
Chapter 32
Chapter 32
Unang destinasyon
Nang sandaling matapos sambitin ni Divina ang mensahe ng unang punyal na konektado sa unang relikya, agad nawala ang pagliliwanag ng kanyang mga mata, mabilis siyang sinambot ni Caleb na punong-puno ng pag-alala.
"Divina..." tawag niya sa munting prinsesa na ngayo'y kasalukuyan nang natutulog.
"Divina..." ulit ni Caleb.
Maging si Rosh ay tulala kay Divina na nasa bisig ni Caleb. Pansin ko rin ang pagpipigil niya sa kanyang sarili na hawakan ang natutulog na prinsesa.
Hinawakan ko ang braso ni Caleb. "Natutulog lamang siya..." mahinahong sabi ko.
Iyon ang siyang gumising sa pangamba ni Caleb, napahinga siya ng maluwag at mas kinabig papalapit sa dibdib niya ang kanyang pamangkin.
"Sorry... nabigla lamang ako."
Makikita sa mabilis na pagbabago ng reaksyon ni Caleb ang kanyang matinding pagmamahal kay Divina. Hindi na ako nagugulat, sinuman sa mga Gazellian ay siguradong ganito rin ang magiging reaksyon.
Mahal na mahal ng lahat si Divina, na maging si Desmond na mula pa sa malayong mundo'y handang tawirin puntahan lang ang tawag ng munting prinsesa.
Saglit pang napapitlag si Caleb ng hawakan ko si Divina at haplusin ang pisngi. Tila hindi pa nais pahawakan ng prinsipe ng kanyang pamangkin.
"S-Sorry..." muli niyang usal. "Zen will kill me, you know that... hindi pwedeng masaktan ang sutil namin..."
"Natutulog lamang siya, Caleb." Ulit ko.
Ilang beses siyang tumango. "Yes... yes..."
Nang saglit kong haplusin si Divina ay tumuwid na ako sa aking upuan at muli akong humarap kay Rosh na nasa akin na rin ang atensyon.
Nang sandaling hawakan ni Divina ang punyal at sambitin ang mensahe, kusa rin naglaho ang punyal sa huling katagang binitawan ng munting prinsesa.
Usok na nakapupuwing
Sa lugar ng unang pag-ibig
Unang sumpang sinambit
Binhing iniwang may sakit
Inulit ni Rosh ang mga kataga habang hawak ang isang tangkay ng pulang rosas.
Marami nang naglalaro sa isipan ko, ngunit hindi ko alam kung bakit hindi ko iyon magawang isasalita. Lalo na't hindi ako sigurado, ngunit hindi ba dapat ay nasasanay na ako sa ganito?
Ang lahat ng maaari naming tahakin sa paglalakbay na ito'y walang kasiguraduhan.
Tila nagpapakiramdaman kami ni Rosh kung sino ang siyang unang magbibigay ng komento tungkol sa mensahe.
Ramdam ko ang biglang pagkawala ng putil ng pawis sa aking noo. Bakit kailangang makaramdam ako ng tensyon?
Ang tanging siyang namayani'y ang ingay ng gulong ng karwahe at yabag ng mga kabayo sa unahan.
Muli kong inulit ang mensahe sa aking isipan. Ang unang linya'y nasisiguro kong may malaking koneksyon kina Adam at Lily, ngunit sa ikalawa, ikatlo at ika-apat ay nag-aalinlangan na ako.
Usok na nakapupuwing
Sa lugar ng unang pag-ibig
Unang sumpang sinambit
Binhing iniwang may sakit
Sa pagkakataong ito'y ako naman ang umulit nito sa sarili kong mga labi. Kapwa na nakatitig sa akin sina Rosh at Caleb. Alam kong hinihintay nila ang sasabihin ko.
Ibubuka ko na sana ang aking mga labi nang mapansin ko na naalimpungatan na si Divina. "Sutil..." usal ni Caleb.
Hinayaan niyang umupo ng maayos ang prinsesa sa kanyang kandungan habang kinukusot ang mga mata. "What happened?"
"Tinulugan mo 'ko, Divina." Pinisil ni Caleb ang pisngi ng prinsesa.
"I did?"
"Yes."
"Leticia..." si Rosh na ang tumawag sa akin.
Huminga ako nang malalim bago muling sinambit ang mensahe sa ikalawang pagkakataon.
Sumandal na si Caleb sa kanyang upuan habang nanatiling nakayakap ang kanyang mga braso kay Divina, napatingala siya sa kisame ng karwahe.
"Matulog na lang tayo, Divina. I hate puzzles! Oh... ouch! Ang sakit ng ulo ko."
Ngumiwi si Rosh sa kanya. "Not asking your help."
Hindi siya pinansin ni Caleb. Dahil mukhang naniniwala si Divina, humarap siya kay Caleb at hinawakan niya ang sentido nito.
"Where? I will kiss it!"
Sa huli, kung saan-saang parte na ang sumakit kay Caleb at nagkaroon na silang dalawa ni Divina ng sariling mundo.
Napabuntong-hininga si Rosh bago muling sinalubong ang aking mga mata. "It's good that he's here. Silang mag-tiyo na ang naglolokohan."
"I heard it, Rosh! You idiot!" asik ni Caleb na hawak ang magkabilang tenga ni Divina.
"Kailangan ko ng sariwang hangin, Divina... labas tayo." Anyaya ni Caleb.
"How about my boyfriend—" tanong ni Divina na sumulyap kay Rosh.
"It's okay. Saglit lang tayo."
Binuksan ni Caleb ang karwahe habang buhat si Divina. Sinalubong kami ng malakas na hangin.
"Saan kayo pupunta?" tanong ni Rosh.
Namula agad ang pisngi ni Divina. "I will come back, Prince Rosh..."
"Sa unahan lang. Sumasakit ulo ko sa pinag-uusapan n'yo." Bigla na lang tumalon si Caleb mula sa karwahe habang kumakaway sa amin si Divina.
Si Rosh ang siyang nagsaradong muli ng pintuan.
"He's not willing to help in solving the puzzles."
Tumango ako sa sinabi ni Rosh. Ngunit hindi na rin ako nagulat, nakilala ko na si Caleb sa ganoong ugali.
"First line..." panimula ni Rosh.
"Sina Lily at Adam."
"Same thoughts. How about the second line?" tanong niya.
Napakuyom ako ng aking kamay. "Maraming unang pag-ibig, Rosh..."
"We could connect it with Lily and Adam..."
"Sa kanila nagsimula ang unang pag-ibig." Ani ko.
"It could be King Thaddeus and Queen Talisha..."
"Hindi sila konektado sa usok." Hindi ko pagsang-ayon. "Iikot lang kina Lily at Adam ang unang mensahe, Rosh. Nasisiguro ko..."
"But... Adam is not Lily's first love, Leticia. There's someone else... he's a fox from Loddoss..."
"Maaaring sa lugar kung saan unang nagkita sina Lily at Adam o sina Lily at si—"
"His name is Orion. Malaki ang nagawa niyang tulong sa nagdaang digmaan... just like Serena..." mahinang sabi ni Rosh.
Alam ko ang tungkol dito. Sinakripisyo ni Serena ang kanyang sariling buhay para kay Rosh, bilang kapatawaran sa lahat ng pagkakamaling ginawa niya sa mga itinakdang babae mula sa salamin.
"Unang sumpang sinambit... ikatlong linya..."
"Maraming sumpa na ang naganap sa kabuuan ng Nemetio Spiran ngunit alam natin ang may pinakamalaking kaugnayan ay—" hindi natapos ni Rosh ang kanyang sasabihin at natigil siya sa paglalaro sa kanyang rosas.
Tipid akong ngumiti sa kanya. "Sina Adam at Lily nga, Rosh... dahil konektado sa kanila ang unang sumpa. Ang sumpang wala nang lobo ang siyang iibig sa isang bampira."
Tumango si Rosh bago niya inulit ang ika-apat. "Binhing iniwang may sakit..."
Umiling ako. "Wala akong mahanap na kasagutan sa ikaapat, Rosh."
"To summarize everything, the first line gives us a hint that it's all about Lily and Adam. The second line is the place, the third line is the time, and the last line is the last clue to the place... the confirmation."
"Hindi pa malinaw ang ikalawang linya, Rosh. Saang partikular na lugar? Maraming lugar ang siyang nadawit sa pagmamahalan nina Lily at Adam, hindi natin nasisiguro na sa unang lugar kung saan sila nagkita ay iyon na ang itinuturo ng punyal..."
"Kasama ako sa paglalakbay noon ni Lily at pamilyar ako sa lugar ng tinahak niya. Maybe I could remember something significant..." marahang minasahe ni Rosh ang kanyang noo.
"Pero matagal nang panahon iyon..."
Tumaas ang kilay niya sa akin. "Mukhang nakakalimutan mong isa akong bampira. Hindi kami mabilis makalimot lumipas man ang daang taon..."
Hinintay kong matapos sa pag-alala si Rosh ng mga lugar kung saan sila naglakbay noon. Ang ilan doon ay naalala ko rin dahil sabay naming pinanuod ni Nikos ang ilan sa pinagdaanan ng pagmamahalan nina Lily at Adam.
Ako ang nagtakda sa kanila. Ako ang sumugal sa pagmamahalan nila. Ako ang unang sumugal sa sumpa...
"R-Rosh!"
Napamulat si Rosh sa kanyang pag-iisip dahil sa biglaan kong pagtawag sa pangalan niya.
"Ang ikatlong linya'y hindi katugma sa paniniwalang tinatahak natin." Kumunot ang noo ni Rosh.
"Ang unang sumpa'y hindi kina Lily at Adam unang dumapo..."
"White Curse? Hindi ba't nauna ang sumpa sa mga lobo at bampira?"
Umiling ako sa sinabi ni Rosh. "Ang ibig kong sabihin, hindi sa unang pares nina Lily at Adam... may mga naunang pares akong pinili..." nakagat ko ang pang-ibabang labi ko.
Muli ko na naman naalala ang mga nilalang na isinakripisyo ko upang buwagin lamang ang sumpang iyon. Bago pa man magtagumpay sina Lily at Adam, may mga pagmamahalan nang naputol at nahantong sa trahedya.
"Two pairs... dalawang pares na siyang naging dahilan ng pagkalaho ng dalawang emperyo..." tumango ako kay Rosh.
"Kung ganoon ay kikilalanin natin ang dalawang pares na iyon? Hindi ba't ikaw ang nakakakilala sa kanila?"
Hindi ko magawang sumagot kay Rosh. Hindi pa rin ako kumbinsido sa nahahabi ng aming mga isipan.
"Sinambit... hindi dumapo, Rosh..."
Napahilamos na siya sa kanyang sarili. "Nalilito na 'ko..."
"Unang sinambit..." ulit ko.
Huminga nang malalim si Rosh. "Let's start again. The first line gives us a clue about the message's connection with Lily and Adam. The second line..." hindi na natuloy ni Rosh ang kanyang sasabihin dahil nagsalita na ako.
Napasinghap ako. "Lahat may salitang una, Rosh..."
Umawang ang bibig niya. "Holy shit...it's the vampire and the werewolf from the seven thrones! Sila ang dahilan ng unang sumpa!"
Pinagdaop ko na ang aking dalawang kamay. Bigla akong nakaramdam ng panlalamig. Unti-unti na namin napagdudugtong-dugtong ni Rosh ang nais iparating ng mensahe.
"We're already sure about the first and third line. The message used Lily's power as a hint, and the third line identifies the real setting... it's the era of King Ambronicus Clamberge III and his werewolf mate."
Inulit ko sa aking isipan ang ikalawa at ikatlong linya. Nangangamba ako rito, lalo na't hindi detalyado ang nalalaman ko sa pag-iibigan ng dating hari at lobo na nakaupo sa trono. Kung masasabi ko ngang may pag-ibig doon...
Ang lobong lubos na nagmahal sa bampira'y inalay ang lahat sa minamahal niyang bampira, nagawa niyang sundin ang lahat ng nais nito, ngunit ang bampira'y tanging posisyon lang ang siyang sinasamba.
Nang sandaling maalala ko na naman ang nakaraan, hindi ko maiwasang kamuhian si Haring Clamberge, ng dahil sa kasakiman niya sa trono, hanggang ngayong kasalukuyan ay naghihirap ang napakaraming lahi.
Mga inosenteng nadamay dahil sa kapanyarihang hinangad niya.
Si Nikos... ang mga lobo at inosenteng bampira na hindi pa isinisilang.
"Ganoon ba talaga ang mga hari, Rosh? Gagawin ba talaga nila ang lahat para sa posisyon at kapangyarihan? Na kahit ang nararamdaman ng mga nilalang na nagmamahal sa kanila'y hindi nila kayang isipin man lang?"
"L-Leticia..."
Hindi ko alam kung bakit sa pagkakataong ito'y mas namumuhi ako kay Haring Clamberge III at sa kasakiman niya sa posisyon.
Namatay ang lobo na mahal na mahal siya... ngunit pinili niyang makipag-isa sa diyosa ng sapilitan para lang sa kapangyarihan.
"L-Leticia..." hindi ko mapigilan ang pangangatal ng mga kamao kong nakatikom sa aking mga hita.
Hindi na ako maaaring pumayag na may bampira pang uupo bilang hari sa Nemetio Spiran, malaki ang tiwala ko kay Rosh at sa ibang Gazellian, ngunit... tam ana sigurong putulin ko ang nasasaklaw ng kapangyarihan ng mga bampira.
Kung hayaan ko man ang pamumuno sa kanila, hindi ko masisiguro na habangbuhay ay nasa kanilang mga kamay ang kapangyarihan.
Kahit ilang beses umiwas, darating ang pagkakataon na may isisilang na taliwas sa paniniwala at ipinaglalaban ng lahat, at habang hindi pa iyon nangyayari ay hahadlangan ko na.
"Kailangan nating malaman ang istorya sa pagitan ni Haring Clamberge III at sa lobong namatay na iniibig pa rin siya..."
"Maraming bersyon ang kwento ng pitong matataas na trono, Leticia... ipinapaalala ko. May bersyon kaming mga bampira, mayroon din ang mga lobo at ang bawat nilalang na kasali sa nakaupong trono."
Mapait akong ngumiti kay Rosh. "Kaninong bersyon ko naniniwala, Rosh?"
"Noon, inaamin kong sa aming sariling bersyon ako naniniwala. Munting prinsipe pa lamang ako'y naririnig ko na ang ilang usapan sa kwentong iyon, kahit hindi iyon kasama sa aming aralin, ngunit nang magkaisip ako at mamulat sa reyalidad ng mundong ito... natuto akong makinig ng ibang bersyon. Mahirap man aminin, ngunit mas tugma ang mga nangyayari sa bersyon ng mga lobo..."
Tumanaw ako sa labas ng karwahe.
"Binhing iniwang may sakit..." usal ko.
Nang sabihin kong kailangan namin malaman ang kwento sa likod nina Haring Clamberge III at ang lobong nagsakripisyo para sa kanya, tila sasabog ang dibdib ko sa hindi pagsang-ayon.
Parang may bagay iyong pilit na pinapaiwas sa akin. Mariin akong pumikit nang makakita na naman ng anino ng haring iyon.
"Ngunit sa tingin mo ba'y sino ang nakakaalam ng pagmamahalan naganap sa pagitan nila? Sino ang diyosa ng buwan ng panahong iyon?" tanong ni Rosh.
Muli akong umiling sa kanya. "Binabawi ko na, Rosh... hindi na natin kailangang alamin ang sakit na pinagdaanan ng lobo sa kamay ng bampirang iyon..."
Usok na nakapupuwing
Sa lugar ng unang pag-ibig
Unang sumpang sinambit
Binhing iniwang may sakit
"Rosh, iisa lang ang lugar ng unang pag-ibig. Sa lugar kung saan unang umikot ang lahat..."
Saglit niyang pinaikot sa kamay niya ang pulang rosas hanggang sa bigla niya iyong nabitawan. "S-Sa palasyo... sa unang palasyo ng pitong matataas na trono. Dito nabuo ang unang pag-ibig..."
"Nasaan iyon sa Nemetion Spiran?" tanong ko.
Ilang beses kumurap si Rosh. "Ngunit hindi roon sinambit ang sumpa, itinakas ng lobo ang diyosa mula kay Clamberge... nakalayo pa sila sa palasyo."
Muli akong tumango. Nagtutugma na naman ang iniisip namin ni Rosh.
"Malapit sa unang palasyo ng diyosa mula sa kasaysayan ang tinutukoy sa mensahe, Rosh... at posibleng nang sandaling maglaho ang lobo kasabay ng pag-ihip ng sumpa ng diyosa...nag-iwan siya ng binhi at ngayo'y isa nang puno o halaman na sumisimbolo sa pighati ng lobong nagmahal lamang ng bampira..."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro