Chapter 19
Chapter 19
Utos
Nagpatuloy sa sunud-sunod na pagpatay sindi ang aking mga punyal na nakalutang sa ere.
Sa bawat hakbang nina Rosh, Hua at Nikos papalapit sa amin ni Divina ay sa paghakabang namin paatras.
Mariin pa rin akong nakahawak sa aking braso na halos hindi ko na nararamdaman, ngunit nakikita ko ang patuloy napagdurugo. Maging ang maliliit na butil na akong dugo na siyang pumapatak sa sirang karwahe ay naririnig ko na rin dahil sa tindi ng tensyong namamayani sa mga oras na ito.
"They will attack us, Goddess of the Moon..." naiiyak na sabi ni Divina.
"Pumunta ka sa likuran ko, Divina."
"B-But you're wounded—" nang tuluyang lumingon sa akin si Divina at mas mapagmasdan niya ang kaanyuan ko na halos naliligo na sa sariling dugo, agad gumuhit ang pangamba at takot sa kanyang mga mata.
"You are hurt..."
"Pumunta ka sa likuran ko, Divina." Matigas na sabi ko. Mabilis akong sumulyap sa tatlong lalaki na mabagal na naglalakad patungo sa amin.
"They will hurt—"
"Divina!"
Labag man sa loob kong pagtaasan ng boses ang prinsesa ay wala akong ibang pagpipilian. Gagawin ko ang lahat upang protektahan siya, dahil sa sandaling hindi siya makabalik sa kanyang sariling panahon, mas malaking problema ang mangyayari sa hinaharap.
Sa halip na maayos ko ang lahat, mas lalo kong ginulo kung hahayaan ko na matalo ako ng tulay na ito.
Kahit nasanay ang prinsesa na ibinibigay sa kanya ang lahat ng nagustuhan niya, hindi pa rin hinayaan ng mga Gazellian o ni Claret na lumaki siyang hindi marunong sumunod sa nakatatanda sa kanya.
Nakayukong nagtungo sa likuran ko sa Divina na parang isang paslit na napagalitan.
Huminga ako nang malalim at hinarap ko sina Rosh, Hua at Nikos. Halos hindi ko na magawang igalaw ang mga braso ko upang protektahan ang sarili ko o si Divina, hindi ko alam kung anong klaseng himala pa ang inaasahan ko.
Ubos na ubos na ako.
Ang ilusyong dragon ay nanatiling nasa himpapawid na siyang nagtatago sa buwan. Ang buwan na maaaring magbigay sa akin ng tulong.
Tila alam na alam ng tulay na ito ang kahinaan at kalakasan ko.
Mariin kong kinagat ang mga labi ko. Kung may nasabi man sa akin si Diyosa Neena na panlabas sa tulay na ito, sinigurado ng mga alaalang nagpakita sa akin na wala akong nakuha. Dahil ang alaalang iyon ay pinakita lamang para sa kapakanan ng tulay na ito.
Patuloy sa pag-agos ang aking dugo, pilit kong sinusubukang maglabas muli ng tali o kaya'y pagalawin ang mga natitirang punyal sa paligid ngunit namamatay lang ang mga liwanag niyon sa tuwing sinusubukan kong galawin.
Napapailing na ako sa mga nangyayari.
Habang papalapit silang tatlo, hindi lang si Hua ang siyang naglabas ng kanyang espada, maging si Nikos ay naglabas din na gawa sa asul na apoy at si Rosh na mula pa sa kanyang mga halaman.
Alam kong kahit anong sabihin ko sa kanila ay hindi nila ako maririnig. Dahil ang kanilang sistema ay okupado ng mga temptasyong kanilang minimithi.
"Goddess of the Moon..."
Ramdam ko ang paghawak ni Divina sa laylayan ng kasuotan ko.
"The bridge is bad... they are possessing Divina's friends and her ex-boyfriend..."
Nangangatal na sabi niya habang nakasilip sa likuran ko.
Nag-angat akong muli ng tingin sa dragon. Kailangan ko lang makita ang buwan. Dapat kong tanggalin ang ilusyong dragon na iyon, ngunit may matindi iyong koneksyon sa babaeng ngayo'y nakayakap kay Rosh.
Siguradong kapag umatake ako sa kanya ay magiging mas agresibo sa amin si Rosh.
"My Mama taught me how to heal, Goddess of the Moon. Uncle Caleb helps me secretly, ni-hihiwa niya ang hand niya tapos ni-hi-heal ko." Nang sulyapan ko si Divina ay nasa braso ko na ang kanyang atensyon.
Kapwa nakaharap sa nagdurugo kong mga braso ang dalawang kamay niya habang nagliliwanag ng puti.
Minsan ko nang naranasan ang gamutin ni Claret gamit ang kanyang kapangyarihan kaya pamilyar na ako sa epekto nito, ganoon din ang siyang nararamdaman ko mula kay Divina ngunit sa pinakamabagal na paraan.
Masyado pa siyang bata sa ganitong abilidad.
"While healing you, Goddess of the Moon... let's wait for our help..."
"H-Help?"
"Yes! Uncle Desmond said—" nanlaki ang mga mata niya sa kanyang sinabi at agad niyang tinakpan ang kanyang bibig.
Lumingon siya sa parteng kanan ko na parang may nilalang na nakatayo sa tabi ko.
"S-Sorry, Uncle Desmond. I slipped my tongue again."
Sa kabila ng panghihina ko at kaba dahil sa anumang atake na maaaring ibigay sa akin nina Rosh, Nikos at Hua, hindi ko mapigilan ang kilabutan sa sinasabi ni Divina.
Ganitong-ganito rin ang pakiramdam ko sa tuwing kinakausap niya si Haring Thaddeus na siya lamang ang nakakakita!
Pamilyar na ako sa pangalang iyon. Ikinuwento sa akin ni Lily ang lahat ng tungkol sa kanilang mga Gazellian. Si Desmond ang anak ni Haring Thaddeus mula kay Danna na ilang taon nang namayapa.
Ibinalik ni Divina ang atensyon sa paggagamot sa akin. "I am not sutil! I am not sutil!"
"N-Narito siya?"
Tumango si Divina. "He's right beside you! I called him. Sabi niya stop calling him but we need help..."
Inilabas ni Divina ang kanyang dila na parang inaasar niya iyong nasa tabi ko. "Uncle Desmond can't resist me. He loves Divina... look at my eyes, Goddess of the Moon... it's our connection. He gave these beautiful eyes to me."
Muling ibinalik ni Divina ang atensyon niya sa tabi ko. "Love love, Uncle Desmond..."
Akala ko'y hindi ako magkakaroon ng pagkakataong maramdaman o marinig ang presensiya ng prinsipeng kanyang kinakausap, pero nang sandaling muling kumurap ang isa sa punyal ko sa kanang bahagi ng tulay saglit akong tila namalikmata.
Ang prinsipe na siyang naririnig ko lang sa mga kwento at saglit na gumuhit sa aking mga mata. Nakakrus ang kanyang mga braso at umiiling na nakangisi. "Sutil..."
Ang kanyang pagngiti ay tila nabitin sa ere nang mapansin niyang ang aking mga mata'y nakatuon sa kanya. Saglit kaming nagkatitigan bago siya tuluyang naglaho.
"P-Paanong—"
Hindi ko na natuloy ang katanungan ko. Nang nasa Sartorias pa lamang ako, sinabi na sa akin ni Claret ang kakayahan ni Divina. Ang munting prinsesa ang tanging bampira na may kakayahang makipag-usap sa mga namatay na. Dahilan kung bakit malaya niyang nakakausap si Haring Thaddeus.
"Goddess of the Moon!"
Agad akong napatingin sa unahan, nanlaki ang mga mata ko nang sabay-sabay nang umaatake si Nikos, Hua at Rosh patungo sa akin. Nawala sila sa lupa at tumalon sila nang mataas.
"Sa ere!"
Nag-angat ako ng tingin sa taas at inangat ko ang isang braso ko upang tumawag muli ng mga punyal. Ngunit bago pa man magawang makaharang ng aking mga punyal ay makapal na buhangin ang nagprotekta sa amin.
Alam kong maaaring makausap ni Divina ang mga patay na, ngunit paanong nagagamit pa rin ni Desmond ang kanyang kapangyarihan gayong siya'y hindi nabubuhay sa mundong ito?
"P-Paanong—" tila nahimigan ni Divina ang pagtataka ko.
"Because of my eyes! Uncle Desmond's connection in this living world is my eye."
Patuloy sa pag-atake sa iba't ibang direksyon ang tatlong lalaki habang panay ang pagprotekta sa amin ng mga buhangin ni Desmond.
Ang panggagamot ni Divina sa akin ay hindi pa rin natatapos, ngunit hanggang ngayon ay wala pa rin akong maramdamang matinding pagbabago. Maging ang pagdurugo ko ay hindi pa rin natatapos.
"This will take time, Uncle Desmond..."
Naghintay siya ng ilang segundo bago tumango. Hinayaan ko si Divina sa ginagawa niya habang pinatatakbo ko ang aking isipan.
Sa sandaling bumalik ang kaunti kong lakas, ako na mismo ang haharap kina Rosh, Hua at Nikos.
Habang tumatagal ay nakatatayo ng ako ng maayos, nagagalaw ko na ang ilang daliri ko at mas nagliliwanag na muli ang aking mga punyal. Hindi man tuluyang bumabalik ang aking lakas, malaki nang tulong ang ginagawa sa akin ni Divina.
"Sinong pakialamero ang nanggugulo sa laro ko?!"
Alingawngaw ng tulay. Mas lalong naging aggresibo sina Rosh, Hua at Nikos sa pag-atake sa amin, na halos saktan na rin nila ang kanilang mga sarili upang bigyan lang kami ng pinsala.
"Kailangan ko na silang pigilan... papatayin nila ang kanilang mga sarili... Divina..."
"Not yet, Goddess of the Moon..." nang lumingon muli ako sa batang prinsesa punung-puno na rin siya ng pawis. Ang ilang hibla ng mahaba niyang buhok ay basa na rin na nakadikit na rin sa kanyang mukha.
Ilang beses niyang pinapahid ang kanyang pawis gamit ang kanyang kanang kamay.
Nang tingnan ko ang aking braso, patuloy pa rin ang pagtulo ng aking dugo. Bumabalik na ang lakas ko ngunit ang braso na siyang kanina pang ginagamot ni Divina ay tila walang pagbabago.
"Divina..."
"Divina can do it! Divina can do it! This is for Prince Rosh... you will save him for me. Kahit ni-hurt niya ako..."
Napakabata pa ni Divina pero ang paghanga niya kay Rosh ay walang katumbas. Wala sa sarili akong napatingin kay Rosh, kanyang mga braso ay nagdurugo na rin sa tindi ng bawat hampas na iginagawad niya sa aming proteksyon.
Sinong hindi hahanga sa kanya?
Maaaring nasa kanya na ang magagandang katangian ng isang prinsipeng isinisilang sa mundong ito, ngunit siya'y ay matindi rin kahinaan...
"You will save him for me, right, Goddess of the Moon? Kahit mas love niya sa akin iyong girl na nasa likuran niya..." kinagat niya ang pang-ibabang labi niya na pilit pinipigilan ang kanyang paghikbi.
"I will, Divina..."
"You will save, Grandfather Nikos too! And Hua..."
"I will..."
Tipid akong tumango sa kanya.
Sa gitna ng makakapal na usok, mga punyal na kumukurap ng liwanag sa ere, buhanging tila ulan, tunog ng mga espada at mga aninong may dala ng matinding pagmamahal, sabay nagliwanag ang aming mga mata ni Divina.
Siya'y kulay ng dugo at sa akin ay tila mga ginto.
"We will save them..."
Muli akong humarap sa unahan at malaya ko nang iginalaw ang isa sa aking kamay. Hindi ko na hinayaan na silang tatlo ang magbigay ng atake dahil ang aking mga punyal ay nagsimula na rin maging aggresibo.
Nabawasan ang mararahas na paggalaw ng tatlong lalaki na maaaring sumira sa kanilang mga katawan dahil sa pagsalag at pag-iwas sa aking mga atake.
Mas higit ko silang malalabanan sa sandaling lumipad ako sa himpapawid. At uunahin ko ang dragon na siyang nasa itaas.
Naningkit ang aking mga mata roon.
Anong karapatan ng tulay na itong hindi respetuhin ang sagradong nilalang na iyon? Wala siyang karapatang gawan ng kawangis ang maalamat na nilalang na ito.
"Sutil..." narinig kong muli ang boses ni Desmond.
"A minute, Uncle!"
"Nakikita kita..." usal ko.
Sa pagkakataong iyon ay wala na ang matinding gulat niya nang madiskubre niyang nakikita ko na siya.
Tipid siyang tumango sa akin habang ang isang kamay ay nasa dibdib at ang isa'y nasa likuran. Tipikal na bati ng isang Gazellian.
"Magandang gabi, Diyosa mula sa Buwan."
Ngunit ilang beses pa rin na tila naglalaho ang kanyang katawan. Nakapaywang siyang humarap kina Rosh, Hua at Nikos.
"Hindi ko akalain na mapapasailalim si Rosh sa ganitong klase ng mahika... o maaaring hinayaan niyang mangyari." Ani niya.
Wala sa sarili akong lumingon kay Desmond. Katulad ni Casper ay buhay na buhay ang dugo ni Haring Gazellian sa kanya, malaki rin ang pagkakahawig sa kanya ng hari. "If you're hoping for something... lalo na kung ilang daan o libong taon mo nang hinintay. Minsa'y pipiliin mong mabuhay saglit sa isang ilusyon..." makahulugan niyang sinabi.
Nag-angat ng kamay si Desmond at mas pinatatag niya ang harang sa unahan namin. Muli siyang lumingon kay Divina na nasa aking braso pa rin ang atensyon.
"Sutil..."
"One minute, Uncle Desmond. Please stop calling me sutil!"
Nang sulyapan ko ang aking braso ay patuloy pa rin iyon sa pagdurugo at pagpatak sa parte ng tulay.
"Divina..."
Sasabihin ko pa sana na maaari na niyang hindi ipagpatuloy ang panggagamot dahil makakalaban na ako. Pero tila may kung anong dahilan ang siyang nakapagpatitig sa akin sa bawat butil ng aking dugo na patuloy na pumapatak sa tulay.
Ilang segundo akong natulala roon hanggang sa mapasinghap ako. Wala sa sarili kong sinalubong ang mga mata ni Desmond.
Tumango siya.
Napatulala na ako sa munting prinsesa ng mga Gazellian.
Si Divina'y hindi ako ginagamot. Dahil may inihahalo siya sa aking dugo na ngayo'y patuloy pa rin sa pagpatak at paghalo sa presensiya ng tulay.
"Kahit sutil si Divina... matalino siya... that's why Uncle Desmond loves her so much..." ngumisi si Divina nang marinig niya ang sinabi ng kayang tiyuhin.
Nagsimulang bumilang si Divina.
"Three..."
"Two..."
"One!"
Masigla niyang inihiwalay ang kanyang mga kamay sa akin kasabay nang pagyanig ng kabuuan ng tulay. Natigil sa pag-atake sina Rosh, Hua at Nikos. Umungol ang dragon sa himpapawid, saglit na nahawi ang usok at umalingawngaw ang nanggagalaiting tulay.
Binuhat ni Desmond si Divina habang patuloy sa pagyanig ang tulay.
"Let's welcome, the Goddess of the Moon's army!" sigaw ni Divina.
Umawang ang bibig ko nang iba't ibang nilalang ang nagsulputan mula sa iba't ibang direksyon ng tulay.
"Hindi maaari..." usal ko.
"Divina called them using your blood... it's your army now, Goddess of the Moon."
Ang lahat ng mga nilalang na inialay sa tulay ay unti-unting bumangon at sunud-sunod na tumindig sa panig ko.
Umalingawngaw ang sigaw ng buhay na tulay.
Huminga ako nang malalim. Isang bagay lang ang lubos kong hihilingin at unang iuutos sa mga nilalang na ito.
Ang laban na ito'y hindi lang sa akin, sa tatlong lalaki na ngayo'y humihiling ng pagmamahal, sa Parsua Sartorias... kundi pati na rin sa mga nilalang na isinakripisyo sa tulay na ito.
Marahas kong itinaas ang aking isang kamay na sinundan ng mga liwanag ng punyal.
At malakas kong isinigaw.
"GIBAIN ANG TULAY!"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro