Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 40

Hi, angels! Sorry for the late updates! Huhu. Too busy these past few weeks. Babawi po ako! Happy reading!

Chapter 40

Pagkuha

Ilang minuto na simula nang tuluyan nang lamunin ng karagatan ang aming karwahe na siyang sakay kaming lahat.

Sina Nikos at Hua ay nag-aalinlangan pang bumalik sa kanilang posisyon sa takot na baka biglang mabutas ang bula na nakabalot sa aming karwahe at tuluyan na kaming lamunin ng tubig.

"The bubble should be safe and strong. I could swim fast, yes, but..." pilit sinilip ni Rosh ang itaas kung saan kami nanggaling. "Kapag sobrang lalim na ng narating natin... mauubusan din ako ng hangin kahit mabilis akong lumangoy."

"The mermaids will save me." Ani ni Divina na hindi na humiwalay kay Rosh.

"Oh, yes... the mermaids."

"No. You are not allowed to ask their help Prince Rosh, that is cheating. Ask the dolphins instead." Umiiling na sabi ni Divina.

Sabay kaming napangiti ni Iris, si Lucas ay napataas ang kilay.

"Cheating..." ngusong bulong ni Rosh.

Nang wala sa sariling lumingon si Rosh sa may bintana, dalawang magagandang sirena ang sabay na kumaway sa kanya. Handa na sana siyang kumaway pabalik sa mga iyon nang namaywang sa harapan niya si Divina na namumula ang pisngi.

"Prince Rosh! I will tell this to Papa! I will tell this to Mama! I will tell this to King Das--"

"Hey..." bigla niyang kinabig si Divina at ilang beses niyang tinapik ang ulo ng munting prinsesa. "They are just being friendly..."

Si Divina na mismo ang nagbaba ng maliit na kurtina sa tapat ng bintana ni Rosh.

"Why did you pull the covers? It's fine..."

"Because you're being unfaithful!"

Ngayon ay na kay Rosh na ang buong atensyon ni Divina habang kaming dalawa naman ni Iris ay kapwa nakatitig sa labas ng bintana, ganoon din si Lucas na hindi na pinapansin ang pagtatalo ng dalawang bampira.

"May nakausap ka na ba sa isa sa kanila? Alam na nila na hinahanap natin ang tagabantay ng relikya nina Lily at Adam, hindi ba?" tanong ni Lucas.

"Hindi ko man direktang sinabi sa kanila, alam kong nabasa na nilang siya ang hanap ko."

Habang tumatagal ay mas dumidilim ang ilalim ng tubig dahil lumalayo na kami sa sinag ng buwan, mas bumababa na rin ang temperatura, ang siyang tanging nagbibigay na lamang sa amin ng liwanag ay ang mga isda at mga halaman na may sariling taglay na liwanag.

Nais ko sanang gamitin ang nagliliwanag kong punyal, ngunit nangangamba akong baka matakot ko ang mga tahimik na nilalang na nabubuhay rito.

Muling nawala ang aming mga salita at naagaw ito ng mga tanawin sa tubig. Hindi lang mga sirena at ang makukulay nilang buntot, kundi maging mga halaman at isda na makikitaan ng higit na buhay, malaya at masaya. May iba't ibang hugis, laki, kulay, galaw at ganda.

Bigla kong naalala ang Deeseyadah, ang mundong akala ko'y Paraiso... na sa kabila ng ganda nito'y may mga bagay na itinatago pala, na handang kumitil ang mga nakaupo sa pwesto upang hindi lang malaman ng lahat. Ngunit ano kayang sikreto ang hatid ng karagatan?

Patuloy kami sa pagbaba, ngunit ang dilim na inaakala ko mas lalamon sa amin na napalitan ng unti-unting pagliwanag.

"Saan nangggaling iyon?" tanong ni Rosh.

Nang hinanap ko ang pinanggalingan niyon, ang unang pumasok sa emosyon ko'y paghanga, paghanga sa punong nagliliwanag sa kabila ng malalim na pagkakalubog niyon sa tubig ay nagawa niya pa rin magliwanag... ngunit habang tumatagal ay tila ay pumipiga sa puso ko habang pinagmamasdan iyon.

Suminghap si Divina.

"Oh my... just like My King's tree, right—"

"Divina, look! That mermaid is waving at me again."

"I told you not to open it, Prince Rosh!"

Kusa ko nang tinanggal ang pagkakatitig ko sa puno dahil sa kakaibang nararamdaman ko, at mas tinuon ko ang aking atensyon sa direksyong patutunguhan ng aming karwahe.

"A shipwreck." Sabi ni Lucas.

Inihatid kami ng mga sirena hanggang sa makarating kami sa lumubog na barko, nagawang makapasok ng aming karwahe sa loob niyon.

"Are we going outside?" nag-aalangang tanong ni Rosh.

"Parang walang tubig sa loob." Kumento ni Lucas.

"Siguro'y inihanda na nila ito sa atin." Kumpirmasyon ni Iris.

"Come out, it's safe." Sabi ni Nikos na sumilip sa bintana namin.

Tumalon na si Divina mula sa kandungan ni Rosh at nauna na siyang lumabas sa amin, sumunod sa kanya si Iris, bago si Lucas, inalalayan ako ni Rosh bumaba.

Wala sa sarili kong iginala ang aking mga mata sa buong paligid, isang normal na barko lamang ito, ngunit nararamdaman ko ang nag-uumapaw na mahika.

Ang mga sirena na kanina'y nakagabay sa amin ay iniwan na kami.

"Narito siya. Alam kong hinihintay niya tayo."

Mas inilibot ko ang aking mga mata sa paligid at sa pangalawang pagkakataon ay nabigo ako, ngunit nang sandaling makarinig kami ng pamilyar na musika, ang aming atensyon ay natuon sa unahan.

Kudyapi.

"Magandang gabi..." mahinahong usal ng magandang sirena. Inakala kong ang sasalubong sa akin ay may edad na o kaya'y ang isa sa kanyang pinagpasahan ng tungkulin, ngunit nasisiguro ko na ang babaeng ito'y ang isa sa pinangakuan ni Haring Thaddeus.

Siya'y nanatiling buhay... sa ilalim ng karagatan dala ang pangakong hindi natupad.

Ang tanging nagbago lamang sa kanya mula sa nakaraang nakita ko'y ang kulay ng kanyang buhok. Puti na ang lahat ng iyon, ngunit ang kanyang kagandahan ay hindi pa rin mapaglagyan.

"Ang diyosa ng buwan, hindi ko akalaing posibleng magtagpo ang ating landas..." sa tabi ng sirenang tagabantay ay may isa pa ring sirena na tipid na nakangiti ngunit ang higit niyang atensyon ay na kay Divina.

"Queen Almera! My mother's friend!" natutuwang sabi ni Divina.

Hindi man lang nag-alangan ang prinsesang lumapit sa isa pang sirena at kumalong sa kanya.

"You are so beautiful just like your mother..."

"Thank you po..." natutuwang sabi ni Divina.

Tipid lang sumulyap ang sirenang tagabantay sa kanila bago niya ibinalik ang atensyon sa akin. Hindi ko siya hinintay na magsalita ulit, sa halip ay nagsimula akong maglakad at tumigil lang ako nang sandaling malapit na ako sa kanya. Marahan akong umupo hindi alintana ang magiging taas niya sa akin.

Gusto ko siyang tingalain, siya... ang puting lobo at ang bawat babaeng sumama kay Haring Thaddeus upang subukang itama ang lahat.

Hinawakan ko ang kamay niyang nakapatong sa kanyang puti at kumikinang na buntot.

"Ipinapangako kong sa pagkakataong ito'y matutuloy na ang kaayusang minimithi mo... kung hindi nagtagumpay si Haring Thaddeus, sisiguraduhin kong magtatagumpay ako, hinding-hindi ko sasayangin ang inyong mga sakripisyo... ang sakripisyo ng mga nilalang na nasa likod ko at ang mga umaasa sa aki. Mapahimpapawid man, lupa o karagatan..."

Pinisil niya ang dalawang kamay kong nakahawak sa kanya.

"Hindi na kita pahihirapan pa, Leticia... nang sandaling umawit ka kasama ang mga sirena'y dama ko na ang iyong dedikasyon... ang mga relikya'y nakatakdang sa 'yong mga kamay manahan."

"Salamat..."

"Ngunit ang relikya'y hindi ko maaaring basta na lamang ibigay sa 'yo. Dahil sa takot kong darating ang panahon ay maging mitya ang relikya ng pagsugod ng iba't ibang nilalang na uhaw sa kapangyarihan at masira ang tahanan ko, sinuguro kong magawa man nilang sirain ito'y hindi nila makukuha ng madali ang relikya..."

Humakbang na si Iris papalapit sa amin.

"Ang dating palasyo ng diyosa'y nakatindig sa gitna na karagatan, hindi po ba?" ngumiti ang tagabantay na sirena.

"Ressa..."

"Iris po..."

Tumango siya. "Ang dating palasyo ng diyosa'y nasa gitna ng karagatan. Ngunit sa paglipas ng panahon ay natabunan na iyon ng lupa...."

"Ngunit nasa ilalim tayo nito." Mabilis na sabi ni Iris.

Nagsinghapan kaming lahat sa sinabi niya.

"Do not tell me..." hindi makapaniwalang sabi ni Rosh.

Si Lucas ay wala sa sariling naghanap ng bintana na pwedeng masilip na tila magagawa niyong makumpirma ang eksaktong lokasyon namin.

"Dinala na tayo mismo ng mga sirena sa ilalim ng palasyo ng unang diyosa at ang punong nagliliwanag.... iyon ang punong sumisimbolo sa lobong unang umupo sa pitong trono... sa iisang lugar siya nilagutan ng buhay..." dagdag ni Iris.

"Kaya may liwanag, dahil ang parte ng punong iyon ay nanatiling nakatindig sa lupa kung saan siya ang nagiging dahilan kung bakit nakakapagbigay siya ng liwanag sa ilalim ng tubig. Just like Das-" itinigil ni Rosh ang sasabihin niya.

"Ibig sabihin, nasa malapit lang ang balon... ang hangganan ng pitong emperyo." Sabi ni Hua. "Ang gitna ng digmaan..."

"At ang relikya..."

Nag-alinlangan akong banggitin iyon. Hindi man ako mag-anunsyo, nasisiguro ko na nasa puno iyon... puno na hindi ko alam kung bakit lubos ang epekto sa akin. Hindi ba dapat ay matuwa ako at magbunyi ang aking emosyon? Ngunit bakit labis akong nasasaktan sa tuwing tumitingin ako roon?

"Kukunin ko..."

Lahat sila ay nais tumulong sa akin ngunit nagmatigas ako at sinabing hayaan na lamang ako. Lalo na't wala naman akong haharaping kalaban, kundi enerhiya lamang ng puno mula sa magtatangkang kumuha ng relikya. Ngunit nasisiguro ko na habang kinukuha ko iyon... mararamdaman ng dating lobong nasa trono ang malinis kong intensyon.

Katulad ng lang ng bunga, ng bungang nasa loob ng bote ng unang relikya. Nararamdaman nito ang intensyon ng siyang hahawak sa kanya.

Nangako sina Rosh, Hua, Nikos at Lucas na manunuod lamang, ngunit sa isang kondisyon, nais nilang malapit sila sa akin. Kaya sa halip na isa sa malalaking isda ang sakyan ko ay ginamit muli namin ang karwahe.

Tanging sina Iris at Divina lamang ang naiwan sa barko, kapwa sila nakatanaw sa amin sa malayo.

Si Hua at Nikos ay nasa unahan pa rin na tila pinatatakbo ang aming mga kabayo habang sina Rosh at Lucas ay kapwa nakadungaw sa bintana.

Nasa ibabaw ako ng karwahe, marahang nakabuka ang mga binti habang dala ang aking punyal na ginawa kong gintong espada. Habang tumatagal ay mas tumitindi ang kirot ng dibdib ko.

At may mga imaheng naglalarong muli sa aking isipan, ngunit sinikap kong ibigay ang aking atensyon sa aking matang nagliliwanag at sa puso ng puno na nag-aanyaya.

Sa kabila ng kirot, nararamdaman ko pa rin ang tuwa at antipasyon, ganito rin ang siyang nadama ko noon nang sandaling tanggapin na nina Adam at Lily ang kanilang tadhana sa isa't isa, nang sandaling hawakan ni Lily ang bunga, bitawan ito sa lupa at tumakbo siya upang salubungin ng halik si Adam.

Pumosisyon na ako. Dalawang kamay ko na ang aking inihawak sa espada, marahan kong inihakbang sa likod ang isa kong paa at iniyuko ko ang aking sarili, nakatutuwang ang hanging aking nilalanghap sa ilalim ng tubig ay tila higit na sariwa kumpara sa ibabaw ng lupa.

Siguro'y dahil ang hangin dito... limitado pa lang ang sakit na siyang nasasaksihan.

Habang papalapit na ang karwahe, mas nakikita ko ang relikyang nagliliwanag, mas humigpit ang aking mga kamay at mas pinatalas ko ang aking mga mata.

Hindi ko kailangang sugatan ang puno, ang tanging kailangan ko lang gawin ay tanggalin ang relikya at ipadama sa kanya ang aking intensyon, dahil sa sandaling iyon... hindi na siya manlalaban... sa halip ay yayakapin niya pa ako.

"Ngayon na!" sigaw ko kay Nikos at Hua.

Sabay nilang hinila ang renda ng kabayo dahilan kung bakit marahas ang biglang pagtigil ng karwahe. Iyon ang siyang ginamit kong pwersa upang tumalon ako ng malakas dala ang aking espada, hindi alintana ang paglabas sa bulang nagbibigay sa akin ng hangin.

Ang marahas na pagyakap ng malabig na tubig sa aking katawan ay hindi nagawang pigilan ang pwersa kong papalapit sa puno. Ang talim ng aking gintong espada ay itinuon ko lamang sa iisang direksyon.

Lumabas ang ilang nagliliwanag na punyal upang ako'y suportahan.

Ang mga sirena'y muling umawit, ang sayaw ng mga isda'y nabago ang galaw, ang mga halaman ay tila higit na nagliwanag, ang tubig ay tila nagkaroon ng mga kamay at sabay-sabay itinulak ang aking likuran.

"Para sa Nemetio Spiran! Para sa Unang Diyosang bumaba sa lupa..." aking dalangin sa buong karagatan, sa ilalim ng unang palasyo at sa mga mata ng mga nilalang na umaasa sa akin.

Marahas kong itinusok ang aking espada sa puso ng nagliliwanag na puno, malakas na ingay ang siyang umalingawngaw sa ilalim ng karagatan at may pwersang tila itinutulak ako pabalik, ngunit higit na malakas ang hindi makitang mga kamay na pilit akong binubulungang kailangan kong lumaban at magpatuloy.

Mas idiniin ko ang espada sa puno hanggang sa makita kong unti-unti nang gumagalaw ang relikya...

At nang sandaling ito'y kusa nang lumaglag, ang mga luha ko'y humalo na karagatan, ang aking katawan ay mabilis na naglangoy upang saluhin ang ikalawang relikya... sunod sa aking punyal.

Ang bubong mismo ng karwahe ang siyang sumambot sa akin nang sandaling hawak ko na ang relikya. Sa kabila ng unti-unti kong nauubos na hangin, pilit akong tumindig sa bubong at marahas kong itinaas ang relikya, hudyat na ito'y tuluyan na akong kinilala. 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro