Chapter 25
Chapter 25
Bangin
Nang sandaling makarating ako sa ere, higit na mas mataas kina Nikos at Rosh, mas nabigyan ko ng higit na atensyon ang kabuuan ng kagubatan.
Sa unang tingin ay masasabing bilog ang hugis nito, ngunit kung ang iyong mga mata'y mas paglilinawin mo at papansinin ang bawat anggulo, ibang hugis ang ibinibigay nito.
Napasinghap ako sa realisasyon nang patuloy na paglandasin ng aking mga mata ang kabuuan ng kagubatan.
"Buwan..." usal ko.
"B-Buwan!" mas malakas na sabi ko.
Kapwa nag-angat ng tingin sa akin sina Nikos at Rosh, ang kanilang mga kamay ay parehong nakabuka sa ere dala ang kanilang mga kapangyarihan.
Nang sabihin ko iyon, sabay silang bumaba sa bubong ng karwahe upang kumuha muli ng buwelo, at nang sandaling tumalon sila na halos maabot ang aking posisyon, tinanaw nila ang kabuuan ng kagubatan.
"Waxing Crescent..." usal ni Rosh.
Napatango ako sa sinabi niya. Ngunit hinihintay ko na mapansin din nila ang siyang nakita ko.
"Holy shit!" gulat na sabi ni Nikos. "The forest is still connected with the bridge! Look!"
Itinuro ni Nikos ang dalawang magkabilang dulo ng kagubatan na kasing hugis ng buwan. Buwan na hindi buo, hindi kalahati, kundi hugis na tila gumuguhit ng letrang C.
Ang magkabilang dulo ng nito ay konektado sa magkabilang hangganan ng tulay na siyang aming sinira.
"But I can't feel any manipulation." Ani ni Rosh.
"Lokasyon lang ang kayang manipulahin ng kagubatan at hindi isipan ng mga nilalang na naglalakbay sa loob."
"Higit na mas malakas pa rin ang tulay kung tutuusin." Dagdag ni Nikos.
Tumango si Rosh. "Let's continue, then."
Muli kaming bumaba sa bubong ng karwahe. Kapwa lumingon sa amin sina Hua at Divina.
"Tapos na?"
"Wala pa tayo sa kalahati. Ang laki ng kagubatan." Sagot ni Nikos kay Hua.
"Straight ahead. Same speed." Ani ni Rosh.
Ibinalik namin tatlo ang aming atensyon sa direksyon na nakalaan sa amin. Ngayong alam namin na may bahid pa rin ng tulay ang kagubatan, mas magiging maingat kami at mapangmatyag.
Si Rosh naman ngayon ang nagbigay sa amin ng hudyat.
"Now!"
Sabay-sabay namin nilisan ang bubong ng karwahe.
Ang aking katawa'y umiikot sa bawat pag-angat sa ere habang ang aking punyal ay walang tigil sa pag-ulan upang bigyang palatandaan ang bawat puno. Ang mga kamay nina Nikos at Rosh ay tila mas bumilis upang mas maparami pa ang mga punong nalalagyan nila ng palatandaan.
Dahil hindi sila katulad ko na may kakayahang lumipad, ilan beses ilang bumabalik sa bubuong ng karwahe upang tumalon at kumuha ng balanse upang mas mapataas ang kanilang posisyon sa ere.
Walang tigil sa ganoong paraan sina Nikos at Rosh, habang panay ang pagbibigay nila ng direksyon kina Hua at Divina.
"Hilaga!" sigaw ni Nikos.
Marahas ibinaling ni Hua ang karwahe, bumaba si Rosh upang kumuha muli ng balanse habang nanatili ako sa ere.
"Kanluran!" si Rosh naman.
"Timog!"
"Hilaga!"
"Kanluran!"
Sunud-sunod ang pagsigaw nina Nikos at Rosh, habang panay ang marahas na pagkabig ni Hua sa tali ng kabayo.
Ngunit habang tumatagal ay napapansin ko na bumabagal na rin ang pagtalon nina Nikos at Rosh, dahil halos magdadalawang-oras na kami sa ganoong paraan. Maging ang pagkabig ni Hua sa tali ng kabayo ay bumabagal na rin.
Nang tanawin ko muli ang kagubatan, wala pa sa kalahati nito ang nabibigyan namin ng lubos na liwanag.
Hindi pa rin magagawang basahin ni Rosh ang mensahe na natin nitong iparating kung kulang ang simbolong makikita namin.
Nag-aalangan na akong gamitin ang gintong tali na siyang ginamit ko nang sandaling hilahin ko sila sa tulay. Halos maubos ang lahat ng lakas ko sa kapangyarihang iyon. Ngunit wala akong ibang pinagpilian.
Ang tali na siyang nasa bewang nil ana konektado sa karwahe'y pinag-isa ko na. Kapwa napatingin doon sina Nikos at Rosh, nang mag-isa ang kanilang tali, pinag-isa ko rin iyon sa akin dahilan kung bakit lumulutang na sila sa ere ngayon.
"Are you sure about this, Leticia?"
Tipid akong tumango kay Nikos. "Nasasanay na akong lubos na gamitin ang kapangyarihan ko sa ganitong sitwasyon." Pagsisinungaling ko.
Hindi na nagtanong si Rosh at binigyan na rin niya ng atensyon ang kagubatan. Sa pagkakataong iyon ay mas ibinuhos namin ang aming mga lakas upang lubos na pagliwanagin ang madilim na kagubatan.
Tila bumuo kaming tatlo ng tatsulok habang ako ang siyang nasa tuktok. Pansin ko na wala na sa unahan ang atensyon ni Divina, dahil nasa amin ang atensyon ng inosenteng bata na ang mga mata ay nagkikislapan at mga labing nakaawang.
"H-Hua... Hua... look! It's beautiful! Just like a Christmas tree in Aunt Naha's pictures!"
Mabilis ang naging pag-ikot ng aming mga katawan, na tanging ang mga mata lamang ng hindi pangkaraniwang ang siyang makakakita ng aming bawat paggalaw.
Kung pagmamasdan kami ng ordinasyong mga mata, makakakita lamang ito ng tatsulok na nagliliwanag sa katawan dahil sa gintong tali na siyang aming koneksyon at kumukurap na liwanag ng asul at puti, mula sa apoy at mga rosas ni Rosh.
Sa bawat ingay ng karwahe, mararahas na yabag ng mga kabayo at ang mabilis ng pag-ikot dala ang aming mga kapangyarihan... ang kabuuan ng kagubatang walang buhay ay unti-unting nagliliwanag mula sa tatlong kulay.
"It's working..." usal ni Divina na may kasamang pagpalakpak. Hindi magkaintindihan ang inosenteng bata kung saan direksyon dapat lumingon dahil sa kagandahang sumasalubong sa amin.
Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko habang unti-unting nagbabago ang kabuuan ng kagubatan.
"N-Nagliliwanag na... nagliliwanag na, Rosh, Nikos..."
Nakita ko kung paano sila sabay ngumiting dalawa sa kabila ng pawis na halos pumuno na sa kanilang mukha.
Hindi kami tumigil at ipinagpatuloy namin ang pagpapaulan ng punyal, asul na apoy at puting rosas.
Nang muli kaming bumaba sa bubong, alam namin na sa muli naming pag-angat sa ere ay malalagyan na namin lahat ang puno at magagawa nang mabasa ni Rosh ang mensahe. Ngunit hindi lingid sa kaalaman naming lahat na kailanman ay hindi pa nagbibigay ng direktang mensahe ang bawat simbolo.
Laging may bugtong... palaisipan.
"I also need help to decipher it." Ani ni Rosh.
"Nasa likod kami, Rosh." Tinapik ni Nikos ang kanyang balikat.
"Sa sandaling magawa natin mabasa ang mensahe at malaman ang kasagutan nito, maaaring lumabas na ang sinasabi ni Divina na tagabantay..." sabi ko.
"Maaari natin siyang magising..." usal ni Rosh.
Tumanaw si Nikos kina Hua. "Alerto, Hua." Sabay silang tumango ni Divina.
Sabay-sabay kaming huminga nang malalim sa gitna ng kagubatang ngayo'y nagliliwanag na ng tatlong kulay. Ngunit alam naming sa likod na liwanag nito'y may tagabantay na siyang natutulog...
Katulad rin ito ng kagubatan na piniling matulog ng mahimbing at sapilitan namin ginising.
"Now!" sabi ni Rosh.
Gamit ang gintong tali, sabay-sabay kaming umangat sa ere at pinaulanan sa huling pagkakataon ang kagubatan.
At nang sandaling tumama ang huling punyal sa punong aking pinupunterya, ang puting rosas ni Rosh at ang maliit na apoy ni Nikos. Biglang nagkaroon ng malaking bilog na enerhiya na may magkahalong tatlong kulay.
"What's going on?!" tanong ni Nikos.
Nanlaki ang mga mata ko. "Sasabog! Hihipan tayo papalayo!" sigaw ko.
"No way!"
Sabay-sabay namin binago ang aming posisyon at kapwa na kami pabalik sa lupa at sa karwahe, ngunit huli na ang lahat. Sumabog na ang bilog na enerhiya at nagpakawala iyon ng napakalakas na hangin, na kahit ang tali sa aming katawan na nakakonekta sa karwahe ay walang magawa.
"Nikos!" ipinulupot ko ang gintong tali sa kanya dahil siya ang mas tumilapon.
Si Rosh ay naglabas ng halamang tali at pilit niyang ipinulupot iyon sa kabuuan ng karwahe, kay Hua at maging kay Divina.
Nakakonekta ang isa niyang kamay sa mga puno habang ang isa'y kina Hua at Divina, ganoon din ang gintong tali ko habang nakaalalay naman ako kay Nikos.
Sobrang lakas ng hangin na maging ang mga puno'y nagsisimulang matanggal sa lupa.
"Shit! Shit! Shit!" paulit-ulit na usal ni Rosh.
Ramdam ko na walang balak tumigil ang kagubatan sa pag-ihip sa malakas na hangin.
Pilit kaming hinihipan papalabas!
"Ano ang gagawin natin?!" sigaw ni Hua.
Kapwa kami mariin napapikit ni Rosh, kaming dalawa ang dapat naroon sa himpapawid upang makita ang kabuuan ng kagubatan, natatakot ako nab aka tuluyan nang mawala ang mensahe dahil unti-unti na rin nililipad ang mga puno.
Mauuwi sa wala ang aming pinaghirapan!
Ngunit si Hua, Nikos at Divina ay walang kakayahang gumawa ng tali! Kami lamang ni Rosh ang may kakayahan sa bagay na iyon. Sa sandaling gumalaw kami, posibleng madala ng hangin si Nikos o kaya'y si Hua at Divina.
Lumingon sa akin si Rosh.
"Leticia... I'll make another web. Sasaluhin ko kayong lahat. You hold it tight while we decipher the message."
Napalunok ako sa sinabi ni Rosh. Ibig sabihin niyon, sabay kaming bibitaw at kailangan namin maunahan sina Nikos, Divina at Hua bago sila tuluyang liparin ng hangin.
Tumango ako. Kinakabahan ako.
"Kapag sinabi ko bitaw, bibitaw kayong lahat!"
"W-What?" sabay na usal nina Nikos at Hua.
"You'll save me, Prince Rosh, right?" tanong ni Divina.
"Of course. Your father will kill me."
Muling nagtama ang mga mata namin ni Rosh sa isa't isa. "Bitaw!"
Nang malakas siyang sumigaw, kapwa namin itinapak ang aming mga paa sa pinakamalaking puno at sabay naming buong pwersang itinulak ang aming mga sarili sa ere kasabay nang malakas na hangin.
Mas nauna si Rosh sa aming lahat na nakaharap pa sa amin habang nakabuka ang mga braso. Sa kabila ng lakas ng hangin, pawis at matinding pagod, nagawa pa rin niyang dalhin ang sarili niya sa pinaka-eleganteng paraan.
Sumabog ang pinakamalaking halamang sapot na nasaksihan ko sa aking talambuhay, mga sapot na may dalang puting rosas na may kasabay na kislap ng nagniningning na buwan.
"Prince Rosh!" ibinuka ni Divina ang kanyang mga braso habang itinutulak siya ng hangin palabas ng kagubatan.
Mariin siyang yumakap sa dibdib ng prinsipe na ngayo'y wala na ang atensyon sa amin, kundi sa mensahe ng nagliliwanag na kagubatan na unti-unti na rin nasisira.
Sunud-sunod kaming tumama sa malaking sapot ni Rosh, ngunit sinadya kong manatali akong nakatalikod, ang magkabilang dulo ng sapot niya ay itinali ko sa aking mga tali at isa-isa kong ipinulupot sa bawat puno sa ibaba na maaaring humila sa amin pabalik.
"Shit. Shit. Shit." Paulit-ulit na usal ni Rosh.
Nahihirapan ang prinsipeng isipin ang mensahe. Hindi ko na magawang tumingin doon dahil ang konsentrasyon ko ay nasa sapot at tali na humahawak sa aming lahat.
Sina Nikos at Hua ay kapwa mariin ang hawak sa sapot ni Rosh. Sila'y nakatanaw rin sa kabuuan ng kagubatan.
"I can't see anything..." usal ni Nikos.
"Ako rin..."
"There is something..." usal muli ni Rosh.
"It's a moon, right?" tanong ni Divina.
"There's a pattern. Look at the colors... hindi ko maintindihan... marami na ang punong nawala..." muling sabi ni Rosh.
"Faster, Rosh... nahihirapan na si Leticia." Sabi ni Nikos.
"I'm trying..."
"R-Rosh..." usal ko.
Nanghihina na ang mga kamay ko.
Hindi sumagot ang prinsipe at mariin pa rin siyang nakatitig sa kagubatan. "There's a pattern... there's a pattern..."
Paulit-ulit na usal ni Rosh. "Prince Rosh... look at those sides! Puro white roses mo lang iyong nasa dulo..." ani ni Divina.
Bigla kong naalala ang pagkakaayos ng mga kulay kanina, sa letrang C, na siyang hugis ng buwan, ang bawat dulo nito ay tanging ang mga puting rosas lang ni Rosh.
Kung iisipin iyon ay ang dalawang magkabilang dulo, ang bawat hangganan ng tulay na siyang giniba namin. Kung iisipin... sa sandaling tumawid kami sa tulay at sinundan namin ang daan, magpapaikot-ikot lang kami.
Iisa lang ang mangyayari, magpapabalik-balik kami sa tulay! Dahil ang magkabilang dulo ng kagubatang ito ay ang tulay na siyang giniba namin!
Pero ito ang itinuturo ng kagubatan... ang tulay... puting rosas... purong landas, malinis at tama.
Hanggang sa unti-unting rumehistro sa akin ang realisasyon, wala sa sarili akong lumingon kay Rosh na ngayo'y nakatitig na rin sa akin.
Alam kong nakukuha na rin ng prinsipe ang siyang tumatakbo sa aking isipan.
"Sa ibaba ng tulay ang daan..." usal ni Rosh.
Naglandas ang mainit na luha mula sa aking mga mata at kusang bumitaw ang aking mga kamay sa tali, hinayaan ang aming mga katawang tangayin ng hangin pabalik sa tulay na siyang umalipin sa napakaraming nilalang.
Ginawa ng tulay panakip ang mga nilalang na kanyang naging biktima upang ikubli ang makapangyarihang kubo iyon.
Sinikap kong nakapulupot ang gintong tali sa aming lahat habang kapwa kami nakatanaw sa ibaba... ang mga daang aming tinahak.
Hanggang sa makita ko na ang sirang tulay at ang malalim na bangin nito na siyang daan na magdadala sa amin sa kubong nagsimula ng lahat.
Gamit ang kapangyarihan ko'y inaayos ko ang posisyon ng karwahe at ang ayos naming lahat.
Kapwa na kami nakaupong lahat sa unahan habang hawak ang tali ng aming mga kabayo na laking pasasalamat ko'y buhay pa rin.
Isa-isa kong pinaglandas ang aking mga mata sa mga nilalang na ngayo'y kasama ko sa paglalakbay.
"Hindi ako makakarating dito ng wala ang tulong n'yo..."
Ngumiti sila sa akin.
Mas dumiin ang hawak ko sa tali. "Tayo na..." tumango sila kasabay ng paghawak nila sa tali ng karwahe.
Patungo sa bangin ng panibagong kadiliman.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro