Chapter 14
Chapter 14
Pangako
Ang malakas na halakhak ni Rosh na namayani sa loob ng karwahe ay unti-unti rin nanghina na tila ang dahilan ng kanyang pagtawa ay nagsisimula nang pumasok sa aking isipan.
Marahas siyang lumingon sa akin at tila wala man lang bakas ng pagtawa mula sa kanyang mukha.
"No. Not the princess. Let's look for an alternative way, Leticia." Ilang beses umiling sa akin ni Rosh.
Muntik ko nang makalimutan na labis nga pala ang pagkahumaling ng mga munting prinsesa ng mga Gazellian kay Rosh.
"Ngunit ikaw na rin ang nagsabi sa akin, Rosh, na may mali... may kulang at iyon ay magmumula sa kina Claret at Zen. Si Divina... pareho tayo ng iniisip."
Umiling muli siya. "And what? Isasama natin ang bata sa paglalakbay? This is a dangerous journey, Leticia."
Natahimik ako sa sinabi niya dahil kahit ako ay hindi nanaisin na isama si Divina sa aming paglalakbay.
Sumandal sa kanyang upuan si Rosh, pinakrus ang kanyang mga braso at hita habang mariin nakakagat sa kanyang pang-ibabang labi.
Kunot na kunot ang kanyang noo habang ang kanyang daliri'y paulit-ulit na tumatapik sa kanyang braso.
"But there's no other way... hindi naman natin maaaring pilitin sina Harper, Casper at Caleb na tuntunin ang mga nakatakda sa kanila gayong hindi pa naman nararapat."
"Babalikan natin si Divina sa Parsua? Sa tingin mo ba'y hahayaan nina Claret at Zen na mapasakamay natin ang kanilang anak?"
Halos hindi maipinta ang mukha ni Rosh nang lumingon muli siya sa akin. "Babalikan natin si Divina?"
"Ano ang maaari natin gawin? Dapat ba'y magtungo muna tayo sa kubo ng bulwagan? Paano kung si Divina ang unang susi? Ang pagmamahalan nina Claret ang Zen ang nagsimula ng mahabang bugtong na ito..."
Mariin pumitik si Rosh at minasahe ang kanyang sentido.
"There's a pattern, yes. Claret and Zen... means Divina..." halos sabunutan niya ang kanyang sarili.
"Sasama siya sa 'yo, Rosh."
Marahas siyang napadilat sa akin. "Of course, she will! Ako na lang lagi ang nakikita ng batang iyon. This is Dastan's fault! Oo na lang siya ng oo sa sutil na batang iyon!"
Napangisi ako. "Dahil kahit inosenteng bata'y sa kanilang mga mata'y isa kang makisig at magiting na prinsipe."
Sa unang pagkakataon ay nasaksihan ko siyang hindi nasiyahan sa papuring ibinbigay sa kanya.
Sa tuwing darating siya sa Parsua Sartorias lulan ng puting kabayo o eleganteng karwahe. Malayo pa lang si Rosh sa palasyo ay naglulundagan na sa tuwa sina Divina at Dawn.
"Bakit hindi na lang nag-iwan si Haring Thaddeus ng ibang relikya para kina Claret at Zen? Bakit kailangan ipadaan niya pa sa paslit na iyon?"
Hinayaan ko munang maghimutok si Rosh habang nag-iisip na ako ng paraan upang makalapit kami kay Divina. Masyado nang malayo ang nalakbay namin para bumalik sa Sartorias at sekretong lapitan ang prinsesa, lalo na't siguradong mataas ang seguridad ngayon sa buong palasyo.
"Rosh—" natigil ang anumang sasabihin ko sana nang bigla siyang nagsalita.
"Maaaring sa loob ng kubo ng bulwagan natin malalamin kung saan ang eksaktong lokasyon ng mga relikya. And maybe... Divina will be our compass. Dahil kung siya ang alternatibo ng relikya para kina Zen at Claret, ibig sabihin mararamdaman ni Divina ang natitirang tatlo. Ang bungang nakapreserba sa bote, ang maliit na kahon na may musika at ang kwintas na may luha."
Nanatili akong tahimik at hinayaan ko siyang magpatuloy sa kanyang mga teoriya o kung teorya pa nga ba ang mga ito. Dahil ang bawat konklusyon namin ni Rosh ay nagtutugma-tugma sa mga nangyayari.
"Isa lang ang ibig sabihin nito..." mahinang sabi ko.
"Kailangan natin balikan si Divina, para kilalanin siya ng kubong naglalaman ng bulwagan... kung saan unang nahiwa-hiwalay ang mga relikya."
Kinatok ni Rosh ang bubong ng karwahe bago siya dumungaw sa bintana upang magbigay ng mensahe kina Nikos at Hua.
"Turn around. Kailangan natin bumalik!"
"W-What Why?!" narinig kong sigaw pabalik ni Nikos.
Hindi na nakasagot si Rosh nang hawakan ko ang kasuotan niya. "Ngunit papaano? Sobrang layo na natin, Rosh, at posibleng hindi lang ganoong karaming bampira ang sumalubong sa atin sa pangalawang pagkakataon. Mas mahirap na, lalo na't may kasama tayong bata."
"Tell me how... nalilito na rin ako, Leticia. Hindi ko alam kung paano kukunin ang bata. Should I kidnap her? Zen will kill me! Claret will kill me. Dastan will kill me! Papatayin ako ng buong Gazellian."
"Kung ang punyal ko kaya? Sa tingin mo ba'y matutulungan tayo?"
"Leticia, gusto ko man umasa na may magagawa ang iyong punyal at hindi na kailanganin ang sutil na prinsesa, pero malinaw na malinaw ang nais iparating ng bugtong at ng mga nakaraan na ipinakita sa 'yo ni Haring Thaddeus. Sinadya niyang kaligtaan, sinadya niyang pakaisipin natin ang kulang..."
Hindi minsan pumasok sa isip ko na itatakas namin si Divina mula sa palasyo ng Sartorias.
Kahit ako'y walang salitang masabi kay Rosh.
"We couldn't just return and ask their daughter." Naiiling na sabi ni Rosh.
Imposible ang bagay na iyon. Sa mata ng Parsua Sartorias ay kriminal pa rin ako, isang diyosa na nagtaksil at tinangkang kitilin ang kanilang hari.
Masyadong mahabang proseso pa ang mangyayari bago namin masabi sa kanila ang lahat. Isa pa, ngayo'y kasalukuyan nang abala ang Sartorias sa nalalapit na digmaan na sana'y magawa namin mapigilan matapos ang paglalakbay na ito.
Ang bawat minuto o segundo ay mahalaga...
Tuluyan nang itinigil ni Nikos ang aming karwahe at pinili niya itong ikubli sa isang madilim na parte ng daan, kapwa na rin sila pumasok ni Hua upang malaman ang pinag-uusapan namin ni Rosh.
"What happened? Malapit na tayo." Kunot noong sabi ni Nikos.
"Change of plans." Tipid na sagot ni Rosh.
Dahi nakikita ko na walang balak magpaliwanag si Rosh kina Nikos at Hua, ako na mismo ang nagsimula nito sa kanila.
"Ang layo na natin sa Parsua..." ani ni Hua.
"Ngunit ang mga diyosa'y may kakayahang makapaglakbay sa mabilisang paraan, hindi ba, Leticia?" tanong ni Nikos.
Umiling si Rosh. "Hindi maaaring bumalik si Leticia sa Parsua. Mainit siya sa mata ng napakaraming bampira."
"Sino ang babalik? Ikaw?" tanong ni Hua.
"Who else? Sa tingin n'yo ba ay sasama siya sa inyo?"
Natahimik sina Hua at Nikos sa sinabi ni Rosh, katulad ko'y mariin din silang nag-iisip ng kung anuman ang dapat sabihin.
"Hindi ba magiging mas komplikado ang sitwasyon kung mawawala ang prinsesa sa mga oras na ito? Kasagsagan ng pag-ultaw ng mga naglahong emperyo. Nag-uunahan ang bawat emperyong humanap ng mga kakampi, lahat ay ang atensyon ay nasa papalapit na digmaan. Kung biglang mawawala ang munting prinsesa ng mga Gazellian..." binitin ni Nikos ang kanyang sasabihin.
Mariin akong umiling kay Rosh at agad kong hinawakan ang kamay niya. "Hindi maaari... susugod ang Parsua Sartorias ng wala sa oras. Ang mga naglahong emperyo ang siyang paghihinalaan nila..."
"Maaaring natin kunin ang prinsesa na hindi nila nalalaman? May paraan ba na ganoon?" kahit si Hua ay wala na rin maisip na paraan.
Lahat kami ay kapwa na nakatitig sa kanya. Sa paanong paraan namin makukuha si Divina na hindi mag-uudyok sa mga Gazellian na sumugod sa mga kalabang emperyo?
"Impossible..." usal ni Rosh.
"Ano ang maaari natin gawin? Kung sinasabi n'yo na ang anak ng prinsipe ng nyebe ang siyang unang susi, hindi uusad ang paglalakbay na ito kung hindi natin siya maisasama." Dagdag ni Nikos.
Huminga nang malalim si Rosh. "The time is ticking. We need to settle this as soon as possible."
"Lay the options. And then, we'll try to pick the best one." Mas lalo lamang kumunot ang noo ni Rosh sa sinabi ni Nikos.
"We don't have any options, Nikos. We kidnap the princess."
Nakarinig ako ng pamilyar na salitang naririnig ko sa mga Gazellian kapag naiipit sila sa mahirap na sitwasyon. "Fuck..." bulong ni Rosh sa kanyang sarili.
"Rosh, hindi maaari..." paulit-ulit na sabi ko sa kanya.
"Hindi natin maaaring harapin ang mga Gazellian na hindi mo natatapos ang misyon mo, para saan ito kung ganoon?"
"Ngunit narinig mo naman ang kakahinatnan, hindi ba? Mapapaaga ang digmaan kapag dinukot natin si Divina."
Napahilamos na sa kanyang sarili si Rosh. Kahit ako ay pinanghihinaan na ng loob, bakit kailangang iwan pa ni Haring Thaddeus ang huling presensiya kay Divina?
Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko nang maalala ko ang mga kwento nina Kalla at Naha sa akin. Napayakap akong bigla sa aking sarili nang makaramdam ako ng saglit na panlalamig.
Sa simula pa lang ay may malaking ambag na si Divina sa bawat yugto ng pagmamahalan, paglalakbay at pakikipagsapalaran ng magkakapatid na Gazellian.
"Then tell me what to do... hindi tayo maaaring tumigil dito, Leticia. Hindi maaaring bumalik tayong bigo sa misyong ito."
"Pero nakakatakot ang sugal na ito, Rosh. Si Divina ang pinag-uusapan, ang pinakamamahal na prinsesa ng mga Gazellian... ang prinsesang may malaking gampanin sa buong magkakapatid."
"I know... Divina's too precious to be involved. She's too young, but she's destined to help you, to help us... there must be a way, Leticia."
Namayaning muli ang katahimikan sa pagitan naming apat. Mas lalong bumibigat ang tensyon sa paglipas ng mga minuto, maging ang mabilis na pagtibok ng puso ko'y tila naririnig ko na sa sobrang lakas.
Si Rosh ang unang nag-angat ng tingin at sinalubong niya ang aking mga mata.
"How about..." lahat kami ay lumingon kay Nikos. "We kidnap the princess in other time?"
"We need her presence now, Nikos." Sagot ni Rosh.
Nanatili akong nakatitig kay Nikos. Ganoon din sana ang isasagot ko sa kanya pero tila hindi siya natinag sa isinagot sa kanya ni Rosh.
"I mean... we will kidnap Divina in different timeline. Hindi ang Divina sa panahong ito. Kayong dalawa mismo ni Leticia ang nagsabi na ang presensiya'y nasa loob ng prinsesa. The princess will work even with her different age."
"You mean, someone will travel on time to kidnap the princess?" tanong ni Rosh.
"Indeed."
"Leticia, may kakayahan ka bang maglakbay sa iba't ibang panahon?" nagtatakang tanong ni Rosh.
Umiling ako. Bumalik ang atensyon ni Rosh kay Nikos. "Who—" hindi pa man niya natatapos ang kanyang katanungan ay kapwa na kami napalingon kay Hua.
"I think... I can. Pero limitado lamang ang kakayahan ko sa paglalakbay sa oras." Sagot niya.
"Ang kailangan lang natin ay hiramin saglit ang prinsesa bago ibalik sa sarili niyang panahon."
Muling kumunot ang noo ni Rosh. "Paano kung may magalaw na hindi dapat? It could ruin the entire fate of this world. Hindi n'yo alam ang biro sa sandaling nakipaglaro ka sa oras..."
Bigla kong naalala sina Haring Thaddeus at Danna.
"Kaya sa lalong madaling panahon ay kailangan natin ibalik ang prinsesa." Muling sabi ni Nikos.
"Sa anong panahon?"
"Sa walang digmaan." Sagot ko.
"Susubukan ko." Ani ni Hua.
Ilang beses nasamid si Rosh. "T-That's it? We don't have plans? Paano kung komplikado ang pangyayaring sumalubong sa atin sa panahong pupuntahan natin?"
"Ang kailangan mo lang gawin, Rosh, ay yayain ang prinsesa na sumama sa 'yo." Sagot sa kanya ni Hua.
"W-Wait! What? Leticia..." lumingon sa akin si Rosh upang humingi ng tulong. Pansin ko ang pagkabalisa niya nang makita niyang nagsisimula nang gamitin ni Hua ang kanyang kapangyarihan.
Alam kong katulad ko'y nagmamadali na rin si Rosh sa paglalakbay na ito, ngunit alam kong wala sa mga balak niya ang dukutin ang prinsesa na siyang pinakainiiwasan niya.
"Ito na lang ang natitirang paraan..."
"I know! Ang ibig ko lang sabihin ay..."
Hindi na nagawang ituloy ni Rosh ang kanyang sasabihin nang kapwa kami hawakan ni Hua. Nakaramdam ako ng saglit na pagkahilo at pag-ikot ng mundo, pag-iinit sa pakiramdam at saglit na tila mauubusan ng paghinga, hanggang sa idilat ko na ang aking mga mata.
Sa lugar na hindi pamilyar sa akin. Hinanap ng aking mga mata sina Hua at Nikos, ngunit wala na ang mga ito. Tanging si Rosh lang at ako ang kasalukuyang nasa loob ng isang aklatan habang nakatanaw sa nagsasalitang prinsesa habang inosenteng gumuguhit sa isang malaking papel.
Nagagawa pang kumanta ni Divina habang iginagalaw ang kanyang ulo. Ang kanyang gintong saya tila nakalobo sa sahig dahil sa paraan ng kanyang pagkakaupo.
"Where is this place? Ano ang ginagawa ni Divina rito? Wala ito sa Parsua." Ani ni Rosh.
Hindi ako tumawid sa tila tubig na lagusan at hinayaan kong si Rosh ang lumabas doon habang patungo kay Divina.
"Divina..."
Natigil sa paghuni si Divina at pagguhit sa kanyang papel nang marinig niya ang pamilyar na boses ni Rosh. Nang makalapit na sa kanya ang prinsipe at lumingon si Divina sa kanya, bumaha ng luha ang batang prinsesa.
"You're here to save me again!"
Bago pa man tuluyang nakatayo si Divina ay mabilis na siyang binuhat ni Rosh dahil sa hindi inaasahang atake na muntik nang tumama sa kanila.
"Who are you?!" sigaw ni Rosh sa aninong nagmumula sa pintuan na kasalukuyan nang sira.
"R-Rosh!" tawag ko sa kanya.
Hindi na siya maaaring makipag-usap o gumawa ng interaksyon sa mga nilalang sa panahong ito.
Gusto pa sanang labanan ni Rosh ang umatake sa kanila ngunit wala siyang ibang pinagpilian kundi tumakbo patungo sa akin habang buhat si Divina.
Ngunit bago pa man tuluyang makapasok sa lagusan si Rosh, malakas na pagkasira sa bintana ang siyang nasaksihan ko.
"Ibalik mo sa akin si Divina!"
Apat na batang lalaking bampira ang sapilitang pumasok na may dala ng kani-kanilang espada. At ang isa sa kanila'y nakasalubong ang aking mga mata.
Pamilyar iyon...
Bago pa man lumingon sa kanila si Rosh, kapwa ko sila hinila ni Divina sa mundong ang papalapit na digmaan, ang mga diyosa at ang misteryo sa kweba ang siyang aming pinakamahigpit na kalaban.
Sa labas na karwahe bumagsak ang aming mga katawan. Si Rosh ang siyang nagsilbing alalay sa amin ni Divina upang hindi kami masaktan.
Mabibigat ang paghinga namin ni Rosh habang kapwa kami nakasalampak sa lupa, si Divina'y nanatiling pabalik-balik ang mga mata sa amin.
"Prince Rosh, this is not Divina's time, right?"
Bumuntong hininga si Rosh. Kahit ako'y hindi na rin nagulat.
"Wise princess. Yes." Naglabas siya ng rosas at inabot niya iyon kay Divina. "Can you help me?"
Pinagkrus ni Divina ang kanyang mga braso. "You should promise to marry me when I grow up..."
"We can't. I am older than you. But..." inilapit ni Rosh ang kanyang sarili kay Divina at bumulong siya sa tenga ng munting prinsesa.
"When I got a son... he will be yours..."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro