Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 42

Chapter 42

Utos

Mga aninong nakaguhit, sa kisap mata'y tila imahe'y dalawa

Landas na nagsimula sa linaw, sa katapusa'y itim na dala'y hapdi

Mata at puso'y magkasalungat sa likod ng itim na mga ulap

Hiningang naupos kasabay ng pag-ibig na naudlot...

Pilit kong tinandaan ang mga katagang binitawan ni Divina. Nang sandaling tuluyan niyang natapos ang dala ng ikalawang punyal, katulad nang unang nangyari ay nawalan siya ng malay.

Si Rosh ang siyang sumalo kay Divina. Marahan niyang hinawi ang ilang hibla ng buhok ng prinsesang natutulog.

"Good girl..."

Napabuga ng hangin si Lucas. "That is a long riddle. Paano n'yo iyon naiintindihan?"

Kahit si Iris ay tila natigilan. Kumuha siya ng maliit na papel sa kanyang dalang gamit at pinili niyang isulat ang mga salita.

"Mas humaba yata... hindi naman ganoon karami ang mga salita ng unang mensahe. The riddle will kill us." Umiiling na sabi ni Rosh.

Kahit ako ay tila nablangko sa mga salitang binitawan ni Divina.

"We are expecting that it will be Finn and Kalla's relics, but I can't see any hint from their music box. So, it could be... Naha and Evan's?" tanong ni Rosh.

Wala sa sarili akong sumilip sa isinulat ni Iris, parang biglang nawala lahat sa isip ko iyong bugtong.

"Kahit ang kwintas nila Naha at Evan ay walang iniwang bakas sa bugtong..."

"So, it could be from the others? Hindi ba't hindi pa magkakaroon ng presensiya ang mga iyon hangga't ang nagmamay-ari ng kawangis nito'y hindi pa kinikilala ang kapares nilang Gazellian?" ani ni Rosh.

Tumango ako.

Dalawa lang ang maaari namin pagpilian. Sina Caleb, Harper at Casper ay hindi pa kinikilala ang kanilang mga kapareha.

"How about Harper?" tanong ni Lucas. "Hindi ba't magkakilala na sila ng kapatid ni Claret?"

"It's still complicated. The Gazellian brothers are not happy about—" biglang natigilan si Rosh nang maalala niyang si Lucas ang kausap niya. Lalo na't tila nagkakapareho ng sitwasyon sina Harper at Marah.

Tumikhim na lamang si Lucas at naubo bigla si Rosh.

Naririnig ko rin minsan ang usapan ng mga Gazellian tungkol kay Harper at Kreios, kung tutuusin ay maaari na niyang kuhanin ang bunsong prinsesa ng mga Gazellian, ngunit hindi nais pumayag ng mga prinsipe nitong kapatid. Sitwasyong siguradong sasapitin din ni Marah sa kamay ni Rosh.

"We need to decipher the message." Si Iris ay inulit ang mga kataga. Ngunit katulad ng unang mensahe ay hindi namin agad iyon makuha.

Kahit ang unang linya ay hindi namin mahanapan ng eksplanasyon.

"Mga aninong nakaguhit, sa kisap mata'y tila imahe'y dalawa..." usal ko.

"Guhit, it could be Naha. Pero áng ikalawang linya... kisap mata'y tila imahe'y dalawa, hindi kaya ang ibig sabihin nito ay si Kalla? Dalawa ang kanyang anyo... puting ibon at ang kaanyuan niyang bampira." Napamasahe sa kanyang noo si Rosh. "Sino sa dalawa ang ibig sabihin ng linya?"

Maging ako ay hindi magawang masagot si Rosh.

"Landas na nagsimula sa linaw, sa katapusa'y itim na dala'y hapdi..." binasa muli ni Iris ang ikalawang parte ng bugtong.

"A trail, it could be Naha again, but I don't understand the second line. Black..."

"Mata at puso'y magkasalungat sa likod ng itim na mga ulap..."

"Lugar." Sabi ko.

Tumango si Rosh. Sa ikatlong linya lang kami kumbinsido sa mensahe. Ngunit saang parte ng Nemetio Spiran ang may itim na ulap?

"Hiningang naupos kasabay ng pag-ibig na naudlot..."

"This is the trickiest. Halos lahat ng pag-ibig nang unang panahon ay naudlot at base sa mga naririnig at nabasa ko, wala pang nagkaroon ng magandang katapusan. Kaninong pag-ibig ang tinutukoy rito?"

Sina Rosh, Iris at Lucas ay kapwa nakatitig sa akin na tila may inaasahan silang may makukuha sa akin. Sa apat na linyang bugtong isa lang ang nasisiguro kong tama ang nalalaman ko, ang ikatlo, na nagsasabi ng lugar, ngunit ang eksaktong lokasyon niyon ay katanungan pa rin. Ngunit sa gabay ni Iris, mararating rin namin iyon, pero hindi ba't bago namin marating ang lugar na iyon dapat ay maintindihan namin ang ibig sabihin ng natitirang mga mensahe?

"Maaari ring ang ikalawang linya'y tungkol kay Kalla at sa kanyang mga ninuno, akala ng unang diyosa'y ang pamilyang tumulong sa kanya ay ang tamang landas, ngunit nauwi iyon sa pagtataksil... ang kabaliktaran ng puting sumpa ay itim... maitim na intensyon sa kanya na nagdala ng matinding sakit." Mahabang paliwanag ko.

"What the hell? Paano iyon maiisip ng simpleng nilalang?" humahangang sabi ni Lucas.

"So, this is Kalla and Finn after all?" tanong ni Rosh na tila hindi kumbinsido. Kahit ako ay ganito rin ang nararamdaman.

Hindi dahil may sariling pagkakasunud-sunod ang mga Gazellian ay ganoon din ang patutunguhan ng aming paglalakbay.

Si Iris ay ibinalik ang atensyon sa mapa. "Saang parte ng Nemetio Spiran ang may itim na usok?" tanong niya sa kanyang sarili.

"The first riddle led us to the werewolves and mermaids. Anong nilalang ay may matinding koneksyon sa itim na usok?" tanong ni Rosh.

"Hindi na ang mga Diwata o ang mga anghel..." ani ko.

"So, it could be the demons, priestesses or vampires..." saglit natigilan si Rosh nang sabihin niya ang huling nilalang.

"Vampires..." ulit niya. "Bukod kay Danna ay may..."

Tumango ako sa kanya. "Maging sa akin ay palaisipan ang bagay na iyan. Sinong babaeng bampira ang siyang binigyan ni Haring Thaddeus ng relikya? Sa nakaraan ay hindi niya binigyan si Danna dahil siya ang pinangakuan niyang magiging kanyang reyna... ngunit may natitira pa... may isang babaeng bampira pa."

Namayani ang katahimikan sa pagitan naming apat. Hindi maglinaw sa amin ang ibig iparating ng mensahe.

"Nakakalito... is it the music box or the necklace? Parehong nagpapahiwatig ang bugtong ng kay Naha at Kalla. Hindi naman siguro nasa iisang kamay iyon?"

Umiling ako. "Imposible... mas magiging mapahamak iyon sa nangangalaga at nasisiguro kong hindi iyon hahayaan ni Haring Thaddeus."

Tumagal ng oras ang pag-iisip namin tungkol sa palaisipan ngunit wala kaming magkuhang kumpirmadong kasagutan. Hanggang sa abutin na kaming muli ng dilim.

Dahil alam namin na mas malakas ang mga nilalang sa gabi, pinili muna naming muling magkubli sa kagubatan at magpahinga.

Tila lubos na napagod si Divina dahil hanggang ngayon ay payapa pa rin siyang natutulog, ngayon ay nasa kandungan siya ni Iris na nakapikit na rin ang mga mata habang nakasandal sa puno.

Sina Nikos at Hua naman ngayon ang may hawak ng papel na may sulat ng bugtong habang sinusubukan nilang sagutin ang bawat linya.

"Bakit tila mas komplikado ang mensaheng ito? Dumami ang linya... para gusto tayong maligaw." Umiiling na sabi ni Nikos.

Minsan ay napapaisip ako kung alam ba talaga si Nikos at nagkukunwari na lamang siya. Siya at si Haring Thaddeus ang nakakaalam ng sikreto ng mga taga Deeseyadah, hindi kaya alam na rin niya kung ano ang nasa kweba?

Sina Kalla, Claret at Naha na mismo ang nagsabi sa akin na may pumalit sa pwesto ni Haring Thaddeus na siyang nakakaalam ng lahat, at hanggang ngayon ay hiwaga ito sa akin.

Maraming maaaring pumalit...

Si Nikos, Reyna Talisha o maging si Rosh. Maaari ngang isa sa kanila ang siyang totoong nakaupo, ngunit ang pagpalit na iyon ay nasisiguro kong may dalang limitasyon.

Si Rosh ay nanatiling tahimik at piniling magpahinga muna malayo sa bugtong. "Hindi ko akalain na nakapagdala pa si Hua nito..." wala sa sariling inangat ni Rosh ang bote ng kakaibang alak.

Nanggaling pa raw iyon sa mga sirena, sinabi ni Hua na may napakaraming klase ng koleksyon ng alak ang ilalim ng karagatan mula sa iba't ibang klase ng mga barkong lumulubog na may dalang magagandang kalidad ng alak.

Maging si Lucas ay may hawak din sariling bote. Hindi na rin nais lumapit doon sa hawak ni Nikos.

"Hindi tayo makakausad kung hindi natin masasagot ang papel na iyon. Kailangan ko siguro ng mahabang tulog bago ko muli basahin ang mensaheng iyon." Muling napailing si Rosh bago uminom muli ng alak.

"Hindi ako mahilig sa palaisipan..." ani ni Lucas.

"Sinong mahihilig?" natatawang sabi ni Rosh.

Ngayon ko masasabing maganda nga ang kalidad ng alak na ibinigay sa amin ng mga sirena dahil tumatalab iyon kina Rosh at Lucas na kaswal na nag-uusap na.

"We should invite those two, hindi rin nila kakayanin ang bugtong. I think we need a little break... Hua! Nikos!" tawag ni Rosh.

Mukhang sumuko na nga rin sina Hua at Nikos dahil mabilis silang lumapit kina Lucas at Rosh. Hindi rin nagtagal ay nag-iinom at nagtatawanan na silang apat.

Tipid akong ngumiti at tahimik na sumandal na lamang sa ilalim ng puno habang pinakikinggan ang pinag-uusapan nila.

"I think he's still young for—" tipid na sumulyap si Lucas kay Hua.

"Siya pa ang humingi niyan sa mga sirena. Young, huh?" ibinigay na ni Rosh ang panibagong bote kay Hua.

Si Nikos ay namumula na rin dahil sa epekto niyon. "There's a silver... maapektuhan nga tayo nito... paano kung bigla tayong masugod? We couldn't just let Leticia and Iris fight for us."

"It's fine. I can still fight."

"Ako rin." Dagdag ni Lucas.

Ilang beses na akong nakarinig ng pagkalampag ng mga bote, dahil inaangat iyon ni Rosh sa ere upang ibangga nina Nikos, Hua at Lucas iyon sa kanya.

Hindi ko akalain na ang pagbabasa pala ng bugtong ang magtutulak sa kanilang uminom muna ng alak at makalimot nang sandali. Kung tutuusin, maging ako'y nais saglit na makalimutan iyon.

Hindi lang puso... kundi ang isipan ay lubusang sasakit habang binabasa ang mensahe.

"This is very ironic. I am drinking with Marah and Soleilana's mates!" malakas na sabi ni Rosh. Sabay nasamid sina Lucas at Nikos.

"She is your Aunt. You should at least—"

"Call you uncle?" sarkastikong tumawa si Rosh.

Si Lucas ay pinili na lamang uminom muli ng alak.

Nawiwili na ako sa pakikinig sa usapan ng apat na iyon mula sa malayo nang makaramdam ako ng hindi tama sa buong katawan ko.

Bigla akong napahawak sa dibdib ko dahil sa biglang magsikip nito na tila sasabog. Ang mga mata ko'y tila unti-unting nanlalabo habang ang aking paghinga'y unti-unti nang bumibigat.

Sinubukan kong sumulyap sa kanila na ngayon ay nakikita kong nagtatawanan sa kabila nang nanlalabo kong mga mata, nais ko sa kanilang tumawag at humingi ng tulong ngunit walang boses ang lumalabas sa akin.

Ano ang nangyayari?

"T-Tulong—"

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang ang init na nararamdaman ko sa aking dibdib ay tila tumaas at umabot sa aking lalamunan.

Huli na bago ko sapuhin ang bibig ko dahil dumanaw na ang dugo sa aking kasuotan. Nanlalaki ang mga mata kong nakatulala sa aking palad na ngayon ay naliligo sa sarili kong dugo.

Nagsusuka ako ng dugo.

Sa ikalawang pagsuka ko, natigil na ang naririnig kong tawanan at sa isang iglap ay nasa paligid ko na sina Nikos, Hua, Rosh at Lucas na kapwa tulala rin sa aking sitwasyon.

"What the hell is going on?" nangangatal ang boses ni Rosh.

Si Nikos, Lucas at Rosh ay hindi ako magawang daluhan dahil ang kanilang mga mata'y napupuno ng gimbal. Si Hua lamang ang nagawang makayuko at alalayan ako.

"M-May karamdaman yata ako..." nanghihinang sabi ko.

Sa isang iglap ay nawala sa harapan ko si Rosh, kinuha niya ang kanyang itim na kapa at isinaklob niya iyon sa kanyang sarili.

"Babalik ako sa Sartorias!"

Nang muli akong nagsuka, halos marinig ko ang sabay-sabay na pagmumura nina Nikos, Hua at Rosh, na hindi nila ako magawang tingnan ng tuwid.

"I will kill him! This is—this is—"

"R-Rosh..." usal ko.

Nang akma na siyang aalis, bigla siyang pinigilan ni Lucas. "Rosh..." isang malakas na suntok ang tumama kay Lucas dahilan kung bakit siya tumalsik sa puno.

"This is wrong, Lucas! This is fucking wrong! Anong malaking katangahan ang ginagawa ni Das—" marahas nakaturo sa akin ang daliri ni Rosh na nangangatal sa galit.

"Alam n'yo ang ibig sabihin niyan!" marahas niyang hinarap sina Lucas at Nikos na kapwa hindi makasagot.

Hindi ko na maintindihan ang nangyayari. Alam kong ang mga diyosang katulad ko'y hindi dinadapuan ng simpleng karamdaman at kung magsusuka man kami ng dugo mula iyon sa labis na paggamit ng kapangyarihan. Ngunit may isa pa akong paraang nalalaman na siyang maaaring maging sanhi ng nangyayari sa akin.

Subalit ako'y walang...

Nang sandaling may gumuhit na namang imahe ng nakatalikod na estranghero sa aking isipan, mas lalong uminit ang dibdib ko dahilan kung bakit muling lumabas ang dugo sa bibig at ilong ko.

"He is killing her..." napahilamos na si Rosh sa kanyang sarili.

"Sino...?" usal ko.

"Everyone is looking up on him... pero ano itong ginagawa niya. I am always on his side. Pero ano itong nakikita ko... Leticia is everything in this world. We could see her efforts... anong nangyayari sa Parsua? Ano na ang nangyayari sa Haring hinahangaan ko?" tanong ni Rosh.

"Sino siya?!" ulit ko.

"H-he is your mate... and you refused him for—you made a curse to forget him." Nahihirapang sabi ni Rosh.

"He's a Gazellian." Dagdag ni Nikos.

Iyon ang dahilan kung bakit may nararamdaman akong kulang sa tuwing pumapasok sa isip ko ang mga Gazellian.

At ang sumpang inilapat ko'y hindi sapat dahil naapektuhan ako. Papatayin niya ako.

Isa lang ang kilala ko sa kanilang nasisiguro kong susundin ang nais ko. Hindi si Nikos, Rosh o kaya'y Lucas... ang nag-iisang nilalang na gagawin ang lahat para sa akin.

Si Hua.

"Kitilin mo siya, Hua. Kitilin mo ang haring pumapatay sa akin."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro