Chapter 23
Chapter 23
Pagputol
Buong akala ko ay mababawasan man lang ang sakit nang pinili kong umiyak sa dibdib ni Rosh at hayaang damhin ang kanyang mga yakap.
Akala ko'y may magagawa ang kanyang mga haplos at bulong upang kumalma ang puso kong patuloy sa paghapdi, ngunit wala man lang iyon magawa.
Hindi ko na alam ang gagawin ko.
Sobrang sakit... na nais ko nang gamitin ang aking sariling punyal at isaksak iyon sa aking dibdib upang patigilin iyon sa patuloy na pagpapahirap sa akin.
"L-Leticia..." batid kong hindi na lamang pag-aalala ang kanyang nararamdaman. Ang ikalawang prinsipe ng Deltora ay naalarma na sa aking ikinikilos.
Gusto kong ibahagi sa kanya... gusto ko man lang huminga at umaasang sana'y may magawa iyon upang tulungan ako mula sa sakit. Ngunit hindi ko nais sirain si Dastan mula sa mata ng kahit sino...
"Tell me... allow me to help you..."
Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko at pilit niyang sinalubong ang aking luhaang mga mata.
"Is it a dream? Pangitain o bagay na kinatatakutan mo?"
Mariing kumuyom ang aking mga kamay sa aking kasuotan habang kagat ang pang-ibabang labi. Nag-iwas ako ng tingin sa kanya.
"Paano kita matutulungan? Hindi sa lahat ng pagkakataon ay alam ko ang nangyayari. Something is wrong with you, and it's frustrating me that I can't help you..."
Wala sa sarili kong pinunasan ang aking mga luha gamit ang magkabila kong braso, paraan na hindi kailanman itinuro ng mga matatandang diyosa sa akin.
"You've been strong enough, Leticia... wala ako rito, sina Nikos at Hua kung hindi dahil sa 'yo. You saved us. Pinatunayan mo sa amin ng paulit-ulit na ikaw ang nararapat ng reyna ng mundong ito... but please... no matter what your problem is, fight it the way you held your sword on that bridge. Alright, I am not forcing you to tell it. But please... fight. Dahil marami pa, Leticia... wala pa tayo sa kalahati..."
Halos paduguin ko na ang pang-ibabang labi ko para lamang pigilan ang paghikbi ko. Sa halip na sumagot sa kanya, ilang beses lang akong tumango sa kanyang harapan.
Ngunit gusto kong sumagot sa kanya.
Paano pa ako lalaban ng buong puso kung ang lalaking siyang malaking dahilan ng aking paglalakbay na ito'y may iba nang nais---
Hindi ko magawang ituloy ang aking iniisip.
Ganoon na ba kahina si Dastan upang hindi makilala ang babaeng kanyang hinahalikan? May koneksyon kami ngunit hindi niya man lang iyon napansin... na wala sa babaeng iyon...
Si Alanis... na halos buong emperyo ng Parsua Sartorias ay malaki ang tiwala sa kanya.
Hindi ko maiwasang maalala ang panahon na siya'y muling nagbalik sa Emperyo ng Parsua Sartorias, na hindi man lang nag-alangan si Dastan itigil ang kanyang ilang taong pagpapanggap na ordinaryong manlalakbay lamang sa harap ng napakaraming madla upang mabuhat lamang at masigurong nasa kanyang mga bisig si Alanis na punung-puno noon ng malalalim na sugat.
Sa mismong harapan ko...
Sinabi man sa akin nina Claret at ng iba pang mga babae sa Parsua Sartorias na walang babaeng totoong minahal si Dastan, mula kay Elizabeth, Rosemary at maging kay Alanis... hanggang ngayon ay nagdadalawang-isip pa rin ako.
Ang kanyang ama, ang magiting na hari sa kasaysayan ng Parsua Sartorias na si Haring Thaddeus ay nagawang umibig sa babaeng hindi itinakda sa kanya, at ang dugong nananalaytay sa kanyang dumadaloy rin kay Dastan.
Saan ako kakapit? Saan pa ako hahanap ng ikapapanatag ng loob ko na hindi tuluyang nahulog ang puso ni Dastan kay Alanis?
Si Alanis na maging ang pihikang puso ng kanyang mga kapatid at maging si Claret na marunong magbasa ng kalooban ay panatag ang loob sa kanya...
Kung hindi man ako ang nakikita ni Dastan habang ginagawa nila iyon... maaaring ang pagmamahal niya kay Alanis ng mga panahong hindi pa namin tuluyang minamarkahan ang isa't isa'y biglang nabuhay...
Buntong-hininga ni Rosh ang siyang umabala sa akin. Akala ko'y muli siyang magsasalita, ngunit naglabas siya ng kakaibang uri ng bulaklak. Hinipan niya iyon sa aking harapan at ang bango niyon ang tumangay sa akin patungo sa kadiliman.
"Sleep well again, Leticia..."
***
Ingay mula sa yabag ng kabayo at umiikot na gulong ng karwahe ang siyang gumising sa akin.
Sinapo ko ang aking noo dahil sa nararamdaman kong pagkahilo. Nang sinubukan kong magmulat, inakala kong si Rosh ang sasalubong sa akin ngunit si Hua na ang siyang nakaharap at mariin nakatitig sa akin.
Natutulog na sa kanyang kandungan si Divina.
"Natutulog ka nang dumating kami. Sinabi ni Rosh na higit mo pang kailangan ng pahinga."
Sumilip ako sa labas ng bintana. "Nasaan na tayo? Kung hindi ako nagkakamali ay dapat ay malapit na tayo sa kubo."
"Another mist, Leticia. Ngayo'y inililigaw tayo ng kagubatan. Kanina pa tayong umiikot at hanggang ngayon ay pilit sinasagot nina Nikos at Rosh ang bugtong."
Dapat sa mga oras na ito'y nagsisimula na akong kumilos at magtungo sa labas upang tulungan sina Nikos at Rosh, ngunit hindi ako mapalagay.
Hindi ko magawang utusan ang sarili kong maging maayos sa mga oras na ito. Si Dastan at Alanis lang ang siyang tumatakbo sa isip ko.
Ano ang ginagawa nila ngayon? Magkasama ba sila? Ano ang reaksyon ng mga Gazellian? Hindi ba nila nalalaman ang nangyayari sa pagitan nilang dalawa? O kaya'y sinasadya iyong ilihin ni Dastan at inakalang walang makakaalam?
Ngunit alam niya ang epekto niyon sa akin... alam kong alam niya.
Hinawakan ko ang kamay ni Hua. "Tulungan mo ako, Hua. Kailangan kong bumalik sa Parsua Sartorias..."
Suminghap si Hua. "N-Ngunit—"
Mas dumiin ang pagkakahawak ko sa kamay niya. "Alam kong may paraan ka... kahit saglit lang..."
"Alam mong mararamdaman nila ang iyong presensiya..."
"Iyon ay kung hindi mo ako ikukubli sa ibang anyo..."
Muling suminghap si Hua. "Higit kang manghihina sa ibang anyo, Leticia. Hindi mo magagawang protektahan ang iyong sarili."
"Hua... parang awa mo na. Kailangan kong makita si Dastan... kailangan ko siyang makausap. Ikamamatay ko kung hindi ako babalik..."
"Ano ang nangyari?"
Mariin lamang akong umiling sa kanya. "Hua, nagmamakaawa ako..."
"What creature?"
"Ibon. Iyon ang siyang pinakamabilis. Pangako, babalik agad ako."
"Papatayin ako nina Nikos at Rosh sa sandaling maramdaman nilang wala ka na sa loob ng karwahe." Nahihirapang sabi niya.
"Ilang minuto lamang akong mawawala, pangako."
Labag man sa kalooban ni Hua, ginamit niya ang kanyang kapangyarihan sa akin, sa isang iglap ay naging isang maliit na ibon ako na nababalutan ng puting balahibo at may natatanging isang balahibong dilaw sa parte ng aking buntot.
Dahil nakarating na si Hua sa Parsua Sartorias at may mga kasamahan siyang langgam doon, madali siyang nakagawa ng maliit na lagusan sa harap ng palasyo ng Parsua Sartorias.
Iyon ang pangunahing kakayahan ng lahi ni Hua kung nais nilang makarating sa isang lugar, ngunit dapat ay minsan nang tumapak ang kanilang mga paa roon, dahilan kung bakit hindi namin magamit ang kanyang kakayahang ito sa aming paglalakbay. Limitado lamang ang naabot ni Hua.
Isa pa, ang lagusan ay maaari lamang sa malilit na mga nilalang.
"Mag-iingat ka, Leticia..."
Dahil wala na akong kakayahang sumagot, ibinuka ko na lamang ang aking pakpak bago mabilis na tumawid sa lagusan.
Hindi na ako nag-aksaya ng oras, ang aking mga mata'y sa iisang direksyon lamang patungo at iyon ay sa silid ni Dastan.
Kahit nasa kaanyuan ako ng ibon, ramdam na ramdam ko pa rin ang matinding kaba sa dibdib ko at takot sa maaari kong malaman o makita.
Lumapag ako sa may bintana ng kanyang silid o sa sarili naming silid... ang silid na bumuo ng matatamis at mapait naming memorya. Tila daang taon na ang lumipas nang huli akong tumapak dito.
Gamit ang kaanyuan ko bilang isang ibon, sinubukan kong silipin ang siyang nasa loob ng silid, at doon ay pinagsisihan kong muli akong bumalik sa palasyo ng Parsua Sartorias.
Sila'y nasa silid... sa silid na dati'y ako lamang ang nakakatapak.
Nakaupo sa kanyang malaking lamesa si Dastan habang nakatayo sa tabi niya si Alanis na nakasilip sa mapang kapwa nila pinagmamasdan. Ako ang siyang dapat nasa tabi niya... ako lamang ang dapat hinahayaan niyang tumabi sa kanya sa tuwing nakaupo siya bilang hari, ngunit bakit, Dastan?
Lumuluha ang ibon na siyang nagkukubli ng aking kaanyuan.
Marahang minamasahe ni Dastan ang kanyang noo na tila hindi na niya magawang intindihin ang mga nakaguhit sa mapang kanyang pinagmamasdan.
"Dastan... mas mabuting ika'y magpahinga na. Maiwan na muna kita..." ani ni Alanis.
Habang lumuluha akong nanunuod at nakikinig sa kanila, hindi ko na napansin ang ibon na ngayo'y lumapag din sa may bintana.
Sa ibang pagkakataon ay hahangaan ko ang ganda nito, ngunit mas namamayani ang sakit na nararamdaman ko.
Aalis na sana si Alanis nang mag-angat nang tingin sa kanya si Dastan at hawakan ang kanyang palapulsuhan. "A-Alanis... I need you tonight, again..."
Tila daang palaso ang siyang tumama sa dibdib ko.
Umaasa akong baka nagkamali lang ako at humihiling na sa bawat lipad ko'y panlilinlang lamang ang aking nakikita.
Ngunit sariling mga labi ni Dastana ng nagkumpirma ng kataksilan.
Marahas na nabuksan ang pintuan ng silid ni Dastan, iniluwa niyon si Kalla na hindi agad sa dalawa nagtungo ang mga mata kundi sa may bintana.
Sa akin...
Wala sa sarili akong lumingon sa ibon na siyang kanina'y katabi ko. Si Kalla ang magandang ibon.
Tila napaso ang kamay ni Dastan sa pagkakahawak kay Alanis at binitawan niya agad iyon.
"K-Kamahalan, paumanhin ngunit nais kong makausap si Alanis."
Agad humarap si Alanis kay Dastan at pormal na yumuko sa kanya. "Magpahinga ka na, Kamahalan..."
Muling sumulyap sa akin si Kalla bago niya hinintay unang makalabas si Alanis, siya mismo ang nagsarado ng pintuan at nag-iwang nag-iisa roon si Dastan.
Dapat ay tumakbo na ako... ngunit hindi ko na talaga kaya.
Akala ko'y matitiis ko pa... pero hindi ko pala talaga kaya. Paano iyon nagawa ni Reyna Talisha?
Siguro'y dahil sa galit ko ay nagamit ko na ang aking kapangyarihan bilang diyosa sa loob ng katawan ng ibon, dahil nabuksan ko ang bintana nang marahas.
Naagaw ang atensyon ni Dastan nang may lumipad na ibon papasok sa kanyang silid.
Hindi ko na hinintay pa ang kapangyarihan ni Hua, dahil ginamit ko ang kapanyarihang mayroon ako upang gayahin ang kanyang kakayahan.
Nagliwanag ang katawan ko.
Sa isang iglap ay humantad ang kahubaran ko sa mga mata ng Hari ng Sartorias, ngunit saglit lang iyon sapagkat ibinalot ko ang sarili ko ng natural kong kasuotan bilang diyosa, kasabay nang saglit na paghawi ng aking mahabang buhok na tila hinipan ng hangin.
Matatalim ang aking mga mata sa kanya.
"L-Leticia... mahal ko..."
"Ayoko na, Dastan."
Nagmamadali siyang lumapit sa akin at nang sandaling abot kamay niya na ako. Sunud-sunod na malalakas at mararahas na sampal ang isinalubong ko sa kanya.
Nagtuluan na ang mga luha ko.
"Pagod na pagod na ako sa 'yo, Dastan! At sa lahat ng mga babaeng nauugnay sa 'yo!"
Natigilan siya sa sinabi ko. "I-I can explain..."
Marahas akong suminghap. "Katulad ng iyong ama?! Dahil may maganda kayong dahilan ay panatag kayong matatanggap namin kayo dahil alam n'yong mga alipin kaming mga diyosa sa pagmamahal namin sa inyo?"
Sinubukan niya akong hawakan ngunit marahas akong umatras.
"Huwag na huwag mo akong hahawakan ng kamay na iyan!"
"Buong akala ko'y maiintindihan mo, Leticia... this is all for you—" halos mapasigaw ako sa sobrang galit.
"Para sa akin?! Sa magiging anak natin?! Ganoon ba?! Ginawa mo dahil alam mong mapapatawad kita? Dahil mahal na mahal na mahal kita..."
Ang ginawa kong pag-atras ay napalitan ng paglapit sa kanya, ngunit ang sampal ay napalitan ng sunud-sunod na hampas sa kanyang dibdib.
"Saan ako nagkulang?! Saan nagkulang kaming mga diyosa? Bakit patuloy n'yo kaming sinasaktan?!"
"Leticia... ikaw lang ang mahal ko at kung anuman ang nangyari sa amin, para iyon sa—" tinakpan ko na ang aking tenga.
"Kasinungalingan! Ayoko na, Dastan! Ayoko na!"
Nararapat siyang maging hari sa mundong ito at handa akong tumulong... ngunit hanggang doon na lamang.
Pagod na ako...
Sawang-sawa na akong mapaugnay sa magulong mundo ng mga Gazellian at sa nakakasakit na paraan ng kanilang pagmamahal.
Siya'y magiging hari at hindi ko na nais kanyang maging reyna.
Marahas kong ibinuka ang aking mga kamay, sabay-sabay nagbuksan ang lahat ng bintana sa silid, pumasok ang hangin na may dalang piraso ng maliliit na dahon.
"W-What are you doing?" naalarmang sabi niya.
"Tapos na tayo, Dastan. Ayoko na."
Nagliwanag ang aking mga mata.
"Sa ngalan ng kapangyarihan ng buwan at sa nakikinig na asul na apoy... tinatawag ko ang sabay n'yong presensiya at bigyang diin ang aking kahilingan." Alam kong hindi ito tatalab kung hindi buo ang loob ko, ngunit ubos na ubos na ako na wala na akong makapang pagdadalawang isip.
Mas lalong naalarma si Dastan. Mabilis siyang nakalapit sa akin at pilit niya akong niyakap. Hanggang sa tuluyang lumuhod ang tinitingalang Hari ng Sartorias habang pilit hinahawakan ang aking dalawang kamay upang patigilin.
"Makinig ka muna sa akin, Leticia... unawain mo muna ako, mahal ko... simula nang umalis ka halos mabaliw na ako, hindi ko na alam ang gagawin ko at si Alanis--" nangatal na naman ang katawan ko nang marinig ang pangalan ng babaeng iyon.
"Itinatanggi na kita, Dastan... nais ko nang putulin ang ating koneksyon..."
Nang sandaling sambitin ko iyon, may enerhiyang naglayo sa aming mga katawan. Tulalang napatitig sa akin si Dastan, sinimulan niyang muling lumapit sa akin ngunit nag-anyong ibon na ako at lumipad papalayo sa kanya.
"Malaya ka nang pumili ng bago mong reyna."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro