higit sa lahat, sinisi ko ang aking sarili, tumakbo at lumaban para sa kanya.
Habang siya? Lumalaban siya sa trono, sa desisyon at paraan niyang hindi ako kailanman inisip.
"W-Where are you going—" hindi tinapos ni Rosh ang kanyang sasabihin dahil agad siyang humarang sa akin. Ibinuka niya ang kanyang mga braso at mariin niyang sinalubong ang aking mga mata.
"I will always by your side, Leticia. I swear it. Isinusumpa ko ang nakita ko... at ang posibleng dahilan niyon, but you are going to kill yourself! Sa tingin mo ba'y hahayaan ng Sartorias na kitilin mo ang kanilang hari?"
"Sa tingin mo ba'y hahayaan kong kitilin ako ng kanilang hari?!" sigaw ko.
Sina Lucas, Nikos at maging si Iris ay humarang na rin sa akin, kapwa nakabuka ang kanilang mga braso at buo ang loob na pigilan ako.
Kailanman ay hindi ko naisip na darating kami sa ganitong si sitwasyon. Mukhang tama nga ako, si Hua at Hua pa rin siyang mananatili sa tabi ko. Katulad ni Diyosa Neena... sila lang ang totoong nagmamahal sa akin.
Minahal ako nina Diyosa Neena at Hua hindi lang bilang diyosa kundi si Leticia, si Leticia na nasasaktan, si Leticia na may puso rin at hindi responsibilidad.
Ang mga nilalang na nasa harapan ko, ang nakikita lang nila ay ako bilang diyosa at reyna, kailanman ay hindi nila naisip ang nararamdaman ko... kundi ang aking posisyon at estado.
Hindi nila naiintindihan na gusto ko nang itigil ang pananakit sa akin ng kinikilala nilang hari.
Ayoko na. Hindi ko na maalalang minahal ko siya.
"Huwag n'yo akong piliting saktan kayo. Huwag n'yo akong piliting kalimutan ang lahat ng pinagsamahan natin. Dahil sa paglalakbay na ito... sisiguraduhin kong matatapos ko ito, wala man kayo sa tabi ko." Madiing sabi ko.
Si Iris ay nag-anyong puting lobo, sina Nikos at Rosh ay sabay pinagningas ang mga pulang mga mata, habang si Lucas ay mas iniharang ang sarili.
Inilabas ko na ang libong punyal at sabay-sabay iyong umangat sa ere. Hindi ko akalain na magagawa ko iyong gamitin sa kanila. Kailangan ko nang patigilan ang Gazellian na iyon at ang kahibangan niya sa pagiging hari.
Ang trono ay sa akin at hindi sa kahit sinong mga bampira.
Handa na akong lumaban sa kanilang lahat, ngunit nangibabaw pa rin ang pagmamahal ko sa kanila.
Sa halip na lumaban, pinili ko na lamang tumakbo at tumakas sa kanila. Hindi ko sila kayang saktan gamit ng sarili kong kapangyarihan.
"Hua!"
Agad pinalitan ni Hua ang kanyang kaanyuan at naging malaking langgam siyang may pakpak. Sa ganoong paraan, wala sa kanila ang magagawang makahabol sa amin.
"Leticia!" sigaw ni Rosh.
Ngunit hindi ko na nagawang lumingon pabalik sa kanya. Lumuluha ako kasabay nang hangin sa himpapawid na yumayakap sa akin.
"Sa Sartorias, Hua... dalhin mo ako sa Sartorias." Matigas na sabi ko.
Alam kong sa pagkakataong iyon ay hindi ako magagawang paghintayin ng matagal ni Hua, sa isang iglap ay naglaho kami sa himpapawid at natagpuan ko ang aking sarili sa ibabaw ng palasyo ng Parsua Sartorias.
Hindi ko man lang maramdaman ang bigat ng presensiya ng mga nilalang na nasa loob habang ako'y halos mamamatay na sa aking paglalakbay.
Muli kong nasapo ang bibig ko nang may panibagong dugong lumabas sa bibig ko.
Mukhang mahuhuli ko pa sa akto ang walang hiyang hari!
Nanatiling nasa ibabaw ng palasyo ng Parsua Sartorias si Hua at hinihintay ang sunod kong ipag-uutos. Ilang beses akong huminga nang malalim, hindi ko na inalintana ang patuloy na pagdurugo ng aking ilong.
"May nakapasok!" rinig kong sigaw ng isa sa mga kawal.
Mariin akong napausal ng dasal sa buwan nang sunud-sunod akong inatake ng mga panang may apoy habang walang tigil sa pag-iwas si Hua.
Hindi na ako magtataka kung magpakita na ang isa sa Gazellian at gumawa na rin ng paraan upang kitilin ako. Dapat ko nang tanggapin nang sandaling bumaba ako sa lupa, tanging si Hua lang ang mananatiling kakampi sa akin. Wala nang iba.
"Sa loob ng palasyo."
Nahirapan kami ni Hua bago makalapag sa palasyo dahil sa paulit-ulit na pag-iwas sa mga pana. Pinili kong hindi gamitin ang aking mga punyal upang walang makaalam na ako ang siyang gumagawa ng matinding gulo sa palasyo.
Gusto ko nang tapusin ito.
Ang paparating na digmaan ay kailanman ay hindi pipili ng magiging hari, dahil ang haring ipipilit ang kanyang sarili sa trono ay bibigyan ko ng matinding leksyon.
Sa akin na ang trono at wala nang nilalang ang maabuso ng mga bampira o ng kahit anong nilalang. Pantay na ang lahat sa aking pamumuno, walang manipulasyon at walang pusong magdurusa.
Gamit ang kapangyarihan ko, nagawa kong tumagos sa bintana na hindi man lang nakagagawa ng ingay. Sa halip na sa silid ni Dastan ako nagtungo, pinili kong magtungo sa paborito niyang aklatan.
Ngunit ang inaasahan kong pagsalubong sa akin ay tila hindi ko inaasahan.
"Leticia..." usal ni Alanis habang nakatalikod sa akin.
May hawak siyang libro at nang maramdaman niya ang aking presensiya ay isinara niya iyon. Unti-unti siyang humarap sa akin, namumutla ang kanyang mukha, halata ang matinding takot.
"Ang reyna'y tila tinutugis..."
Hindi ko na napigilan ang aking sarili. Mabilis akong nagtungo sa kanya at marahas ko siyang itinulak hanggang sa maiipit ko siya sa sahig. Mariin nakatuon ang aking kanang braso sa kanyang leeg upang masakal siya habang ang aking nagliliwanag na punyal ay nakatutok sa kanyang mukha.
"You will kill me? The Gazellians will not like it."
Nangatal ang buo kong katawan nang maramdaman ko ang nakaumbok sa kanyang tiyan. Buntis siya.
At tuluyan nang nawasak ang puso ko nang marahas na nabuksan ang pintuan, sa isang iglap ay naihiwalay ang katawan ko mula kay Alanis...
Ngunit sa pagkakataong ito'y walang tumindig sa likuran ko, dahil lahat ng Gazellian ay nasa panig ni Alanis.
"Leticia..." ani ni Caleb.
Sa huli'y dumating si Dastan. Nagsiklab ang matindi kong galit at nangatal ang aking mga kamay.
Gustong-gusto ko na siyang patayin. Malamig niyang sinalubong ang aking mga mata. "You are not welcome here. Leave in peace, Leticia. Bago pa ako mismo ang magpatapon sa 'yo."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro