Chapter 33
Chapter 33
Pagkilala
"Saang parte ng Nemetio Spiran dating nakatayo ang palasyo ng Diyosa ng kasaysayan?" tanong ni Rosh.
Wala akong salitang nasagot sa kanya. Nanatili lamang akong nakatitig sa kanya habang pilit inuungkat ang mga impormasyong naaalala ko tungkol sa nakaraan.
Limitado lamang sa aming mga diyosa ang kabuuan ng nangyari sa pitong matataas na trono. Hindi na iyon binigyan diin ng Deeseyadah, lalo na't sensitibo ang naranasang pagpapahirap sa dating diyosa.
Kahit ako'y kung bibigyan ng pagkakataon ay hindi na nais pang balikan ang lahat ng kanyang sakit at paghihirap sa kamay ng sakim na bampirang iyon.
Posisyon. Trono. Kapangyarihan. Sa sandaling nagpalamon ang isang nilalang sa mga ito, wala nang katapusang paghihirap ang mangyayari sa kanyang paligid... paghihirap na hindi niya makikita dahil ang kanyang mga mata'y nakamulat na lamang sa layuning dulot ng kasakiman.
"Leticia..." tawag ni Rosh nang mapansin na tila tulala na ako sa kanya.
Nag-iwas ako ng tingin sa kanya. "Ikaw ang namuhay ng matagal dito, Rosh. Hindi ba't limitado ang nalalaman ko sa lugar dito sa lupa?"
"I was just..." itinigil niya ang dapat niyang sasabihn at muli siyang sumandal sa kanyang upuan.
"Lubusan mo bang inalam ang bersyon ng mga lobo, Rosh?"
"I didn't read all. I stopped. Sinabi ko na sa 'yong dati'y hindi ako makapaniwala. I am still a vampire, raised hailing my kind. Mahirap tanggapin ang bersyon nila na sinasabing kasakiman ng isang bampira sa posisyon ang siyang sanhi ng lahat ng kaguluhan."
Muli akong natahimik sa sinabi ni Rosh. Ang kamuhian ang isang bampira, si Haring Clamberge habang nasa harap ni Rosh na hinahangaan ko ay isang sitwasyon na mahirap tagalan.
"Ngayong alam na natin ang posibleng pinaglalagyan ng unang relikya, ang kailangan na lang natin malaman kung saan ang partikular na iyon." Tumango si Rosh.
Bahagya niyang inilabas ang kanyang sarili sa bintana. "Caleb! I need you here."
Narinig kong tumili si Divina mula sa labas. "Uncle Caleb! Tawag ako ni Prince Rosh..."
Minamasahe na ni Rosh ang kanyang noo ng bumalik siya sa kanyang upuan. "Nabibingi na rin ang anak ni Zen katulad niya."
Tipid akong ngumiti. "Naririnig niya lamang ang gusto niyang marinig, Rosh. Masyadong nawiwili sa 'yo ang prinsesa."
Bumalik na sa loob ng karwahe ang mag-tiyuhing sutil "Hindi na masakit sa ulo ang pinag-uusapan n'yo?"
Nasa kandungan muli ni Caleb si Divina ngunit ang mukha ng munting prinsesa'y nasa dibdib niya habang kapwa nakakuyom ang mga kamay sa magarang kasuotan ng prinsipe. Paminsan-minsan siyang sumusulyap kay Rosh habang may namumulang pisngi, ngunit bumabalik din sa pagtatago sa dibdib ng kanyang tiyuhin na parang nahihiya.
Samantalang si Rosh ay hindi na magawang lumingon sa magtiyuhin, tuwid siyang nakaupo habang nakakrus ang mga braso at hita.
Si Caleb ay nanatiling nakangisi sa nangyayari habang nakayakap sa kanyang pamangkin. Nakailang halik pa siya sa ibabaw ng ulo ni Divina na ngayo'y pawis na pawis na sa pagsubsob sa dibdib niya.
"Kinikilig ang baby kong sutil..."
Ngumiwi si Rosh nang marinig iyon. "Anyway, what can I do for you?" tanong ni Caleb.
"Is he still staring at me, Uncle Caleb?" tanong ni Divina.
"Rosh! Don't stare too much on her!" sabi ni Caleb kay Rosh na hind inga lumilingon sa kanilang dalawa.
"W-What?!" nang eksaktong lumingon si Rosh kina Caleb at Divina, inalis ng munting prinsesa ang mukha niya sa dibdib ni Caleb dahilan kung bakit nagsalubong ang mga mata nila ni Rosh.
"Oh my god..." usal ni Rosh.
Tumawa ng malakas si Caleb nang bumalik sa pagkakasubsob sa kanya si Divina at si Rosh na iritadong nakatitig sa kanya. "Stop fooling me around, Gazellian!"
"Come on, I am just making things lighter. Sobrang bigat ng tensyon n'yo rito ni Leticia sa loob." Inilahad ni Caleb ang kamay niya kay Rosh.
"Give me a ponytail."
"What?"
"Something to tie my baby sutil's hair. Basang-basa ka na ng pawis, Divina." Sinubukang tanggalin ni Caleb si Divina sa pagkakasubsob sa kanya ngunit ayaw ng munting prinsesa.
Bumutong hininga si Rosh. Sa isang iglap ay may ibinigay siyang panali sa buhok na gawa sa dilaw na bulaklak.
"So, tell me... what can I do for you?" ulit ni Caleb. Inilagay niya sa labi niya ang isa sa panali sa buhok ni Divina habang ang isa'y hawak niya. Kasalukuyan niyang inaayos ang buhok ng munting prinsesa.
"How to produce a complete map of Nemetio Spiran? Do you have any idea?" tanong ni Rosh.
"Hmmm..." hinati na ni Caleb sa dalawang parte ang mahabang buhok ni Divina, ang isang parte'y itinatali niya na ng mataas.
Saka lang siya nakapagsalita nang inaayos na niya ang ikalawang parte ng buhok ng prinsesa. "No idea."
Mariin napapikit si Rosh.
"Bakit? Alam n'yo na ba kung saan ang destinasyon natin?"
"We need to find the old castle of the goddess from the history. Naroon ang unang relikya." Sagot ni Rosh.
Mabuti na lamang at naipaliwanag na sa kanya ni Rosh ang lahat bago namin ipinagpatuloy ang paglalakbay na ito.
"Never heard of it..." halos sabunutan ni Rosh ang kanyang sarili sa mga ibinibigay na sagot ni Caleb.
"Are you going to help or not, Caleb?"
"Of course. Pero may kilala akong maaaring mayroong kabuuan ng mapa." Namayani ang katahimikan sa loob ng karwahe ng sabihin niya iyon.
"S-Sino?" tanong ko.
Tipid siyang ngumiti. "Kanino ba natin nalaman ang katotohanan tungkol sa totoong nangyari sa nakaraan?"
Suminghap si Rosh. "Sa mga lobo..."
"Kay Adam..." usal ko.
Umiling si Caleb. "Adam is still in Parsua Sartorias... but we could ask another alpha."
Isa lang ang nakikilala kong pinuno ng mga lobo at nasisiguro kong hindi magdadalawang isip na kami'y tulungan. Ngunit nang maalala ko ang imahe niya'y hindi ko maiwasang sumulyap kay Rosh.
Si Lucas...
Si Lucas ay itinakda sa kanyang kapatid na si Marah.
"Who?"
"Si Lucas..." usal ko.
"Oh..." ilang beses siyang tumango.
Hindi ko alam kung may nasabi na ba sa kanya si Marah tungkol kay Lucas, ngunit base sa reaksyon niya, parang wala pa siyang nalalaman.
"So, we go back to Halla Eberron. Naroon ang lugar ni Lucas, hindi ba?" si Caleb naman ngayon ang siyang tumango.
"We're going to werewolves' place! Wow!" natutuwang sabi ni Divina.
Natutuwa niyang iginalaw ang kanyang ulo nang mapansin niya ang pagkakatali ni Caleb sa kanyang buhok. "It's beautiful!"
"Yes. You are so beautiful..." humalik si Caleb sa tungki ng ilong ni Divina.
Humarap si Divina kay Rosh habang nakahawak ang dalawa niyang kamay sa magkabila niyang buhok. "Am I beautiful, Prince Rosh?"
Umawang ang bibig ni Rosh habang hindi mapawi ang ngisi ni Caleb.
"O-Of course..."
Muling inilabas ni Rosh ang kalahati ng katawan niya sa bintana. "Nikos, Halla Eberron!"
Bumalik na naman si Divina sa pagsubsob sa dibdib ni Caleb. Mariin nang naniningkit ang mata ni Rosh sa prinsipe ng nagkibit balikat lamang.
"It will take us days before we reach the empire of Halla." Ani ni Caleb na hindi pinapansin si Rosh.
"Or Leticia can do something about it?" lumingon sa akin si Rosh.
"You can travel to places now?" tanong ni Caleb.
"Si Hua... hindi ako... may kakayahan din ako sa bagay na iyon ngunit hindi pa ako bihasa." Kung sanay na akong makapunta sa iba't ibang lugar, sana'y matagal ko na iyong ginawa umpisa pa lang ng paglalakbay namin.
"I can tell it to Hua."
"Si Divina na lang!" masiglang sabi ni Divina. "I'll go outside."
"Alright. Hatid ko lang sa labas si Divina."
Lumabas muli ang magtiyuhin pero agad rin bumalik si Caleb, sa pagkakataong ito'y nawala na ang ngisi sa kanyang mga labi.
"Let's get back to business, shall we?" katulad ni Rosh ay naupo na rin siya ng tuwid, pinagkrus ang mga hita habang ang dalawang kamay ay nakadaop at nakapatong sa kanyang tuhod.
"Are you sure that they'll give us the map?" tanong ni Rosh.
Inilahad ni Caleb ang kamay niya sa akin. "We have the goddess of the moon. Baka bigyan pa nila tayo ng red carpet kapag dumating tayo sa Eberron."
"Ngunit mukhang nakakalimutan mong pinamumugaran ang Halla Eberron ng mga nilalang na galit sa Sartorias."
"Hindi ka pa ba nasasanay, Rosh?"
Sarkastikong ngumiti si Rosh. "Just trying to avoid for a while. Hindi mo naman siguro nakakalimutan ang mga sinabi ko sa 'yo? Bago ka nakarating rito'y ilang beses na kaming napalaban."
"Nahihinaan ka pa sa akin, Rosh?"
"Yes."
Bumuntong hininga ako sa nararating ng usapan nila. Magsasalita na sana ako para magbigay ng opinyon ngunit nagsalitang muli si Caleb.
"May limitasyon din ang pagsama ko sa paglalakbay na ito. Kailangan ko rin bumalik sa Parsua Sartorias, ngunit ipinapangako ko na sasamahan ko kayo hanggang sa makarating kayo sa Halla Eberron."
"Naiintindihan ko, Caleb."
"Salamat, Leticia..."
"How about, Divina?" tanong ni Rosh.
"I know that she'll be fine. Kailangan n'yo siya ibabalik sa panahon niya?"
"Hindi na siya maaaring sumama sa loob ng kweba. Ibabalik na rin namin siya sa sandaling makuha ang lahat ng susi." Tumango si Caleb.
Hindi rin nagtagal ay pumasok na rin si Nikos sa loob ng karwahe para saglit na sabihin na matapos ang ilang minuto'y dadaan kami sa lagusan na inihanda ni Hua.
Akala ko ay wala nang mabubuong usapan sa pagitan naming tatlo, ngunit si Rosh ay tila balisa na parang may nais itanong kay Caleb.
"Ask it already, Rosh."
"What is the real situation in Parsua?"
Hindi ko tinanggal ang pagkakahalumbaba ko sa harap ng bintana, ngunit saglit na gumalaw ang mata ko patungo sa kanila.
"Are you sure you want to know about it, Rosh?"
"Dapat ko pa iyong pagsisihan?"
"No. It's just that the it might distract you. You're destined to be with Leticia in this journey. And--"
"What is happening?" mas madiing sabi ni Rosh.
"The empire is a mess... with the King and Queen..." tipid na sumulyap sa akin si Caleb.
Biglang sumikip ang dibdib ko nang marinig ko ang huling mga salitang binanggit niya.
"Something is not right, Caleb."
"In our world, everything is not right, Rosh."
Pansin ko na nakakuyom na ang mga kamao ni Rosh. Walang balak sabihin si Caleb sa mga nangyayari sa Parsua.
Lahat kami ay kapwa napahawak ng mahigpit sa karwahe nang maramdaman namin ang kakaibang presensiyang bumalot sa amin. Indikasyon na pumapasok na naman kami sa panibagong lagusan.
Nang sandaling magmulat ko, nakarinig pa ako ng sunud-sunod na mura kay Caleb habang marahan niyang minamasahe ang kanyang ulo.
"Si Divina..."
Nagmadaling lumabas si Caleb sa karwahe upang tingnan ang kanyang pamangkin, ngunit nang sandaling buksan niya iyon, kapwa kami natigilan sa sumalubong sa amin.
"Wow..." usal ni Caleb.
"They are so many!" pumapalakpak na sabi ni Divina.
Nagningas ang mga mata ni Rosh at lumabas ang pangil niya na parang may naramdaman siyang hindi tama. Ngunit ang buong atensyon ko'y ngayon ay nasa mga lobong sunud-sunod na nagsusulputan sa aking harapan.
Lahat sila'y naka-anyong lobo, may iba't ibang laki, kulay at kapangyarihang hatid. Bigla kong nayakap ang sarili ko lalo na't hindi tumitigil ang paglalakad nila papalapit sa posisyon namin, mababagal na lakad ngunit kalkulado.
Ang kanilang mga mata'y nagniningas ng ginto.
"I told you, Rosh... hintayin na lang natin ang red carpet."
Nang sandaling lumingon si Caleb na nakangisi kay Rosh, unti-unti rin iyong nawala nang makita na nagniningas ang mata nito.
"What the hell is wrong with you—"
"This is wrong... I could sense my sister's presence here.... But I am sure that she's inside the empire."
"R-Rosh..."
Pero siya rin ang nagpakalma sa kanyang sarili. Ipinilig niya ang kanyang ulo at ibinalik sa pagiging itim ang kanyang mga mata.
Bumaba na rin sa karwahe sina Hua at Nikos. Si Divina ay binuhat ni Caleb na agad yumakap sa leeg niya.
Si Rosh ang sumunod na lumabas sa karwahe. Hindi ko alam kung ilang minuto akong nag-isa sa loob ng karwahe bago ako nagkaroon ng lakas ng loob lumabas at harapin ang mga lobo.
Mga lobong kabiyak ng buwan... ang unang responsibilidad na yinakap ko. Sila ba'y nasisiyahan sa aking mga ginawa o sila'y nagsisi na ako'y umupo roon?
Huminga ako nang malalim.
Dapat ay hahawak ako sa may pintuan ng karwahe upang alalayan ang sarili ko sa pagbaba, ngunit inilahad nina Caleb at Rosh ang dalawa kong kamay sa paglabas ko sa karwahe.
Unang sumayad sa lupa ang aking sapatos hanggang humalik dito ang aking pulang kasuotan... taliwas sa diyosang kanilang sinasamba.
Ngunit nang sandaling ako'y tuluyang nang nakatapak sa lupa, hindi ang inaasahan kong pagtanggap ang siyang sumalubong sa akin.
Ang lahat ng mga lobong natipon sa aming harapan ay mas pinagningas ang kanilang mga gintong mga mata.
At sa tuktok ng mataas na burol kung saan nakatindig ang pinakamatikas na lobong may makapal na abong mga balahibo... isang malakas na alulong na tila maging ang buwan ay mahahalina, ang siyang bumuhay sa kabuuan ng kagubatan.
Mabilis ang patuloy na pagsulpot ng mga lobo sa iba't ibang direksyon na sinundan ang pag-alulong ng kanilang pinuno.
"The Goddess of the Moon has arrived..." usal ni Nikos.
Agad sumagot sa kanya si Rosh. "No. The Queen has arrived."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro